Chapter 49
Nandito ako sa café naghihintay na dumating si Everey. Kaninang umaga ay nakatanggap ako nang-text galing sa kanya at gusto ako nito maka-usap. Napatingin ako sa aking relo at ilang minuto nakalipas pero wala akong makita na Everey dumating. Baka hindi na iyon dadating. Tatayo na sana ako nang makita ang kanina ko pa hinihintay.
"I'm sorry, may emergency lang kasi kaya medyo natagalan ako," sabi nito sabay upo sa bankanting upuan. "Please take a seat," she said. Kaya bumalik ako nang-upo. "Let's take an order first. What do you want to eat?"
"Huwag ka na mag-abala. Ano ba gusto mo pag-usapan?" Tanong ko dito. Hindi naman kami gaano ka-close para magtagal pa usapan namin.
"Oh! I think you're busy. It is all about Laurent." Her smile faded and was replaced by a calm expression.
"Sasabihan mo rin ba ako na hiwalayan siya." Para siyang nagulat sa aking sinabi pero agad din naman nagbago ang expression ng mukha niya. Ang kanina na parang anghel na hindi makabasag ng pinggan ay naging isang mataray at maldita.
"So hindi lang pala ako gusto sabihin iyan." Nakataas ang kilay na sabi nito.
"Kung bibilangin ay ika-tatlo ka na." Walang gana kung sabi. Halata naman kasi na iyon ang pakay niya. Hindi naming kami close sa isa't-isa para mag-usap kami at magkwentuhan.
"Ohh! I guess, kina-usap ka na ni tito at tita. Bakit hindi mo siya hiniwalayan?" Nagtatakang tanong nito.
"Dahil mahal ko siya at handa ko siyang ipaglaban." Seryosong sagot ko. Kahit hirap na hirap na ako dahil sinusubukan talaga ako ng magulang ni Laurent.
"Wow, I'm amazed. Just let him go. Laurent deserves someone better."
"So, who is that someone? You? Do you believe you're the best choice for Laurent?" I told her without emotion in my face. I truly hate them for questioning my feelings for Laurent and telling me that I don't deserve him and that I'm not the right person for him.
"Looking at you? Laurent needs someone like me. We are a perfect match." Then she rolled her eyes and gave me a judgmental look.
"So, why did you leave him? Why do you keep pushing yourself onto him? You've already split up. Laurent is happy with me. He no longer loves you. So stop doing this."
"He can love me again. So let him go. Don't make him suffer for the sake of your love."
"Paano kung ayaw ko?" Matigas kung sabi dito habang nakatingin sa kanya.
"Pero kaya mo ba makita na tinakwil ng kanyang ama ang taong mahal mo?" Nagulat ako sa kanyang sinabi. Kaya gawin ng ama ni Laurent iyon. "Mukhang nagulat ka. Kaya kita gusto maka-usap. Kagabi nagpunta sa akin si tita, sinabi niya sa akin nagkasagutan na naman si Laurent at si tito. Galit na galit si tito na muntik pa itong atakihin dahil ayaw makinig ni Laurent. Dahil sa pagmamahal na sinasabi mo." Hindi ako makapagsalita dahil sa aking nalaman.
"Alam mo ba na laging nag-aaway si tito at tita dahil kay Laurent. Hindi na rin ito umuuwi sa bahay nila. Hanggang kailan kayo magmamatigas! Ikaw? Kaya mo ba makita na mawala kay Laurent ang kanyang pamilya dahil sa'yo."
"Kung mahal mo talaga siya, pakawalan muna siya. Huwag mo hayaan umabot pa na kailangan mamili ni Laurent sa inyo." Tumayo ito at kinuha ang bag niya. "Thank you for your time. Sana pag-isipan mo." At umalis na ito, naiwan akong nakatulala. Hindi ako makapaniwala sa aking narinig.
Hindi ko alam kung paano ako naka-uwi sa apartment. Nagulat na lang ako nang makita ko nasa harap na pala ako sa apartment. Matamlay akong pumasok sa loob. "Ano nangyari sa iyo? Bakit ang putla mo?"
"Yanna.." Niyakap ko ito at doon na bumuhos ang aking luha. Niyakap akong mahigpit ni Yanna. "Selfish ba ako?" Umiiyak nasabi ko kay Yanna. Umiling lang ito at hinaplos ang aking likuran.
"Hindi, bakit mo iyan naisip. Hindi ka selfish na tao." Hinayaanlang ako ni Yanna na-umiyak hanggang sa namaos at wala na akong ma-iluha.
Kumuha ito ng tubig at pina-inom sa akin. "Ano ba nangyari? Bakit umuwi ka ng ganyan." Pero nakatulala lang ako. "Leign naman eh..Ano ba? Huwag kang ganyan..Naiiyak na ako." Hindi mapakali si Yanna, hinawakan nito ang kamay ko.
"Naka-usap ko ex ni Laurent." Matamlay na sabi ko.
"May ginawa ba sa iyo? Sinaktan ka ba? Saan 'yon nakatira, susugurin ko 'yon." Sunod-sunod na sabi ni Yanna.
"Hindi niya ako sinaktan pero may sinabi siya sa akin," sabi ko dito.
"Sinabi ba niyang hiwalayan si doki? Ang kapal ng mukha. Gusto mo sugurin ko 'yon." Hinawakan ko si Yanna at umiling. Sinabi ko sa kanya ang napag-usapan namin. Kahit si Yanna ay nagulat sa kanyang narinig. "Teka nga, sigurado ka ba? Baka naman gawa-gawa lang iyong ng bruha para ma-agaw niya si doki."
"Seryoso siya, Yanna. Nakikita ko sa kanyang mga mata." Kapag naalala ko na naman ito ay naluluha ako.
"Anong plano mo?" Tanong ni Yanna.
"Hindi ko alam, Yanna." Malakas akong napabuntong hininga.
"Iyong hindi red flag si doki, pero ang pamilya naman niya ang sobrang red flag. Ang hirap kaya ng sitwasyon n'yo. Kayong dalawa ang naghihirapan." Sumandal sa aking balikat si Yanna at niyakap ako. "Kahit anong desisyon mo, nandito lang ako at si Kystal. Hindi ka namin iiwan."
"Thank you," sambit ko dito. Nagpaalam na ako sa kanya na umakyat muna sa taas. Pagdating ko doon ay napahiga ako sa aking kama at tahimik na umiiyak.
Kinabukasan, kahit masama ang aking pakiramdam ay pumunta ako sa condo ni Laurent. Sinabi niyang magkikita kami doon. Para akong walang buhay habang naglalakad papunta sa condo niya. Minsan nabunggo pa ako ng mga dumadaan pero parang wala lang sa akin. Patuloy lang akong naglalakad hanggang sa maka-abot sa elevator.
Pinindot ko ang button papunta sa floor ni Laurent. Nang bumukas ito ay nagtungo na ako sa condo unit ni Laurent. Nag-doorbell ako at bumukas naman ito agad. Bumungad sa akin ang nakangiting Laurent. Napatingin na naman ako nang makita may pasa siya sa mukha. Nang mapansin nito kung saan ako nakatingin ay agad niya akong niyakap. "Pasok ka.." Para akong robot nasumusunod lang sa kanya.
Habang tinitingnan ko siya ay hindi ko mapigilan ang aking luha. Mabilis ko itong pinunasan ng lumingon siya. "May problema ba?"
"Laurent.." Huminga ako nang malalim.
"Galit ka ba? Nasaan na iyong babe." Malambing na sabi nito .
Umiling lang ako sabay hinga na naman ng malalim. "Let's break up." Napapikit ako habang sinasabi iyon. Naikuyom ko ang aking kamay at pinapalakas ang aking sarili na huwag maluha.
Narinig ko ang pagtawa nito sa aking sinabi. "Babe, prank ba 'to?" Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko pero mabilis ko itong inalis kaya napatingin siya sa akin. "Babe..?"
"Maghiwalay na tayo.." Walang buhay na sabi ko sa kanya at pilit pinipigilan ang aking luha. Buong gabi ko din ito pinag-isipan. Ayaw ko naman ako ang dahilan na mawala ang kanyang pamilya. Hindi ko na kailangan siya papiliin, dahil kailangan niyang piliin ang pamilya niya. Kahit ako nasa sitwasyon niya. Kahit mahal na mahal ko siya pero ang pamilya ko pa rin ang pipiliin ko.
"May nagawa ba akong kasalanan, Zach?" Umiling lang ako. "Sabihin mo sa akin, kung bakit bigla ka na lang nakikipaghiwalay?" Nanginginig na ang boses nito habang ako hindi makatingin sa kanya.
Napayuko ako. " Kasi buong akala ko mahal kita, pero hindi pala ganoon ka lalim. Ayaw na kitang saktan pa, kaya mas mabuti pa itigil na natin 'to." Buong lakas kung sabi. Gusto ko na umalis dito baka hindi ko na makayanan at pawiin lahat nang sinabi ko.
"Niloloko mo ba ako? Akala mo maniniwala ako sa iyo. Tinakot ka ba ng pamilya ko." Umiling lang ako. "Aminin muna kasi, Zach." Halata sa boses nito na pilit pinapakalma ang sarili para hindi ako masigawan.
"Totoo lahat nang sinabi ko. Walang kinalaman 'yong magulang mo. Bakit mo nasasabi na may kinalaman sila? Ayaw na kitang saktan, Laurent. Nakokonsensya na ako, pagod na akong magpanggap." Pasigaw na sabi ko sa kanya, nakikita ko sa kanyang mga mata ang sakit. Hayaan mo na lang ako, please.. Umiwas ako ng tingin sa kanyang mga mata, hindi ko kaya na makitang nasasaktan siya. parang pinipiga ang puso ko.
"Akala ko ba mahal mo ako, Zach? Saan ba ako nagkulang. Ginawa ko naman ang lahat para maipakita sa iyo kung gaano kita kamahal." Basag na ang boses nito dahil sa pag-iyak. Nasasaktan akung naririnig ang kanyang paghikbi. Hinawakan ako nito sa braso.
"Bitawan mo ako." Malamig na-utos ko sa kanya.
"Hindi ako naniniwala sa mga sinasabi mo. Ramdam ko na mahal mo ako, Zach." Humihikbing sabi nito, inalis ko ang kanyang kamay nakahawak sa akin. "Tumingin ka sa akin, sabihin mo sa akin na hindi mo ako mahal." Namamaos na sabi nito.
Dahan-dahan akong tumingin sa kanya, mabuti na lang at nasanay ako na-itago ang nararamdaman ko. Tiningnan ko siyang wala ka gana-gana. "Hindi kita mahal, Laurent." Diritsong sabi ko sa kanya. "Aalis na ako." Tinalikuran ko na siya. Nagulat ako nang hawakan niya aking braso. Pero hindi ko pinahalata at hindi ko na siya nilingon.
Pinigilan ko ang aking sarili nalingunin siya. Nahugot ko aking hininga nang yakapin niya ako sa may likuran at buong lakas ko pinipigilan aking sarili na yakapin siya. Kailangan ko na umalis dito dahil hindi ko na kakayanin kapag nagtagal pa ako dito baka bigla na lang ako sumuko at bawiin lahat iyon.. Nababasa na aking damit dahil sa luha niya.
"Happy 1st Anniversary, babe." Para akong binuhusan nang malamig na tubig dahil sa kanyang sinabi. Dahil sa madami kung iniisip, nawala sa aking isipan kung anong araw ngayon. Sa daming araw na pwede ko siya saktan sa anniversary pa talaga namin.
Kumawala ako sa pagkakayakap sa kanya at mabilis na umalis. Tumakbo ako papunta sa elevator. Pagpasok ko sa elevator ay doon na bumuhos ang aking luha na kanina ko pa pinipigilan. Napahawak ako sa aking dibdib, sobrang sakit. Sobrang lakas ng aking iyak, mabuti na lang at walang ibang tao sa elevator.
Kinuha ko aking cellphone at mabilis na tinawagan si Yanna. "Ya-Yanna.." Nauutal na sabi ko sabay hikbi.
"Leign, nasaan ka?" Kinakabahan na tanong nito.
"Hindi ko na kaya." Umiiyak nasabi ko at biglang namatay ang tawag. Napatingin ako sa aking cellphone, na-lowbat na pala ito. Binalik ko na lang sa aking bulsa. Lumabas na ako sa elevator, wala na akong pakialam na pinagtitinginan ako ng mga tao dahil sa hitsura ko ngayon. Patuloy lang ako sa paglalakad. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng aking paa. Ang gusto ko lang ay makalayo sa lugar na ito.
Patuloy lang ako sa paglalakad. Kung minamalas ka naman, nakikisama pa ang panahon sa aking nararamdaman. Bigla na lang bumuhos ang malakas na ulan. Kung ang ibang tao ay nagtatakbuhan upang maghanap nang masisilungan. Ako naman ay patuloy lang sa paglalakad na parang walang nangyari. Naghalo na aking luha at ang ulan. Nanlalabo na rin ang aking mga mata, hindi na ako gaano nakakita dahil sa aking mga luha at malakas na ulan.
Napasigaw ako ng may biglang humila sa akin at niyakap ako. "Magpapakamatay ka ba?" sigaw ni Yanna. Kung hindi pala ako nahila ni Yanna baka nabangga na ako. "Mabuti na lang nakita kita. Paano kung hindi ako dumating, nasagasaan ka na." Umiiyak na sabi ni Yanna. "Leign, naman pinapakaba mo ako."
"Sumilong muna tayo." Napalingon ako sa nagsabi nito, nakita ko si Hanz na basing-basa na rin sa ulan. Dinala kami ni Hanz sa may pwede silungan.
"Ano ba nangyari?" tanong ni Yanna sa akin pero bigla na lang nanlalabo ang aking paningin at hindi ko naalam kung ano sumunod nangyari. Nagising na lang ako nang marinig ang boses ni Yanna. "Dalhin na lang kaya natin siya sa hospital?" Kinakabahan na sabi nito.
"Yanna, relax ka lang.. Sigurado ako okay lang si Leign. Kaya siguro nahimatay dahil kanina pa iyan naglalakad sa ulan." Pinapakalma ni Hanz si Yanna. Dahan-dahan ko minulat ang aking mata, agad ko nakita si Yanna na sobrang nag-alala.
"Yanna.." Nanghihinang tawag ko. Napalingon naman si Yanna at mabilis itong lumapit sa akin.
"Leign, ano ba nangyari sa iyo? Bakit ganoon ka na lang nang makita namin. Muntik ka pa masagasaan." Maiiyak na sabi ni Yanna. Dahan-dahan akong bumangon sa kama at na-upo sa aking kama. Nakita ko naman nalumabas si Hanz sa aking kwarto upang makapag-usap kami.
"Hiniwalayan ko na siya, Yanna." Tumulo na naman ang aking luha nang maalala ko kung gaano ko nasaktan si Laurent sa araw ng anniversary pa namin. "Ang sama ko.." Humihikbing sabi ko.
"Leign, hindi ka masama. Ginawa mo iyon para sa kanya." Umiling lang ako sa sinabi ni Yanna. Niyakap niya ako ng sobrang higpit. "Nandito lang ako, tahan na.."
"Yanna, sinaktan ko siya sa mismong anniversary naming." Napalakas ang aking hikbi kaya hinimas ni Yanna aking likuran. "Ang sakit, Yanna.." Napahawak ako sa aking dibdib. Naghalo-halo na lahat ng sakit.
"Tahan na, maiintindihan din niya baling araw ang ginawa mo." Pampalakas loob na sabi niya sa akin.
"Bakit kasi sa amin nangyari ito. Bakit hindi na lang ako pwede maging masaya." Ang sakit na ng mata ko dahil sa kaiiyak. Masakit din ang aking ulo. Hindi ko alam kung ilang oras ako umiyak pero hindi ako iniwan ni Yanna. Nanatili lang ito sa aking tabi hanggang sa makatulog ako.
Nagising ako dahil sa pamilyar na boses na nagsisigaw sa labas. Bumangon ako at napatakip sa aking mukha nang makita kung sino ang nagsisigaw sa labas nang sumilip ako sa may bintana. Napalingon ako nang bumukas ang pinto ng aking kwarto.
"Gising ka na pala. Kanina pa iyan, nagsisigaw sa labas. Lasing yata." Mahinang sabi ni Yanna. Nilagpasan ko lang si Yanna at nagmamadaling bumaba pero nang bubuksan ko na ang pinto ay pinigilan ako ni Yanna. "Huwag mo gawin 'yang nasa isip mo." Napahinto ako sa pagbukas at napa-upo sa may sahig sabay hikbi.
"Zachna, mag-usap naman tayo.." Sigaw ni Laurent. "Please, lumabas ka d'yan."
"Sir, umalis na kayo. May nagrereklamo na."
"Sir, kailangan ko lang maka-usap ang nand'yan."
Napatakip na lang ako ng tenga, ayaw ko na marinig pa boses ni Laurent. Baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko at bigla na lang lumabas at yakapin siya. "Umalis ka na, please.." mahinang sabi ko, kahit alam ko na hindi niya ito naririnig.
"Marami na nagrereklamo, sir."
"Parang-awa n'yo na, sir. Kailangan ko lang kausapin si Zachna.." Basa ang boses na sabi nito.
"Yanna.." Tawag ko dito. Parang naintindihan naman ni Yanna ang ibig ko sabihin kaya lumabas na ito.
"Sir, ako na bahala dito." Narinig ko na boses ni Yanna sa labas.
"Yanna, nand'yan ba si Zachna. Palabasin mo naman siya." Paki-usap nito.
"Laurent, umuwi ka muna, lasing ka na.."
"Hindi ako lasing, Yanna.. Parang-awa muna, sabihin mo naman sa kanya na mag-usap kami."
"Laurent, makinig ka na lang. Kung mahal mo talaga kaibigan ko palayain muna siya."
"Yanna, naman.. Kung gusto mo lumuhod pa ako sa iyo. Ilabas mo lang si Zachna. Please.." Tinakpan ko aking bibig upang pigilan ang aking malakas nahikbi.
"Laurent, huwag mo iyang gawin. Nakiki-usap ako, kung mahal mo kaibigan ko. Umuwi ka na. Huwag muna siyang pahirapan pa."
"Ang unfair naman n'ya. Bakit bigla na lang niya ako iniwan, pagkatapos ng lahat. Iniwan n'ya akong may katanungan kung ano ba nagawa kung mali. Kung saan ako nagkulang.." Naninikip ang aking dibdib sa bawat salita niya.
"May tamang araw para mag-usap kayo, hindi ngayon. Tingnan mo ang sarili mo."
"Im sorry, pakisabi na lang nababalik na ako." Mahinang sabi nito at napatingin ako kay Yanna nang pumasok na ito.
"Hindi ko na kailangan sabihin dahil nilakasan ko talaga para marinig mo. Umalis na iyon, pagiwang-giwang. Sobrang lasing yata," sabi ni Yanna at umupo sa may sofa kaya sinundan ko ito.
"Okay lang ba siya?"
"So wasted talaga sis."
"Sana pinasakay mo na lang nang-taxi, Yanna. Baka mapaano pa 'yon." Nag-alalang sabi ko dito. Lasing kasi ito kaya delikado sa kanya ang magmaneho.
"Sis, sorry..hindi ko na naisip."
"Okay lang, salamat at sorry nadadamay ka pa." Mahinang sabi ko dito.
"No worries..."
"Akyat na ako sa taas." Tumayo na ako at aakyat na sana sa taas.
"Kumain ka muna.." sabi niya pero umiling lang ako at nagpatuloy sa pag-akyat. Pagdating ko sa aking kwarto ay nahiga ako agad at nagsimula na naman umiyak. Niyakap ko ang aking unan at mahinang napahikbi. Baka marinig kasi ni Yanna at mag-alala pa iyon sa akin. Nakatulugan ko na lang ang pag-iyak.
-----
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top