Chapter 48
"Sis, hindi ka pa rin papasok?" Tanong ni Yanna sa akin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nito alam na nag-resign na ako sa trabaho. Sinabi ko lang kasi dito na-leave muna ako. Alam ko naman malalaman din ito ni Yanna at sana kapag dumating ang panahon na iyon ay sana may trabaho na ako at sana maunawaan nitong nagsisinungaling ako.
Nagpasa na ako sa iba't-ibang school through online. Pero hanggang ngayon wala pa rin reply. May apat na-private school na rin ako pinuntahan pero sinabi lang nito sa akin, tatawagan ako kapag may bakante. Pero hindi ako susuko, iyong huling sahod ko ay pinadala ko na sa aking pamilya. Kaya iyong ipon ko na ang kinukunan ko ngayon.
Pag-alis ni Yanna ay agad ako nagbihis dahil susubok na naman ako, makahanap ng trabaho. Sana ay swerte ako ngayong araw at makahanap na. Mabuti na lang talaga at busy si Laurent baka magtaka ito . Tiningnan ko iyong listahan kung saan ako pupunta ngayon. May lima akong paaralan nakitana naghahanap sila ng teacher. Sa nasa pang-limang school ay isa dito ang sagot sa aking problema.
"I'm sorry, Ms. Manquez, pero nakahanap na kasi kami. Tatawagan ka na lang namin kapag may bakante," sabi nito sa akin.
Ngumiti ako dito, "Thank you, ma'am." Nagpaalam na ako dito saka lumabas sa principal office. Ito na ang panglima ko na-school pinuntahan. Lahat ay nakahanap na at sinasabing tatawagan na lang ako. Napahawak ako sa aking tiyan ng biglang tumunog ito, kanina pa pala ako hindi kumain. Tiningnan ko ang aking relo, alas-tres na ng hapon. Nakalimutan ko pala mag-lunch dahil sa pagmamadali.
Naghanap ako ng pwede ko makainan. Nakakita ako nang maliit na tindahan kaya bumili ako nang-biscuit at softdrink. Ito na lang muna, sa apartment na ako kakain. Para naman makatipid ako. Kailangan ko na rin umuwi baka magtaka pa si Yanna kung saan ako galing.
Pagdating ko sa apartment ay nagulat ako nang makita si Laurent sa labas. Halatang pagod ito at walang tulog. Nilapitan ko ito, halatang nagulat ito nang makita ako. "Saan ka galing?"
"May binili lang," sagot ko dito.
"Nang ganyan ang suot?" Nagtatakang tanong nito.
"Oo, hindi ba bagay?" Nakangiting tanong ko pero sobrang kinakabahan na ako. Sana maniwala ito, ayaw ko pa naman mahuli. Sino ba kasing tanga ang sasabihin na may binili lang pero naka-formal attire. Bakit hindi ka talaga makapag-isip ng kapani-paniwalang dahilan Zachna.
"Okay lang naman. Ang weird lang nangsuot mo.. Asan na iyong binili mo?" Napatulala na lang ako, ano ba naman ipapakita ko kung wala naman akong dala. Maliban sa envelope na hawak ko ngayon. "Babe?"
"A-Ah, babe...pasok natayo, mainit nasa labas." Kinuha ko na ang susi at binuksan ang apartment. Lord..sana hindi na magtanong pa ito, wala na talaga akong ma-idahilan. "Ano gusto mo, babe?"
"Magbihis ka muna, huwag muna ako alalahanin.."
"Akyat lang ako." Paalam ko saka nagmamadaling umakyat sa taas. Mabilis ako nagbihis at binalikan si Laurent. "Kumusta trabaho?" Umupo ako sa kanyang hita at niyakap siya.
"So tiring, pero nawala ito nang yakapin mo ako." Hinigpitan ko pa ang yakap sa kanya. Kahit ako para akong naka-recharge dahil nandito siya sa aking tabi. Nakalimutan ko ang nangyari sa akin kanina.
"Kailan ka babalik sa work mo?"
"Next week pa, babe. So may time pa tayo." Sana makahanap na talaga ako nang-work nextweek para naman hindi na ako magsisinungaling sa kanila. Nakokonsensya na kasi ako sa tuwing nagsisinungaling ako sa kanila.
"Ayy.. rated spg.." Napatingin naman ako kay Yanna nakadadating pa lang. "Sarap ng buhay." Umupo ito sa bakante na sofa at sumandal. "Kaka-miss kaya umuwi na may kasama. Pumasok ka na kaya, Leign."
"Malapit na.."
"Ikaw na lang muna magluto, napagod talaga ako. Doki? Sign na ba sa pagtanda 'yong masakit ang katawan at madaling mapagod." Seryosong tanong ni Yanna sabay pikit ng kanyang mata.
"Oo, Yanna..ibig sabihin n'yan matanda ka na." Ako na ang sumagot dito.
"Oh my! So it means, gurang na ako.." Umupo ito nang maayos. "Pero maganda pa rin naman ako di ba?" Tumayo ako at nilapitan si Yanna saka binatukan, napasimangot lang ito sa ginawa ko.
"Ang sama mo, porke't may jowa ka na. So hindi ka na kasala sa MMD."
"MMD?"
" Luhh.. eh di matandang magandang dalaga.." Napatawa ako sa kanyang sinabi.
"Lakas ng trip mo, makapagluto na nga." Iniwan ko ito, hindi ko napansin sumunod pala si Laurent.
"I will help you." Ani nito sabay lapit sa akin.
"Huwag na, babe. Kaya ko 'to, doon ka nalang muna."
"Sige na, baka mapagod ka pa." Hinayaan ko na lang ito at nagsimula na magluto. Madali ako nakaluto dahil sa tulong ni Laurent. Nanghinain ko na ang niluto namin ay dumating naman si Kystal kaya masaya namin itong pinagsaluhan. Hindi na rin umuwi si Laurent dahil nadamay ito sa aming movie marathon. Kaya dito na siya nagpapalipas ng gabi.
Dalawang linggo na ang lumipas pero wala pa rin akung mahanap natrabaho. Nalaman na rin ni Yanna na nag-resign ako sa trabaho dahil hindi na siya talaga naniniwala sa palusot ko. Noong una nagtampo ito dahil hindi ako nagsabi ng totoo. Kaya tatlong araw din ako nito hindi kina-usap pero hindi naman ako natiis. Sinabi ko na rin sa kanila ang totoong dahilan. Pero naki-usap ako sa kanila na huwag sabihin kay Laurent ito. Ayaw ko magalit ito sa kanyang ama.
"Hanggang kalian mo ba ito gagawin, Leign?" Tanong ni Yanna. Upang hindi malaman ni Laurent na hindi na ako pumapasok sa trabaho ay nagpapahatid pa rin ako sa kanya sa school. Pero kapag nakita kung umalis na ang sasakyan niya ay doon ako aalis sa school upang maghanap nang trabaho.
"Hanggang sa may trabaho na ako. Ayaw ko naman mag-away sila tapos makokonsensya siya sa nangyari sa akin. Choice ko naman kasi ito." Paliwanag ko kay Yanna. "Sige na, pumasok ka na. kailangan ko na rin umalis. Mas maaga marami akong mapuntahan."
"Mag-iingat ka.." Tumango lang ako at naglakad papunta sa sakayan ng jeep. Kailangan ko na talaga maghanap ng trabaho. Kung wala akong choice baka mag-apply na lang ako ng ibang work. Baka sa trabaho ni Kystal. Kasi naubos na-ipon ko. Nagpadala kasi ako sa probinsya kahapon, kasi inatake na naman iyong kapatid ko. Mabuti na lang at pina-utang ako ni Yanna, hindi na rin nila ako hiningan ng bayad sa apartment at sa mga bills.
Nahihiya na nga ako sa aking mga kaibigan dahil pati sa pagkain wala akong ambag. Matamlay akong lumabas na naman sa school na pinag-applyan ko. Tulad ng dati ganoon pa rin ang kanilang sinasabi. Na-upo na lang ako sa may gilid sa labas ng school. Napapagod na talaga ako.
"Uyy.. Good luck sa atin sa demo." Napalingon naman ako sa nakita kung babae na parang nag-apply din ito sa school. Ito kasi sumunod sa akin matapos akung lumabas sa office.
"Ano ibig mo sabihin?" Naguguluhang tanong ko.
"Ikaw naman, alam ko naman na isa ka sa applicant. Sabi kasi ng principal sa akin, kailangan ko bumalik this coming Friday para sa demo." Nagulat naman ako sa aking narinig. Bakit sinabi sa akin nawala silang bakante at tatawagan na lang ako kapag meron na. Baka naman mas mataas ang experience niya sa akin kaya napili siya ng school.
"Ahh.. iyon pala. Congrats sa iyo, sigurado ako na ikaw makukuha." Nakangiting sabi ko kahit naguguluhan pa rin ako.
"Ikaw talaga.. Sus, kung alam mo, kinakabahan talaga ako. First time ko kasi ito, mahirap pa naman kapag walang experience pero nag-try pa rin ako." Napatingin naman ako sa kanya dahil sa sinabi nito.
"Walang experience?" Gulat na tanong ko.
"Hindi ba halata? Ikaw talaga, kaka-graduate ko lang. Kaya mas kinakabahan ako." Hindi ako makapaniwala sa aking nalaman. Anong nangyayari bakit pakiramdam ko may mali. "Nandito na pala jowa ko, mauna na ako sa iyo." Nilapitan nito ang lalaki na kararating lang. Umalis na din ako kasi nakapahinga na din kasi ako.
Malapit na din uwian kaya kailangan ko makabalik nasa school dahil baka mahuli ako ni Laurent. Sumakay na ako ng jeep papunta sa school. Hinintay ko na si Yanna sa labas. Nakita ko ilan sa mga kasamahan namin, laging tanong nila ay bakit ako biglaan umalis. Sinabihan ko na lang na-emergency.
"Sorry, Leign.. Madami pa kasi ako ginawa kaya natagalan ako ng labas. Kanina ka pa? Kumusta lakad mo?" Kinuha ko na iyong iba niyang dala dahil nahihirapan na ito.
"Hindi pa naman masyado matagal kaya okay lang. Isa pa wala pa naman, hindi pa dumating si Laurent. At sa lakad ko naman ay same pa rin." Sinabi ko rin sa kanya iyong napansin ko kanina bago ako umuwi.
Hindi pa rin ito maalis sa aking isip. Kung tutuusin ay bakit ako sinabihan ng ganoon kung tutuusin ay mataas pa ang naging experience keysa sa kanya wala.
"Parang may mali, sis. Kahit sino makakita nang-credentials mo ay tatanggapin ka talaga. Tapos experience mo sis, isa sa malaki at mahal na-private school dito sa Maynila. D'yan palang swak na. Ang hirap kaya pumasok dito kapag di masyado magaling. You know what I mean."
Kahit ako napa-isip sa sinabi ni Yanna. Ilang lingo na kaya ako naghahanap ng trabaho, tapos pareho lang ang sinasabi nila. Ayaw ko naman mag-isip na may kinalaman ang magulang ni Laurent dito pero sila talaga pumapasok sa aking isipan. Alam ko naman hindi ako titigalan nun hanggang hindi ko pakawalan si Laurent
"Uyy..jowa mo." Turo ni Yanna. Naglakad kami palapit sa sasakyan nito. Pinagbuksan naman ako ni Laurent ng sasakyan.
"Kumusta work?" Tanong nito at pinaandar ang sasakyan.
"Medyo nakakapagod.." sagot ko dito. "Pero okay lang naman kahit pagod."
"Good.." Si Laurent naman nagkwento sa nangyari niya ngayon araw na ito. Kung gaano ka-busy nila sa hospital. Tahimik lang si Yanna sa may likuran. Alam ko naman kung bakit ganyan 'yan sa tuwing kasama namin si Laurent, takot kasi itong madulas at baka makasabi pa ng hindi dapat sabihin.
Pagkatapos kami ihatid ni Laurent sa apartment ay nagpaalam na ito kasi may kailangan pa ito gawin. Kaya ng makahiga ako sa kama ay agad ako nakatulog dahil sa pagod. Nagising ako dahil sa ingay ng aking cellphone. Inabot ko ito at sinagot ang tawag na hindi man lang tiningnan kung sino tumawag.
"Hello.." sagot ko dito habang nakahiga pa rin ako sa kama at nakapikit ang aking mata.
"Anak, si tatay mo ito. Nasa ospital kami ngayon, sinugod namin sa hospital ang kapatid mo." Napabangon ako bigla dahil sa aking narinig.
"Kumusta siya, tay?"
"Medyo okay naman, anak. Kaya lang iyong pera nabinigay mo, naubos na naming. Ang mahal kasi ng mga gamot niya. Baka may pwede ka makapadala sa amin bukas."
"Sige, tay..bukas.."
"Salamat talaga anak, pero kung wala naman ay baka i-sangla muna naming itong lupa natin."
"Huwag na, tay.. ako na bahala."
"Salamat, nak.. Mag-iingat ka d'yan."
"Kayo rin, tay." Saka binaba ang tawag. Napabuntong hininga ako dahil hindi pa tapos ang problema ko, nadagdagan na naman. Bumaba muna ako, kakapalan ko na talaga mukha ko.
"Yanna.." Tawag ko dito.
"Oh! Anong nangyari, para ka naman hiniwalayan n'yan." Lumapit ito sa akin at inabutan pa ako ng kinain niya pero umiling lang ako.
"Nakakahiya man pero...pwede ba umutang." Napayuko ako, hindi ko talaga ugali mangutang. Nahihiya talaga ako pero wala akong choice. "Kasi-"
"Sure, magkano ba?"
"Thank you, Yanna.." Niyakap ko ito. "Ipapadala ko kasi sa amin, sinugod kasi kapatid ko."
"Kumusta na siya?"
"Okay na siya," sagot ko.
"May pera ka ba pa para bukas? Baka hindi ka na naman kakain dahil pamasahe lang dala mo. Naku! Leign, kapag ikaw nagkasakit, lalaki pa problema mo. Kaya huwag mo kalimutan kumain." Paalala nito sa akin.
"Oo, minsan lang naman kapag nakakalimutan ko. Pero kumakain naman ako ng tinapay or biscuits." Tanggol ko sa aking sarili.
"Kahit na, kailangan mo pa rin kumain. Ang payat mo kaya.."
"Sige na, hindi na mauulit." Nakangiting sabi ko dito. Umakyat naman si Yanna sa taas at pagbalik niya ay may binigay itong pera sa akin.
"Dinagdagan ko na iyan, allowance mo para buka.s"
"Pero-''
"Bayaran mo lang kapag may trabaho ka na." Tinapik ako nito sa balik, hindi ko mapigilan nayakapin ito.
"Ano nangyari dito?" Tanong ni Kystal na kakarating pa lang.
"Nagpasalamat lang ako dahil pina-utang ako nito."
"Naku, Ky...alangan naman, nagpapalipas ng gutom. Baka magkasakit pa ito." Binatukan ako ni Yanna.
"Oh..Iyan idagdag mo d'yan. Huwag ko maririnig na hindi ka kumain at talagang mabatukan kita." Banta ni Kystal.
"Okay na ito kay Yanna, Ky.." Ibabalik ko sana iyong pera na-inabot niya. Pero pinitik lang nito ang kamay ko sabay tingin nang masama.
"Tanggapin mo iyan at huwag ka mag-diet." Tumango lang ako at niyakap ito.
"Sali ako.." Yumakap din si Yanna sa amin. Sobrang swerte ko talaga at may kaibigan ako na tulad nila. Iyong hindi ka talaga pababayaan at nagtutulungan talaga kayo.
Nang nakita kung nawala ang sasakyan ni Laurent ay nagpunta ako sa sakayan ng jeep. Pupuntahan ko ang dalawang school na natira. Kapag hindi talaga ako makapasok dito ay magpapatulong na ako ni Kystal sa trabaho niya. Hindi na ako pwede mamili ng trabaho, nakakahiya naman sa mga kaibigan ko kung sa kanila ako lagi umaasa. May pamilya din sila na binubuhay at ayaw ko maging pabigat sa kanila.
Bagsak ang aking balikat nang lumabas sa school ulit. Tulad ng nangyari sa ibang school na pinuntahan ko ay ganoon pa rin sinasabi sa akin. Naisipan ko na lang pumunta sa mall upang magpalamig, nawawalan na talaga ako ng pag-asa. Nagpunta na lang ako sa bookstore kahit wala naman talaga ako balak bumili, nakakagaan kasi sa pakiramdam makakita ng libro. Nagtitingin lang ako hanggang sa mapagod at naisipan na lumabas.
Habang palabas ng mall ay napahinto ako bigla ng parang umiikot ang aking paningin. Pinikit ko ang aking mata at huminga ako nang malalim. "Leign.." Hindi ko alam kung sino tumawag sa akin, pero nararamdaman ko na lang nang-alalayan ako nito. "Ano nangyari sa iyo?" Tanong nito at pina-upo ako. Dahan-dahan ko minulat aking mata at napatingin dito. Nagulat ako nang makita si Kiefer, sobrang nag-alala ito.
"Nakalimutan ko kasi mag-lunch.. Baka kaya ako nahilo."
"3 p.m. na, bakit hindi ka pa kumain. Halika at kakain tayo." Inalayan pa rin ako nito dahil sa takot na mahimatay ako.
"Kiefer, huwag mo sabihin kay Yanna itong nangyari. Baka mapagalitan ako kasi hindi na naman ako kumain." Paki-usap ko dito.
"Leign, lagi mo ba ito ginagawa?" Umiling lang ako, tiningnan ako nito.
"Makatingin naman, minsan lang talaga kapag nagging busy ako sa paghahanap ng trabaho." Paniniguro ko dito.
Nagulat ako ng hawakan nito ang aking kamay, "Leign, kapag may problema ka pwede mo naman ako malapitan. Handa ako tumulong sa iyo. Huwag mo sarilihin iyang problema mo." Tinapik ko ang kanyang kamay at ngiitian.
"Thank you, Kiefer.."
"Kumain ka na," sabi nito ng dumating ang order namin.
"Kumain ka rin, nakakahiya naman sa iyo. Libre mo pa naman ito."
"Leign, gusto mo tulungan kita makahanap ng trabaho? May alam si mommy na mga school, pwede ka i-recommend niya doon."
Umiling lang ako, nakakahiya naman sa ina niya. Isa pa baka ano sabihin ng mommy niya sa akin. Nakapag-isip na din ako na kay Kystal muna magpapatulong makapasok sa company na pinagtrabahuan niya.
"Huwag ka mag-alala, okay na ako. Kayo talaga walang tiwala sa akin." Nakangiting sabi ko dito, hindi na rin ako pinilit tungkol sa pagtulong sa trabaho. Pagkatapos naming kumain ay hinatid ako nito sa school, nagtaka pa ito kung bakit ako doon nagpahatid. Sinabi ko na lang nahinihintay ko si Yanna, mabuti naman at naniwala ito.
------
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top