Chapter 45


Sinulit ko iyong natitirang break ko kasama si Laurent kaya hanggang ngayon nandito pa rin ako sa kanyang condo. Apat na araw na lang kasi babalik na naman ako sa trabaho at siguradong magiging busy na naman ako dahil sa mga dapat gawin sa school. Hindi rin muna pumasok si Laurent sa trabaho dahil babawi din kasi raw ito. Balak namin magsimba ngayon, mabuti na lang at may dress ako sa closet niya. Minsan na lang din kasi kami magkasama na magsimba simula noong busy siya sa work kaya sinulit namin ang araw na ito.

"Ako na." Kinuha nito ang hawak ko na blower at saka siya ang nagpatuyo sa aking buhok. "Finish.." sabay halik sa aking pisngi. Inabot ko ang aking make-up upang maglagay ng light make-up upang hindi ako masyado maputla tingnan. Ang gwapo ng kasama ko baka magpakamalan akong PA. Nilugay ko na lang din ang aking buhok, mamaya ko na ito tatalian kapag naiinitan na ako.

Tiningnan ko si Laurent, hindi ko maiwasan mapangiti dahil sobrang gwapo ng nilalang na ito. Iyong nagsaboy siguro ng kagwapuhan sa mundong ito ay gising na gising siya. Kaya nasalo niya lahat ng kagwapuhan sa mundo. "What's that look, babe?"

"Nothing.." Umiiling na sagot ko sabay lapit sa kanya upang tulungan siya sa pag-ayos ng kanyang suot.

"You're so beautiful.."

Napatingin ako kay Laurent sabay ngiti. "Ako lang 'to." Napalakas ang tawa niya sa aking sinabi kaya mahina ko itong hinampas, ginagaya ko lang naman siya. "Alis na tayo, baka ma-late pa tayo sa mass. Nauna akong lumabas sa kwarto at nakasunod lang ito. Si Laurent ang nag-lock sa condo, magkahawak ang kamay namin papunta sa elevator. Pinindot ni Laurent ang button papunta sa parking area kung saan nandoon ang kanyang sasakyan.

Tulad ng dati ay pinagbuksan muna ako nito ng sasakyan bago ito pumasok. Tinulungan din niya ako sa aking seatbelt. Nawawala talaga ang pagiging strong independent woman ko kay Laurent. Kahit sa condo niya para akong prinsesa, hindi din niya ako pinaghuhugas o pinagluluto maliban na lang talaga kung pipilitin ko siya at dadaanin sa ka-cute tan ko.

Pinaandar na nito ang kanyang sasakyan at nagmaneho napatungo sa simbahan. Pagdating namin doon ay magkahawak aming kamay na pumasok sa loob. Madami ng tao pero hindi pa nagsisimula ang mesa. Naghanap kami ng bakanteng mauupuan. Ilang minuto lang ay nagsimula na ang mesa.

Matapos namin magsimba ay nagpunta kami sa malapit na coffee shop. Kaunti lang ang tao dito nang makapasok kami. Pina-upo na ako ni Laurent sa may vacant table nang masabi ko sa kanya ang order. Tumabi ito sa akin pagkatapos mag-order.

"Bakit ba ang ganda mo?" Tiningnan ko ito nang nakataas ang kilay, nagsisimula na naman siya. "Ang cute mo kapag ganyan mukha mo..Wait.." Kinuha nito ang kanyang cellphone at kinunan ako nang-picture. "Ang cute naman ng baby ko." Nakangiting sabi nito sabay pakita sa picture.

"Akin na 'yan..Ang pangit ko." Pilit ko inaagaw ang kanyang cellphone pero tumatawa lang ito. "Laurent.." banta ko dito pero hindi man lang ito natakot.

"Ang cute mo dito.. Kuha na lang tayo nang-picture natin." Inakbayan ako nito sabay click sa kanyang cellphone.

"Laurent naman ehh..hindi pa ako ready.." Nakasimangot kung sabi, hindi man lang nagsabi bigla na lang pinindot.

"Ang cute mo kaya dito..Wait..hindi cute ang ganda mo dito.." Pinakita nito ang picture. Napakunot ang aking noo dahil sa picture, saan banda ba maganda d'yan.

"Burahin mo 'yan." Umiling lang ito at may ginawa siya sa kanyang cellphone sabay pakita sa akin. Ginawa ba niyang lockscreen.

"Smile ka na, babe. Ang ganda kaya. Para kapag nakita nila  ito agad ay masasabi na may nagmamay-ari na pala sa akin. Not available na." Magsasalita pa sana ako pero dumating na iyong order namin. Natakam naman ako bigla kaya hindi ko na lang pinansin si Laurent.

 Nasa pagkain ang buong atensyon ko, kaunti lang kasi kinain ko kanina dahil sa takot na ma-late kami. Seryoso ako sa pagkain hanggang sa kalabitin ako ni Laurent. "Sorry na, babe.." Tiningnan ko lang ito saka bumalik din agad ang tingin sa pagkain. Pero nagulat ako nang yakapin ako nito sabay sandal sa akin.

Nanlalambing na naman  ito. "Laurent, may mga tao uhh. Huwag naman masyado  PDA.." Pero parang wala itong narinig. "Tama na 'yan, hindi naman ako galit." Biglang nag-aliwalas ang mukha nito sabay halik sa aking pisngi.

"Love talaga ako ng baby ko." Tuwang-tuwa na sabi nito.

"Kumain ka na." Inabot ko sa kanya ang coffee at nilapit ang cheesecake. Nag-usap lang kami habang kumakain, minsan nagbibiruan hanggang sa maubos namin. Maya-maya ay lumabas na kami sa coffee shop at nagpunta kami sa may park. Maraming tao dito lalo't Sunday, family day sa karamihan.

May nakita kaming bata na umiiyak dahil nadapa. Mabilis ito tinulungan ni Laurent na tumayo. Pinunasan ko naman ang luha ng bata. Lumapit ang ina ng bata sa amin at nagpasalamat bago dinala ang anak. Naglakad-lakad lang kami ni Laurent habang tinitingnan ang mga tao sa paligid. Naupo kami sa may bench saka sumandal ako kay Laurent.

"Ang saya nila. I can't wait to see our own family like that," sabi ni Laurent kaya napatingin ako sa kanya.

"Gusto muna magkapamilya?" Tanong ko dito.

"Oo naman, hindi naman ako bata na. Pero don't worry, no pressure sa iyo. Hihintayin ko ang tamang panahon. Kailangan din handa na ako lalo't ayaw ko maranasan ng anak ko ang naranasan ko." Bumalik ako sa pagkakasandal sa kanya.

"Ang alin?'

"My parents don't have time for us. Busy sa trabaho kaya maid lang mga kasama namin. Ayaw ko naman na maranasan ng anak natin iyon." Napangiti naman ako sa kanyang sinabi, alam ko balang araw magiging mabuting ama siya sa kanyang mga anak. At sana ako pa rin iyong nasa tabi niya, kasaman bubuo ng pamilya.

"Darating din tayo d'yan, pagkatapos ng lahat. Magpakilala ka muna sa pamilya ko. Lagot ka kay tatay.. Pilitin mo 'yon." Pananakot ko dito.

"Ano ba gusto ng tatay mo? Para naman maging handa ako kapag pumunta ako doon." Tanong nito sa akin.

"Siguro magpakatotoo ka lang." Alam ko naman kahit sino magugustuhan si Laurent para sa anak nila. Napakabuting tao nito. Siguro kung hindi mo siya makilala masabihan mong masungit at napaka-cold pero kapag nakilala muna hindi pala. Kaya totoo talaga iyong sinasabi na, don't judge the book by its cover.

"Sa susunod na umuwi ka gusto ko sumama. Para naman makilala ko pamilya mo." Pumayag naman ako sa gusto niya kahit medyo matatagalan pa ako pag-uwi. Nagpasya na kaming umuwi sa condo dahil magluluto siya nang-lunch. Gustong-gusto ko naman dahil masarap ito magluto. Pagdating namin sa condo ay nagpaalam muna ito upang bumili ng kailangan. Kaya nanuod na lang ako sa Netflix.

Napatayo ako nang tumunog ang doorbell. Nagulat ako nang makita kung sino ito nang mabuksan ko. Halata din sa kanyang reaksyon nagulat ito nang makita ako. "Where is Aki?" Tanong nito sa akin.

"Pasok ka muna, babalik din kasi iyon. May binili lang." Alok ko dito at binuksan nang maigi ang pinto. Pumasok naman ito at umupo agad. "Ano gusto mo? Coffee or Juice?"

"Juice na lang.." Aalis na sana ako nang tinawag niya ako. "Dito ka ba nakatira?" Umiling naman agad ako.

"Hindi, dumadalaw lang." Tiningnan ako nito upang masigurado kung nagsasabi ba ako ng totoo. "Gagawan muna kita ng juice." Paalam ko dito at pumunta sa may kusina.

Pagbalik ko kay Everey ay kausap na nito si Laurent. Lumapit ako sa kanila at inabot ang juice. Napangiti naman si Laurent nang makita ako. Kukunin ko na sana iyong pinamili niya upang ilagay sa kusina pero pinigilan ako nito dahil mabigat. Hinawakan niya ang aking kamay at pina-upo sa kanyang tabi. Sobrang ackward tuloy.

"Sige na, Laurent..you need to be there." Pangungulit nito kay Laurent.

"Sa susunod na lang, Eve," tanggi nito.

"But sabi ni tita dapat nandoon ka. Wala ka naman yatang lakad mamaya. Galing ako sa hospital at sabi nila ilang araw ka na hindi pumasok. So free ka mamaya." Hindi talaga ito tumigil hanggang hindi mapapayag si Laurent.

"Pero Eve, hindi ko pwede-"

"Maiwan girlfriend mo?" Hindi natapos ni Laurent ang kanyang sasabihin. "She told me, hindi siya dito nakatira. So uuwi din siya mamaya."

"I'm so-''

"Sumama ka na lang, babe. Nandoon naman ang parents mo, baka magtampo pa 'yon. Mamaya pa naman 'yan." Nagsalita na ako. Ayaw ko naman na mapasama sa magulang niya baka lalong hindi ako magustuhan. Gusto ko mapalapit sa mga magulang ni Laurent kaya mas mabuti na hindi ako gagawa ng mas hindi nila ikakagusto.

"Kung sumama ka na lang," sabi nito sa akin pero umiling lang ako kaya nalungkot ito.

"Baka magtaka sila nandoon ako. Hindi naman ako kasama doon, ikaw na lang. Mamaya pa naman 'yon kaya makakapagluto ka pa." Nakangiting sabi ko dito. Mabuti na lang at naiintindihan niya ito. Nagpaalam na ito sa amin at pumunta sa may kusina upang magluto. Kaya kami na lang ni Everey ang naiwan. Nagtaka din ako kung bakit hindi pa umaalis si Everey. Super ackward tuloy namin.

Sobrang tahimik namin, abala si Everey sa kanyang cellphone. Kaya nagpaalam na lang ako dito upang puntahan ko si Laurent. "Bakit ka nandito?" Tanong nito sa akin nang makita ako.

"Tulungan na lang kita para mapadali ka." Kinuha ko ang mga kailangan hugasan.

"Ako na d'yan. Maupo ka na lang."

"Pero wala kasi akong gawin, kaya hayaan muna ako. Please.." paki-usap ko dito. Ayaw ko naman manatili doon kay Everey, hindi ko talaga feel.

"Doon ka na lang sa kwarto magpahinga or manood ka ng Netflix sa sala." Pero umiling lang ako. Kung wala lang sana iyong maarte na iyon baka kanina pa ako nakahiga sa sofa habang nanonood ng Netflix. Pero hindi pa umalis kaya nakakahiya naman baka magsumbong pa 'yon sa magulang ni Laurent at iba pa ang isipin. Walang nagawa si Laurent kung hindi patulungin ako.

"Azi, see you na lang mamaya. I need to go." Napalingon kami ni Laurent nang marinig si Everey.

"Okay.." sabi nito at bumalik nasa paghiwa ng karne. Napatingin naman si Everey kay Laurent bago ito umalis. Kaya sinundan ko na lang siya upang maihatid, kawawa naman. Ni-lock ko na rin ang pinto saka pumunta na sa sala upang manood ng Netflix.

Maya-maya ay tinawag ako ni Laurent upang kumain na. Tulad ng dati ito pa rin naghugas kasi senyorita talaga ako dito dahil ayaw ako pagalawin. Nanood lang kami sa Netflix bago niya ako hinatid sa apartment. Ayaw pa sana niya akong pauwiin pero baka magalit iyong mommy niya kaya pinilit ko na lang talaga.

"Nakauwi ka na? Kailan?" Nagtatakang tanong ni Yanna nang makita ako.

"Kanina lang."

"Akala ko kasi doon ka natitira," seryosong sabi nito kaya tiningnan ko ito. "Joke lang.. sa labas tayo mag-dinner. Libre ni Kystal doon natayo magkita sa restaurant." Tumango lang ako at umakyat nasa taas upang matulog.

Maya-maya ay nag-ayos na ako kasi panay ang pangungulit ni Yanna baka kanina pa daw si Kystal doon. Magagalit kapag pinaghintay namin nang matagal. Hindi naman halata na-excited makalibre ito. Dahil wala akong gana na mag-ayos ay nagsuot lang ako ng plain white shirt saka jeans. Kinuha ko ang aking slingbag saka bumaba at nakita ko si Yanna na parang may rampahan nasasalihan sa suot nito. Ako na nag-lock sa apartment at sinundan ko na lang si Yanna.

Mapilit itong si Yanna na mag-taxi na kami dahil hindi bagay sa kanyang outfit ang mag-jeep. Ang sarap talaga batukan nito, alam naman nitong mahal at makakatipid sa jeep. Wala naman akong magawa dahil mabait na kaibigan naman ako. Kaya napagastos ako wala sa oras. Nagpunta na kami sa sinabing restaurant ni Kystal. Tinawagan na namin ito at papunta pa raw.

"Hindi ba jowa mo 'yon?" Napatingin ako agad sa tinuro ni Yanna. Nakita ko si Laurent katabi niya si Everey kasama nito ang magulang saka parang pamilya ni Everey iyong kasama nila na hindi pamilyar sa akin. "Hoy..ano 'yan?"

"Sabihan muna lang si Kystal nasa ibang restaurant tayo. Ayaw ko maka-estorbo d'yan." Paki-usap ko kay Yanna. Umangal pa sana ito pero tiningnan ko ito nang masama kaya mabilis na tinawagan si Kystal. Napatingin naman ako sa kinaroroonan ni Laurent. Inaabutan ito ng pagkain ni Everey, nakaramdam ako ng selos sa aking nakita. Lalo pa kung paano kasaya ang kanilang mga pamilya. Parang ako iyong kontrabida sa love story nila.

"Okay ka lang, girl?" Nag-alalang tanong ni Yanna.

"Oo naman," nakangiting sagot ko dito. "Natawagan muna ba?"

"Oo, girl..kanina pa." Naghanap na kami ng restaurant na pwede namin kainin saka sinabi namin kay Kystal.

"Bakit ba nag-iba isip ninyo. Ang sarap kaya doon." Reklamo ni Kystal nang makarating ito. Halatang galing ito sa trabaho pa.

"Kasi may mga bad sa mata doon, masakit at nakakawalang gana," sagot ni Yanna.

"Iwan ko sa'yo, Yanna.. baka mapasok na kita sa mental.. Mabuti pa mag-order tayo. Kanina pa ako nagugutom." Kung ano order ni Yanna, iyon na lang din sa akin. Nawala iyong gana ko dahil sa aking nakita. Kaya panay si Yanna at Kystal lang nag-uusap..

"Hello earth.. pakibalik kaibigan ko." Napatingin naman ako sa kanila. "Oh! problema mo? Ngayon lang kita nakita tapos ganyan pa makikita ko. Dapat celebration ito hindi ito pagluluksa."

"I'm sorry, Ky. Ano ba meron bakit bigla kang nanglibre?"

"Wala ka nga sa earth.. Yanna, ano nangyari dito?" Tanong ni Kystal.

"Mamaya na natin pag-usapan iyan. Leign, tama na iyan. Magsaya tayo dahil na-promote na itong kaibigan natin."

"Congrats, Ky.. Happy for you." Nakangiting bati ko sa kanya.

Nang dumating aming order ay kumain na kami. Tahimik lang ako kumakain, hindi ko rin naubos dahil wala akong gana talaga. Mabuti na lang at umuwi kami agad pagkatapos kumain.



-----

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top