Chapter 28

"Naku! May pa tulips na naman si doki," sabi ni Yanna sa akin sabay hampas sa braso ko nang makita si Laurent na nasa labas ng school. Ilang linggo na rin ginagawa ni Laurent ang paghihintay sa amin tuwing uwian upang maihatid kami sa apartment. Hindi rin nakakalimutan nito na magdala lagi ng tulips. Kaya ang dami ko ng tulips sa loob ng kwarto.

Pwede na siguro ako magtayo nang-shop kung hindi pa rin ito titigil. Mahal pa naman iyong tulips.

"Itikom mo 'yang bunganga mo." Banta ko dito nang papalapit na si Laurent. Alam ko itong bibig ni Yanna, ako na lang ang mahihiya.

"Hi doki!" Nakangiting bati ni Yanna at tumango lang si Laurent sa kanya. Nasanay na rin si Yanna sa ugali ni Lauren na may pagka-cold minsan. Lumapit ito sa akin at binigay ang dala na bulaklak.

"Salamat." Nahihiyang sabi ko sa kanya. Kahit ilang linggo na ito ginagawa ni Laurent nakakaramdam pa rin talaga ako nanghiya. Lalo na kapag pinagtitinginan kami ng ibang tao.

"Naku doki, baka naman magtatayo na si Leign niyan ng flower shop. Malapit na mapuno 'yong kwarto niyan." Pinandilatan ko si Yanna sa kanyang sinabi dahil nakakahiya sa tao. Minsan talaga itong bibig ni Yanna hindi mapigilan. "Joke lang 'yon, doki," bawi nito sabay hampas kay Laurent na parang sobrang close na nila sa isa't-isa.

"Yanna, uwi na kayo?" Napalingon kami ni Yanna nang marinig ang boses ni Hanz. Nakita namin si Hanz at Keifer na magkasabay lumabas sa school. Napatingin si Kiefer sa akin at doon sa hawak kung bulaklak. Nang makita niya na nakatingin ako sa kanya ay ngumiti ito pero alam kung pilit lang 'yong ngiti niya. Naiisip ko tuloy na baka may problema ito tungkol na naman sa kapatid niya. Madalas nagmamadali ito umuwi para sa kapatid niya.

"Oo, alangan naman hindi kami dito nakatira," inis na sabi ni Yanna sabay irap kay Hanz. Nagtaka tuloy ako kung magkagalit ba itong dalawa. Hindi ko sila nakita sa cafeteria kanina na nag-uusap.

"Hi Leign!" Bati ni Hanz at napatingin ito kay Laurent na may pagtataka.

"Ahh...Hanz, Keifer, ito pala si Laurent," pakilala ko sa kanila.

"Manliligaw niya," singit ni Yanna.

"Yanna," saway ko dito.

"Oh! problema mo?" Tanong nito sa akin. "Doki, ito pala 'yong mga katrabaho namin si Keifer na mabait at si Hanz na asungot." Napakunot naman si Hanz sa sinabi nito. Wala talagang araw na hindi ito parang aso't pusa.

"Laurent..". Nakipagkamay ito kay Hanz at Keifer na tinanggap naman ng dalawa.

"Halika na doki, uwi na tayo," sabi ni Yanna at inirapan na naman si Hanz. Ang laki talaga nang galit nito kay Hanz.

"Tingnan mo 'yang kaibigan mo Leign may saltik na naman sa utak." Tinuro ni Hanz si Yanna pero tinaasan lang ito ng kilay ni Yanna kaya natawa na lang ako. Nagpaalam na kami sa kanilang dalawa at lumakad na kami kung saan naka-park ang audi ni Laurent. Yes, siya na ang mayaman, maraming sasakyan.

"Bagong sasakyan, doki?" Tanong ni Yanna nang umupo nasa backseat.

"Hindi matagal na ito," agad na tanggi nito.

"Ang yaman mo talaga doki, baka naman may pamimigay kang sasakyan." Napatingin ako sa likuran ng sabihin ito ni Yanna.

"Yanna," sambit ko dahil nakakahiya sa tao. Narinig ko natumawa lang si Laurent.

"Alam mo Leign, minsan loading din 'yang utak mo. Hindi mo ba alam ang salitang biro lang. Mabuti pa itong si doki tinawanan lang ako habang ikaw para ka ng mag-menopause d'yan." Inirapan ko lang ito, nahihiya kasi ako kay Laurent. Hindi naman lahat ng tao nasanay nasa bibig ni Yanna, maliban na lang kung matagal mo na itong magkakilala.

"Tama na 'yan girls. Saan n'yo gustong kumain?" Pag-iiba ni Laurent nang usapan.

"Manlilibre ka doki?" Tanong ni Yanna kaya napakamot na lang ako ng ulo.

"Sure, asan n'yo ba gusto?" sagot nito habang pinaandar na ang sasakyan.

"Jollibee.." Parang bata na sabi ni Yanna.

"Ikaw, Zach? Saan mo gusto?" Tumingin ito sandali sa akin bago binalik ang tingin sa daan.

"Kahit saan," nahihiyang sabi ko. Hindi naman ako mapili sa pagkain huwag lang ang sobrang anghang dahil hindi ko kaya iyon. 

"Leign, walang kainan na pangalan na kahit saan," singit ni Yanna kaya napatawa si Laurent dito habang ako ay napasimangot na lang. Kung malapit lang itong si Yanna sa akin ay binatukan ko na ito.

"Okay, sa Jollibee na lang tayo," wika ni Laurent.

"Iyan talaga gusto ko sa iyo doki, madaling kausap. Kaya dahil diyan boto na boto ako sa iyo para sa kaibigan ko." Nakita ko na ngumiti si Laurent sa sinabi ni Yanna.

Buong biyahe si Yanna lang ang panay salita sa aming tatlo hanggang sa makarating kami sa Jollibee. Si Laurent na ang pumila para sa aming order. Nagpaalam muna si Yanna na pupunta lang ito sa restroom.

"Hey, may problema ka?" Napalingon ako ng marinig ang boses ni Laurent. Umupo ito sa tabi ko at nilagay sa may mesa ang number na hawak.

"Wala, pasensya ka nasa kaibigan ko. Ganyan lang talaga bungana n'yan," nahihiyang sabi ko pero nagulat ako nang tumawa ito ng mahina.

"Iyan ba ang problema mo kaya kanina ka pa tahimik. Don't worry about me. Natutuwa nga ako kay Yanna dahil sa mga biro niya. Kaya huwag ka ng nakabusangot d'yan, hindi bagay sa iyo." Ngumiti lang ako sa kanya at nagulat ako ng pinisil niya ang pisngi ko.

"Ayy.. PDA naman ito. Maawa naman kayo sa single at sa dakilang third wheel ninyo." Napatawa na lang kami sa sinabi ni Yanna. Nang dumating ang aming order ay kumain na kami. Pagkatapos ay hinatid na kami ni Laurent dahil kailangan pa niya pumunta sa trabaho.

"Ang swerte mo sa magliligaw mo, pati ako nakakatipid ng pamasahe. Ikaw ba naman hinahatid sa umaga tapos susunduin sa hapon with pa flowers pa. Tapos ang consistent pa talaga niya," sabi ni Yanna habang tinitingnan ang kanyang sinaing habang ako abala sa pagbabalat ng gulay.

"Nahiya na nga ako sa tao, alam ko naman na busy siya sa trabaho tapos feeling ko naabala ko siya," napabuntong hininga na lang ako.

"Anong nakakahiya. Alam mo ba na diyan mo masusukat kung gaano siya ka seryoso sa iyo. Kahit busy siya ay nabibigyan ka pa rin niya ng time, ibig sabihin nun ay mahalaga ka sa kanya. Sa lahat ng manliligaw mo siya lang ang mas ma-effort at consistent sa ginagawa niya. Kaya boto ako kay doki para sa iyo." Itinaas pa nito ang sandok kaya binato ko ito ng balat ng patatas.

"Sabihin mo nakakatipid ka lagi kaya gusto mo." Inirapan ko ito.

"Isali mo na din 'yon," biro nito kaya nagtawanan na lang kami. Maya-maya ay nagluto na kami ng aming uulamin. Tamang-tama naman na dumating si Kystal ay luto na ang aming ulam kaya kumain na kami.

Pagkatapos namin kumain at nagligpit na kami ng aming kinainan saka umakyat na ako sa taas upang gumawa ng exam para sa mga bata. Nang matapos ko ito ay napagpasyahan ko na matulog na dahil maaga pa bukas at masakit na rin ang likod ko sa ilang oras na nakayuko.

Nagising ako ng mga 3 a.m. dahil masama ang aking napanaginipan. Bumaba ako upang uminom ng tubig saka bumalik sa aking kama. Pero hindi na ako dinadalaw ng antok, kaya naisipan ko na mag-facebook na lang muna. Maya-maya ay may nag-pop up na message, kaya binuksan ko ito upang mabasa.

LaurentC: Bakit gising ka?

Agad naman ako nag-type upang mag-reply.

Zachna: Nagising lang bigla tapos hindi na makatulog.

Nakita ko na nag-type na ito ng sagot.

LaurentC: Labas tayo?

Tulad ng dati ay nakita ko na lang ang sarili ko na nagsuot ng malaking jacket at naglagay ng kaunting liptint. Bumaba na ako at hinihintay ang text ni Laurent na dumating na siya upang lalabas na ako.

Maya-maya ay nakatanggap ako nang-message na nasa labas na ito kaya nagmamadali akong lumabas. Nakita ko siya na nakasandal sa kanyang sasakyan na nakasuot ng black short at white plain shirt medyo magulo pa ang buhok nito pero mas nagpadagdag sa kanyang kagwapohan.

"Galing ka pa sa inyo?" Tanong ko dito nang makalapit na ako.

"Hindi, sa hospital pa. Ngayon pa 'yong out ko sa hospital," sagot nito.

"Eh, sana nagpahinga ka na. Sure ako na pagod ka sa duty mo."

"Huwag masyadong maging concern dahil lalo akong nahuhulog sa iyo," nakangiting sabi nito. Bigla tuloy akong nakaramdam ng init sa aking pisngi, kaya umiwas na ako agad upang hindi niya makita na nag-blush ako.

"Ang cute mo," sabi nito kaya napatingin ako sa kanya. Napaatras ako nang makitang nakatitig siya sa akin. Naiilang ako dahil feeling ko para akong hihigupin ng kanyang mga tingin. "Halika na baka, bigla ka na lang tumakbo papasok sa apartment mo," natatawang sabi nito. Pinagbuksan ako nito ng kotse bago ito umikot upang nagtungo sa driver seat. Sa tuwing magkasama kami parang ibang Laurent ang kaharap ko.

"Saan tayo?" Tanong ko ng pinaandar na niya ang sasakyan.

"Roadtrip sa madaling araw," natatawang sagot niya.

"Wala lang magawa sa buhay," biro ko dito.

"Kung dadalhin kasi kita sa beach resort namin baka hindi ka makapasok sa work mo. Malayo kasi doon kaya ilang oras din ang biyahe. Ayaw na naman kita dalhin sa tabing dagat na pinuntahan natin kasi lagi na lang doon." Napakamot ito sa ulo, ang cute tuloy niya tinggan. "Huwag mo ako titigan baka matunaw ako," panunukso nito.

"Hindi kaya," tanggi ko at tumingin na lang sa bintana. Narinig ko pa ang kanyang halakhak.

Nang wala ako ma-isip gawin ay nagtanong ako sa kanya pwede bang magpa-music. Mabuti naman at pumayag ito.

"Ano gusto mo na lugar puntahan?" Napatingin ako dito ulit dahil sa tanong niya habang ito ay seryosong nakatingin sa daan. Binalik ko na lang tingin ko sa bintana upang tingnan ang dinaraanan namin baka kasi tuksuin na naman niya ako.

"Dito ba sa Pilipinas or sa ibang bansa?" Tanong ko dito.

"Sa dalawa na lang."

"Siguro kung dito gusto ko puntahan iyong Baguio at Surigao talaga pero kapag ibang bansa ay South Korea hahanapin ko si Lee Min Ho doon." Narinig ko na tumawa siya sa huling sinabi ko. Pero masama ba na nangangarap ako na makita si Lee Min Ho, ultimate crush ko kaya 'yon simula noong college ako. Ikaw ba ano gusto mo mapuntahan?" Balik ko na tanong sa kanya.

"Napuntahan ko na yata lahat," sabi nito. Hindi naman ako magugulat dahil mayaman naman siya kaya niya pumunta kung saan gusto niya. "Siguro babalikan ko na lang kasama ang tao na nagpapasaya sa akin." Napatingin naman ako sa kanya ng sabihin niya ito.

"Gusto mo puntahan natin iyang Baguio at Surigao next week?" Tumingin ito sa akin kaya nagulat na lang ako sa kanyang sinabi.

"N-Nagbibiro ka ba?" Nauutal na tanong ko.

"Muka ba akong nagbibiro?" Hininto niya ang sasakyan at tumingin sa akin. "Gusto kita samahan sa mga gusto mo puntahan. Tutuparin natin iyang gusto mo kahit hanapin pa natin si Lee Min Ho sa buong Korea." Medyo natatawa siya sa huli niya sinabi.

Hinampas ko ito sa braso. "Binibiro mo naman ako," nakanguso na sabi ko dito.

"Hindi ako nagbibiro, Zach. Seryoso ako. Basta nextweek Baguio muna tayo tapos pa Surigao naman."

"Sigurado ka talaga?" Tiningnan ko siya at ngumiti lang ito at ginulo ang buhok ko.

"Oo, kaya dapat wala kang lakad n'yan." Pinaandar na nito ulit ang sasakyan at huminto na naman kami sa isang coffee shop. Sa napapansin ko ang hilig talaga niyang magkape. Nauna siyang bumaba at pinagbuksan niya ako ng pinto. Sabay kami pumasok sa coffee shop. Siya na ang nag-order habang ako ay nakaupo sa bakanteng upuan at hinihintay siya.

"Tayo pa ang customer nila." Natatawang sabi ko ng makabalik siya. Ang tahimik kasi ng lugar, wala pang tao.

"Maaga lang tayo," sabi niya. Maya-maya ay dumating na 'yong order namin.

"Ang hilig mo talaga sa kape," sabi ko sa kanya.

"Kapag doctor ka, ito ang panlaban mo sa antok," nakangiting sagot niya.

"Ilang oras pa ang tulog mo?" Nagtatakang tanong ko, curious lang talaga ako.

"Depende, mahaba na sa akin ang 4 hours." Muntik ko pa maibuga ang iniinom ko. Hindi ako makapaniwala, bakit hindi halata sa mata niya. Ang unfair dahil wala siyang eyebags samantala ako pwede na maibenta. "Bakit ganyan ka makatingin?"

"Wala," mabilis na sagot ko.

"Ikaw?"

"Ako? Siguro kapag walang gaano tapusin sa trabaho 8 hours pero kapag bigla tinopak ako ng insomnia wala talagang tulog," sabi ko dito.

"Not bad," sabi niya sabay inom ng kape. Nang matapos na namin ang aming order ay naisipan na namin na bumalik nasa apartment ko. Medyo naliwanag na rin ang langit.

"Salamat," nakangiting sabi ko at tinanggal ang seatbelt. Nagmamadali lumabas si Laurent at binuksan ako ng pintuan ng sasakyan. "Alis na ako." Paalam ko dito at naglakad na ako.

"Zachna!" Tawag niya sa akin kaya napahinto ako sa paglalakad at lumingon sa kanya.

"You look good in my jacket." Nakangiting sabi niya. 

Matagal pa pumasok sa utak ko ang sinabi niya. Nang maintindihan ko ay napatingin ako sa aking suot at napatakip ako ng bibig nang makita nasa kanya pala ito noon na pinahiram niya at hindi ko na naibalik. Namumula ako sa hiya at napatakbo sa apartment. Kaloka ka, Zachna Leign.


----

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top