Chapter 39
Pagkatapos ng bakasyon namin sa El Nido, naging abala naman si Laurent dahil sa kanilang medical mission. Pero hindi ito nakalimot sa pagtawag sa akin. Nang matapos naman ito sa medical mission ay naging abala naman ito sa hospital. Kaya kami na lang lagi ni Yanna magkasama lumabas upang sulitin ang bakasyon, pero kapag may oras naman si Laurent ay pumupunta ito sa apartment o lumalabas kami kahit saglit lang.
Kapag day-off naman ni Laurent ay pinupuntahan ko siya sa kanyang condo upang ipagluto siya, manood din kami ng mga bagong movie. Kahit sa ganito na paraan ay masaya na kami dahil may oras kami sa isa't-isa.
"Babe, ako na d'yan.." Nandito naman kasi ako sa condo ni Laurent, sinabi niyang siya ang magluluto. Gusto ko lang naman tumulong kahit sa paghiwa ng gulay. Pero ayaw talaga ako nito patulungin, kasi ako na raw parati nagluluto kaya babawi siya.
"Babe, naman.. wala naman ako gagawin. Kahit ito lang, pagbigyan mo ako." Tiningnan ko ito at nagpapaawa ako para naman pumayag. Napakamot ito sa kanyang batok dahil hindi naman talaga ako matitiis nito. "Thank you, babe.." sabay halik ko dito sa kanyang pisngi.
"Alam na alam mo talaga kung paano ako mapapayag. Sige tapusin mo lang iyan saka bumalik kana doon." Tumango lang ako at binalikan ang ginawa ko kanina. Matapos ko sa aking ginawa ay nanood na ako ng TV. Alam ko naman kasi na pipilitin lang ako ni Laurent na huwag na siya pakialaman.
Nagulat ako ng biglang may humalik sa pisngi ko, nilingon ko ito at nakita ko ang aking napakagwapong kasintahan na sobrang lapad ng ngiti. "Tapos ka na?" Tanong ko dito. Umikot ito at umupo sa tabi ko.
Niyakap ako nito kaya niyakap ko na lang din ito. "Kumain na tayo," mahinang sabi niya, kaya tumango ako. Napatili ako ng bigla na lang niya ako binuhat.
"Ibaba muna ako, baka mahulog ako. Mabigat pa naman ako," sabi ko dito pero tumawa lang ito. Kaya kumapit na lang ako sa kanya. Dahan-dahan naman niya ako binaba nang nasa mesa na kami. "Wow.. amoy pa lang masarap na. Ang galing talaga!" puri ko dito.
Pinaupo na niya ako sabay lagay ng pagkain. Tinikman ko ito, napangiti ako dahil sobrang sarap. Hindi talaga ako magsasawa kumain ng mga luto niya. Sobrang galing niya magluto. "Bakit hindi ka kumakain?" tanong ko dito nang makita na tinititigan lang ako.
"Busog na kasi ako kapag tinitingnan kita." Sabay kindat sa akin kaya napa-pout na lang ako. "Bakit namumula baby ko?"
"Laurent naman.." Mas sumimangot ako dahil sa tukso niya..
"Fine.. suko na ako.." Tinaas nito ang kamay, tumayo din ito at nilapit ang upuan niya sa tabi ko. Kaya sinubuan ko na lang ito, hindi naman siya umangal. Inabutan ako nito ng tubig ng matapos na kumain, nagpasalamat lang ako dito. Niligpit namin ang aming kinainan. Ako ang nagsabon ng pinggan at siya naman ang nagbanlaw. Pagkatapos namin ay bumalik na kami sa sala. Namili kami nang-movie na panoorin.
"Nakakainis na 'yan. Bakit pa kasi nag-cheat, alam naman niya na may masasaktan." Reklamo ko sa aming pinanood, nainis kasi ako. Narinig ko ang pagtawa ni Laurent kaya tiningnan ko ito ng masama.
"Chill, babe.. movie lang 'yan.." Tumigil ito sa pagtawa at pinisil ang pisngi ko.
"Nangyayari din iyan sa totoong buhay." Nakasimangot na sabi ko.
"Yeah, pero hindi sa atin.." Paniniguro niya sabay halik sa noo ko. Kaya sinandal ko na lang ang ulo ko sa kanyang dibdib at bumalik sa panonood. Inaantok na ako ng matapos namin ang movie, hindi man happy ending dahil hindi sila nagkatuluyan pero satisfied naman ako sa ending. Masaya na kasi ang babae sa kanyang buhay habang ang lalaki naman ay natuto na mali ang kanyang ginawa.
Tumayo na kami upang matulog, malalim na ang gabi kaya dito na ako sa condo ni Laurent matutulog. Ilang beses na din ako nakatulog dito. Sabay kami nag-toothbrush ni Laurent, binilhan kasi ako nito ng mga gamit sa kanyang condo upang gamitin ko kapag pumupunta ako dito.
"Pahiram nito, babe.." sabay pakita ng shirt niya. Mas gusto ko kasi suotin ang shirt niya kapag natutulog, kahit abot tuhod ito dahil ang taas niya. Ngumiti lang ito sa akin kaya pumasok ako ulit sa banyo, naghilamos saka nagpalit ng damit. Suot ko ang malaking shirt ni Laurent at short na binili niya. Paglabas ko ay agad tumambad sa akin ang seryosong Laurent na nagbabasa. Tumabi ako dito at niyakap siya. "Good night, babe.." sabi ko dito.
Tinigil nito ang pagbabasa at hinalikan ako sa noo. "Good night, baby," hinalikan nito ang tungkil ng aking ilong. "I love you.." sabay halik sa aking labi.
"I love you.." Huling sinabi ko bago pinikit ang aking mga mata. Kinabukasan, nauna nagising sa akin si Laurent kaya paggising ko ay handa na ang almusal namin. Niyakap ko ito patalikod. "Good morning, baby.." Masiglang sabi ko dito.
"Good morning, baby.." sabi nito at umikot ito upang harapin ako. "Ang ganda naman ang girlfriend ko.."
"Umagang-umaga Laurent, huwag masyado maging bolero." Inirapan ko ito, tumawa itong napakalakas.
"Ang cute mo umirap," sabi nito kaya tiniasan ko ito ng kilay. "Okay tama na, kumain na tayo.." Hinawakan ang kamay ko at pinaupo ako.
Matapos namin kumain ay nagbihis na ako, ihahatid na niya ako sa apartment dahil may pasok pa ito sa trabaho. Medyo natagalan kami dahil sa traffic kaya nag-alala ako na baka late na siya sa trabaho. "Bye, babe.. Tatawag ako after work," wika nito sabay halik sa akin at pumasok sa kanyang sasakyan. Nang makaalis na siya ay pumasok na ako sa apartment. Nakita ko si Yanna na nag-work out.
"Inumaga ka naman.. Naku! Leign kapag nalaman ito ng magulang mo ako mapapatay ng tatay mo. Takot pa naman ako ni tito. Maawa ka sa sarili ko, sa akin ka pa naman binilin ng nanay mo."
"Huwag muna ako alalahanin, alam ko naman 'yan." Paniniguro ko sa kanya, umupo ako sa may sofa.
"Oo na, may tiwala naman ako sa iyo. Basta huwag mo isuko ang bataan ng pilipinas. Alam mo naman siguro nangyari sa akin. Nang-iwan ako ng gago na 'yon muntik na akong hindi maka-ahon. Buong akala ko kasi hindi niya ako kayang lokuhin. Pero akala lang pala." Mapait nitong sabi. Alam ko naman dinanas ni Yanna bago kami napunta sa Manila. Dumating na siya sa punto na gusto niyang wakasan ang kanyang buhay dahil sa ginawa ng kanyang nobyo noon.
"Lagi ko tatandaan mga pangaral mo sa akin." Nakangiting sabi ko dito, nagulat ako ng bigla ako nitong yakapin.
"Mabuti naman, ayaw ko maranasan n'yo nangyari sa akin. Nakalimutan ko na sarili ko, akalain mo iyong dumating ako sa point na naki-usap ako na huwag niya iwan at ako ang piliin."
Niyakap ko si Yanna, alam ko hanggang ngayon nasasaktan pa rin siya sa mga nangyari sa kanya. Hindi naman kasi madali kalimutan, iyong akala niyang siya na iyong tao na makakasama niya hanggang pagtanda.. Nagplano na silang magpakasal pero nalaman na lang niya nakabuntis ang kanyang nobyo. Ang mas malala pa ay sa babaeng tinuring niyang kaibigan.
"Tama na ang drama, hindi bagay sa ganda ko." Humiwalay ito sa pagkayakap.
"Sobrang yuck mo, amoy pawis ka yumakap sa akin." Biro ko dito.
"Sorry, hayaan muna mabango naman pawis ko alangang safeguard 'yan." Natatawang ganti nito.
Buong araw wala akong ginawa kung hindi ang magbasa, matulog at kumain. May natatanggap naman akong message ni Laurent sinasabi na medyo busy siya, huwag ko kalimutan kumain. Hanggang sa lumipas ang ilang araw at balik na naman sa pasukan. Panibagong bata na naman ang mga tuturuan ko. Ang mga baby ko noon ay nasa grade two na, nakakatuwa lang at sobrang bilis ng panahon.
Hindi pa rin nagbago si Laurent, hinahatid pa rin kami ni Yanna sa school. Kung ano siya noon ay ganoon pa rin. Parang araw-araw pa rin ako nililigawan kahit kami na.
Dahil first day off school hindi pa gaano stress sa klase. Hindi din nagkukulit mga estudyante ko kaya hindi ako gaano napagod ngayong araw na ito. Nasa labas na kami ng school hinihintay ko si Laurent. Ilang minuto lang ay nakita ko agad ang kanyang sasakyan.
Lumapit kami ni Yanna dito, mabilis naman kami pinabuksan ng sasakyan ni Laurent. Hinatid muna kami sa apartment at nagmamadali akong magbihis. Lalabas kasi kami ngayon, kakain lang kami tapos magpapahangin sa tabing dagat tulad ng ginagawa namin dati.
Kumain muna kami sa restaurant, naisipan namin kumain sa seafood restaurant dahil pareho kaming paborito ito. Matapos namin kumain ay nagtungo na kami sa tabing dagat, magpahinga lang saglit doon. Kapag nagyaya si Laurent ng ganito, alam ko na medyo stress ito sa trabaho. Nakatingin lang kami sa kalangitan, pinagmasdan ang buwan at bituin sa kalangitan. Napasandal ako sa balikat ni Laurent. Tahimik namin pinapakinggan ang bawat hampas nang-alon.
"May problema ba, babe?"
"Wala naman, napagod lang ako siguro. Buong araw kami nag-asikaso sa mga na-aksidente sa bus."
"I'm so proud of you, babe." Hinawakan ko ang kanyang pisngi. "Ang dami mo natulungan, madami kang buhay naligtas." Hinalikan ko ito sa noo at niyakap nang mahigpit.
"Thank you, babe...lagi ka nasa tabi ko upang palakasan ako. Ikaw ang aking pahinga.." Sinandal ang kanyang ulo sa aking balikat. Nanatili kami ng ilang minuto sa ganoong posisyon hanggang sa magyaya si Laurent na maglakad-lakad kami. Inilipad ng hangin ang aking buhok kaya kumuha si Laurent ng panali sa kanyang bulsa at tinali ang buhok ko.
Nang malalim na ang gabi ay napagpasyahan namin na umuwi na. Dahil malapit lang ang condo ni Laurent sa lugar na pinuntahan namin ay doon na kami nagpalipas ng gabi. Maaga na lang kami aalis bukas. Nakatulog naman kami agad pagdating sa condo ni Laurent.
Kinabukasan, maaga naman kami gumising ni Laurent. Inabutan ako nito ng kape, nagpasalamat ako dito. Nang handa na ako para maihatid na ako ni Laurent sa apartment kasi may pasok pa ako.
"Umaga muna naman iyan hinatid kaibigan ko. Kung hindi lang kita kilala doki, baka nabatukan nakita. Kape gusto n'yo?" Alok nito sa amin, umiling lang kami.
"Ikaw na bahala kay Laurent, maghahanda lang ako," sabi ko bago ako umakyat sa taas, nakasalubong ko pa si Kystal na pababa. Napatingin ito sa akin ng may pagtataka pero hindi na lang ito nagtanong nang marinig na may kausap si Yanna sa baba. Kilala na nito kung sino ito. Nagbihis na ako at hinanda ko na ang aking gamit. Pagbaba ko ay kumain na kami sa luto ni Yanna. Pagkatapos ay inihatid na kami ni Laurent sa paaralan.
Tamang-tama naman pagkarating namin doon, ilang minuto lang ay nagsimula na ako sa aking klase. Nag-discuss lang ako at nagbigay ng activity sa mga bata. Nang break time na, nagpunta ako sa cafeteria at doon ko nakita ang aking mga kasamahan. Nakikinig lang ako sa kanila nag-usap-usap tungkol sa bakasyon nila. Hindi din nawala ang bangayan ni Yanna at Hanz kung saan nasanay na kaming dalawa. Magtataka kami kapag hindi ito nagbangayan.
Matapos nang-break ay bumalik na ako sa klase. Nagkaroon kami ng activity kung saan mas nag-enjoy ang mga bata. Umuwi itong may ngiti sa labi lalo na sa mga batang nakakuha nang-star. Ginawa ko na lang ang aking mga paperworks upang hindi matambak. Nang matapos ko ang paperwoks ay inayos ko ang mga upuan ng mga bata. Tamang-taman naman natapos na ako ay dumating na si Yanna. Hindi naman halatang stress dahil nakangiti naman ito.
"Let's go na," yaya nito sa akin. Kinuha ko ang aking gamit at sabay na kami lumabas ni Yanna. Inihatid kami ni Laurent pero hindi na ito pumasok dahil may trabaho pa ito. Nagluto na ako ng makakain namin habang abala naman si Yanna sa paggawa sa lesson plan. Mabuti na lang at ginawa ko ang akin kanina. Kaya wala na akong gagawin ngayon at pwede na ako makapagpahinga matapos magluto.
----
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top