Chapter 32

"Are you okay?" Nag-alalang tanong sa akin ni Laurent nang makababa kami sa airplane. Sa wakas nakabalik na rin kami sa Maynila. Tapos na rin ang maliligayang araw namin dahil babalik na kami sa realidad. Kung saan maraming trabaho ang naghihintay sa amin. Tapos na ang aming bakasyon.

"Okay lang ako," nakangiting sabi ko sa kanya. Hinihintay na lang namin ang aming mga gamit.

"Tinawagan ko si Kuya Jan para sunduin tayo sa airport," sabi nito sa akin habang kinuha na ang aming gamit. Siya ang nagdala ng mga gamit namin, nasa tabi lang niya ako. Paglabas namin sa airport nakita kaagad namin si Kuya Jan. Agad kami nitong nilapitan para tulungan sa pagdala ng mga gamit.

"Salamat," sambit ko dito ng buksan ni Laurent ang kotse. Pumasok ako sa loob na agad naman nakasunod sa akin si Laurent. Sinandal ko ang aking ulo sa upuan dahil masakit ito. Napadilat ako bigla nang maramdaman na minamasahe ang aking ulo.

"Ipikit mo lang mga mata mo, hayaan mo lang ako," mahinang sabi nito at sinunod ko naman ang kanyang sinabi hanggang sa makatulog ako.

Pagkagising ko nasa tapat na ako ng aming apartment. Lumabas na ako sa sasakyan habang si Laurent ay kinuha ang aking nga gamit.

"Salamat Laurent." Nakangiting sabi ko sa kanya.

"Hindi na ba talaga kita sasamahan sa loob?" Tanong nito sa akin, mabilis naman akong umiling. Mabuti na dito na lang muna siya dahil kilala ko mga kaibigan ko. Sigurado ako na hindi makakauwi agad si Laurent kapag pumasok pa ito sa loob ng apartment. Kawawa naman siya, kailangan din niya magpahinga.

"Papasok na ako, mag-iingat kayo." Kumaway lang ako dito bago ko sila tinalikuran at naglakad na palapit sa apartment. Pagdating ko sa tapat ng apartment ay kumatok na ako. Napalingon ako sa kinaroroonan ni Laurent, nagulat ako nang makita siya doon. 

"Umuwi ka na pala," masayang sabi ni Yanna at niyakap pa ako nito. "Hi doki," sigaw nito nang makita si Laurent sa hindi kalayuan. Hinawakan ko na si Yanna at hinila papasok ng apartment.

 "Grabe naman kung makakaladkad, takot na agawin ang manliligaw niya. Huwag ka mag-alala dahil kahit gwapo si doki hindi ko siya type. Kaya huwag ka matakot sa beauty ko." Napailing na lang ako sa mga pinagsasabi ni Yanna. Napatingin naman ako sa may hagdanan at nakita si Kystal na pababa.

"Hi Leign, mabuti bumalik ka na. Kumusta ang bakasyon?" Lumapit ito sa akin at niyakap ako.

"Okay lang, sobrang nag-enjoy ako. Kaya lang doon sa Surigao 'yong huli naming araw nakita ko si Ashton."

"Ashton?" Sabay-sabay na sabi nila. Halatang gulat ito sa kanilang nalaman.

"Oo, grabe naman reaction ninyo," sabi ko sa mga kaibigan.

"Bakit pa kasi nagkita kayo ng gago na iyon. Mabuti na lang at wala ako doon baka kasi nasapak ko na ang gago na iyon," inis na sabi ni Yanna.

"Wow sis, ikaw ang niloko?" Nakataas ang kilay ni Kystal habang sinasabi ito.

"Hindi nga ako pero itong kaibigan natin. Malaki ang atraso ng lalaki na iyan sa atin. Kaya huwag na siya ulit magpapakita baka masapak ko pagmumukha nun." Naiiritang sabi ni Yanna.

"Tama na iyan, ito pala pasalubong ko para naman kumalma ka d'yan." Inabot ko ang mga souvenir na binili ko sa Baguio at Surigao.

"Oh my God, salamat sissy." Niyakap ako nang mahigpit ni Yanna at nagtatalon ito sa tuwa.

"Thank sis," nakangiting sabi naman ni Kystal sa akin.

"Akala ko nalimutan mo na kami dahil masaya ka na doon kasama ang soon to be boyfriend mo," maiiyak na sabi ni Yanna.

Binato ko ito ng shirt, "Ang drama mo, hindi bagay sa iyo," sabi ko dito.

"Ito naman hindi ba pwedeng masaya lang sa mga pasalubong mo."

"Umakyat ka nasa taa,s Leign. Alam kung pagod ka sa biyahe n'yo," ani ni Kystal, tumango lang ako at kinuha ang aking gamit. Nagpalit muna ako ng damit bago ako nahiga sa kama. 

Nag-text muna ako kay Laurent kung nakarating na ba siya kanilang bahay. Ilang minuto lang ay nakatanggap ako ng text at sinabing ngayon pa lang ito nakarating sa kanila. Hindi na ako nag-reply dito, sapat nasa akin na malaman na safe siyang naka-uwi sa kanila. Medyo masakit pa rin ang ulo ko kaya pinikit ko muna ang aking mata upang magpahinga.

Napa-abot naman ako sa aking cellphone ng tumunog ito. "Hello," sagot ko sa tawag, hindi ko na tiningnan kung sino ang tumawag sa akin.

"Hello! Tumawag ako kasi hindi ka na nag-reply sa text ko," sabi nito sa kabilang linya.

"Magpapahinga kasi sana ako, medyo masakit pa rin ang ulo ko," salaysay ko dito.

"Okay, take a rest, para mawala iyan. Ibaba ko na ito, papasok din kasi ako sa hospital."

"Magtrabaho ka agad?" Gulat na sabi ko dito. "Hindi ka ba napapagod? Kagagaling lang natin sa biyahe. Baka magkasakit ka n'yan." Nag-alalang sabi ko dito.

"Don't worry about me, kaya ko pa naman. Kailangan lang talaga ako sa hospital. Magpahinga ka na, ibaba ko na ito."

"Okay, mag-iingat ka," sabi ko dito.

"I will." Pagkatapos niya sabihin 'yon ay binaba na niya ang tawag. Nilagay ko na lang sa ibabaw ng drawer ang cellphone ko at saka pinikit ang aking mata upang matulog.

Kinabukasan, mas lalong sumakit pa ang aking ulo ng magising ako. Kaya nagpasya akong maligo agad para mas gumaan ang aking pakiramdam. Bumaba na ako habang nakasabit ang towel sa aking balikat. Agad ako nagtungo sa banyo saka naligo. Pagkatapos ay bumalik ako sa kwarto upang magbihis.

"Leign, kakain na," sigaw ni Yanna na nasa baba.

"Oo, bababa na!" sagot ko dito. Pagbaba ko ay agad ako umupo upang kumain na. Kami na lang ni Yanna ang kumakain, kanina pa kasing madaling araw umalis si Kystal para magtrabaho. Dahil si Yanna ang nagluto kaya ako ang naghugas ng plato na ginamit namin.

Pagkatapos ay bumalik ako sa kwarto upang mag-ayos, naglagay ako ng kaunting make-up saka ko kinuha ang mga gamit na kailangan ko sa trabaho. Pagbaba ko ay nakita ko si Yanna na naghihintay sa akin. Lumabas na kami sa apartment at nagpunta sa sakayan ng jeep. Ilang minuto din kami nakapila bago kami nakasakay.

"Okay ka lang, Leign? Namumutla ka yata. May sakit ka ba?" Nag-alalang tanong ni Yanna sa akin nang makababa kami ng jeep.

"Okay lang ako," sagot ko dito upang hindi na mag-alala. Nang makita kami ni Manong Guard ay agad niya kami binati, ngumiti lang kami ni Yanna saka pumasok sa loob ng school.

"Kita na lang tayo kapag break na," ani ni Yanna at pumunta na ito sa kanyang classroom. Habang ako naman ay pumasok sa aking classroom. Nang makita ako ng mga bata ay agad ako binati nito. Nagkaroon muna kami ng morning exercise bago namin sinimulan ang klase.

Habang tumatagal ay mas bumibigat ang aking pakiramdam. Mabuti na lang talaga at break na kaya makapagpahinga na ako. Hindi na ako nagpunta sa may cafeteria dahil gusto ko magpahinga at wala rin akong ganang kumain.

"Leign, okay ka lang?" Napalingon ako nang marinig ang boses ni Yanna. "Sabi ko na e, nagtaka talaga ako kung bakit hindi ka nakapunta sa cafeteria, tapos kanina nakita ko pa na namumutla ka," sambit nito saka lumapit sa akin, nilagay niya ang kanyang kamay sa aking noon. "Ang init mo, may lagnat ka." Nagmamadali itong lumabas at pagbalik niya ay may dala na itong gamot at bottle water. Hinihingal pa ito, siguro ay tumakbo ito.

"Salamat." Kinuha ko ang gamot at tubig saka madaling ininum ito.

"Dito ka lang, kukuha ako ng pagkain. Kailangan mo kumain lalo't uminom ka ng gamot." Hindi ko na ito napigilan ng nagmamadali itong lumabas kaya yumuko na lang ako sa may mesa upang makapahinga. Ilang minuto ay ginising ako ni Yanna upang kumain.

"Wala ka bang klase ngayon?" Tanong ko dito.

"Wala, mamaya pa 'yong klase ko," sagot nito sa akin habang binubuksan niya ang lalagyan ng pagkain.

"Salamat," sabi ko dito saka nagsimula na kumain. Pinilit ko ang aking sarili na kumain baka magalit pa si Yanna kapag hindi ko kinain ang dinala niya.

"May klase ka pa ba?"

"Oo, mamaya pa. Iyon na lang ang huling klase ko sa araw na ito," sagot ko dito at kinuha ang tubig upang uminom.

"Kaya mo ba? Kung hindi makikiusap tayo sa ibang teacher na bakante sa oras na iyan." Ngumiti lang ako sa kanyang sinabi. Nag-alala talaga ito sa akin, mabuti na lang talaga may kaibigan ako na ganito.

"Kaya ko pa naman. Kaya huwag muna ako alalahanin. Pagkatapos ng klase ko, pwede na ako magpahinga habang hinihintay ka na matapos," sabi ko dito.

"Ikaw bahala, basta sabihan mo lang ako." Tumango lang ako bilang pagsang-ayon sa kanya. Ilang minuto pa nanatili si Yanna hanggang sa umalis na ito dahil may klase pa ito. Tamang-tama naman, nagsipasukan na mga bata para sa panghuli kung klase.

Binigyan ko lang sila ng activity hanggang sa matapos ang oras.

"Goodbye, teacher!" Sabay-sabay na sabi ng mga bata saka nagmamadaling lumabas.

"Be careful, kids," sabi ko dito ng may makita na tumakbo palabas ng room. Inayos ko na ang activity nila at naupo na muna ako. Hihintayin ko na lang si Yanna matapos saka uuwi na kami.

"Leign!" Napatingin ako sa may pintuan ng may tumawag sa akin. "Nabanggit sa akin ni Yanna na may sakit ka raw. Okay ka lang ba." Lumapit ito sa aking kinaroroonan. Nagulat ako ng bigla niyang inilagay ang  kanyang palad sa aking noo. "Mainit ka pa," sabi nito at may kinuha ito sa bag.

"Ano iyan?" Tanong ko sa kanya.

"Cool fever, para mawala ang init mo," sagot nito.

"Para naman akong bata n'yan, Keifer," reklamo ko dito. "Ang pangit tingnan na lalabas ako ng room na may ganyan."

"Tanggalin muna lang mamaya kapag dumating na si Yanna. Tapos ito naman ilagay mo mamaya pag-uwi mo." Inabot na naman sa akin ang isang pack ng cool fever kaya kinuha ko ito at nilagay sa bag.

"May lagi ka bang dala nito?"

"A-Ahh, k-kasi-" Napakamot ito sa kanyang ulo kaya napatingin ako dito. "Oo, para sa kapatid ko," agad na sabi nito.

"Boy scout ka pala," biro ko dito, kaya natawa na lang ito sa aking sinabi. Nag-usap pa kami hanggang sa dumating na si Yanna kasama si Hanz.

"Kanina pa kita hinanap, nandito ka lang pala," sabi naman ni Hanz kay Kiefer sabay akbay nito.

"Let's go na, Leign," sabi ni Yanna at kinuha niya ang gamit ko. Siya raw ang magdala para hindi na ako mahirapan pa. Lumabas na kaming apat sa classroom at naglakad palabas ng school.

"Ihahatid ko na lang kayo," sambit ni Kiefer.

"Huwag na Kiefer, nandito na ang sundo ni Leign," sabi ni Yanna sabay turo, kaya napalingon kami sa kanyang tinuro. Nakita ko si Laurent, nakingiti ito saka may hawak na bulaklak tulad ng dati.

"Mag-ingat ka," sabi ni Kiefer sa akin. Nagpaalam na ito at hinila nito si Hanz palayo, nagbulong-bulungan pa ang dalawa.

"Ano nangyari sa iyo? Bakit may ganyan ang noo mo?" Tanong ni Laurent nang makalapit sa amin. Kaya agad ako napahawak sa aking noo, hindi ko pala natanggal ang cool fever na nilagay ni Kiefer. Nakakahiya tuloy na makita niya ako ng ganito.

"Naku doki, na-miss ka lang niyan kaya nagkalagnat." Tiningnan ko nang masama si Yanna at nag-peace sign lang ito sa akin.

"Halika na, ihahatid na kita pauwi para makapagpahinga ka," sabi nito sa akin saka ako inalayan papunta sa sasakyan nito. Gusto ko sana umangal dahil nilagnat lang naman ako, kaya ko pa naman maglakad. Pinagbuksan ako nito ng sasakyan kaya nagpasalamat ako sa kanya. Pumasok na rin si Yanna sa may likuran at doon na upo.

"Laurent," ani ko ng bigla itong lumapit. Kinakabahan ako ng sobra dahil sobrang lapit namin sa isa't-isa.

"Seatbelt," sabi nito, nang maayos na niya ay lumayo na ito at pinaandar ang sasakyan. Nagtaka ako ng huminto ito saka nagmamadaling lumabas, pagbalik niya may hawak na itong paperbag. "Ito gamot mo, inumin mo iyan," sabi nito, sabay abot ng paperbag.

"Salamat," nakangiting sabi ko nito.

"Parang awa n'yo na, nandito pa ako. Ito na lang ba ang role ko sa buhay, kiligin sa lovelife ng iba." Nilingon ko si Yanna dahil nagdradrama na naman ito. "Sige lang, huwag n'yo na ako pansinin. Hangin lang ako. Ipagpatuloy n'yo lang 'yan." Inirapan ko si Yanna dahil sa mga pinagsasabi nito habang natawa na lang si Laurent.

Pinaandar ni Laurent ang sasakyan, mabuti na lang talaga at walang traffic dahil gusto ko ng magpahinga. Nakarating naman kami agad sa apartment, hinatid pa kami ni Laurent hanggang sa loob. Siya na kasi ang nagdala sa mga gamit ko.

"Salamat," sabi ko dito.

"Huwag mo kalimutan inumin ang gamot mo, magpahinga ka para gumaling ka agad." Payo nito sa akin, ngumiti lang ako. Nagpaalam na ito at tuluyan na lumabas sa apartment. Umakyat na ako sa taas at nagbihis saka nahiga sa kama. Dahil hindi maganda ang pakiramdam ko, agad ako nakatulog. Nagising ako dahil sa ingay ni Yanna.

"Sleeping beauty, wake up!"

"Yanna, naman!" Reklamo ko dito, gusto ko pa kasi matulog.

"Kumain ka muna saka uminom ka ng gamot, sabi ng future boyfriend mo," sabi nito, inalayan ako nito na bumangon. Pagbaba ko nagulat ako sa daming pagkain at prutas kaya napatingin ako kay Yanna. "Galing iyan lahat sa future boyfriend mo, hindi ka na niya ginising kanina dahil gusto niya magpahinga ka. Kumain ka raw para mabilis na gumaling. Ito pinabibigay din niya." Kinikilig na sabi ni Yanna. Kaya kinuha ko ang isang kapirasong papel na inabot nito.

"Get well soon, baby!" Basa ko sa nakalagay sa papel.


----

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top