Chapter 38
Niligpit ko ang aking gamit ng biglang pumasok si Yanna, abot tenga ang ngiti nito. Hindi ko na kailangan pa ito tanungin dahil alam kung bakit sobrang saya nito. Binilisan ko ang pagligpit ko sa aking gamit. "Uuwi ka ba sa atin?" Umiling ako, plano ko sana noon umuwi sa aming probinsya kapag bakasyon na. Pero may napagplanuhan kasi kami ni Laurent kaya hindi muna ako uuwi sa amin. "Ikaw ba?"
"Sa pasko na siguro, hindi din uuwi si Kystal. Saan ka ba pupunta bakit na-iba yata ang plano mo?" Nagtatakang tanong nito.
"May pupuntahan kami ni Laurent," maikling sagot ko at niyaya nang lumabas. Baka kasi nasa labas na si Laurent, kanina pa ako hinihintay nun.
"Saan kayo pupunta ni doki?" Tanong nito sa akin.
"Palawan.."
"Malaking sana all.. baka need n'yo nang alalay willing ako basta free lahat at busog ako," pangungulit nito sa akin.
"Lakas ng trip mo," natatawang sabi ko at hinila siya sa kinaroroonan ni Laurent. Nakaramdam ako nang-awa dito dahil sobrang itim ng mata halatang walang tulog pa ito. Pero sinundo pa rin niya ako kahit ito lang oras niya para makapagpahinga. Lumapit ako dito at mabilis itong niyakap.
"How is your day going? Okay lang ba? Hindi ka ba masyado stress sa trabaho?" Malambing na tanong nito, araw-araw talaga hindi niya malimutan na kumustahin ang araw ko. Kapag stress ako sa trabaho sa kanya ako mag-ra-rant, tahimik lang siyang nakikinig. Pagkatapos ay hahalikan niya ako sa noo at yayakapin nang mahigpit. Sa ginagawa niyang ito ay gumagaan ang aking pakiramdam. Para ko siyang human diary, kapag may problema din ako sa pamilya nasa tabi ko lang siya. Sobrang napaka-swerte ko sa kanya.
"Okay lang naman, ikaw? Mukha atang sobrang busy n'yo at hindi ka naman nakatulog. Kumain ka ba kanina?" Umiling lang ito. "Hindi ba sinabi ko sa'yo kumain ka. Sa apartment ka muna, magluluto ako."
"Sounds good," nakangiting sabi nito sabay pinagbuksan ako ng sasakyan. Nauna na si Yanna sa loob. Sanay na kasi ito sa routine namin. Nagmaneho na ito papunta sa apartment.
Pagkarating naming doon ay umakyat ako sa taas upang magpalit ng damit kasi magluluto pa ako. Pagkatapos ay bumaba na ako. "Magpalit ka muna sa taas," sabi ko dito sabay abot ng shirt niya. Mabuti na lang at may naiwan siyang shirt dito. Hinalikan muna ako nito sa pisngi bago ito lumakad. Mabuti na lang at nasa kwarto si Yanna kung hindi ay nanukso naman ito.
Hinanda ko ang mga kailangan para sa lulutuin ko. Hinugasan ko muna ang gulay saka ang karne na gagamitin. Matapos gawin lahat ang dapat kailangan ay nagsimula akong magluto.
"Amoy pa lang masarap na." Pabulong nasabi nito sabay yakap sa akin habang nakatalikod ako. Tinapik ko ang kanyang kamay nakayakap sa akin upang alisin muna niya dahil hindi pa ako tapos magluto. Pero matigas ito kaya hinayaan ko na lang.
"Required ba magluto dapat may kayakap." Natawa si Laurent sa sinabi ni Yanna.
Bumitaw na ito sa pagyakap sa akin. "Doon muna ako sa sofa, babe. May bitter dumating." Natatawang sabi nito.
"Hoy, Laurent! Narinig ko 'yon." Turo nito kay Laurent, tinawanan lang ito ni Laurent. Hindi niya pinansin si Yanna kaya mas naiinis ito.
"Yanna, patulong na lang dito." Tawag ko dito at lumapit naman ito. Sa tulong ni Yanna mas napabilis ako sa pagluluto.
"Ako na dito, tawagan muna jowa mo at si Kystal sa taas." Kaya pinuntan ko si Laurent pero nakita ko itong mahimbing natutulog. Kaya inuna ko muna si Kystal na puntahan.
"Babe, gising.. kain ka muna.." Mahinang sabi ko saka mahinang niyugyog siya. "Kain na tayo," ulit ko nang magising na siya. Tumayo ito at inayos ang sarili.
"Ito.." Inabutan ko siya ng kanin.
"Thank you.."
Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na si Laurent, kailangan kasi niya bumalik sa hospital dahil may-absent na kasamahan niya. Kaya kailangan siya doon upang pumalit. Kaya dating gawain naming magkaibigan ay nanood kami ng movie hanggang sa makaramdam ng antok.
Kinabukasan, abala ako sa pagliligpit nang gamit para sa lakad namin mamaya. Tiningnan ko bawat isa baka may makalimutan naman ako dalhin. Nang maayos ang lahat ay nahiga muna ako sa kama upang magpahinga saglit. Tiningnan ko ang oras at nagmadali akong naligo, malapit na kaya nagmamadali ako. Pagkatapos ay pinatuyo ko aking buhok. Saka nagbihis., nagsuot lang ako ng black leggings at above the knee na hoddie jacket.
"Nandito na jowa mo," sigaw ni Yanna sa baba. Tamang-tama naman at tapos na ako kaya kinuha ko ang aking gamit at bumaba. Nang makita naman ako ni Laurent ay kinuha niya ang aking mga dala. "Mag-ingat kayo don. Laurent, alagaan mo kaibigan ko." Paalala ni Yanna dito, para siyang nanay makabilin.
"I will, nothing to be worried about." Nagpalam na kami saka lumabas sa apartment. Sumakay kami nang-taxi papunta sa airport, nag-check in kami pagdating namin doon. Naghintay lang kami ng ilang minuto bago kami nakasakay sa plane. Sinabi sa amin ang mga kailangan.
Umabot din nang-one hour at twenty minutes ang flight naming bago kami nakarating sa aming destinasyon. Agad kami sumakay papunta naman sa hotel na tutuluyan naming upang makapagpahinga saglit. Pagkarating naming sa hotel ay agad ako nahiga sa kama dahil sa masakit ang aking ulo. Pinikit ko ang aking mata at nagbasakali na mawala ang nararamdaman. Napadilat ako nang biglang hilutin ni Laurent ang aking ulo.
"Close your eyes, babe. You need to rest." Mahinang saad nito sa akin na sinunod ko naman. Medyo gumaan ang aking pakiramdam dahil sa kanyang ginawa. Hanggang sa hindi ko namalayan nakatulog pala ako. Palubog na ang araw nang magising ako. Inayos ko ang aking sarili at mga gamit.
"Are you already awake? How are you feeling? Are you okay, babe?" Niyakap ako nito kaya amoy ko ang kanyang pabango.
"Medyo nawala na 'yong sakit ng ulo ko. Pasensya ka na kung lagi talaga ako ganito pag-umaalis tayo," mahinang sabi ko habang sumandal ako sa kanyang dibdib, nakayakap pa rin ito sa akin.
"It's okay, naiintindihan naman kita." Hinahaplos nito ang aking buhok. "Let's go out, time to eat." Tumango ako at nagpaalam munang magpalit ng damit. Pagkatapos ay magkahawak ang aming kamay na lumabas sa aming room, sumakay kami sa elevator.
Kaunting tao lang ang nasa may restaurant, naghintay lang kami ng ilang minuto para sa order naming. "Kumain ka pa.." Nilagyan ni Laurent ng pagkain ang aking pinggan, minsan sinusubuan niya ako. Hindi naman ako naiilang dahil kadalasan naman niya itong ginagawa kapag kumakain kami sa labas. Kaya nasanay na ako.
Matapos naming kumain ay nag-ikot kami sa paligid upang matunaw din ang aming nakain. Medyo napadami kasi ang aking kain dahil sobrang sarap ng mga food nila.
"Ang ganda ng buwan.." Sambit ko habang nakatingin sa kalangitan. Sobrang liwanang nito kaya sarap tingnan.
"Kasing ganda mo," mahinang sabi nito pero sapat na upang marinig ko. Hindi ko mapigilan mapangiti sa aking narinig. Naglakad pa kami ng biglang may nakita kaming bata na umiiyak. Nilapitan namin ito.
"Bata, bakit ka umiiyak? Bakit mag-isa ka lang?" Mahinang tanong ko dito, Nakita ko na medyo natakot ang bata, siguro dahil hindi niya kami kilala. Nginitian ko ito at hinaplos sa buhok. "Don't cry na, tutulungan ka naming. Hanapin natin parents mo." Bigla naman nagliwanag ang mukha ng bata sa sinabi ko at tumigil sa pag-iyak. Pinunasan nito ang kanyang luha sa kanyang pisngi.
"Talaga po?" Tumango lang ako.
"Ano ba pangalan mo?"
"Aki po," mabilis na sagot nito.
"Aki, nice name.. saan pa mga parents mo?"
"Doon po banda.." Turo nito. "Sinundan ko po kasi ang butterfly tapos natakot na po ako bumalik."
Hinawakan ko ang kamay niya. "Sasamahan ka namin.." Tiningnan ko si Laurent at tumango lang ito. Hinawakan din niya ang isang kamay ng bata at naglakad kami sa tinuro ng bata. Malayo-layo na rin nalakad naming pero hindi pa namin nakita ang magulang ni Aki. "Sigurado ka ba dito ka dumaan, Aki?" Tumango lang ito kaya nagpatuloy kami sa paglalakad.
"Mommy.." Sigaw ni Aki at mabilis na tumakbo papunta sa kanyang ina.
"Akiela, baby..." Mabilis ito niyakap ng kanyang ina. "Saan ka ba pumupunta bata ka, kanina ka pa naming hinanap. Nag-alala kami sa iyo." Narinig naming sabi nito kay Aki. Napatingin naman ako ng bigla akong akbayan ni Laurent.
"Mommy, nawala po kasi ako pero tinulungan nila ako." Turo nito sa amin, tumayo naman magulang ni Aki at lumapit sa amin.
"Maraming salamat sa pagbalik sa anak ko. Makulit talaga 'yang bata na iyan. Kanina pa namin iyan hinanap." Nginitian ko lang ito.
"Walang anuman po, mauna na kami. Malalim na kasi ang gabi.." Paalam ko dito..Bye, Aki.." Kinawayan ko ito. Nagulat ako ng bigla akong niyakap nito.
"Thank you po.." Malambing na sabi nito. Ginulo ko lang ang buhok niya at nagpaalam na kami.
"Lapitin ka talaga ng bata..." Ani ni Laurent habang naglalakad kami pabalik.
"Ang saya lang kasi kapag sila kasama mo, napaka-genuine talaga. Matutuwa ka sa kanila.."
"Hindi ba sumasakit ulo mo sa kakulitan nila?"
Umiling lang ako at hinarap sila. "Siguro nasanay na ako. Mahaba lang siguro pasensya ko.." Pinisil nito ang aking pisngi.
"Ang swerte ko talaga sa aking girlfriend. Sigurado ako magiging mabuting ina ka sa ating mga anak."
"Anak?" Gulat na tanong ko dito.
"Oo, sa mga anak natin sa tamang panahon." Napangiti naman ako sa sinabi niya kasi nag-iisip na ito sa aming future.
"Ilan ba gusto mong anak?" Tanong ko dito at hinawakan ang kamay upang maglakad na-ulit.
"Tatlo, okay na sa akin. Pero kung ilan gusto mo iyon ang masusunod. Katawan mo iyan, alam kung hindi madali magbuntis."
"Okay naman sa akin ang tatlo, para masaya. Uyy.. nandito na pala tayo. Hindi man lang natin namalayan." Nakangiting sabi ko ng nasa harap na kami ng hotel. Pumasok na kami at sumakay sa elevator.
Padating naming ay ginawa ko lang night routine ko bago ako nahiga sa kama. Ngayon ko pa naramdaman ang pagod dahil sa layo ng nilakad namin kanina. Pinikit ko aking mata. Naramdaman kung humiga na si Laurent, niyakap ako nito. Humarap ako sa kanya at niyakap siya saka sumiksik sa may dibdib niya.
"Good night, babe.." Inaantok kung sabi.
"Good night, babe." Naramdaman kung hinalikan niya ang aking ulo hanggang sa hindi ko namalayan ang sumunod nangyari dahil nakatulog na ako.
Maaga kami gumising upang marami kami mapuntahan, kumain muna kami. Nag-rent kami ng kayak at pinuntahan naming ang ilang tagong beaches. Sobrang namangha talaga ako sa ganda ng tanawin. Hindi ko ramdam ang init ng araw dahil sa pagkasabik ko sa mga tanawin. Pagkatapos ay nagpunta rin kami sa Nagkalit Waterfalls. Hindi kami nakaramdam ng pagod sa mga pinuntahan naming, sobra kaming nag-enjoy. Kumuha din kami ng ilang picture at nagpa-picture rin kami na magkasama.
"Kaya pala pinupuntahan ito lagi ng mga turista kasi ang ganda," masayang sabi ko kay Laurent, sumandal ako sa kanyang balikat.
"Mas lalong gumanda ang bakasyon ko dito dahil kasama kita." Nakangiting sabi nito sabay halik sa ulo ko.
"Talaga?.." Tiningnan ko ito.
"Kahit saang lugar pa tayo magpunta, maganda at masaya kapag kasama kita." Hinawakan nito ang aking pisngi at dahan-dahan itong lumapit sa akin at hinalikan ako.
Pagkatapos niya aking halikan ay nagtago ako sa kanyang dibdib. Narinig ko pa ang pagtawa niya, madami kasing tao kaya nakaramdam ako nanghiya. Sobrang PDA namin, baka ano pa sabihin ng iba.
Tumayo ako at hinila si Laurent sa may dagat upang maligo. Hindi na kasi masyado mainit at hindi na masakit sa balat kaya niyaya ko na itong maligo. Sobrang ganda ng tubig. Nang medyo malalim na ay napahigpit ang hawak ko kay Laurent.
"Don't worry, nandito lang ako." Panigurado ni Laurent sa akin. Alam ko naman na hindi ako nito pababayaan.
Nang mapagod na kami sa kalalangoy ay naisipan namin magpahinga. Umupo kami sa may buhangin at tiningnan ang ibang tao na masayang naliligo. May mga bata naghahabulan at naglalaro ng buhangin.
----
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top