Chapter 21

Papunta na ako sa bahay ng mga Craige dahil schedule ko ngayon sa pagtuturo kay Lauren. Agad naman ako pinapasok ng guard dahil kilala na ako nito.

"Ma'am Leign, hindi ba kayo nasabihan ni ma'am. Wala rito si Lauren sumama kay sir." Bungad sa akin sa isa sa mga kasambahay ng mga Craige. Agad kinuha ko ang aking cellphone sa bag. Nagulat ako ng makita na may dalawang tawag at isang text na sinabi nasa susunod na lang ako magturo kay Lauren dahil bigla ito sumama sa ama. Hindi ko ito nakita dahil nagmamadali ako kanina tapos naka-silent pa ang aking cellphone.

"Sige po, Ate Rose, babalik na lang po ako sa susunod." Paalam ko sa aking kausap na kasambahay saka lumabas ng bahay. Nagtaka din ang  guard kung bakit lumabas ako agad kaya sinabi ko na lang nito kung ano nangyari. Nagpasya akung maglakad patungo sa sakayan ng jeep upang makatipid, mahal din kasi ang bayad sa taxi.

Habang naglalakad ay nagulat ako ng biglang may huminto na sasakyan. Hindi pamilyar sa akin ang sasakyan na ito. Bigla bumukas ang pinto ng sasakyan at doon ko nakita kung sinong may-ari nito. Hindi ito iyong gamit niya noong nakaraang araw. Nahiya tuloy ako nang maalala ko kung paano ko sinukaan 'yong sasakyan niya noong nalasing ako.

"Sakay," seryosong sabi nito.

"Ha?" Gulat na sabi ko. Pero binuksan lang nito ang pinto ng sasakyan at tinuro ito.Tiningnan ko siya na may halong tanong. Na-gets ko naman agad kaya sumakay na ako.

"My mom texted you. You don't see it?" Sabi nito at pinaandar na ang kanyang kotse.

"Hindi ko kasi nakita agad, huli na ng malaman ko na umalis pala si Lauren." Nakasimangot na sabi ko, sayang tuloy 'yong pamasahe ko papunta sa bahay nila.

"You must always check your phone." Payo nito kaya tumango na lang ako.
Hindi na ako nagsalita, kaya sobrang tahimik namin buong biyahe. Nagulat ako ng bigla niyang hininto ang sasakyan, kaya napatingin ako sa kanya.

"Let's eat." 

Nauna itong bumaba sa kanyang kotse habang ako naiwan na gulong-gulo. Bigla ako bumalik sa aking sarili nang marinig ang katok na galing sa pintuan at nakita ko siya na pinapalabas ako. Kaya kinuha ko ang aking bag at agad na lumabas. Nauna itong maglakad at ako naman ay nakasunod lang sa kanya.

Pumasok kami sa isang restaurant at sinalubong agad kami nang-waiter at hinatid sa bakanteng table.

"Anong gusto mo?" Tanong nito sa akin habang tumitingin sa Menu

"Lasagna Bolognese," nahihiyang sabi ko. Sinabi na niya sa waiter kung ano 'yong order namin. Naghintay lang kami ng ilang minuto bago dumating 'yong order namin.

Tahimik lang kami kumakain, nahihiya naman ako na magsalita. Iba kasi ang aura ni Lance, matatakot ka talaga sa presensya niya. Lalo't tahimik ito at mahirap basahin ang kanyang iniisip. Hindi ko rin alam kung bakit ako sumama sa kanya, hindi naman kami gaanong ka-close. Kung magtagpo man ang landas namin puro kamalasan ang nangyayari sa akin. Nahihiya na nga ako dahil lagi niya ako tinutulungan kahit alam ko na hindi naman niya dapat gawin.

Natapos namin ang aming pagkain nawala man lang nagsasalita. Tinawag niya agad ang waiter upang kunin ang bill, gusto ko sana magbayad sa kinain ko pero hindi siya pumayag. Binigay niya ang kanyang card sa waiter para magbayad. Nang maibalik na ang kanyang card ay lumabas na kami.

"Dito na lang ako, may bibilhin muna ako sa bookstore." Nahihiyang sabi ko, naiisip ko kasi kanina na hindi naman ako gaano nakakapunta rito dahil sa sobrang busy ko na. Naisipan ko bumili ng bagong libro kasi natapos ko na basahin lahat ng libro sa bahay.

"Sasamahan na kita," agad na sabi nito. Kaya napatingin ako dito, nagtaka ako. Wala ba siyang trabaho ngayon. Hindi ba siya busy, baka naabala ko na siya.

"Huwag na nakakahiya," tanggi ko dito.

"Let's go," sabi niya. Hindi man lang pinansin ang sinabi ko sa kanya. Nauna pa itong maglakad kesa sa akin. Kaya napakamot na lang ako sa aking ulo at nagmamadaling hinabol siya.

Pumasok kami sa National Bookstore, naghanap ako ng libro na pwede ko bilhin. Habang siya abala din sa katitingin ng mga libro, hindi ko na lang siya pinansin at naghanap na ako para makauwi na kami. Baka sobra ko pa siyang na-istorbo.

"You must get that one. It's a nice book," ani nito. Kaya napatalon ako sa gulat, hindi ko namalayang nasa likuran ko na pala siya. Hindi ko na siya tinanong kung bakit niya nasabi na maganda ang libro na hawak ko. Agad ko ito kinuha at nilagay sa basket upang bilhin.

Tinulangan niya ako maghanap ng libro, alam yata niya lahat ng libro dito. Kulang na lang maging tindera siya dito. Alam niya kung ano maganda basahin at hindi worth it daw bilhin. Hindi ko alam na mahilig din pala siya magbasa. Nang medyo madami na ang libro sa basket ko ay binayaran ko na ito.

Nakita ko si Laurent sa labas may kausap ito sa cellphone. Kaya ng matapos na ako ay nilapitan ko ito. Sakto naman paglapit ko natapos na siya. Halata sa mukha nito na may problema.

"Emergency ba?" Nagulat naman ito sa aking sinabi.

"Medyo, kailangan kasi ako sa hospital." Nahihiyang sabi nito.

"Pumunta ka na doon, huwag muna ako alalahanin." Nakangiting sabi ko sa kanya. Humingi naman ito ng pasesnya sa pangyayari. Pero bago siya umalis ay ito ang naghanap nang-taxi na masasakyan ko. Sinabi ko pa sa kanya na mag-jeep na lang ako pero hindi pumayag. Siya rin nagbayad nang-taxi, masaya pa nga iyong driver dahil sobra-sobra ang binigay niya.

Nahiga na ako sa kama at kinuha ko iyong libro na sinabi niyang maganda basahin. Pero bago ko ito basahin nagpasya muna ako na tingnan ang Instagram ko. Nag-picture ako na hawak ang libro na babasahin ko at nilagay ko sa story ko sa Instagram.

May nakita ako na request message kaya tiningnan ko. Galing ito kay Laurent 10 minutes ago.. Tinanong nito kung naka-uwi na ba ako. Kaya nag-reply na lang ako dito at sinabing  nakauwi na ako. Nag-decide na rin ako na i-folllow back si Laurent bago ako nag-out para magbasa.

Natigil lang ako sa pagbabasa ng tinawag ako ni Yanna para kumain na. Pagkatapos namin kumain nagtulungan kami sa pagliligpit ng aming kinainan. Ako na ang naghugas ng plato habang sila na ang bahala magpunas sa mesa. Nang matapos na ako ay umakyat na ako sa taas upang ipagpatuloy 'yong binasa ko.

Tumayo ako ng matapos na akong magbasa, kinuha ko ang isang basong tubig sa drawer saka ininom. Tiningnan ko ang oras, nagulat ako nang makita ko ito. Hindi ko man lang namalayan na 1 am na pala ng umaga  dahil sa binasa ko. Sobra kasing ganda nito, hindi ko mapigilan ang sarili na hindi ito tapusin. Hindi pa naman ako dinalaw ng antok kaya nagpasya muna na tingnan ang newsfeed ko sa instagram. Bigla may nag-pop na message kaya binuksan ko ito.

LaurentC.: Are you still awake?

Nagdadalawang isip ako na mag-reply hanggang sa nakita ko na lang ang aking sarili na nag-type nang-message dito.

ZLeign: Yeah, kakatapos ko lang magbasa.

Agad naman ito nag-reply.

LaurentC.: Matulog ka na..

ZLeign: Oo, matutulog na rin ako. Ikaw din.

LaurentC.: Duty pa..

ZLeign: break mo lang pala. Cge matulog na ako.

Paalam ko dito saka nag-out dahil nakaramdam na rin ako nang-antok.

Kahit late na ako natulog kagabi ay maaga pa rin ako gumising dahil may usapan kami ni Yanna na mag-jogging. Kahit inaantok pa ako ay bumangon na ako sa kama baka magtampo sa akin si Yanna, mahirap pa naman iyon suyuin minsan.

"Tama na pagod na ako," sabi ko kay Yanna. Malayo na rin kasi iyong narating namin. Hinihingal na rin ako at pagod na pagod na.

"Ano ba 'yan! Kapag ikaw talaga kasama ko hindi tayo umaabot doon sa dulo. Nagrereklamo ka kasi agad." Nakabusangot na sabi ni Yanna.

"Intindihin mo naman ang payat, nauubusan na ako ng hangin eh," sabi ko dito at umupo na ako sa may gilid ng kalsada. May nakikita rin ako na dumadaan sa amin, kagagaling lang din nila mag-jogging halata sa mga suot.

"Kain na lang tayo doon kay Aling Nena, masarap pa naman 'yong tapsilog nila," yaya ni Yanna sa akin. Kaya tumayo na ako para pumunta na kami sa kainan ni Aling Nena. Pagdating namin doon ay inasikaso kami agad ni Aling Nena ng kadalasan na order namin. Madalas din kasi kami dito na magkakaibigan lalo't na kapag tinatamad kaming magluto.

"Wala yata si Kystal ngayon?" Nagtatakang tanong nito nang mapansin na kaming dalawa lang ni Yanna.

"Duty po kasi," nakangiting sabi ko.

"Ito dinagdagan ko na iyan lalo kana Leign para naman tumaba ka," sabi ni Aling Nena habang nilalagay sa mesa namin ang aming order.

"Salamat po." Halos abot tenga na ang ngiti ko. Napakabait talaga nito sa amin.

"Walang anuman, mabuti nga at kumain kayo dito. Hindi ko kasi kayo nakita noong nakaraang linggo."

"Naging busy lang po," sagot ni Yanna.

Nagpaalam na si Aling Nena sa amin dahil may aasikasuhin pa itong ibang customer. Kaya kumain na kami ni Yanna, naubos namin agad ito.  Busog na busog tuloy ako. Nagbayad muna kami ni Yanna bago umalis. Pagdating namin sa apartment ay naabutan namin si Kystal na kakauwi pa lang. Halata sa mukha na pagod na pagod ito. Hindi din naman kasi madali ang kanyang trabaho. Malaki nga ang sahod pero doble naman ang pagod nito.

"Dinalhan ka namin ng pagkain. Kumain ka na," sabi ni Yanna dito. Nagpabalot kasi kami kanina para may makain siya pagdating niya. Alam ko rin na-miss na niya ang luto ni Aling Nena.

"Salamat." Pagod na sabi nito at kinuha ang dala ni Yanna. Nagpaalam naman ako na aakyat muna ako sa taas. Tiningnan ko ang aking cellphone pero nagulat ako sa aking nabasa na message. Hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin.

LaurentC.: Busy ka? Kain tayo..


----

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top