Chapter 30

Pagkagising ko nakita ko na si Laurent na nakabihis at naka-ayos na. Kaya nagmamadali kung kinuha ang damit nasusuotin ko ngayong araw at mabilis na pumunta sa banyo. Bakit ba kasi hindi niya ako ginising, nakakahiya tuloy na maghihintay siya sa akin. Sabi ko pa naman sa kanya kagabi na maaga kami umalis, pero ako pa itong late na nagising. Nagmamadali akong naligo pagkatapos ay nagbihis. 

"I will wait; don't worry about me." Agad na sabi ni Laurent sa akin nang makalabas ako sa banyo. Pero kahit sinabihan niya ako ng ganoon ay nagmamadali pa rin ako. Nag-ayos na ako sa aking sarili at niligpit ko na ang aking gamit. Huli namin puntahan kasi ay iyong strawberry farm saka kami pupunta sa airport para sa aming flight  pa Surigao.

"Okay na ako," nakangiting sabi ko kay Laurent. Tumayo na ito at kinuha ang gamit ko.

"Let's go," ani nito saka nauna maglakad. Nag-check out na kami sa hotel pagkatapos ay nagpunta sa parking area. Nilagay na ni Laurent ang aming mga gamit sa likod ng kanyang sasakyan. Nauna na ako pumasok sa loob. "Kumain muna tayo." Sinabi nito nang pumasok na siya sa sasakyan at pinaandar na niya ito.

"Saan mo gusto kumain?" Tanong nito sa akin.

"Ikaw na bahala, wala naman ako alam dito," sagot ko. 

"Okay, may masarap dito na kainan." Ani nito habang ang paningin ay nasa daan.

Huminto kami sa isang simple at magandang kainan. Sobrang tahimik ng place at napakaganda ng scenery dito. Umupo na kami sa bakanteng table saka may lumapit sa amin. Sinabi ni Laurent kung ano ang order namin at saka umalis na ito.

"Ang ganda dito." Puri ko sa lugar kasi napakaganda talaga.

"Smile.." Nakangiting sabi nito sabay click sa camera. 

"Wait lang, nagulat ako." Lumapit ako sa kanya upang tingnan ang picture. Hindi naman ako mukhang chaka doll pero mukha akong gulat. "Delete mo yan." Nakasimangot na sabi ko sa kanya. 

"I'll get another picture." Bumalik na ako sa aking upuan saka ngumiti at nag-peace sign.

"Pretty.." Mahinang sabi nito pero sapat na upang marinig ko. Napa-iwas ako ng tingin dahil feel ko namumula mukha ko.

"B-Bakit walang gaanong tao dito." Pag-iiba ko sa aming usapan.

"Mamaya madami na rin tao dito, maaga lang tayo," sagot nito kaya tumango na lang ako.

 Ilang minuto din ay dumating na ang aming  order, tulad kahapon ay madami na naman ang nakain ko. Kung siguro dito ako titira ay tataba ako, ang sarap kasi ng kanilang mga pagkain.

Matapos namin kumain ay umalis na kami at nagtungo sa strawberry farm. Tuwang-tuwa naman ako na namimitas ng strawberry habang si Laurent ay nakasunod lang na abala naman sa pagkuha ng pictures sa akin. 

"Siguraduin mo talaga na maganda ako d'yan sa mga picture mo. Kung hindi ay itatapon talaga kita sa bermuda triangle." Pananakot ko dito, narinig ko naman na natawa siya sa sinabi ko. Nang magsawa na ako sa kapipitas ng strawberry ay tumigil na ako. May kinausap naman si Laurent na tao saka binigay ang kanyang cellphone at nagmamadali lumapit sa akin.

"Smile po kayo," sabi ng lalaki na pinakausapan niya na kumuha ng picture. Ngumiti naman ako at nag-peace sign habang si Laurent ay nakaakbay sa akin. "Isa pa po." Kumuha ako ng strawberry at nilapit ko ito sa mukha ni Laurent kaya napakunot ang noo nito habang ako tawa ng tawa.

Pagkatapos ng ilang picture ay binalik na ng lalaki ang cellphone ni Laurent. Nagpasalamat naman kami dito."Napaka-bully mo talaga dito." Ani nito kaya tiningnan ko agad iyong tinutukoy niya. Iyon pa lang picture na parang sinusubo ko sa kanya ang strawberry kaya nakakunot ang mukha niya. May ilan picture pa na tinatakpan ko kalahati ng mukha niya ng basket. Madami pa mga picture na nakakatawa tingnan, panay naman ang kanyang reklamo kaya tinawanan ko lang siya.

Bumalik na kami sa sasakyan dahil kailangan pa namin pumunta sa airport para sa biyahe namin sa Surigao. Habang nasa biyahe ay abala ako sa pagkain ng strawberry na pinitas ko kanina. Si Laurent naman ay seryoso na nagmamaneho.

Pagkatapos ng mahabang biyahe ay nakarating na kami sa airport. Mabuti na lang talaga at umabot kami sa saktong oras kung hindi ay maiiwan kami at hindi na matutuloy 'yong gala namin sa Surigao. Nag-check in na kami at nilagay na ang aming mga gamit. Ilang minuto din ay sumakay na kami sa plane. 

"Welcome on board, ma'am, sir." Bati ng flight attendant sa amin. 

Umupo na kami ni Laurent, nagpasalamat ako dahil magkatabi kami ng upuan ni Laurent, kinakabahan pa naman ako. Aaminin ko hindi ako sanay sa mga biyahe, minsan sumasakit ang ulo ko or nasusuka ako. Depende sa biyahe talaga lalo't ngayon lang ulit ako nakasakay ng eroplano.

"Okay ka lang?" Tanong ni Laurent sa akin.

"Oo, okay lang ako. Medyo kinakabahan lang." Pag-amin ko sa kanya, pero nagulat ako ng bigla niyang abutin ang kamay ko at hawakan ito.

"Huwag ka kabahan, nandito lang naman ako." Tumango lang ako, pero ramdam ko ang bilis ng aking puso dahil sa magkahawak namin na kamay. Panay ang sulyap ko sa kamay namin na magkahawak habang si Laurent ay nakapikit lang.

Nagsimula na ang aming flight, kaya pinikit ko ang aking mata upang kumalma ang aking sarili. Nakahawak pa rin ang kamay ni Laurent sa aking kamay. Kaya nawala sa isip ko ang pagsakay ng eroplano dahil minsan pinipisil ni Laurent ang kamay ko. 

Nang bumaba na ang eroplano ay doon ko na naramdaman ang hilo, napahawak ako sa aking ulo. Napatingin sa akin si Laurent kaya ngumiti lang ako para hindi na siya mag-alala. Pinababa na ang mga pasahero, hinintay na lang namin ang aming mga gamit. Nang makuha na namin ay sumakay na kami ng sasakyan patungo sa tutuluyan namin.

Pagbaba namin sa sasakyan ay narinig ko na ang alon sa dagat. May sumalubong sa amin at dinala kami sa villa na aming tutuluyan habang nandito kami sa Surigao. Pagbukas ko sa Villa ay agad ko hinanap ang kama, hindi na ako nag-abala pa na tingnan ang buong villa. Gusto ko na mahiga dahil masakit na talaga ulo ko, ramdam ko na ang hilo na para  umiikot ang bawat tinitingnan ko.

"Masakit ba ulo mo?" Halata sa boses nito ang pag-alala. 

"Ipapahinga ko lang ito, mawawala din ito. Ganito talaga ako kapag bumiyahe, nakakahiya man aminin." Hindi ko pa rin minulat ang aking mata habang nagsasalita. 

"Magpahinga ka muna," sabi nito. Hindi na ako sumagot at nagpahinga na dahil masakit na talaga ang ulo ko. Gusto ko masuka pero nakakahiya kay Laurent. Naramdaman ko na may umupo sa kama at nagulat ako ng bigla maramdaman ang kanyang kamay sa aking ulo at minasahe ito. Ang sarap sa pakiramdam, ang galing niya magmasahe dahil nakaka-relax. Niyakap ko ang aking unan hanggang sa makatulog na ako.

Nagising ako na mabuti na ang pakiramdam ko. Tumayo ako sa kama at nakita ko si Laurent na nanonood ng TV. "Sorry, nakatulog ako." Nahihiyang sabi ko.

"Huwag ka mag-alala. Okay na ba pakiramdam mo?" Umupo ako sa tabi niya.

"Oo, mabuti na. Ito talaga problema ko, gusto ko mag-travel kahit saan pero mahina naman katawan ko sa ganyan." Malungkot na sabi ko dito.

"May ganyan talaga na tao. Kaya huwag ka na malungkot." Pinisil nito ang pisngi ko kaya napasimangot ako. "Kumain muna tayo." 

"Magpapalit muna ako, okay lang ba?"

"Sure, take your time." Nagmamadali ko binuksan ang maleta ko saka kinuha ang susuotin ko saka mabilis na pumasok sa banyo. Naghilamos muna ako saka nagpalit ng damit. 

Paglabas ko sa banyo ay tumayo agad si Laurent saka pinatay ang TV. Naglakad na kami palabas sa villa at pumunta sa restaurant ng resort. Tulad ng dati si Laurent pa rin pinapili ko ng pagkain, hindi ko kasi kabisado mga pangalan ng pagkain nila. Baka pagsisihan ko kung ano inorder ko.

Nang i-serve na ng waiter ang order namin ay agad kami kumain. Hindi naman halata na gutom ako dahil madami-dami na naman ang nakain ko. Hindi ko na pinansin si Laurent dahil nasa pagkain ang mga mata ko. Ang sasarap kasi ng kanilang seafood dito. 

"Dahan-dahan baka mabilaukan ka," ani nito, halatang gusto nito tumawa. Tiningnan ko ito, nabigla ako ng bigla ito lumapit. Napasinghap ako ng bigla pinunasan ni Laurent ang gilid ng labi ko. "Ang cute mo." Mabilis naman ako napatakip sa aking mukha dahil sa sinabi niya. Narinig ko ang kanyang mahinang tawa, sobrang unfair dahil ang sarap pakinggan ng tawa niya.

Hulog na hulog na talaga ako. Natatakot ako para sa aking sarili. 

"Hey, huwag ka na mahiya. Kumain ka na, promise hindi na kita guguluhin." Napasimangot naman ako at bumalik na sa pagkain. Hindi ko na lang siya tiningnan, pero ramdam ko na panay ang tingin niya sa akin. Medyo nahihiya tuloy ako kumilos. 

Matapos namin kumain ay namasyal muna kami sa dalampasigan upang matunaw na rin ang kinain namin. Sobrang busog ko pa naman, hindi ko kasi tinigilan hanggang sa hindi ito naubos. Dahil sa mahangin ay nililipad nito ang buhok ko. 

"Ang ganda dito, napakatahimik ng lugar." Napalingon ako ng kaunti kay Laurent ng hawakan niya ang buhok ko at inayos ito para hindi liparin ng hangin. "S-Salamat." Nauutal na sabi ko. Inakbayan lang ako ni Laurent at naglakad na ulit kami. Nang mapagod ay umupo kami sa may buhangin.

"Ang ganda ng buwan ngayon," saad ko nang makita ang napakaliwanag na buwan.

"Kasing ganda mo."

"Binibola mo naman ako." Hinampas ko ito sa braso kaya napatawa na lang ito. Ilang oras din kami nakatingin sa kalangitan hanggang sa napagpasyahan na namin na bumalik nasa villa upang magpahinga.

Kinabukasan nauna na ako gumising kay Laurent, hindi naman halata na excited na ako sa gagawin namin ngayon araw na ito.

"Good morning," bati ni Laurent na kagigising pa lang.

"Good morning." Masigla na bati ko habang pinapatuyo ang buhok ko.

"Ready ka na pala." Napakamot ito sa ulo at kinuha ang towel niya saka pumasok sa banyo. Habang hinihintay siya ay nanood na lang ako ng TV saka naglalagay ng sunblock. Ilang minuto din bago siya natapos sa kanyang morning ritual at lumabas na kami para kumain. 

"Tataba ako kapag dito ako nakatira, masarap kasi mga pagkain nila." Biro ko sa kanya.

"Gusto mo dito tayo titira kapag kinasal tayo." Bigla na lang ako nabilaukan sa kanyang sinabi, nataranta naman ito at mabilis ako inabutan ng tubig. Nagmamadali ko itong ininom at huminga nang malalim.

"Papatayin mo ba ako sa gulat." Nakasimangot na sabi ko.

"Sorry," seryosong sabi nito.

"Okay lang, napaka-advance mo kasi. Kasal agad iniisip mo. Hindi ba pwede na magjowa muna."

"So sasagutin muna ako." 

"Maghintay ka." Nakangiting sabi ko at pinisil nito ang pisngi ko.

"Willing to wait, kahit gaano katagal basta ikaw. Sigurado naman ako nasa simbahan ang ending." Sabi nito sabay kindar. Napatingin naman ako agad sa pagkain kasi baka mahalata niya na kinilig ako sa kanyang sinabi.

"Laurent," tawag ko dito kaya napatingin ito sa akin. "Paano kung isang araw, maisip muna lang na hindi mo pala ako gusto. Bigla ka na lang magising." Natatawa na sabi ko, pero hindi ko pinahalatang nasasaktan ako sa sinabi ko. Sabihan man ako na napaka-selfish ko pero ayaw ko dumating 'yong araw na iyon, ayaw ko siyang mawala.

Pero hindi ko mapigilan mag-isip. Balang araw bigla nalang magbago ang lahat. 

"Hindi manyayari iyan, sa bawat araw na lumilipas ay mas naging malalim ang pagtingin ko sa iyo, Zachna Leign." Para naman ako kinilabutan nang marinig ang buong pangalan ko at napatingin ako sa kanya. Nagkatitigan kami kaya kitang-kita ko na seryoso siya sa sinasabi niya. "Baka ma-inlove ka na niyan sa katitig sa akin." Umiwas naman ako at tinapos ko na lang ang pagkain ko.

Matapos kumain ay nagpahinga lang ng ilang minuto saka kami sumakay ng bangka para sa aming island hopping. Sobrang excited na ako sa mga island na pupuntahan namin. Habang nakasakay ng bangka ay hindi ko maiwasan na mamangha dahil sa ganda ng dagat sobrang ganda ng kulay ng tubig at napakalinis nito. Una namin pinuntahan ay ang Hagonoy Island, pagbaba namin ay namangha na ako sa aking nakita. Napakalinis at sobrang ganda ng island na ito. Kinunan ako ng picture ni Laurent at nagpakuha rin kami ng pictures na kaming dalawa. 

Nagpunta naman kami sa ibang island, sobra talaga ako namangha sa angkin nilang ganda. Napakatahimik at sobrang ganda ng paligid. Noon pangarap ko lang na makapunta dito pero dahil sa lalaking nasa harapan ko ngayon ay natupad ang isa sa pangarap ko. Hindi ko alam kung ano nagawa ko noon na binigyan ako ng isang napakaganda na biyaya, nagpasalamat ako na nakilala ko si Laurent. Binago niya ang pananaw ko sa pag-ibig at sa tingin sa mga lalaki.

Sana huwag siyang mawala o magbago man lang.

"Halika, kukunan kita ng picture dito." Turo niya sa lugar, nakangiting lumapit naman ako at nag-peace sign. 

"Tayong dalawa naman, iharap mo camera." Utos ko dito at lumapit sa kanya. Dahil mataas siya kaya nag-adjust talaga siya para makuha kaming dalawa sa pictures. 

"Kakain na naman tayo, balak mo ba akong patabain." Natawa lang ito sa aking sinabi. Pagkatapos kasi ng islands hopping namin ay kumain na namin kami. "Ang sasarap naman nito." 

"Sabi ko sa iyo, magugustuhan mo 'yang mga pagkain."

"Ang sarap kasi ng mga seafoods nila." Tuwang-tuwa na naman ako dahil sa pagkain."Thank you." Pasalamat ko nang binigay niya sa akin ang binalatan na shrimp. Simple na bagay pero kinikilig na ako. Matapos namin kumain ay umupo muna kami sa buhangin at nakatingin sa dagat.

"Hoy, ano ginagawa mo. Ibaba mo ako." Sigaw ko ng bigla na lang niya ako binuhat saka tumakbo papunta sa dagat. "Ayyy.." Malakas na tili ko nang mabasa ako.

 "Ang sama mo." Tinalsikan ko ito ng tubig at panay lang ang tawa nito. Gumanti naman ito sa pagtalsik sa akin ng tubig kaya para kaming bata na naglalaro.

 Naghahabulan din kami at ako naman itong nahihirapan tumakbo dahil sa tubig kaya madali akong nahuli. Panay lang ang tawa namin. Nang mapagod ay bumalik na kami sa may buhangin at doon nahiga na, wala pa rin tigil kami sa kakatawa.


----

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top