Chapter 46
Tapos na ang aming klase kaya palabas na kami sa school. Ngumiti lang kami kay manong guard paglagpas namin. Si Yanna naman parang may hinahanap. "Wala yata si doki ngayon? Nag-away ba kayo dahil doon sa nakita mo sa restaurant?" Tanong ni Yanna sa akin.
"Hindi, may emergency lang kaya hindi niya tayo nahatid kanina at masusundo ngayon," paliwanag ko dito. Niyaya ko na itong maglakad papunta sa sakayan ng jeep.
"Hindi na talaga ako nasanay pumila." Natawa ako sa sinabi ni Yanna. Kahit ako naninibago din pero wala kaming magawa, may emergency kasi Laurent.
"Hoy Yanna, ilang years tayo na-jeep lang sakayan natin. Kaya huwag nalang tayo magreklamo."
"Joke lang," sabi nito at sumakay na ito sa jeep. Tumabi naman ako sa kanya. Inabot ko kay Yanna ang bayad ko para siya na magbigay mamaya. Medyo natagalan kami pag-uwi dahil sobrang traffic, marami ring estudyante nakasakayan namin dahil uwian na. Pagdating namin sa apartment ay na-upo agad kami. Napagod din kasi kami dahil sa madaming paperworks kailangan ipasa.
Para akong lantang gulay na tumayo at umakyat sa taas. Nahiga ako sa aking kama at nakatulog. Pagkagising ko ay nagbihis na ako ng pambahay at bumaba upang kumain. Dahil pareho kaming pagod at walang oras magluto kaya ready to eat na lang na-ulam namin. Matapos kumain ay naghugas na kami saka umakyat upang magpahinga. Tiningnan ko aking cellphone pero hanggang ngayon ay hindi pa nag-reply sa akin si Laurent.
Kanina umaga nag-text ito sa akin at sinabi na sasamahan niya ang kanyang ina dahil wala itong kasama. Pagdating sa kanyang pamilya ay wala naman akong problema basta ito ang kanyang kasama. Baka na-lowbat lang ito or walang signal kaya hindi naka-reply sa mga text ko. Nagbasa na lang ako kasi hindi ako dalawin ng antok. Natapos ko isang libro malapit na mag-alas dose ng gabi. Kaya pinatay ko na ang ilaw saka pinilit ang sarili na makatulog.
Kinabukasan paggising ko wala pa rin akong natanggap na-text ni Laurent. Bago ako naligo ay nag-text muna ako dito. Tulad kahapon ay sumakay kami ng jeep papunta sa school. Iwan ko ba ang tamlay ko ngayon magturo kaya nagpagawa na lang ako ng activity dito. Noong break hindi na rin ako nagpunta sa cafeteria kasi ramdam ko busog pa ako.
"Hatid ko na kayo," alok ni Kiefer sa amin nang makita kami sa labas ng school, uwian na kasi. Ang bilis lang ng oras pero hanggang ngayon wala pa rin akong text natanggap.
"Gusto ko 'yan. Ang hirap na kaya pumila." Nauna sumakay si Yanna. Napangiti naman ako kay Kiefer saka nagpasalamat bago ako pumasok sa sasakyan.
Pagdating namin sa apartment, pinapasok muna namin si Kiefer upang mapa-inom ng juice. Pasasalamat na rin sa paghatid niya sa amin. "Thank you talaga," sabi ko sabay abot nang-juice.
"Naku! ano ba kayo, di ba magka-ibigan tayo. Kayo talaga," wika nito sabay inom nang-juice.
"Baka kasi hinanap ka ng kapatid mo, tapos naabala ka pa namin." Paliwanag ko dito.
"Nasa US ang kapatid ko, pina-check muna ng mommy ko. Para kasing mas lalo siyang nanghihina nitong nakaraang araw." May bahid nalungkot sa kanyang sinabi.
Hinawakan ko ang kanyang kamay, napatingin naman ito sa akin. "Maniwala ka lang Kiefer, gagaling din siya" Pampalakas loob kung asabi sa kanya saka tinapik ito sa balikat at nagpaalam muna dahil magpapalit ng damit. Si Yanna muna pina-asikaso ko sa kanya.
Pagbaba ko, wala na si Kiefer. Kaya tinanong ko kay Yanna. Lumabas lang sandali upang bumili ng pagkain. Tinawagan din nito ang kaibigan na si Hanz upang pumunta rito. Kaya nanood na lang ako ng movie. Pagbalik ni Kiefer ay kasama nito si Hanz at may dala na itong pagkain.
Bilib din ako kay Yanna at Hanz kasi kahit pala may nakaraan sila ay hindi nasisira nito ang pagkakaibigan. Medyo nag-aasaran lang kapag lagi magkasama pero parang normal lang, hindi sila nakaramdam ng ackwardness sa isa't-isa.
Matapos namin kumain ay nagpaalam na ang dalawa. Maaga na din ako natulog kasi hanggang ngayon ay wala pa rin text or tawag si Laurent sa akin. May tiwala naman ako dito kaya never ako nakapag-isip nang masama. Pero hindi ko maiwasan mag-alala.
Umaga ako nagising at habang nagluluto ay nakarinig ako ng katok sa pinto. Kaya lumapit ako at binuksan ito. Napayakap ako agad dahil sa sobrang saya at na-miss ko talaga siya. Hinalikan ako nito sa noo. "Sorry, babe..wala kasing signal sa aming pinuntahan. Nagbigay kasi nang tulong si mommy sa mga kababayan natin nasalanta ng bagyo. Ilang araw din kami doon tapos tumulong na din ako upang magamot ang mga sugatan." Paliwanag nito sa akin.
Hinaplos ko ang kanyang mukha, "Naiintindihan ko naman.." Pinapasok ko ito sa loob. Halatang nagulat si Yanna nang makita si Laurent pagbaba niya.
"Doki, saan ka ba nagpunta? Naku naman alam mo ba malungkot iyang kaibigan ko. Ayaw na kumain.." Natigil lang ito ng binato ko ng tsinelas. Ang galing kasi gumawa ng kwento talaga.
"Huwag ka maniwala d'yan, may saltik 'yan sa utak." Narinig ko pa nagreklamo si Yanna. "Paano kaya kung gawan kita ng kwento, sabihin ko kay Hanz na mahal mo pa siya."
"Hoy, gago..wag naman ganyan. FO na talaga tayo niyan." Takot na sabi nito kaya napailing na lang ako.
"May kasabihan nga di ba? Kung ayaw mo gawin sa'yo huwag mo gawin sa iba." Nakangiting sabi ko kaya napasimangot ito.
Pagkatapos ko maligo ay naligo muna ako saka kumain kami. Inihatid kami ni Laurent sa school. "Mamaya may dinner tayo sa bahay." Paalala sa akin ni Laurent bago ito umalis. Kaya tulala na naman ako pumasok sa school. Kung hindi ako bintukan ni Yanna baka hindi ko alam nasa harap na pala ako ng aking classroom.
"Umayos ka.." Paalala nito sa akin bago ako iniwan. Huminga ako nang malalim saka kinalimutan muna ito. Mamaya ko na iisipin. Nakangiti akong pumasok at binati ang mga bata. Nagsimula na ako sa aking klase. Tanging hiling ko lang sana bumagal ang oras. Dahil sobrang nakakaba talaga iyang mangyayari na-dinner kung alam ko naman sa sarili ko na hindi talaga ako welcome doon.
Matapos ang aking klase ay sinundo kami ni Laurent. Pagdating namin sa apartment ay agad ako nag-ayos para sa lakad namin. Nasa baba si Laurent naghihintay, kausap niya si Yanna. Bawat galaw ko kinakabahan ako sa pwede mangyari. Nagsuot lang ako nang-simple floral dress saka naglagay ng kaunting make-up. Nag-spray lang ako nang-perfume bago bumaba.
"You looks so beautiful." Ani nito nang makita ako.
"Inlove ka lang," nakangiting sabi ko dito sabay hampas.
"Ang harot.." Tiningnan ko nang masama si Yanna. "Sige alis na kayo at magpadami." Binatukan ko naman ito sa kanyang sinabi saka hinila si Laurent palabas.
Buong biyahe tahimik lang ako, panay naman ang sulyap ni Laurent sa akin. Kaya nginitian ko lang ito, hindi ko pinahalata na kinakabahan talaga ako. "Relax," sabi sa akin ni Laurent pagdating namin sa kanilang bahay saka hinawakan ang aking kamay.
"Laurent," gulat na tawag ng ina nito nang makita kami pumasok. "Let us talk. Excuse us, Ms. Manquez.." Nauna itong umalis.
"Sundan muna 'yong mommy mo," sabi ko kay Laurent. "Okay lang ako dito." Tiningnan muna ako nito kaya nginitian ko ito. Baka naman kasi importante ang pag-uusapan nila, halata sa tuno ng boses nito. Hinalikan muna ako sa noo saka nagpunta ito sa kinaroroonan nang-ina.
Nagtaka ako kung ano pinag-uusapan nila. Hindi ko man sila naririnig pero makikita mo sa kanilang kilos na parang nagtatalo ito. Sa pagmumukha din ni Laurent halatang hindi gusto nito ang pinag-usapan.
Napalingon naman ako nang makarinig nang-ingay. Nagulat ako nang makita si Everey kasama ang isang may-edad na babae at lalaki. Nagtaka din si Everey nang makita ito. Sa mga tingin niya parang tinatanong ako kung bakit ako nandito. Napasinghap ako ng bigla may humawak sa akin, pagtingin ko ay si Laurent na hindi maipinta ang mukha. "Let's go," seryosong sabi nito.
Hindi ko alam ang aking sasabihin dahil naguguluhan ako sa nangyari. Hinayaan ko na lang si Laurent nahilahin ako. "Laurent.." Sigaw ng kanyang ina. Paglingon ko ay galit na galit ito pero hindi ito pinansin ni Laurent. Mabilis itong naglakad palabas hanggang sa maka-abot kami sa sasakyan.
"Anong problema, babe?" Tanong ko dito nang makita ko kung gaano ito ka-stress. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa manubela.
"Wala, babe.. May kaunting misunderstanding lang kami ni mommy. Sa condo na lang tayo kakain." Tumango lang ako, gusto ko pa sana magtanong kung ano, pero hindi naman ako kasali sa pamilya niya. Buong biyahe panay ang buntong hininga ni Laurent at hindi matigil ang ring ng kanyang cellphone. Inabot niya ito at pinatay saka tinapon sa likuran. Ganoon ba kalala ang pinagtalunan nilang mag-ina. Pagdating namin sa condo ay nagpa-deliver lang ng food si Laurent. Kumuha ito ng beer saka ininom agad.
"Babe," tawag ko dito. Nilapitan ko ito saka niyakap nang mahigpit. Hindi ko alam kung ano ang nangyari tanging magagawa ko lang ay nasa tabi niya. Binitawan nito ang bote saka niyakap ako.
"Please, just stay on my side. Kahit gaano pa kagulo na. Please don't leave me.." Hindi ko alam ang ibig niyang sabihin pero tumango lang ako. Napabitiw lang ito ng yakap nang tumunog ang doorbell, dumating na ang order namin.
Tahimik lang kami kumakain. Pagkatapos ay niligpit namin ito saka kami nagtungo sa kanyang kwarto. Tahimik lang si Laurent, sobrang lalim ng kanyang iniisip. Hinahaplos ko lang buhok niya habang nakahiga siya sa may hita ko. Ilang minuto lang ay nakatulog na ito. Pinagmasdan ko lang siya habang natutulog. Napakahimbing at maaliwalas ang kanyang mukha habang natutulog. Inayos ko siya ng higa saka tumabi sa kanya at niyakap siya.
Nagising ako na wala na si Laurent sa aking tabi. Napatayo ako nang marinig kung sumisigaw siya. Bumangon ako agad saka hinanap siya. Nakita kung may kausap siya sa kanyang cellphone.
"I will not do that." Nagpupuyos sa galit na sabi nito saka pinatay ang tawag. Nagulat naman ito nang makita ako. "Ka-Kanina ka pa d'yan." Nauutal natanong nito, para itong nahuli na may ginawang kasalanan.
"Ngayon lang," sagot ko. Para naman itong nakahinga nang maluwag. Lumapit ito sa akin saka niyakap ako. Napatingin ako sa oras, alas-tres na ng madaling araw. Hindi na kami makabalik ng tulog kaya nagpahatid na lang ako dito sa apartment. May trabaho pa kasi ako kaya kailangan ko umuwi.
"Magpahinga ka na, huwag muna lang ako ihatid sa school mamaya." Bilin ko dito, napakunot naman ang kanyang noo sa aking sinabi. "Sige na, alam kung pagod ka." Hinalikan ko ito sa labi at pumasok na ako sa loob.
Dahil hindi na ako makatulog ay naligo na lang ako saka inayos ang aking mga gamit ko sa pagpasok. Nagulat si Yanna nang makita ako. "Maaga ka yata nagising or kakauwi mo lang."
"Kanina pa ako naka-uwi. Hindi lang ako makatulog," sagot ko.
"Problema?" Umiling lang ako. Nagluto na ako ng breakfast namin. Maaga kami nakapasok ni Yanna dahil nadamay na din ito sa akin. Pagpasok namin sa school wala pang gaanong tao. "Ang aga naman kasi natin." Reklamo nito.
"Hayaan muna, kesa maabutan tayo nang-traffic."
Nagsidatingan na rin ang ibang teacher at mga bata. Lumipas ang oras ay nagsimula na ako sa aking klase. Pagka-break time ay nagtungo na ako sa canteen dahil nagugutom na rin ako. Lumapit ako kay Yanna, napangiti naman ito nang makita ako. Habang kumakain ay nag-usap kami sa darating na event sa school.
"Ms. Manquez, please proceed in the office." Napatingin naman sa akin ang aking mga kasamahan nang marinig ang speaker sa loob ng buong campus.
"Anong ganap, sis." Tanong ni Yanna sa akin.
"Baka ma-promote ka na," tukso ng aking kasamahan.
"Baka may iutos lang. Mauna na ako sa inyo." Tumayo na ako at nagpunta sa office. Kumatok muna ako bago pumasok. Nanlamig ako nang makita ang ina ni Laurent.
"Maiwan ko muna kayo." Paalam nang-head namin kaya kaming dalawa na lang ang naiwan. Kinakabahan ako sa kanyang presensya.
"Maupo ka," sabi nito kaya naupo ako. Sobrang lamig na ng aking kamay at bilis ng tibok ng aking puso. "Ayaw sana kita kausapan, Ms. Manquez. Pero ang tigas ng ulo ng anak ko. He doesn't listen to me. Hindi ko na ito pahahabain pa. Hiwalayan mo ang anak ko." Hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin, nagulat ako sa mga sinabi nito.
"You're a professional, but still ayaw kita sa anak ko.My son deserves better, and I don't think that it's you. Kaya hiwalayan mo siya. Ilang months ngayon ay ikakasal na ang anak ko kay Everey. Ayaw ko maging hadlang ka dito. Siya ang babae para sa anak ko."
Hindi mapasok sa aking utak ang bawat narinig ko. Wala rin lumabas sa aking bibig.
"Ako na naki-usap sa iyo. Ayaw ko na sumali pa ang asawa ko. Ayaw ko magkasira kami ng anak ko dahil lang sa'yo. Kaya sana gagawin mo sinabi ko." Tumayo ito at aalis na sana.
"Ma'am, nirerespeto ko kayo dahil kayo ang ina ni Laurent pero mahirap po pinagagawa ninyo. Mahal ko ang anak ninyo." Buong lakas kung sinabi. Napalingon naman ang ina ni Laurent sa akin. Nanginginig na ang kamay ko dahil sa takot.
"Just do what I say, ayaw ko masira ang buhay mo dahil sa katigasan mo. Ayaw ko na may gawin pa ang asawa ko dahil alam kung mahal ka din ng anak ko.But my son deserves Everey. They are a perfect match," sabi nito at mabilis na lumabas sa office. Napahawak naman ako sa aking dibdib. Ang kaninang luha napinipigilan ko ay tumulo na lang bigla. Napatakip ako sa aking bibig upang pigilan ang aking paghagulhol.
Nang bumukas ang pinto ay mabilis ko pinunsan ang aking luha at nagpaalam sa head namin. Huminga ako nang malalim at pinapakalma ang aking sarili. Nagpunta muna ako sa banyo upang ayusin ang aking sarili. Ayaw ko nang makita ako ng aking mga kasamahan at mga estudyante na ganito ang hitsura.
Buong klase ay matamlay ako hanggang sa uwian na. Sinundo naman kami ni Laurent. Sa tuwing nakikita ko siya ay kumikirot ang aking puso. Naalala ko ang sinabi ng kanyang ina. Pero kahit ganoon ay hindi ko isusuko si Laurent. Kakayanin ko kung ano man sinabi ng kanyang ina.
"Babe, are you okay? Nandito na tayo?"
Napatingin naman ako sa kanya at sa labas. Nasa harap na pala kami sa apartment, hindi ko man lang namalayan. "Sorry, stress lang sa trabaho." Pagsisinungaling ko. "Pumasok muna tayo."
"Mamaya na lang, babe..babalik ako. May trabaho pa kasi." Hinalikan ako nito sa noo. Niyakap ko ito at bumaba na. Kumaway ako sa kanya hanggang sa mawala ito sa akin paningin. Pumasok na ako sa loob at umakyat sa taas. Wala akong gana kumain, nahiga lang ako sa aking kama. Nakatulalang nakatingin sa kisame at sobrang lalim ng aking iniisip.
"I can't let him go. It breaking me into pieces."
----
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top