Chapter 37

"Naku iba talaga ang inlove!" Tukso ni Yanna sa akin. Nasa cafeteria kami kasama si Kiefer at Hanz. Siniko ko si Yanna upang manahimik sobrang ingay kasi.

"Manahimik ka na Yanna kung ayaw mo batukan kita. Kanina ka pa." Banta ko dito at uminom na ng juice.

"Sinagot muna ba?" Tanong ni Hanz sa akin, tumango lang ako. "Wala na talagang pag-asa," sabi nito sabay tapik sa balikat ni Kiefer. Napatingin naman ako sa kilos ni Hanz, hindi ko alam kung ano ibig sabihin niya.

"Congrats, Leign. Kasiyahan mo lang hangad ko," nakangiting sabi ni Kiefer pero iba nakikita ko sa kanyang mata.

"Kapag saktan ka nun, sabihan mo lang kami. Kami na bahala," ani ni Hanz kaya binatukan ito ni Yanna. "Mapanakit ka na.." reklamo nito.

"Alam mo ang nega mo kasi, hindi naman sasaktan ni doki itong bestfriend ko. Wala sa hitsura ni doki," tanggol ni Yanna kaya napangiti ako sa sinabi niya.

"Wow! Sobrang confident mo naman.."

"Marunong ako kumilatis ng tao. Isa pa hindi kayo magkatulad ni doki na babaero.." Mataray na sabi ni Yanna sabay irap kay Hanz.

"Burn pre, bakit naman kasi babaero.." Pilit pinipigilan ni Kiefer ang pagtawa.

"Ito naman si Yanna kung makapagsabi na babaero si Hanz parang naging jowa ito. Paano mo nasabi iyan kung wala nga pinapakilala na babae iyan sa atin," sabi ko dito sabay subo ng pagkain. Nagtaka naman ako ng biglang nanahimik ang tatlo kaya tiningnan ko ito. "Oh may dumaan ba? Kaya ang tahimik n'yo," biro ko dito.

"A-Ahh kasi-"

"Kasi ano?" Tinasan ko ito ng kilay. Ang weird naman nila ngayon.

"May klase pa kasi ako. Mauna na ako." Nagmamadali naman umalis si Yanna at doon na tumawa nang malakas si Kiefer. Siniko ito ni Hanz kaya tumigil.

"Ang weird n'yo.." Hindi ko na lang pinansin ito pero nagtaka ako kay Yanna bakit ganoon na lang ang kilos niya. Kilala ko si Yanna at alam kung may tinatago ito. Kailangan ko ito kausapin. Matapos kung kumain ay nagpaalam na ako upang bumalik sa aking klase.

Madali lang lumipas ang oras at natapos na ako sa aking klase. Hinihintay ko lang si Yanna upang umuwi na kami. Hindi ako mahatid ni Laurent ngayon pauwi dahil may trabaho ito. Pero nangako naman siya napuntahan niya ako sa trabaho after nang trabaho niya.

"Sayang wala si doki, nasanay pa naman ako na hindi na pumila sa sakayan ng jeep," sabi ni Yanna palabas na kami sa school.

"Busy kasi 'yong tao."

"Teka.. hindi ba si doki iyan." Napatingin naman ako sa tinuro ni Yanna. Kahit ako nagulat sa aking nakita. Kumaway sa akin si Laurent kaya mabilis ko ito nilapitan.

"Akala ko busy ka?" Tanong ko dito. Niyakap ko ito kaya narinig ko ang pagtawa niya.

"Bes, maawa ka sa akin. Mag-adjust naman kayo sa thirdwheel n'yo." Napabitiw naman ako sa pagyakap.

"Break ko lang kaya babalik din ako agad. Ihahatid ko lang kayo," sabi ni Laurent.

"Okay lang naman kami, baka mapagod ka pa." Nakasimangot kung sabi pero pinisil lang nito ang pisngi ko.

"Let's go, huwag ka na magpa-cute.." Narinig ko ang bungisngis ni Yanna. Pinagbuksan ako ng sasakyan ni Laurent. Mabuti lang talaga at walang traffic kaya mabilis kami nakarating sa apartment.

"Mag-ingat ka," sabi ko dito sabay yakap sa kanya. Bago ito pumasok sa sasakyan ay hinalikan muna ako nito sa noo. Kumaway ako at pinaandar na niya ang sasakyan. Pumasok na rin ako sa loob ng apartment saka pumunta sa kwarto upang magbihis.

Tinulungan ko si Yanna maghanda ng hapunan namin. Tamang-tama naman ang pagdating ni Kystal dahil tapos na kami sa aming niluto. Kumain kami ng hapunan saka nanood kami ng k-drama. Naka-ilang episode na kami sa aming pinanood at nakaramdam na ako ng antok. Napalingon naman ako sa may pintuan ng may kumatok dito. Tumayo ako upang tingnan ito.

"Good evening, may dala akong midnight snack." Nakangiting bungad sa akin ni Laurent. Kinuha ko ito at pinapasok. Para naman bata si Yanna tuwang-tuwa ng may pagkain.

"Upo ka muna, sigurado ako pagod ka sa trabaho." Tumango lang si Laurent at umupo sa bakanteng upuan. Habang si Yanna ay hinanda ang dalang pagkain ni Laurent. Tumabi naman ako kay Laurent, sinandal nito ang kanyang ulo sa aking balikat. Halatang pagod ito sa trabaho kaya hinayaan ko na lang na magpahinga muna siya. Nakatapos kami ng ilang episode at napansin kung nakatulog si Laurent.

"Pagod yata talaga iyang jowa mo, tingnan mo uhh..nakatulog. Ang hirap kaya ganyang posisyon, masakit sa katawan." Sambit ni Yanna sabay kagat ng pagkain.

"Hayaan na lang muna natin siya makapagpahinga." Pakiusap ko sa aking kaibigan. Nanood na lang kami, hinayaan ko na lang muna si Laurent. Medyo nangangalay na rin ang aking balikat pero hindi ko na lang ito pinansin. Ayaw ko naman gisingin si Laurent.

Nang makaramdam ako nang-uhaw ay naki-usap ako kay Yanna dahil hindi ako makatayo. Ilang oras pa lumipas hanggang sa matapos naming ang pinanuod namin. Nagpa-iwan na lang ako sa baba kasi ayaw ko gisingin si Laurent.

"Sorry nakatulog ako," mahinang sabi ni Laurent.

"Okay lang naman, nagising pala kita."

Tiningnan ni Laurent ang kanyang relo. "Kailangan ko na pala umalis." Tumayo ito at inayos ang sarili.

"Bakit para kang nagmamadali?" Nagtatakang tanong ko dito.

"May duty pa kasi ako. Matulog ka na malalim na ang gabi." Lumapit ito sa akin at hinalikan ako noo. "Good night, my love..." Malambing nasabi nito sabay pisil sa aking pisngi. Nagpaalam na ito sa akin at lumabas na. Ni-lock ko muna ang pinto bago ako pumunta sa kwarto.

Ilang weeks na lumipas, naging mas abala ako sa school dahil malapit na magtapos ang klase at abala din si Laurent sa hospital. Pero kahit busy kami ay hindi pa rin ito hadlang para magkaroon kami ng oras sa isa't-isa. Hinahatid at sinusundo pa rin ako ni Laurent, ayaw na kasi nito na mag-commute ako. Nakakatawa lang dahil ilang years na ako sumasakay ng jeep at sanay na ako habang itong nobyo ko ay ayaw na kasi natatakot itong mabastos o may mangyari. Sobrang malalahanin talaga ito sa akin, naalala ko pa noong bigla na lang ako nagkasakit. Nag-absent talaga ito sa trabaho para maalagaan lang ako.

"Ako na." Kinuha nito ang grapes nahawak ko. Siya na ang nagbalat nito, alam kasi nitong hindi ako kumakain basta hindi binabalatan. Weird di ba?

"Thank you," nakangiting sabi ko sabay sandal sa kanyang balikat at tiningnan ang aking mga kaibigan abala sa paghahanda para sa camp fire namin mamaya. Dahil sabado ngayon kaya naisipan naming mag-camping. Tamang-tama naman at day off ni Kystal kaya nakasama ito sa amin.

"Lovebirds, baka naman tama na iyang lambingan at tulungan n'yo kami." Sigaw ni Yanna habang nilagay ang dalang kahoy. Sinubo naman sa akin ni Laurent ang nabalatan niyang grapes.

"Inggit ka lang," sabi ni Hanz. Binato ito ni Yanna nang maliit na kahoy. Mabuti na lang at mabilis itong naiwasan ni Hanz.

"Puntahan natin sila," sabi ko dito. Tumango lang ito, nauna itong tumayo at nilahad ang kanyang kamay upang alalayan ako sa pagtayo. Magkahawak ang aming kamay nang lumapit kami sa kanila kaya tinutukso kami ni Yanna.

Hinanda namin ang mga kailangan para mamaya. Nang palubog na ang araw ay sabay namin itong tinunghayan. Nang medyo dumilim na ang paligid ay inasikaso ng mga lalaki ang camp fire habang kaming mga babae ay doon naka-assign sa pagkain.

"Ang ganda... sana lagi tayo ganito guys," sabi ni Yanna. "Pampawala nang-stress," dagdag nito sabay kagat sa barbeque.

"Mainit pa 'yan." Mahinang sabi ni Laurent at kinuha ang barbeque na hawak ko at hinipan ito.

"Ang sakit n'yo sa mata," nakasimangot nasabi ni Yanna sa amin.

" Ingay mo, ito kainin mo," sabi ni Hanz sabay abot ng barbeque. Kinuha naman ito ni Yanna. Imbis napasalamatan ito ni Yanna ay inirapan niya ito. Hindi mapigilan ni Kiefer matawa dahil sa dalawa. Napailing na lang ako sa ugali ni Yanna, mabuti at sanay na si Hanz dito.

"Laro tayo, sobrang boring naman kung buong gabi tayo nakatingin sa apoy. Truth or Dare...," Yanna suggestion.

"Dami mo naiisip.." Reklamo ni Hanz.

"Kung ayaw mo sumali, umalis ka dito. Doon ka sa tent mo." Taboy ni Yanna dito.

Pumayag naman lahat sa sinabi ni Yanna. Naghanap ito nang bote upang magamit. "Start na tayo." Inikot nito ang bote. Unang naturo nang bote ay si Kystal. "Truth or Dare?" Excited natanong ni Yanna kay Kystal.

"Dare.." Diritsong sagot ni Kystal. Nag-isip naman si Yanna na pwede ipagawa kay Kystal. "Kumain ka nang tatlong sili..'

"Ang sama mo," nakasimangot na sabi nito pero tumayo ito upang kumuha ng sili. Nang makakuha na siya ay bumalik ito sa amin. "Sana masarap tulog mo mamaya, Yanna," sabi nito sabay kain ng tatlong sili. Parang ramdam ko ang anghang nang tingnan ko ang mukha ni Kystal. "Done.." Pinakita nito ang bibig. 

Nag-thumbs up si Yanna sabay abot ng tubig dito na agad naman ininum ni Kystal. Matapos niya uminom ay kinuha nito ang bote at inikot. "Truth or dare, doki?" Tanong nito kay Laurent ng sa kanya huminto ang bote.

"Truth.." Seryosong sagot nito habang abala ito sa paglalaro sa aking kamay.

"Ilan lahat naging girlfriend mo?" Tanong ni Kystal.

Patuloy pa rin ito sa paglalaro sa aking kamay. "Tatlo.." Walang ganang sagot niya. Napatingin naman ako dito dahil sa kanyang sagot. Sigurado ba siyang  tatlo lang, sa gwapo niya. "What does that look like, love?" Tiningnan ako nito ng may pagtataka.

"Sigurado kang tatlo?" Ngumisi lang ito at kinuha ang bote saka pinaikot. "Yes, love, I'm serious in all of my relationships. I don't play," sabi nito. "You don't need to worry. I'm loyal, love," dagdag nito sabay wink.

"Dare..." Kiefer said, sa kanya kasi huminto ang bote.

"Wala akong maisip." Napakamot si Laurent sa kanyang ulo.

"Hindi naman pwede na makaligtas si Kiefer. Sumayaw ka na lang," singit ni Yanna.

"Hoy Yanna, manahimik ka.." Angal ni Kiefer.

"Iyon na lang, bro. Wala kasi ako maisip kaya sumayaw ka na lang kahit anong tugtug." Napakamot na tumayo naman si Kiefer. Si Yanna ang namili nang tugtug. Napatakip ako ng bibig nang mapili ni Yanna natutug ay Darari. Pinakita pa nito ang video sa step ng sayaw. Nakasimangot naman si Kiefer pero sinabukan niya itong sayawin.

"Isa ka talagang guro, Kiefer. Ang galing mo sumayaw." Puri ni Yanna dito pero sinimangutan lang ito ni Kiefer. Natatawang umupo si Yanna pero nawala ito nang sa kanya huminto ang bote. Napangisi naman si Kiefer kay Yanna. "Uyy.. kaibigan mo pa rin ako." Naka-pout nasabi nito, para itong natalo sa sugal.

"Hindi naman ako nagtatanim ng samang-loob, Yanna. Truth or Dare..isipin mo mabuti." Natatawang sabi nito. Hindi namin mapigilan namatawa

"Kinakabahan naman ako sa'yo..Hmmm..Dare.."

"Playing safe.." Nakangising sabi nito. "Yakapin mo si Hanz, ten seconds lang." Natatawang sabi nito habang si Yanna ay hindi na maipinta ang mukha. Parang pinipigilan lang nito ang sarili na sakalin nito si Kiefer. Labag sa loob ni Yanna ang paglapit kay Hanz sabay yakap nito. "Huwag ka choosy, hindi ka-gwapo," sinabi niya kay Hanz kaya napatawa kami. "Ohh.. masaya ka na?" Inis nasabi niya kay Kiefer habang nag-okay sign naman si Kiefer.

Naglaro pa kami hanggang sa maisipan naming mga babae na matulog na habang umiinom pa ang mga lalaki. Dahil inaantok na ako ay agad ako nakatulog. Nagising na lang ako kinabukasan ng maramdaman na may nakayakap sa akin. Unti-unti ko dinilat aking mata at nakita ko si Laurent mahimbing natutulog sa tabi ko. Pinagmasdan ko ang kanyang mukha, sobrang napakasarap titigan nito. 

"Good morning, love.." mahinang sabi nito at niyakap ako nang mahigpit. Nakapikit pa rin ang mata nito.

"Good morning, love" malambing naganti ko sabay halik sa pisngi niya. Napadilat ang kanyang mata, hahalikan sana niya ako pero mabilis ko tinakpan ang labi ko. "Hindi pa ako nag-toothbrush," nahihiyang sabi ko. Pero hinawakan niya ang aking kamay at unti-unti tinanggal ito saka ako dahan-dahan na hinalikan. Madali lang naman ito pero nahiya ako kay siniksik ko ang aking sarili sa kanyang dibdib. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. Hinihimas niya aking buhok.

"Lovebirds, gising na..." Sigaw ni Yanna sa labas nang-tent.

"Labas natayo," mahinang sabi nito, dahan-dahan naman akong tumango. Nauna itong tumayo, hinanap ko muna ang panali sa aking buhok.

"Ako na." Kinuha ni Laurent ang hawak kung tali. Siya na ang nagtali sa aking buhok.

"Marunong ka pala.." Tiningnan ko si Laurent na may pagtataka.

"Baka nakalimutan mo may kapatid ako. Halika na.." Hinawakan nito ang aking kamay at lumabas kami. Nakita namin na may pagkain nakahanda na.

"Umagang-umaga ang sakit n'yo sa mata." Rekamo ni Yanna pero napasimangot ito ng batukan ni Kystal. Tiningnan niya ito nang masama.

"Makaasta ka kasi parang nagseselos ka. Baka naman may gusto ka kay doki." Ito naman ang binatukan ni Yanna.

"Hoy..bibig mo, pasmado... Hindi naman ako ganyan no. Hindi ko bet maging jowa si doki." Natigil lang ang dalawa nang abutan ito ni Hanz nang maiinom.

Niyaya ko si Laurent na kumain na kami. Nanatili muna kami nang ilang minuto hanggang sa niligpit namin ang aming gamit upang makauwi na kami. Nagtulungan kami sa aming Gawain kaya napadali ito. Naglakad na kami kung saan naka-park ang mga sasakyan. Si Hanz at Kiefer ang magkasama sa isang sasakyan habang kaming apat naman sa sasakyan ni Laurent. Nilagay muna ni Laurent ang gamit sa likod nang sasakyan bago ito pumasok at nagmaneho na ito pauwi.



----

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top