Chapter 25
It's New Year's Eve, last namin kita ni Laurent ay 'yong sa Christmas pa. Lagi niya ako niyaya na lumabas pero panay ang tanggi ko. Minsan nauubusan na ako nang dahilan para lang hindi sumama sa kanya. Mabuti na lang at hindi naman siya gaanong makulit o mapilit. Nauunawaan naman niya agad ako, minsan nakaramdam ako ng kaunting guilt sa kanya. Lalo't alam ko sa sarili ko na hindi naman totoo 'yong mga rason ko sa kanya. Kasi ang totoo ay iniiwasan ko na siya.
Umiiwas lang kasi ako baka mahulog ako sa pinapakita niya sa akin. Ayaw ko na mas mapalapit sa kanya. Sabihin na lang natin na pinipigilan ko ang aking sarili na mahulog nang tuluyan sa kanya. Lalo't may kaunti na akong nararamdaman dito. Sa paglabas ko ng madaling araw para mag-coffee o lumabas na kasama siya ay hindi ko talaga gawain iyon. Pero agad ako napapayag kapag si Laurent na ang nagyaya. Kaya alam ko sa aking sarili na iba na talaga. Kaya mas mabuting maaga pa ay pipigilan ko ang aking sarili.
Kailangan ko siyang iwasan kahit gustong-gusto ko pumayag kapag niyaya niya akung lumabas.
"Ang new year resolution ko talaga ay hindi na ako mag-shopee," sambit ni Yanna habang tinataas ang isang kamay. Kaya binato ito ni Kystal nang-unan sa sofa."Sadista ka na Kystal!" Reklamo nito habang nakasimangot.
"Kasi naman alam ko na nagbibiro ka lang. Nakita kaya kita kanina na nag-add to cart ka na naman," natatawang sabi nito.
"Last na 'yon. Bukas ko sisimulan," seryosong sabi nito.
"Pupusta ako ng isang libo sa sinabi mo." Tumayo si Kystal at niligpit na 'yong kinainan namin.
"Matatalo ka Kystal, tandaan mo iyan," siguradong sabi ni Yanna at tumulong na rin ito. Kaya natawa na lang ako sa dalawa.
Napatingin ako sa aking cellphone ng may nag-text dito. Inabot ko ito upang basahin ang message. Nakita ko agad ang pangalan ni Laurent. Binuksan ko ang kanyang message at nakita ko na bumati lang ito ng Happy New Year. Nagdadalawang isip naman ako na batiin siya.
"Oh, anong nasa cellphone mo at nakatulala ka?" Nakataas ang kilay ni Yanna habang nakatingin sa akin. Parang binabasa nito ang aking isip.
"Wala," maikling sagot ko at agad na nilagay ang cellphone sa aking bulsa. Baka bigla niyang kunin at makita pa ito.
"Sure ka d'yan, Zachna? Akala mo siguro hindi ko napapansin minsan na lumalabas ka ng madaling araw." Napatingin ako agad dito. "Gulat ka no? Sino ba kasi 'yang kinikita mo sa labas. Kung may jowa kana dito mo sa apartment papuntahin. Hindi iyong saan-saan." Para itong nanay na nangangaral sa kanyang anak.
"Opo nay, wag ka mag-alala kung may jowa na ako ipakilala ko sa inyo," nakangiting sabi ko.
"Tinawag mo pa akong nanay, sa ganda ko na ito," mataray na sabi nito.
"Matanda ka na kasi Yanna."Bbiro ni Kystal habang pinipigilan ang sariling matawa.
"Manahimik ka Kystal magka-edad lang tayo baka nalimutan mo. Akala mo siguro bata ka pa," wika nito.
"Talo pikon, pikon pangit," panunukso nito.
"Hindi ako pikon dahil maganda ako. Matulog na tayo," sabat nito. Lumakad na ito papunta sa kanyang kwarto. Nakasunod naman kami sa kanya. Nagkahiwalay lang kami ng pumasok na kami sa aming kwarto.
Ginawa ko lang ang aking night routine kahit hindi na gabi at madaling araw na. Pero kailangan ko ito para mapanatili ang glow ng aking skin. Matapos ko ito gawin ay nahiga na ako sa kama at saka natulog dahil inaantok na ako.
Kinabukasan, tanghali na ako nagising. Bumangon na ako dahil nakaramdam na ako ng gutom. Naabutan ko si Yanna na iniinit ang mga pagkain.
"Umupo ka na d'yan dahil malapit na ito." Utos ni Yanna sa akin. Kaya sinunod ko na lang ito. Tamang-tama naman ang pagkababa ni Kystal dahil tapos na si Yanna sa kanyang pag-init sa pagkain. Nagdasal muna kami bago kumain.
"Need na natin mag-grocery, ubos na stocks natin," sabi nito habang kumakain kami.
"Okay mamaya pupunta tayo. Sakto meron din ako kailangan na bilhin," pagsang-ayon ni Kystal. Marami pa kami mga pinag-usapan tungkol sa mga bayarin namin sa apartment, kuryente, tubig at iba pa.
Nagtulungan kami ligpitin ang aming pinagkainan at saka bumalik sa taas upang matulog. Nang hapon na ay naligo na ako dahil aalis kami upang bumili ng groceries. Medyo natagalan pa kami dahil sa traffic. Pagdating namin ay nilabas ni Yanna ang listahan ng mga kailangan namin bilhin. Kami ni Kystal ang tagakuha habang si Yanna ang nagtutulak sa cart habang sinasabi sa amin ang mga kailangan namin bilhin.
Nang nakuha na namin lahat ang aming kailangan ay pumila na kami. Binayaran ni Yanna ang aming binili, siya kasi ang may hawak ng budget namin. Iniwan muna namin ang aming mga pinamili dahil may pupuntahan pa kami. Sinamahan namin si Kystal na pumunta sa Watson dahil may bibilhin raw ito. Ilang minuto rin kami doon bago lumabas.
"Bookstore muna tayo, may bibilhin ako na libro," sabi ko sa kanila ng makalabas na kami sa Watson. Mabuti na lang at pumayag sila. Tinanong pa nga ako ni Kystal kung nabasa ko na ba 'yong niregalo niya. Sinabi ko naman na tapos na. Noong nakaraang araw ko pa natapos basahin iyon lahat.
Tumitingin sila sa mga magazine habang ako naman ay abala sa pamimili ng libro. Kukuhanin ko na sana 'yong libro sa shelves ng may mauna dito. Kaya tiningnan ko kung sino kumuha nito. Nanigas ako sa aking kinatatayuan nang makita kung sino ito. Sa dami-dami ng pwede ko makita siya pa talaga na iniiwasan ko.
"You look like you saw a ghost," he said, perplexed.
"H-Ha? h-hindi naman." Nauutal na sabi ko.
"Hindi ka nag-reply sa mga text ko, may problema ba?" Tanong nito.
Agad naman ako umiling. "Wala kasi akong load, tapos medyo naging busy pa." Pagdadahilan ko na sana ay napaniwala ko siya.
"Kaya pala. Kumain muna tayo," alok nito.
"Ha? Ayy huwag na. May mga kasama ako e. Hindi ko sila pwede iwan," pagdadahilan ko ulit.
"Isama natin sila."
"Naku, nakakahiya naman sa iyo," agad na sagot ko. Nakita ko sila Yanna na papalapit sa amin. Nagulat pa ito nang makita si Laurent.
"Hi doc! Nandito ka pala," bati ni Yanna.
"May binili lang na libro," sagot nito.
"Kaya pala, ikaw Leign nakapili ka na ng libro," tanong nito sa akin.
"Wala ako makita na gusto ko." Pagsisinungaling ko dito. Hindi ko naman pwede sabihin na 'yong hawak ni Laurent ang gusto ko na librong bilhin. Isa na lang din kasi ang natira. Bakit sa tuwing bibili ako ay laging kaagawan ko itong si Laurent.
"So uuwi na tayo?" tanong ni Kystal.
"Sinabihan ko si Zachna na kumain muna tayo," singit ni Laurent. Kaya napatingin sa akin si Yanna na may kasamang tanong. Nginitian ko lang siya.
"Game ako d'yan," natutuwang sabi ni Kystal. Sumang-ayon din si Yanna kaya wala na akong nagawa. Binayaran muna niya ang libro kaya naghintay muna kami sa kanya.
Pumunta naman kami kaagad sa Italian restaurant pagkatapos niya magbayad. Nag-order na kami, 'yong Italian pasta lang an order ko. Hindi kasi ako familiar sa ibang pagkain. Baka hindi ko magustuhan ang lasa.
Maya-maya ay dumating na 'yong order namin. Tahimik lang kami kumakain. Minsan nagsasalita si Yanna at sinagot naman ito ni Laurent. Matapos namin kumain ay binayaran na ni Laurent. Tumanggi pa sana ako dahil gusto ko bayaran din namin 'yong kinain namin. Pero mapilit si Laurent kaya ito ang nasunod. Tuwang-tuwa naman itong mga kaibigan ko dahil sa libre.
Hindi pa doon nagtatapos dahil sinabihan din kami na ihahatid niya kami sa apartment. Hindi naman tumanggi ang dalawa kung kaibigan kaya nahihiya na lang ako. Kinuha namin 'yong pinamili namin at ito pa ang nagbibit. Gusto ko sana siya tulungan pero tumanggi ito.
Madali naman kami nakarating sa apartment dahil wala ng traffic. Tinulungan pa kami ni Laurent na ipasok 'yong mga pinamili namin sa apartment. Nahihiya na talaga ako sa kanya. Hinatid ko siya palabas sa apartment hanggang sa kanyang kotse.
"Salamat talaga, pasensya ka na kung nakaabala kami," nahihiyang sabi ko dito.
"Wala 'yon, huwag mo na intindihin," nakangiting sagot niya. Lalo tuloy itong naging gwapo dahil sa kanyang mga ngiti. Bihira ko pa naman siya nakikitang ngumingiti.
"Babalik na ako doon, mag-ingat ka." Paalam ko sa kanya at tinalikuran na siya.
"Wait," pigil nito kaya napalingon ako dito. Binuksan niya ang kanyang kotse at may kinuha siya dito. "This is for you." Inabot nito ang paper bag. Nagulat naman ako nang makita kung ano inabot niya sa akin.
"Di ba para sa iyo 'yan."
"Para saiyo 'yan talaga. Kaya tanggapin mo na." Kinuha nito ang kamay ko at binigay sa akin ang paperbag. Kaya wala na akong nagawa. "Sige alis na ako." Paalam nito at pumasok nasa kanyang kotse. Kumaway pa ito bago tuluyan na umalis. Napatingin ako sa aking hawak. Ito 'yong libro na gusto ko bilhin kanina, binigay pala niya sa akin. Hindi ko talaga siya maintindihan. Pumasok na ako sa apartment.
"Aminin mo Zachna Leign nanliligaw ba 'yon?" Nagulat ako nang makita si Yanna na nakahawak pa sa beywang nito habang tinitingnan ako. Naghihintay silang dalawa sa aking isasagot.
----
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top