Chapter 3


Late na akung gumising, mabuti na lang at wala kaming trabaho ngayon. Pagbaba ko ay agad kung nakita ko sina Yanna at Kystal nakumakain ng almusal. Bigla ako nagtaka sa kanilang mga suot dahil ayos na ayos. Wala naman ako matandaang may lakad ang dalawa na 'to ngayon.

"Saan naman lakad n'yo?" Tanong ko sa kanina, saka ako umupo at kumuha ng tinapay. Nakaramdam na rin kasi ako ng gutom, kanina pa kumukulo ang t'yan ko.

"Aba't limot yata 'to. Hindi mo natandaan usapan natin nalalabas tayo ngayon," sagot ni Yanna at bigla ko na lang naalala 'yong usapan naming tatlo noong nakaraang linggo nalalabas kami upang mamasyal. Medyo matagal na rin kasi na hindi kami naglalabas dahil busy sa work. Kaya naisipan namin na mag-bonding kami ngayon dahil pareho kaming walang trabaho.

Kaya hindi ko na lang tinapos 'yong pagkain ko kahit gutom pa ako at nagmamadali na akong nag-ayos. Baka magtampo pa 'yong dalawa sa akin dahil nakalimutan ko usapan namin. Hindi na ako naglagay ng make-up at kung ano man nakuha ko na damit agad ko ng sinuot. Wala na akong gaanong oras. Hindi na ako nag-abalang mamili. Nang matapos na ako ay agad kami umalis.

Pagdating namin sa mall ay nagpasya muna kaming tatlong magpadala ng pera sa aming pamilya bago gumala. Pagkatapos ay naisipan muna naming tumingin-tingin ng mga damit. Habang namimili ako ng damit na bibilhin, si Yanna naman ay busy sa pagsusukat ng damit habang si Kystal ay ginawa pang photographer.

"Bibilhin mo ba 'yan lahat?"

"Hindi no, ikaw talaga. Iyong iba lang nito. 'Di kaya sa budget kung lahat ito at isa pa 'yang mga picture upload ko lang sa facebook. Alam mo na," sabay kindat sa akin. 

Kaya nagtinginan kami ni Kystal at sabay natawa. Pumasok naman ulit si Yanna sa fitting room. Kaya bumalik na lang ako sa pagtingin sa mga damit. Kanina pa ako rito pero wala man lang akong napili. Mabuti pa 'tong dalawa may napili na.

Nang mapagod na kami sa kakatingin ay binayaran na nila 'yong napili nila. At naisipan naming kumain sa paborito naming seafood restaurant. Hindi talaga ito mawala sa aming tatlo kapag lumalabas. Maswerte na rin kami siguro dahil wala kaming allergy sa seafood. Pagdating namin doon ay humanap kami agad ng mauupuan at may lumapit sa amin na waiter. Sinabi namin ang aming order at kailangan lang namin maghintay ng fifteen minutes. Kaya nag-usap na lang muna kami habang naghihintay.

Natigil na lang kaming mag-usap ng dumating na ang aming order. Tahimik lang kami kumakain at wala man lang nag-abala na magsalita. Sobra namiss ko ang ganitong pagkain.

"Grabe, cheat day ko talaga ngayon. Paano na lang 'yong diet ko nito," basag ni Yanna sa katahimikan. Lagi talaga inaalala ni Yanna 'yong figure ng katawan n'ya. Hindi naman siya sobrang taba para maging ganyan. 

"Minsan lang naman ito, kaya hayaan mo na lang," sabi ni Kystal.

Lumabas na rin kami ng restaurant pagkatapos namin magbayad. Sinabi ko muna sa kanila nadumaan kami sa bookstore dahil may bibilhin lang ako saglit. Pagpasok namin ay hinanap ko agad 'yong libro na kailangan ko. Mabuti na lang at kaunti lang ang tao hindi na ako gaano mahirapan pa. Nakita ko agad iyong hinahanap ko at isa na lang ang natira. Kukunin ko na sana pero may unang kumuha. Paglingon ko ay nakita ko agad 'yong familiar na mukha.

"Akin na dapat 'yan," agad nasabi ko sa kanya. Habang inalala ko muna kung saan kami nagkita.

"Miss, ako una nakakuha nito," sagot niya sa akin habang pinakita 'yong libro nahawak na niya.

"Ikaw.." Turo ko sa kanya nang maalala kung saan ko siya unang nakita. Siya 'yong lalaki na may-ari ng jacket.

"Bakit? Nagkita na ba tayo before?"

"May kasalanan ka pa sa akin. Kaya para quits tayo, ibigay mo sa akin iyan." Turo ko sa libro na hawak niya.

"I don't know you or remember that we met before. Isa pa kailangan ko ito. I need this book, so you'll have to wait until next week. I'm sure they'll have some other stocks," sabi niya at agad nang umalis. Hobby ba talaga niya ang umaalis agad. Nakakainis talaga siya. Kailangan ko pa naman 'yon. Ngayon lang din ako nagkaroon ng time napumunta dito at may budget para bilhin iyon.

"Nakita mo na?" sabi sa akin ni Yanna nabigla na lang sumulpot sa likuran ko. "Pero bakit parang beryernes santo 'yang mukha mo?"

"Kainis, naunahan ako."

"Balik na lang tayo, pwede rin sa ibang bookstore baka available doon." Pag-comfort ni Yanna sa akin. Hindi pa rin mawala 'yong inis ko pero wala na akong magawa. Nabayaran na niya 'yong libro. Kaya lumabas na lang kami at naisipang pumunta sa watson. Ito pa naman kahinaan ko. Hindi ako mahilig bumili ng mga damit pero kapag make-up na-usapan ay mahilig ako nito.

Hindi ko pa naman naikot lahat pero may napili na ako. Nang marami na ako napili ay niyaya ko sina Yanna at Kystal na magbayad na kami. Baka maubos pa itong pera ko. Pagkatapos namin magbayad ay lumabas na kami. Nagkatuwaan pa kami dahil medyo malaki 'yong nagastos namin. Habang kami nagbibiruan ay tinulak ako ni Yanna ng mahina at bigla ako may nabangga.

Nagulat ako sa aking nakita  dahil natapon 'yong hawak niya na kape. Kaya nadumihan 'yong suot niya. Kulay puti pa naman ito kaya sobrang halata. Dahil sa taranta ko ay kinuha ko agad ang panyo sa bulsa ko at pinunasan ito. Pero mas lumala at kumalat 'yong dumi.

"Stop!" he said, his voice grating. Then hold my hand to stop what I'm doing.

"Sorry," nahihiyang sabi ko sa kanya, sabay yuko.

"Tsk, 'Di kasi tumitingin."

"Pasensya na talaga, hindi ko talaga sinasadya," sinsero kung sabi sabay tingin sa kanya, medyo nagulat pa ako kasi ito 'yong lalaki sa bookstore kanina. Kahit naiinis ako sa kanya dahil kanina pero alam ko naman sa sarili ko na ako ang may kasalanan ngayon.

"Sir, kasalanan ko rin kasi ako 'yong nagtulak sa kanya," singit ni Yanna. Tiningnan lang siya ng lalaki at umalis na ito. Bakit ang hilig n'yang umaalis agad. 

"Bes, sorry ako naman may kasalanan kasi," paghingi ni Yanna ng tawad. 

"Okay lang 'yon," ngiting sabi ko sa kanya. Hindi din namin alam na mangyayari 'yon.

"Alam mo gwapo n'ya sana, kaya lang medyo masungit at alam mo nakakatakot talaga siya," sabi ni Kystal.

"Tama ka bes, 'yong may dating siya pero nakakatakot naman 'yong aura niya," dagdag ni Yanna.

"Tama na 'yan. Uwi na lang tayo." Pagod na rin kasi ako, kanina pa kami palakad-lakad. Gusto ko na rin kasi magpahinga. Bumili muna kami ng pagkain para hindi na kami magluto pag-uwi. Habang naglalakad kami ay may humintong sasakyan sa harap namin.

"Teacher Leign, " tawag sa akin ng lalaki. Tiningnan ko nang maigi at nagulat ako sa aking nakita. Si Sir Keifer 'yong bagong teacher sa school.

"Kayo pala, sir." Ngiting sabi ko sa kanya.

"Saan kayo? Hatid ko na kayo?"

Sa una tumanggi kami sa alok niya, pero mapilit talaga si Keifer na ihatid kami. Kaya pumayag na lang din kami. Mabuti na rin at makakatipid kami, mahirap din sumakay nang jeep ngayon.

"Salamat sa paghatid," sabi ko nang makarating na kami. Una akong bumaba at sumunod na si Kystal habang si Yanna kinakausap pa si Kefier.

"Pasok muna kayo, sir. Kumain muna tayo," anyaya ni Yanna. Tumanggi pa itong si Keifer no'ng una pero wala talaga siyang takas kay Yanna. Mapilit din kasi si Yanna kaya napapayag na lang ito. Ayaw ba naman siya pauwiin hanggang sa pumayag.

Pagpasok namin ay pinaupo muna namin si Kefier. Hinanda na rin namin ni Kystal 'yong pagkain nabili namin. Habang si Yanna kausap si Kefier upang hindi mabagot. Nang handa na ang lahat ay tinawag namin sila. Masaya namin pinagsaluhan ang pagkain at nagbibiruan pa kami dahil sa kulit ni Yanna. 

"Saan ka unang nagturo sir?" Tanong ni Yanna habang kumakain kami. Hindi man lang nahiya magtanong.

"Sa California, doon din kasi ako nag-aaral. Kailangan ko lang talaga umuwi rito para sa sister ko," sagot niya kay Yanna. Sinabi din nitong may sakit 'yong kapatid niya kaya nagpasya na lang siya na dito muna mag-stay. Marami pa kaming napag-usapan hanggang sa matapos na kaming kumain.

Nagpaalam na rin si Keifer dahil may lalakarin pa raw ito. Pagkatapos namin magligpit ay nagpaalam muna ako sa kanila na aakyat na upang magpalit ng damit.

Pagkuha ko ng damit, bigla ko napansin 'yong jacket ng lalaki. Sayang hindi ko man lang masauli ito dahil hindi ko naman kilala iyon. Hindi ko naman ito pwede dalhin palagi dahil hindi naman ako siguradong magkikita pa kami. Pero kung ako papipiliin, huwag na sana kasi parang hindi maganda 'yong nangyayari kapag magkita kami. Nagpalit na lang ako ng pambahay na damit at binalikan 'yong mga kaibigan ko.

"Bes, ano masasabi mo kay Keifer?" Tanong sa akin ni Yanna. Kaya napalingon ako bigla sa kanya. Bakit naman natanong niya 'yan. May gusto ba siya kay Keifer.

"Zachna Leign mali 'yang iniisip mo. Wala akung gusto sa kanya."

"May sinabi ba ako?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Kilala na kita. Alam mo curious lang naman ako. Feel ko kasi may gusto sa'yo si Kefier."

"Manahimik ka Yanna. Ano ba 'yang naiisip mo." Gulat nasabi ko sa kanya. Ano naman pumasok sa isip nito at  bigla na lang niyang naiisip 'yan.

"Naramdaman ko lang naman. Iba kasi makatingin." Panunukso nito.

"Hindi pa nga ako lubos nakilala ng tao, tapos pag-isipan mo ng ganyan. Paano kung sabihin ko na feeling ko may gusto si Hanz sa'yo," seryosong sabi ko. pero sobrang nakakatawa ang reaksyon ni Yanna.

"Tumahimik ka bes, bakit naman nasali 'yan." Sabay hampas sa akin ng unan. 

"Kinilig ka naman." Tumakbo ako kaagad paakyat baka mahampas pa ako ulit. Narinig ko pa nasumigaw ito. Alam ko naman na madali lang siya mapikon basta si Hanz na 'yong pag-uusapan. Iwan ko lang kung bakit.

Pagdating ko sa kwarto ay ginawa ko na lang 'yong night routine ko at hinanda 'yong gamit para bukas. Kailangan ko na rin matulog bago pa umakyat si Yanna dahil sigurado akong gaganti 'yon.


----

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top