Chapter 42
Kay bilis lumipas ang mga araw, bago pa lang nagsimula ang pasukan pero ngayon Christmas break na naman. Masaya ako dahil makaka-uwi naman kami sa amin, matagal-tagal din hindi kami naka-uwi. Nag-leave din si Kystal upang makasama ito sa amin. Nag-iimpake na kami ng gamit dahil bukas ang flight namin. Bumili rin ako kahapon ng pasalubong ko sa aking pamilya.
Si Laurent naman ay kasama niya ang kanyang pamilya sa Chicago, doon kasi sila mag-celebrate ng pasko hanggang bagong taon. Kahapon ang kanilang flight, tumawag iyon sa akin kanina. Saglit lang kami nag-usap dahil matutulog na ito, napagod kasi ito sa kababantay ni Lauren.
"Handa na ba lahat ng gamit mo?" Tanong ni Yanna sa akin nang bumaba ako upang uminom ng tubig.
"Oo, natapos na ako kanina pa." Kumuha ako ng baso at nilagyan ito ng tubig.
"Excited na ako, hindi ko sinabihan si mama na uuwi ako. Balak ko kasi siyang i-surprise." Nakangiting sabi nito. Tulad niya, hindi ko rin pinaalam sa pamilya ko. Buong akala nila hindi ako uuwi dahil wala akong nababanggit sa kanila.
Buong maghapon nanonood lang kami nang-movie, maaga kami natulog dahil maaga ang flight namin. Nasa airport na kami 6 a.m. at nag-check in na kami sa aming gamit. Madaming tao sa airport dahil uwian talaga ngayon. Bago kami sumakay sa plane nag-chat muna ako kay Laurent, sinabihan ko ito natatawag ako mamaya kapag nasa bahay na ako.
Umabot din ng isang oras ang flight namin. Sumakay kami nang-tricycle papunta sa bus terminal upang sumakay papunta sa aming lugar. Madami ang pasahero kaya natagalan kami makasakay. Dalawang oras din ang biyahe namin bago kami nakarating sa aming probinsya. Ilang taon na kami hindi naka-uwi pero wala pa rin pinagbago ang aming lugar.
"Text n'yo na lang ako or chat kayo sa gc," sabi ko dito at sumakay naman nang-motor.
"Sige, gala din tayo minsan." Kumaway ako sa kanila at sinabi ko sa driver ang address namin. Tinulungan naman ako ni manong driver sa pagbaba ko ng aking gamit.
"Salamat po." Sabay abot ng pamasahe. "Tao po..." Malakas kung sabi, may lumabas na isang lalaki.
"Ano-'' Hindi natuloy ang kanyang sasabihin nang makilala ako. "Nay, nandito si ate," sigaw ng kapatid ko at tinulungan ako sa gamit. Lumabas naman ang aking ina na may hawak pa na sandok. Nagulat ito nang makita ako at mabilis na lumapit sakin saka niyakap ako.
"Bakit hindi mo sinabi? Sana nasundo ka namin ng tatay mo." Ani ni nanay matapos ako yakapin.
"Surprise kasi kaya hindi ko sinabi."
"Ikaw talagang bata ka. Ipasok muna gamit ng ate mo." Utos nito sa aking kapatid kaya nakabusangot ito.
"Si tatay, nay?" Nagtatakang tanong ko ng hindi makita si tatay sa loob ng bahay.
"Naku sumama kay Manuel upang ihatid iyong mga paninda niya," sagot nito. "Umakyat kana sa taas, magpahinga ka muna. Maglulu-...naku 'yong niluto ko pala." Nagmamadali itong pumunta sa kusina kaya napailing na lang ako. Pumunta ako sa aking kwarto at agad nahiga sa aking kama. Na-miss ko ito, wala pa rin nagbago sa loob ng aking kwarto. Kung paano ko ito iniwan noon, ganoon pa rin ngayon. Pinikit ko ang aking mata dahil masakit pa talaga ulo ko sa biyahe. Hindi ko namalayan nakatulog pala ako.
Ginising ako ng aking kapatid upang sabihin kakain na, magulo ang aking buhok nang bumaba ako. Nakita ko agad si tatay kaya nagmano ako. Masaya kaming kumakain dahil kumpleto kami. Tinulungan ko si nanay sa paghuhugas ng plato.
"Anak, wala ka bang balak magtrabaho dito? Iyong mga kaklase mo noon nagtuturo nasa public school." Tanong ni nanay sa akin habang nagsasabon sa baso.
"Malaki sahod ko doon, nay. Tapos matatagalan ako makapasok rito, alam n'yo na tulad noong dati. Ang hirap pa naman makapasok sa public school."
"Subukan mo lang anak. Ang hirap kasi doon ang layo mo sa amin. Mabuti na lang at nandoon mga kaibigan mo kaya hindi na kami masyado mag-alala."
"Matapos sa pag-aaral 'yang kapatid ko, nay. Baka dito na ako maghanap ng trabaho."
"Naku naman,Leign.. ilang taon pa ba 'yan. Baka naman maunahan ka nasa bagong graduate dito sa atin. Mas lalo ka mahihirapan."
"Nay, chill lang..dadating din tayo doon." Napailing na lang si nanay sa mga sinabi ko. Matapos namin maghugas ay umakyat na ako sa taas upang mag-video call kami ni Laurent. Mabuti at online na ito ng buksan ko, tinawagan ko agad na mabilis naman niya sinagot.
"Hello, babe.." Bati nito sa akin, nakahiga na ito sa kama, gabi na kasi sa kanila. Nakasuot ito ng jacket dahil malamig raw doon ngayon.
"Hello, kumusta ka d'yan?"
"Ito bored, wala ka kasi sa tabi ko." Malungkot nasabi nito kaya napangiti ako sa sinabi niya. "I miss you,babe." Malambing nasaad nito. "I wish you were here."
"I hope so, but let's just enjoy our vacation with our family. We will see each other soon." Nakangiti kung sabi. Nag-usap pa kami kung ano ginagawa niya kanina at kung gaano kakulit si Lauren kasama ng mga pinsan nito. Matapos mahigit isang oras na pag-uusap ay nagpaalam na ito upang matulog dahil inaantok na ito.
Nang matapos ang pag-uusap namin ay bumaba na ako upang ibigay ang aking mga pasalubong nila. Tuwang-tuwa naman sila sa kanilang natanggap. "Ate, salamat dito."
"Walang anuman.." Nakangiting ganti ko dito.
"Anak. Sasama ka ba sa amin, pupunta kami palengke. Mamimili kami ng handa natin sa pasko. Kapag bukas pa kasi madami ng tao."
"Magbibihis lang ako, nay." Umakyat na ako sa taas upang magpalit ng damit. Hinatid kami ni tatay sa palengke, bumili kami ng mga kailangan para sa handaan sa pagsalubong ng pasko bukas.
"Iyan na ba ang panganay mo?" tanong ng babae na binilhan namin ng karne.
"Oo, mare. Kakauwi lang," sagot ni nanay sabay abot sa bayad. "Mauna na kami.." Paalam ni nanay sa kaibigan niya. Tiningnan ni nanay ang kanyang listahan kung meron pa ba kulang. "Kumpleto na ito, anak." Umuwi na kami agad matapos namin mamili. Tinulungan ko si nanay sa pagluluto niya ng kakainin namin.
Kinabukasan, sobrang busy namin sa pagluto ng handa namin sa noche buena. Pagkagabi ay buong pamilya kami pumunta sa simbahan upang magsimba. Pag-uwi namin ay hininda namin ang mga handa namin para mamaya. Ilang oras na lang ay pasko na. Umakyat muna ako sa taas upang kausapin si Laurent, nauna itong mag-celebrate ng pasko.
"Merry Christmas, love." Bati nito sa akin nang masagot ang tawag. I smiled when I saw him, even on the video call. I miss him so much. Nakasuot ito ng pulang sweater, he looked so great.
"Merry Chirstmas, babe...I miss you," malambing na sabi ko dito.
"I miss you too. Kung pwede lang ako umuwi at puntahan ka d'yan para magkasama tayo." Biglang sumingit si Lauren sa video call. "Hello, Teacher Leign.."
"Hi, Lauren.."
"Can you talk to my brother later? Mom, call him," saad nito.
"Okay," maikling sagot ko. Kinausap muna ni Laurent ang kapatid at sinabihan na susunod lang ito.
"I'm sorry, babe. Tatawag na lang ako mamaya." Paghingi nito ng paumanhin, nginitian ko lang ito upang hindi mabahala.
"Sige na, babe. Baka hinanap ka na. Just call me later," sabi ko dito at pinatay na nito ang tawag. Bumaba na rin ako dahil ilang minuto na lang ay pasko na. Nagsuot kami lahat ng red tapos may santa claus hat pa nasuot. Minsan lang kami buo magdiriwang ng pasko kaya sinulit namin ito.
"1...2..3.. Merry Christmas," sabay-sabay namin na sigaw. Lumapit ako kay nanay upang yakapin ito. Kasunod si tatay at ang kapatid ko. Nagsalo-salo kami sa aming munting handa. Nagbigayan din kami ng regalo.
Pagkatapos namin magligpit ay umakyat na kami at nagpunta sa aming mga kwarto. Nahiga ako sa kama at hinihintay ang tawag ni Laurent. Dali-dali kung inabot ang cellphone nang tumunog ito, muntik pa ako mahulog sa kama. Nalungkot ako nang makitang hindi si Laurent pero sinagot ko na rin ito.
"Naku, paskong-pasko nakabusangot ang mukha. Ayaw mo yata maka-usap kami," sabi ni Yanna sa kabilang linya.
"Hindi naman, akala ko lang kasi na-''
"Na ano? 'Yong jowa mo mapanakit ka na."
"Yanna, ang ingay mo." Reklamo ni Kystal.
"Joke lang.. Merry Christmas mga sis, please lang pakibalot ng regalo ko. Pupuntahan ko 'yan bukas." Natatawang biro nito.
"Pumunta ka dito nang maaga, maraming hugasin naghihintay," sabi ni Kystal kaya napatawa ako.
"Merry Christmas, sa susunod na ang regalo ninyo."
"Kuripot mo talaga, Leign. Kawawa mga inaanak n'yo." Nagtawanan na naman kami. "Oh my! Tingnan mo naka-tag sa jowa mo. May kasama siyang super ganda, sis. Pero no worries maganda ka pa rin bestie kita." Nagtaka naman ako sa sinabi niya.
"Baka pinsan lang, ikaw talaga Yanna..mapanghusga," sabi ni Kystal. Tama din naman ang point ni Kystal, sabi sa akin ni Laurent kasama niya ang kanyang kamag-anak.
"Wait send ko sa gc natin," sabi nito at abala ito sa kanyang cp. "Tingnan n'yo." Nagulat naman ako sa aking nakita, hindi ito pinsan ni Laurent dahil si Everey ang kasama nito sa picture. Tiningnan ko ang ibang pictures at nakaramdam ako ng kirot sa aking nakita. Sobrang saya nila sa picture, nasaktan ako dahil ang saya ni Everey kasama ang pamilya ni Laurent.
"Anong mukha iyan? Kilala mo ba 'yan?" Tanong ni Yanna.
"Ex niya," mapait kung sagot. Nagtaka ako kung bakit nandoon si Everey kasama ang pamilya at kamag-anak ni Laurent. Wala rin nabanggit sa akin si Lauren sa mga tawag namin. Kung hindi dahil na-tag siya sa post ni Everey hindi ko malalaman.
"Ex? Bakit niya kasama iyon? Ano ibig sabihin non?" sunod-sunod natanong ni Yanna habang nanahimik lang si Kystal.
"Kahit ako iyan din ang tanong ko," malungkot kung sabi. Iwan ko ba hindi ko maiwasan mag-overthink pero naniniwala naman ako ni Laurent na hindi niya ako lolokuhin. Pero nagseselos pa rin ako. Gusto ko ako iyong nasa tabi ni Laurent ngayong pasko hindi iyong ex niya.
"Naku Yanna! pinapalungkot mo si Leign, pasko pa naman. Baka naman nagkataon lang. Hindi din alam ni doki 'yan o kaibigan ng pamilya talaga, kaya ganyan." Singit ni Kystal nang mapansin ang reaksyon ko. "Huwag ka mag-alala hindi ka naman sasaktan non."
"Paano ka nakakasiguro?" Tanong ni Yanna.
"Hindi lahat ng lalaki tulad ng mga ex mo or ni Hanz." Natahimik naman si Yanna sa sinabi ni Kystal. "Huwag natin husgahan si doki kung hindi natin alam ang buong nangyari. Ang mabuti mong gawin ay kausapin mo siya at itanong mo upang hindi ka mag-isip ng kahit ano."
"Thanks, Kys," sabi ko dito.
"Sorry, sis. Biro lang naman iyong akin. I know hindi ka sasaktan ni doki." Napangiti naman ako sa mga sinabi nila.
"Okay lang 'yon. Naiintidihan ko naman, normal lang naman reaksyon mo. Hindi naman ako galit sa'yo."
"Labyooo, sis.." Nakangiting sabi nito sabay finger heart. Nag-usap pa kami na kung ano-ano hanggang sa nagpaalam na kami sa isa't-isa dahil inaantok na. Tiningnan ko muna kung online ba si Laurent pero offline pa rin hanggang ngayon. Nilagay ko na lang ang cellphone sa may drawer at nahiga sa kama.
Kahit anong gawin ko hindi pa rin ako dalawin ng antok dahil sa nakita ko kanina. Inaamin ko nagseselos talaga ako, kahit naman sinong makakita nun ay magseselos talaga. Kitang-kita sa picture kung gaano sila kasaya. Napaisip tuloy ako kung ako ba nandoon ay ganoon din ang pamilya sa akin ni Laurent. Minsan ko lang ito nakasama sa birthday party tapos ramdam ko na hindi nila ako gusto. Mas lagi pa nito kausap at kasama ay si Everey. Bumaba na lang muna ako upang uminom ng tubig dahil hindi talaga ako makatulog.
"Gising ka pa, ate?" Takang tanong ng kapatid ko nang makita ako.
"Nauuhaw lang, ikaw bakit gising ka lang?"
"Same, ate. Mauna na ako sa taas. Good night, ate..Merry Christmas," sabi nito saka nagmamadaling umakyat sa taas. Kumuha ako ng baso at nilagyan ng tubig saka mabilis itong ininom. Pagkatapos ay bumalik ako sa taas at nahiga sa kama, pinilit ko ang aking sarili na makatulog.
----
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top