Chapter 50
"Sigurado ka na talaga?" Tanong ni Yanna sa akin habang tinutulungan akung mag-impake ng gamit.
"Oo, kailangan kasi. Ilang araw ko na ba iniiwasan si Laurent. Araw-araw na lang pumupunta si Laurent dito. Hindi talaga iyon titigil hanggang nandito ako," paliwanag ko dito. Mas mabuti nandoon ako sa amin, magsimula ng panibagong buhay. Kung mananatili pa kasi ako dito baka hindi ko na mapigilan pa aking sarili at bumalik kay Laurent.
Hindi ko na rin kayang makita si Laurent kung gaano ito nasaktan sa ginawa ko. Kailangan ko lumayo para naman sa sarili ko at sa kanya. Ito ang kailangan namin.
Naisip ko kung nandoon na ako sa amin mas madali namin kalimutan ang isa't-isa. Matagal na panahon na rin akung nalayo sa aking pamilya, mas mabuti kung doon na lang ako maghanap ng trabaho. Nagulat ako ng biglang yumakap si Yanna sa akin.
"Hindi ka na talaga mapipigilan, mag-iingat ka doon." Tinapik ko si Yanna.
"Tama na iyan, baka mag-iyakan pa tayo dito. Kailangan ko na itong tapusin dahil maaga ang flight ko bukas."
"Teka kay doki 'tong mga damit, dadalhin mo ba ito?" Tanong nito nang mapansin ang ilang gamit ni Laurent sa closet ko. Tumango lang ako at kinuha ito para ilagay ko sa maleta. "Iwan mo na lang d'yan. Ibabalik ko na lang kapag pumunta dito."
Umiling lang ako, "Kahit ito na lang, Yanna. Ito na lang nagsisilbing alaala ko sa kanya." Malungkot na sabi ko sabay yakap sa gamit ni Laurent. Miss na miss ko na siya. Gusto ko na siya mayakap.
"Pero mahihirapan kang mag-move on n'yan kapag nakikita mo 'yan." Nag-alalang sabi nito.
"Habang buhay ko na yata dadalhin itong sakit nararamdaman ko. Mahirap kalimutan si Laurent o masasabi kung hindi ko talaga siya malilimutan. Bumabangon na lang ako, Yanna, hindi para sa sarili ko kung hindi para sa pamilya ko. Kaya mas mabuting nandoon ako." Mabilis kung pinunasan ang aking luha at ngumiti kay Yanna. kahit papaano ay magkakaroon ako nang lakas kapag kasama ko aking pamilya.
"Huwag ka nang ngumiti, ang pangit tingnan. Iba sinasabi ng mga mata mo." Niyakap lang ako ni Yanna. Nang naka-uwi na si Kystal ay nanood lang kami nang-movie, huling bonding namin bago ako umuwi.
Maaga naman ako hinatid ni Yanna at Kystal sa airport. Para kaming tanga nag-iiyakan sa airport. Akala mo hindi na kami magkikita.
"Mag-iingat ka doon, tumawag ka kapag nakarating ka na." Umiiyak na sabi ni Yanna.
Pinunasan ko ang aking luha. "Tama na itong drama, magkikita pa naman tayo." Niyakap ko sila nang napakahigpit. "Iyong paki-usap ko, huwag n'yo sabihin kay Laurent nasaan ako."
"Oo naman, huwag ka mag-alala."
"Pakisabi na rin kay Hanz ant Kiefer na pasensya na, dahil hindi na ako nakapagpaalam sa kanila." Nang tinawag na kami ay nagpaalam na ako sa kanila. Kumaway na lang ako bago ako tuluyan nalumakad.
Pagdating ko sa aming lugar ay sobrang nagulat si nanay nang makita ako. Hindi niya akalain na-uuwi ako. Tinulungan naman niya ako ipasok ang mga gamit ko sa loob ng bahay. Nang makita ako ng aking kapatid ay agad ako nitong niyakap.
"Biglaan yata pag-uwi mo anak." Nagtatakang tanong ni nanay sa akin.
"Hindi na ako babalik sa Maynila, nay."
"May nangyari ba doon?" Nag-alalang sabi ni nanay at lumapit ito sa akin.
"Wala na kasi akong trabaho. Kaya naisipan ko dito na lang maghanap upang mapalapit sa inyo." Pilit ko pinapasigla ang boses ko.
"Pinag-alala mo naman ako. Kung trabaho lang marami dito, sigurado ako pag-aagawan ka ng school. Ang galing mo kaya. kahit hindi gaano kalaki ang sahod ay okay lang anak, ang importante nandito ka na." Napangiti ako sa sinabi ni nanay, talagang malaki ang tiwala nito sa akin.
"Mag-apply ka na rin sa public school, nak. Iyong mga kaklase mo noon, nagtuturo na d'yan sa may unahan. Nakita ko noong isang araw."
"Oo, nay.. iyon din ang plano ko."
"Mabuti naman at naisipan mo na iyan. Ang layo ng Maynila, wala kami doon. Magpahinga ka muna sa kwarto mo. Tatawagin lang kita kapag nakapagluto na ako." Tinulungan naman ako ng aking kapatid na i-akyat ang mga gamit.
"Salamat, d'yan muna lang ilagay." Turo ko sa may gilid at agad nahiga sa kama. Sobrang napagod ako sa aking biyahe.
"Maiwan na kita, ate.." Narinig ko na lang ang pag-lock ng pinto. Pinikit ko ang aking mata at agad nakatulog. Nagising ako nang marinig ang boses ni nanay. Sabay na kami bumaba ni nanay. Agad ko nakita si tatay at ang kapatid ko naghihintay sa amin para kumain. Masaya kaming nag-uusap habang kumakain. Natuwa sila dahil sa plano ko dito na magtrabaho. Pagkatapos namin kumain ay tinulungan ko si nanay sa paghuhugas ng plato.
Nagpahangin lang kami sa labas, nakatingin ako sa mga tanim na bulaklak ni nanay. Nang hapon na ay sinamahan ko si nanay na mamalengke. Bumili kami ng mga kailangan namin sa bahay at bumili na rin ako ng ilang gamit na kailangan ko. Pagdating namin sa bahay ay naghanda na naman kami para hapunan namin.
Matapos ko kumain ay umakyat na ako sa king kwarto kasi inaantok na ako. Humiga na ako sa kama at inabot ko muna aking cellphone nang tumunog ito. Alam kung si Yanna nag-text sa akin. Silang dalawa lang kasi nakaka-alam sa bago kung number. Nagpalit na ako bago ako bumalik rito upang hindi na makontak ni Laurent. Gumawa din ako ng bagong account sa facebook, iniba ko ang aking pangalan at deactive na iyong dati kung account.
"Kumusta buhay d'yan?" Bungad ni Yanna nang sagutin ko ang kanyang video call. Katabi niya si Kystal nakumakain ng pop corn.
"Okay naman, bukas maghahanap na ako ng trabaho." Kwento ko sa kanila.
"Wait, muntik ko na makalimutan. Pumunta pala si doki dito kanina, hindi na siya lasing pero mukhang napa-away yata iyon dahil madaming pasa sa mukha." Nagulat naman ako sa sinabi ni Yanna, hindi ko tuloy maiwasan na mag-alala sa kanya dahil sa nalaman ko. "Aray ko, Kys..ha.." Inis na sabi ni Yanna nang batukan siya ni Kystal.
"Bibig mo kasi, bakit mo kasi sinabi. Magmo-move pa iyong tao..uhh.. Tingnan mo mukha n'yan."
"Ayyy..sorry, Leign." Nag-peace sign lang si Yanna.
"Okay lang," nakangiting sabi ko, hindi ko na lang pinahalata sa kanila na nag-alala ako.
"Change topic na lang tayo.. Para masaya," sabi ni Yanna.
Kahit saan na umabot ang usapan namin pero panay lang oo at tango ang sagot ko sa kanila. Ang nasa isip ko talaga ay kung ano nangyari kay Laurent. Bakit siya napapa-away, ano na ba pinaggagawa niya sa kanyang buhay. Natapos ang pag-uusap namin pero hindi pa rin mawala sa aking isipan ang sinabi ni Yanna.
Bakit mo naman pinapabayaan sarili mo?
Napabuntong hininga na lang ako at napatingin sa may kisame habang yakap ang bigay na-stuffed toys ni Laurent. Hindi ako makatulog dahil sa kaiisip kay Laurent. Kaya paggising ko kinabukasan ay sobrang tamlay ko.
"Anak, hindi ka ba nakatulog?" Nag-alalang sabi ni nanay sa akin. "May problema ba? Kaya hindi ka makatulog?" Umiling lang ako, ayaw ko na mag-alala si nanay. Hindi pa rin ako handa sabihin sa kanila ang totoo.
Lumapit ako dito at niyakap ito. "Wala nay, hmmm kain na tayo, nay.." Tinawag ko naman si tatay at iyong kapatid ko nasa labas.
Pagkatapos namin kumain ay naligo na ako at naghanda para sa job hunting ko ngayon. Sana makahanap na talaga ako ng trabaho. Kailangan ko pa bayaran si Yanna at Kystal sa mga na-utang ko. Nadagdagan pa naman 'yon noong umuwi ako dito dahil wala na talaga akong pera.
Unang kung school pinutahan ay pinapabalik na ako bukas upang magturo. Kailangan kasi nila talaga nang-teacher. Hindi man gaano kalaki ang sweldo tulad sa dati kung school. Pero sobrang saya ko na talaga at sa susunod na taon ay mag-apply na ako para sa public school.
May nadaanan akong street foods kaya agad nabumili ako dahil sobrang natakam ako. Naglakad na rin ako pauwi habang kinakain iyong nabili ko. Pero nang makita ako ni tatay ay nakasakay na ako sa motor nito. Sinalubong naman ako agad ni nanay nang maka-uwi ako.
"Magsisimula na ako bukas." Tuwang-tuwa na sabi ko kay nanay. Nagtatalon naman si nanay dahil sobrang tuwa.
"Sabi ko naman sa iyo. Ang galing mo kaya, mana ka sa akin," masayang sabi ni nanay..
"Uyy,, baka nakalimutan mo ako din tatay n'yan." Nagtawanan na lang kami hanggang sa dumating ang kapatid ko galing sa school. Tinulungan ko si nanay na magluto habang nasa labas si tatay nagsisibak ng kahoy kasama ang kapatid ko.
Kinabuksan maaga ako nagising dahil masama ang aking pakiramdam. Kanina pa ako nagsusuka at sobrang nanghihina na ako. "Anak, ano nangyari sa iyo? Sobrang putla mo?"
"Kanina pa po ako nagsusuka," mahinang sabi ko.
"Ano ba kinain mo?"
"Wala naman, nay. Maliban sa street foods doon sa plaza." Binigyan ako ni nanay nqng mainit na tubig.
"Naku naman bata ka, alam mo naman noon nagkaganyan ka rin dahil sa kinain mo na fish ball. Alam mo naman na sobrang sensitibo ng t'yan mo sa ganyan."
"Anong nangyari d'yan." Tanong ni tatay nqng makita ako.
"Naku, kumain kasi iyang anak mo ng street foods kahapon baka 'yan dahilan kaya nagsusuka," sabi ni nanay kay tatay.
"Magpa-check up na tayo." Nag-alalang sabi ni tatay.
"Medyo okay na ako, tay. Kailangan ko na pumasok sa trabaho." Huminga ako nang malalim.
"Huwag ka na lang kaya pumasok. Masama pakiramdam mo." Pigil ni nanay sa akin.
"Nay, okay lang ako." Tumayo na ako at nagpa-alam sa kanila. Naligo na ako, pagkatapos ay naghanda na. Matapos ko kumain ay hinatid na ako ni tatay sa school kung saan ako magtatrabaho. Mabuti na lang talaga at naging okay na iyong pakiramdam ko.
Hindi naman ako nahirapan mag-adjust dahil sobrang napakabait ng mga kasamahan ko sa trabaho at sobrang napakabait ng mga bata na tinuturuan ko. Kaya natapos ang araw ko ng hindi naman ako masyadong napagod. Sinundo rin ako ni tatay kaya hindi ako masyado nahirapan pag-uwi. Pagdating ko sa bahay ay pinagpahinga ako ni mama at hindi na ako pinatulong sa pagluluto.
Umakyat na lang ako sa taas at kina-usap mga kaibigan ko. Sinabi ko sa kanila na may trabaho na ako at tuwang-tuwa naman sila sa kanilang nalaman. Kahit ako sobrang saya ko dahil makakapagsimula na ako. Kahit mahirap dahil paminsan-minsan hindi ako makatulog sa tuwing naalala ko si Laurent. Pero kailangan ko bumangon para sa pamilya ko.
"Kumusta ka na d'yan? Tumaba ka yata, Leign." Napatingin naman ako sa aking mukha, ito talaga si Yanna kahit ano napapansin.
"Hindi naman, ikaw talaga." Inirapan ko ito.
"Tumaba ka talaga pero baka sa cellphone lang. Alam mo kahapon dinala ako ni Hanz sa isang party, akalain mo engagement party pala iyon." Kwento ni Yanna.
"Kasamahan natin sa work?" tanong ko dito habang abala sa pagc-check ng mga activity ng bata.
"Hindi,hmmm.." Parang nagdadalawang isip ito. 'K-Kasi sa ex-boyfriend mo yun. Kahit ako nagulat. Araay ko.." Sinabunutan kasi ito ni Kystal.
"Bakit mo pa sinabi.." Binatukan nito si Yanna.. "Hindi talaga mapigilan iyang bibig mo."
"Halaka, Leign. I'm sorry.." Natarantang sabi nito sabay batok sa sarili.
"It's okay.." Nakangiting sabi ko, ayaw ko naman makonsensya pa ito. Tiningnan ito nang masama ni Kystal. "Okay lang, Kys. Hayaan muna, wala naman akong problema tungkol d'yan." Iniba agad ni Yanna ang usapan namin, hindi naman ako nagpahalata na nasaktan ako sa aking nalaman.
Noong hiniwalayan ko siya ay alam kung d'yan din ang patutunguhan niya. Iyon ang gusto sa magulang ni Laurent. Tapos ako lang naman ang hadlang kaya hindi magawa ni Laurent ang gusto ng magulang niya. Sinubsob ko na lang sa trabaho ang aking sarili upang makalimot ito. Kung wala naman akong gagawin ay tinutulungan ko si nanay sa gawaing bahay.
"Ate, bumaba ka d'yan. Baka mahulog ka." Sigaw ng kapatid ko. Pero hindi ko ito pinakinggan, inabot ko ang bunga ng bayabas saka nilagay sa aking bulsa. Nang mapuno na aking bulsa ay bumaba ako, inalayan naman ako ng kapatid ko. "Sinabi muna lang sana na gusto mo kumain n'yan. Ang bigat mo na kaya, ate. Baka mabali ang sanga at mahulog ka." Piningot ko ang tenga nito kaya namimilipit ito sa sakit.
"Sinabi mo ba mabigat ako, aba.."
"Ate naman..." Nakasimangot na sabi nito.
"Ano nangyari dito." Tumakbo naman agad ang aking kapatid sa likod ni nanay.
"Si ate, nay. Sinabihan ko lang naman siya na huwag umakyat sa bayabas baka mahulog." Sumbong nito kay nanay, kaya tiningnan ko ito nang masama.
"Ikaw talaga, Leign. Tama naman iyang kapatid mo, baka mapaano ka. Sinungkit mo na lang sana."
"Mas maganda kung kukunin siya kasi hindi siya mahuhulog sa lupa. Hayaan n'yo, nay, wala naman nangyari sa akin." Umikot pa ako upang ipakita ni nanay saka naglakad. Tumakbo pa iyong kapatid ko dahil sa takot na makurot ko ulit.
Nagpunta na ako sa may kusina at naghanap ng ketchup saka nagpunta sa may duyan kasi maganda doon napaka-sariwa ng hangin dahil sa malalaki na puno. Habang kinakain ko iyong bayabas ay biglang tumunog aking cellphone. Sinagot ko naman agad ang video call, nakita ko agad si Yanna at Kystal na kumakain sa Jollibee.
Ka-miss naman kumain n'yan. Na-miss ko tuloy silang kasama.
"Nilibre ako ni Kystal. Wala ka na kasi kaya siya na lang kinulit ko hanggang sa napapayag," sabi ni Yanna.
"Kainis, ayaw ako patulugin. Kanina pa ako ginigulo dahil sa burger niya." Nakasimangot nasabi ni Kystal kaya natawa na lang ako sa dalawa. "Sinabi ko kay Hanz siya mangulit pero nahihiya raw siya. May hiya pa pala ito." Kinurot naman siya ni Yanna kaya pinitik nito ang noo bilang ganti. Natawa na lang ako sa kanilang dalawa, miss ko na talaga sila. Iyong kulitan naming tatlo.
"Ang laki nang-sweldo mo tapos hindi ka nanglilibre. Ang damot mo naman."
"Ano tawag n'yan, aber?"
"Kaya nga, thank you. Your my hero, sa panahon ng tag-gutom." Natatawang sabi nito. "Uyy, ano iyang kinakain mo?" Tanong nito sa akin.
"Bayabas.." sagot ko dito.
"Bakit may pula?" nagtatakang tanong nito sa akin.
"Ketchup 'yan, masarap kaya kapag lagyan mo nito." Bigla naman pumangit ang hitsura ni Yanna, parang nandidiri ito. Kaya tiningnan ko siya nang masama. "Problema mo?" tanong ko dito.
"Ang weird nang kinakain mo, asin dapat 'yan," sabi nito.
"Mas masarap naman kasi kung ketchup."
"Para kang buntis naglilihi," sabi ni Yanna sabay subo sa fries. Napatigil naman ako sa sinabi ni Yanna, bigla akong kinabahan dahil sa kanyang sinabi. "Tulala ka? Joke lang naman." Pero parang wala akong narinig sa sinabi ni Yanna. Nakatingin lang ako sa camera.
Nagsimula na akong kinabahan nang biglang maalala na hanggang ngayon ay hindi pa ako nagka-period. Akala ko lang kasi stress kaya hindi ako nagkaroon noong nasa Maynila ako.
"Hoy, Leign, nand'yan ka pa ba?" Malakas na sabi nito.
"O-Oo.." Nauutal na sabi ko.
"Bakit parang wala ka sarili mo? Oh my, huwag mo sabihin nabuntis ka." Napatili ito kaya nabatukan ni Kystal.
"Hindi ko alam." Kinakabahan na sabi ko dito.
"So may nangyari nga? Oh my, paano kung buntis ka tapos..." Nagpa-panic na si Yanna.
"Manahimik ka, Yanna. Pinagtitinginan natayo ng tao." Awat ni Kystal. "Leign, kumalma ka. Huwag ka magpahawa kay Yanna na sobrang paranoid."
"Anong paranoid?" Hinila nito ang buhok ni Kystal kaya tiningnan ito nang nakakamatay na tingin.
"Manahimik ka hindi ka nakakatulong. Bumili ka muna ng pregnancy test para malaman natin. Nandaan mo, huwag mag-panic." Kalmadong sabi ni Kystal.
"Expert?"
"Yanna.." Banta nito..
"Sorry.." Nag-peace sign ito.
"Gawin mo 'yan, Leign, para makasigurado tayo." Tumango lang kami. Bago natapos usapan namin pinapalakas muna nila ang aking loob. Habang ako sobrang kinakabahan na. Paano kung nagbunga iyong nangyari sa amin ni Laurent. Ano gagawin ko. Gulong-gulo na aking isipan.
Huwag naman sana. Pagod na ako sa mga problema ko.
Nagmamadali akong pumasok sa bahay, nagtaka pa si nanay sa aking kinikilos. Nagsuot ako ng jacket at kinuha ang wallet ko bago ako lumabas sa bahay at nagpunta sa botika. Pag-uwi ko sa bahay ay sinunod ko agad ang sinabi sa instructions. Nanginginig pa ang kamay ko dahil sa sobrang kaba.
Nakapikit ako, hindi ko matingnan ang resulta. Sobrang lakas ng tibok ng aking puso. Maraming pumasok sa aking isipan, mga katanungan kung ano gagawin ko kung buntis ako. Dahan-dahan ko minulat aking mata at tiningnan ang resulta. Nahugot ko aking hininga at napatulo ang aking luha.
"Positive..."
-----
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top