Chapter 36

Palabas ako sa bahay ng mga Craige, kakatapos ko lang magturo sa kapatid ni Laurent. Hindi ko nakita doon si Laurent, siguro ay nasa trabaho pa ito. Nginitian ko si manong guard nang buksan nito ang gate.

"Hey!" Iyon lang lumabas sa bibig ko nang makita si Laurent sa labas. Nakangiti ito at may hawak na bulaklak.

"For you." Inabot nito ang bulaklak sa akin. Nahihiyang kinuha ko ito.

"Uyy, si sir... may pa bulaklak pa kay ma'am." Tukso ni manong guard sa amo. Mas narakaramdam ako nang sobrang hiya. Baka umabot pa ito sa mga magulang ni Laurent.

"Alis na kami manong, namumula na itong kasama ko." Narinig ko napaalam ni Laurent. Pinagbuksan ako nito ng sasakyan, narinig ko pa iyong tukso ni manong. "Okay ka lang?" Napatingin naman ako kay Laurent, kakapasok pa lang niya sa sasakyan. Tumango lang ako dito. Nakita kung may parang inabot ito sa likod. "Happy Valentine's Day, Zach!" Nagulat ako nang iabot niya sa akin ang malaking blue bear.

Kinuha ko ito at niyakap. Sobrang saya ko dahil dito, mahilig kasi akong mag-collect ng stuffed toys. "Thank you," masayang sabi ko dito habang nakayakap pa rin sa bear. Narinig ko ang mahinang pagtawa niya, siguro naiisip niya na para akong bata dahil lang sa stuffed toys nabinigay niya. Hindi nababagay ito sa edad ko. Pero wala na akong pake, hindi ko maipaliwanag ang sobrang saya na aking nararamdaman.

"Amusement park?" Tanong ko nang huminto kami sa amusement park.

"Halos puno na lahat ng lugar, kaya ito na lang naisip ko." Paliwanang nito habang kinakamot nito ang batok. Hindi ko maiwasan mapangiti dahil ang cute niya tingnan.

"Halika na, sigurado ako masaya doon sa loob," yaya ko dito. Nauna pa ako lumabas sa sasakyan, iniwan ko muna sa loob ng sasakyan niya ang bear at bulaklak.

Si Laurent na ang pumila para bumili ng ticket. Medyo mahaba din ang pila kaya natagalan ito. "Let's go." Hinawakan nito ang aking kamay at dinala ako sa unang ride. Pumila  kami at halos bata ang mga nakasabayan namin kaya panay ang tawa namin. Nang kami na ay binigay ni Laurent ang ticket at pumasok na kami sa ride. Panay ang sigaw ko ng nagsimula na ang ride. 

Napatingin ako kay Laurent nang hawakan niya ang aking kamay kaya medyo kumalma ako. Lahat ng ride ay sinubukan namin. Sa aming dalawa siya ang mas nag-enjoy, palagi ito tumatawa habang ako kinakabahan sa ibang ride. Pero nag-enjoy din naman ako.

"Bili tayo niyan." Turo ko sa cotton candy. Lumapit kami doon at bumili. Nalakad-lakad na lang muna kami. Minsan sinusubuan ko ito ng cotton candy, hindi naman siya umaangal. Nang mapagod kami ay umupo kami sa may bench upang magpahinga. Lumipas ang ilang minuto ay naglakad-lakad ulit kami saka nagpasya kaming lumabas na.

Nagpunta kami sa mall dahil manonood kami ng sine. Si Laurent ang namili nang movie, hindi naman kasi ako mapili. Kahit pambata iyan ay manonood pa rin ako, naghintay lang ako sa may gilid. Matapos makakuha ng ticket ay pumasok na kami sa loob ng sine. Ilang minuto lang hinintay naming at nagsimula na ang movie. Napatingin ako kay Laurent nang ibalot niya sa akin ang kanyang leather jacket. "Para hindi ka lamigin," nakangiting sabi nito sa akin.

"Thank you," mahinang sabi ko dito at sumandal ako sa kanyang balikat. Nanood na ulit ako sa movie. After naming manood ay lumabas na kami sa mall. Hindi ko alam kung saan na naman ako dadalhin ni Laurent. Huminto kami sa isang overview na restaurant. Kaunti lang ang tao at sobrang relaxing ng lugar. "Ang ganda dito. Lagi ka bang pumupunta dito?"

Umiling lang si Laurent at inakbayan ako. "Naghanap kasi ako ng place para ngayong araw tapos lahat hindi na pwede kasi fully book na. Mabuti nalang at nakita ko ito sa online. Bago pa lang kasi ito kaya walang gaanong tao pa," paliwanag nito sa akin. Kaya napatingin ako dito. "Pasok na tayo." Nakangiting yaya niya at pumasok na kami sa loob.

Sinalubong naman kami agad nang isang crew, kinausap ito ni Laurent at sinabihan tungkol sa reservation niya. Sinamahan kami ng crew sa aming table, kinuha nito ang aming order. Napatingin ako sa may paligid. Hindi ko maiwasan na mamangha dahil sobrang napakaganda nang paligid. Sariwang hangin din ang aking nalalanghap sapagkat malayo ito sa syudad at napapaligiran ng mga punong-kahoy. Kaunting tao lang din ang meron dito, kadalasan ay magkapamilya at ang iba ay magkarelasyon.

"Thank you, Laurent!" Hinawakan ko ang kanyang kamay, medyo nagulat pa siya sa ginawa ko. Sobrang nagpasalamat lang ako sa mga ginawa niya. He keeps me feeling special. Sa araw-araw niyang ginagawa sa akin at sa mga pinapakita niya sa akin. Binago niya ang aking pananaw sa mga kalalakihan.

"For what?" Nagtatakang tanong nito sa akin.

"Dito...sa lahat ng ginawa mo sa akin. Kung iba siguro 'yon matagal na tumigil sa tagal. Pero ikaw patuloy mo pa rin ginagawa. Hindi ka nagbago." Nakatingin kung sabi sa kanya. Sa edad ko na ito marami na akong nakilala. Kapag ibang lalaki siguro ay matagal na tumigil sa panliligaw at naghanap na pwedeng ligawan. Pero iba si Laurent, hindi siya nagbago simula noong una. Matiyaga siya at pinatunayan niyang mabuti ang kanyang intensyon.

"Zach, hindi ba sabi ko sayo handa akong maghintay. Kahit gaano pa iyan katagal, hihintayin ko kung kailan ka handa." Tinitigan ako nito kaya hindi ko maiwasan ang aking sarili na tingnan ang kanyang mata. Sobrang sarap titigan ng kanyang brown eyes. Isa ito sa assets niya, napakaganda ng kanyang mga mata, sarap titigan. Napatigil ako sa pagtitig sa kanya nang dumating na ang order namin. Nagsimula na kaming kumakain, habang kumakain panay ang tingin naman sa akin ni Laurent. Kaya naiilang ako, baka may dumi na ako sa mukha.

Pagkatapos naming kumain ay binayaran ni Laurent ang bill. Sumakay na kami sa sasakyan, hindi ko alam kung uuwi na ba kami. Ilang minuto din ang biyahe at huminto ito sa may simbahan.

"Simbahan?" Takang tanong ko dito.

"I keep saying to myself, if I meet the right girl, I will bring her to the church," he said, then held my hands.

"Paano ka nakasigurado na ako?"

"Ramdam ko, Zach, na ikaw na talaga binigay niya para sa akin." Nakangiting sabi nito at niyaya na akong lumabas. Pumasok kami sa loob ng simbahan. Kaunting tao lang ang nandito dahil wala namang mesa ngayon.

Umupo kami sa may dulo at napatingin ako kay Laurent ng lumuhod ito saka nagdasal. Ilang segundo ko rin siyang tinitigan saka nagpasyang magdasal. Pagkatapos ko magdasal ay nilingon ko si Laurent. Tapos na rin pala itong magdasal, tumayo ako at tumabi ng upo sa kanya. Nakatingin lang ako sa may harapan. Huminga ako nang malalim at hinawakan ang kamay ni Laurent. Napatingin ito sa akin na may pagtataka, ngumiti ako dito. 

"Let's make this official.." Nagulat naman siya sa aking sinabi. "From now on, I'm officially yours. Saksi itong simbahan na ito. I'm willing to take a risk now, Laurent." Kanina ko pa ito pinag-iisipan. Mahina ako napatili ng bigla ako nitong yakapin na sobrang higpit.

"Hindi ako makahinga," natatawang sabi ko sabay tapik sa kanya. Humiwalay naman ito sa pagkayakap at hinawakan ang aking pisngi saka hinalikan ang aking noo.

"Thank you, Zach. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon.I will not make any promises. Pero gagawin ko na lang." Niyakap ako nito ulit. Ilang minuto muna kami nanatili sa loob ng simbahan bago kami nagpasyang lumabas. Nag-ikot-ikot muna kami sa paligid. Napatingin ako sa kalangitan kung saan maraming bituin. Nang maramdaman kung parang may nakatitig sa akin ay nilingon ko si Laurent.

 "Anong tingin iyan?" Takang tanong ko dito.

"Hindi lang ako makapaniwala na girlfriend ko na ang isang napakagandang babae." Nakangiting sabi nito. 

Hinampas ko ito nang mahina sa braso."Bolero!" Nag-pout ako pero nagulat ako nang pisilin niya ang pisngi ko.

"Hindi kita binobola. Ang ganda mo kaya, sigurado ako madami maiingit sa akin dahil akin kana." Hinawakan nito ang aking kamay at hinalikan. Napatingin lang ako kay Laurent. Ano ba ang ginawa kung kabutihan noon at binigay sa akin ang lalaking ito. Worth pala mga luha ko sa mga gago ko na ex dahil ngayon ay may Azikiel Laurent Craige na ako sa aking buhay.

Nang makaramdam kami nang pagod ay umupo kami sa may bench at sinandal ko aking ulo sa kanyang balikat. Pinagmasdan naming ang kalangitan. Pero ako lang ata nakatingin sa kalangitan kasi ang buong ginawa ni Laurent ay nakatitig lang sa akin. Nang mapansin ni Laurent na parang inaantok na ako ay nagyaya na itong umuwi. Buong biyahe ay nakatulog lang ako, ginising lang ako ni Laurent ng nasa tapat na kami ng apartment.

"Sigurado ka hindi ka na papasok?" Tanong ko dito, nasa labas na kami ng apartment.

"Hindi na, pagod ka na kaya matulog ka na. Bukas na lang ulit." Lumapit ito sa akin at hinalikan ako sa noo. "Good night, Zach..." Malambing na sabi niya. Pinapasok muna niya ako bago ito bumalik sa kanyang sasakyan.

Tahimik na rin ang apartment mukhang natutulog na ang mga kaibigan ko. Umakyat na ako sa taas at nagpalit ng damit saka ginawa ko ang aking night routine . Pagkatapos ay humiga na ako sa kama. Ipipikit ko na sana ang aking mata nang tumunog ang aking cellphone. Inabot ko muna ito at tiningnan. Nag-text sa akin si Laurent at sinabing nasa bahay na ito. Nag-good night lang ako dito at agad na natulog.

Kinabukasan medyo tinanghali na ako ng gising. Mabuti na lang at wala kaming pasok. Pagbaba ko nakita ko agad si Yanna nagtitimpla ng kape. "Kumusta ang date kahapon. Ginabi yata kayo." Umupo ito at inabot ang tinapay. "Magkapareho lang kayo ni Kystal, ginabi nang uwi."

"Wala akong ka-date. Nag-overtime ako sa trabaho," ani ni Kystal na kababa pa lang.

"Weeh? Nahiya ka pa! Nagising kaya ako noong nakauwi ka. May dala ka pang bulaklak," sabi nito sabay kagat sa tinapay.

"Binigay lang 'yon ng boyfriend ko.Pero hindi kami nag-date, may trabaho din kasi siya. Alam muna adulting mas mahalaga ang pera." Kinuha nito ang kape ni Yanna at uminom.

"Magtimpla ka nga.." Reklamo ni Yanna.

"Damot..bitter kasi walang natanggap na bulaklak."

"Hoy! Mapanakit ka na." Sabay turo nito kay Kystal.

"Tama na 'yan." Awat ko sa kanilang dalawa.

"Nagsalita ang blooming ngayong araw. Saan ka ba dinala ni doki? Sigurado ako sa mamahalin iyon. Ikaw ba naman may manliligaw na mayaman."

"Daldal mo, kumain ka na."

"Kailan mo ba sasagutin si doki?" Uminom ito ng kape.

"Kami na..." Kumuha ako ng tinapay. Nagulat ako nang muntik pa akong mabugahan ni Yanna ng kape. "Kadiri ka, Yanna.." sabi ko dito ng may tumulo pa na kape sa kanyang bibig. Habang si Kystal ay tumatawa nang malakas sabay hawak sa tiyan nito.

"Kasi naman bigla nanggugulat ka." Pinunasan nito ang bibig. Kumuha din ito ng pamunas sa mesa. "Pero totoo.. kayo na?" Tumango lang ako, napatakip kami ng tenga ng biglang tumili si Yanna. Tumatalon pa ito sabay lapit sa akin. "Congrats, sis, sa wakas after how many years nagka-jowa ka na rin. Happy for you! Hindi ka na tatandang dalaga tulad ko.." Niyakap ako nito bigla, ang weird talaga minsan nang ugali nito parang sinaniban.

"Hoy Yanna tumigil ka nga.. ikaw ba nagka-jowa kaya ganyan reaksyon mo.." Awat ni Kystal dito.

"Masaya lang ako para sa kaibigan natin. Ang KJ mo talaga kahit kailan.'' Bumalik ito nang upo. "Dapat masaya ka no, ilang years din ito walang lovelife."

"Magsisimula naman kayo, tama na 'yan." Mabuti at tumigil din itong dalawa. Pagkatapos ko kumain ay naligo na ako dahil may lalakarin kami ni Laurent. Hindi ko alam kung saan na naman kami pupunta. Basta sabi niya sa akin kanina na maghanda ako dahil aalis kami.

"Saan lakad mo naman?" Kung makatanong talaga ito si Yanna para kung nanay, sarap batukan. Sasagot sana ako nang bigla may kumatok sa pintuan. Para naman flash itong si Yanna na sobrang bilis makabukas sa pintuan. "Uyy nandito na pala iyong papa mo.." Nakangiting sabi nito kaya tinasan ko ito ng kilay. Minsan talaga sarap nitong lagyan ng tape ang bibig.

"For you, mama!" Then he chuckled, kaya nakasimangot ako na kinuha iyong bulaklak nadala niya.

"Uyy doki.. alam ko naman na kayo na pero may pa-flowers ka pa rin.." Tiningnan ko nang masama si Yanna, nag-peace sign lang ito sa akin. Pasalamat talaga ito nasa malayo siya baka nakurot ko na ito.

"Hindi ko naman kailangan itigil ko ang ginagawa noon porket sinagot na ako." Inakbayan ako nito.

"Doki naman eh.. huwag masyado galingan baka mas lalong tumaas standard ko at maging single ako forever," wika nito.

"Hindi ka naman yata maging single kasi may ka-date ka nga." Nagulat naman si Yanna sa sinabi ni Laurent para itong nahuli sa ginawang kasalanan. Napakunot naman ang noo ko sa sinabi ni Laurent at tiningnan si Yanna. Ano ibig sabihin ni Laurent, wala naman nababanggit itong si Yanna.

"U-Umalis na kayo doki." Nauutal nasabi nito kaya nagtaka talaga ako sa inasal ni Yanna. Nagmamadali din itong umakyat sa taas. Napatingin naman ako kay Kystal kung alam ba niya pero umiling lang ito.

"Ano 'yon?" Takang tanong ko kay Laurent.

"Wala akong karapatan na sabihin sa iyo ang nakita ko. Hayaan muna lang si Yanna sabihin sa inyo, babe." Napatango naman ako sa sinabi ni Laurent. Tama din naman kasi siya, dapat kay Yanna namin ito malalaman. Niyaya ko na siya na umalis na kami.

Sumakay na kami sa sasakyan niya. Hindi ko alam kung saan kami pupunta dahil kapag tinatanong ko siya ay ngumingiti lang ito. Sinasabihan lang din ako na malalaman ko din pagdating naming kaya hindi na ako nangulit.

Huminto kami sa isang dagat, pinagbuksan niya ako ng sasakyan. Nauna akong pumunta sa may buhangin kasi may kinuha pa ito sa likod ng kotse. Napatingin ako kay Laurent ng may ilatag siya na tela sa buhangin. 

"Picnic sa tabing dagat." Nakangiting sabi niya at inaayos ito. Nilapitan ko naman siya at tinulungan. May dala rin pala siyang pagkain, sobrang handa talaga niya. "Upo ka rito," sabi niya sabay turo sa may tabi niya nang maayos na niya. Nakangiting lumapit ako dito at sumandal sa kanya. Hinahaplos niya ang aking buhok. 


-----

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top