Chapter 20
"Bes, hindi mo talaga crush 'yong doctor?" Kanina pa ako kinulit ni Yanna. Papasok na kami sa paaralan. Sinalubong naman kami ng bati sa bawat bata na madaanan namin.
"Parang awa mo na Yanna, tumigil ka na. Nasa school na tayo. Baka may makarinig sayo," sabi ko kay Yanna. Ang kulit kasi ayaw tumigil.
"Sagutin muna kasi, hindi na kita kukulitin. Promise." Tinaas pa nito ang isang kamay upang ipakita sa akin na nagsasabi siya ng totoo.
"Kanina pa kita sinabihan diba, wala akong gusto doon. At isa pa ayaw ko sa mayayaman. Ang sakit sa ulo niyan. " Ang hirap magkagusto sa mayaman, hindi magkatulad ang buhay ninyo. Kaya mas masakit sa ulo at ma-stress lang ako. Ayaw ko din sabihan na pera lang gusto ko. Saka expensive magbigay ng regalo, paano naman ako na walang pera pambili ng mahal.
"Sigurado?" Nakangiting sabi nito.
"Oo." Mahina kung tinulak si Yanna. "Alis na may trabaho pa ako." At tuluyan na pumasok sa room. Kahapon pa siya kinukulit niya. Ayaw naman maniwala sa kanya. Hindi naman maitanggi na gwapo si Laurent. Lahat ng babae ay sigurado na magkakagusto sa kanya. Kahit cold ito makitungo pero kung titingnan mo talaga may maganda itong ugali.
Pero hindi ako magkakagusto doon at alam ko rin na hindi iyon magkakagusto sa akin. Sino ba naman ako, tapos ang hirap din kapag mayaman at mahirap ang may relasyon. Baka tulad ng napapanood ko sa movie hindi nagustuhan sa pamilya dahil mahirap.
Inalis ko na sa aking isip 'yon at saka naghanda para sa aking klase. Nag-discuss lang ako at nagbigay nang-activity hanggang sa matapos ang klase.
"Pauwi ka na?" Napalingon iako ng may nagsalita, nakita ko si Kiefer. Bagong gupit ito na mas lalong bumagay sa kanya.
"Oo hihintayin ko lang si Yanna." Nakangiting sagot ko dito. "Kumusta kana? Hindi ka na sumasabay sa lakad namin." Hindi na kasi ito nakakasama kapag balak namin gumala.
"Busy lang, lagi kasi inatake 'yong kapatid ko. Kaya hindi ako makasama." Ngumiti ito, pero hindi matatago sa kanyang mga mata ang lungkot.
"Kaya pala, kumusta na siya?" Sinserong tanong ko sa kanya.
"Medyo okay na siya. Kahit sinasabi ng doctor na maliit ang chance na gumaling siya. Pero naniniwala ako sa kapatid ko, lumalaban kasi ito." Malungkot na sabi niya. Mararamdaman mo talaga na mahal na mahal niya ang kanyang kapatid.
"Gagaling din 'yon. Tiwala lang." Pampalakas loob na sabi ko dito. Alam ko hindi madali makita ang kapatid muna nahihirapan. Kahit ako nga sa tuwing sinasabi ng aking magulang na inatake na naman 'yong bunso namin. Hindi ako mapalagay lalo't nasa malayo ako. Tanging magagawa ko lang ay magpadala ng pera para may panggamot at pambili ng mga kailangan niya.
Mabuti nga at hindi na gaano inatake iyon. Noong tumawag ako sa amin sabi naman ni Nanay na okay na ito. Kaya masaya na rin ako. Tiniis ko ang hirap na mapalayo sa kanila para lang maibigay ang kanilang pangangailangan.
"Ano pinag-uusapan n'yo?" Sabay kaming napalingon kay Yanna.
"Tungkol sa kapatid ni Kiefer."
"Kumusta na siya Kiefer?" Tanong ni Yanna.
"Okay na sa ngayon," nakangiting sagot nito.
"Mabuti naman. Uwi na tayo Leign, baka mahirapan na tayong makasakay sa jeep," wika ni Yanna. Kaya agad ko kinuha ang aking mga gamit.
"Ihahatid ko na lang kayo," singit ni Kiefer. Nagliwanag naman ang mga mata ni Yanna sa narinig. Ang hilig talaga nito sa libre.
"Huwag na, ang mahal ng gas. Mapapalayo ka lang sa inyo," tanggi ko dito. Kaya agad ako tiningnan ni Yanna. Ang kanyang mga tingin nagtatanong kung bakit ako tumanggi, blessing na sana iyon.
"Okay lang, mahirap na din makasakay ngayon." Napakabait talaga nito ni Kiefer. Mapagmahal na kuya at mabuting kaibigan.
"Payag ka na bes, sayang pamasahe. May blessings na lumapit." Napatawa naman si Kiefer sa sinabi ni Yanna habang ako napailing na lang. Wala akong nagawa kundi ang pumayag.
Nagyaya muna si Kiefer na kumain kami sa Mcdo, nagutom din kasi ito. Gusto pa sana kami ilibre pero hindi na ako pumayag. Ayaw ko naman isipin na inaabuso namin ang kabaitan niya. Ito naman si Yanna tuwang-tuwa, buti na lang kinurot ko sa tagiliran upang tumanggi ito.
"Malapit na pala ang Christmas break, saan ninyo balak magpasko?" Tanong sa amin ni Kiefer. Napaisip tuloy ako na uuwi ba sa amin o idagdag ko na lang sa ipapadala ko ang aking pamasahe upang malaki maibigay ko sa kanila ngayong pasko. Dati din kasi hindi na ako umuwi, sayang din kasi ang pera ipamasahe ko pag-uwi. Hindi din kasi umuwi si Yanna at Kystal.
"Sa apartment lang siguro, ang layo kasi ng amin. Mahal ang pamasahe." Si Yanna na ang sumagot dito.
"Hindi n'yo ba na-miss ang pamilya ninyo?" Tanong ni Kiefer sa amin.
"Sobrang miss ko nang umuwi pero alam muna mas kailangan ng pera ng pamilya namin kaya pinili na lang namin na ibigay ito at magtiis na hindi makauwi." Malungkot na sabi ko.
"Ang hirap kasi maging mahirap." Sabi ni Yanna sabay tawa. "Kaya ayaw ko na mag-asawa baka kasi hindi ko maibigay ang gusto ng anak ko kasi mahirap lang nanay nila." Biro ni Yanna.
"Wala naman sa estado ng buhay ang basihan na isa kang mabuting magulang. Kung hindi mo man maibigay ang lahat ng luho ng anak mo pero sobra-sobra naman ang pagmamahal. Sapat na iyon." Napatingin ako kay Kiefer dahil sa sinabi nito. Tama naman kasi ito, kahit hindi kami mayaman ay puno naman kami ng pagmamahal na binigay ng aking mga magulang.
"May point ka rin," pagsang-ayon ni Yanna dito.
"Alam n'yo bata pa lang ako naiinggit ako sa ibang bata. Lahat ng gusto ko makukuha ko kapag nais ko, may mga bagong laruan, damit at iba pang gamit. Pero alam n'yo ang wala ako, oras ng aking magulang. Lagi silang wala dahil sa kanilang business meeting. Kami lang ng kapatid ko ang naiiwan sa bahay. Kapag nagkakasakit kami 'yong mga kasambahay lang lagi ang nandoon." Malungkot na kwento nito sa amin.
Hindi ko mapigilan na maawa kay Kiefer. Minsan masasabi talaga natin na 'yong hinahangad mo na gusto mo maranasan ay 'yon din ang nais ng ibang tao. Bata pa lang ako inggit na ako sa mga kapitbahay o kaklase ko. Sa tuwing binibigyan sila ng bagong laruan o gamit ng kanilang magulang habang ako nagtitiis sa lumang damit ng pinsan ko na binigay sa akin dahil wala kaming pera pambili. Pero kahit gaano ka abala 'yong magulang ko sa paghahanap ng pera hindi pa rin nila kami napapabayaan. Sa tuwing nagkakasakit kami ay inaalagaan talaga kami. May oras pa sila para samahan kaming maglaro sa aming bahay at masaya kaming kumakain ng sabay.
"Ang lungkot naman niyan." Sabi ni Yanna.
"Iyan kasi kadalasan problema ng mayayaman. Busy kasi sa pagparami ng pera," biro ni Kiefer sa amin.
"Thankful pa rin ako sa buhay ko. Kahit mahirap nandiyan naman 'yong mga magulang namin," ani ni Yanna. Napatingin ako kay Kiefer ng biglang lumungkot ang mga mata nito sa narinig. Naawa tuloy ako sa kanya.
"Saan ka magpapasko?" Tanong ko dito upang maiba iyong pinag-usapan namin.
"Sa Florida sana doon sa lolo at lola ko tulad ng dati. Pero hindi yata kaya ng katawan ng kapatid ko ang mag-travel ng malayo. Kaya dito na rin siguro sa Pilipinas," sagot nito.
"Okay lang 'yan. Sa susunod ka na lang doon mag-celebrate." Payo ni Yanna. Hindi namin namalayan na naubos na pala namin ang pagkain. Kaya umalis na kami at hinatid na kami ni Kiefer sa amin.
Pagdating ko sa apartment ay agad ako nagpalit ng damit saka nahiga sa kama. Kinuha ko ang aking cellphone at napatingin ako ng may maraming message nag-pop up galing sa gc namin. Binasa ko ito at natawa ako dahil nag-send pala ng picture na kumain kami sa Mcdo si Yanna sa gc namin kaya may message si Hanz kung bakit hindi siya sinabihan. At sinagot naman ito ni Yanna kaya parang nakapikonan na ang dalawa. Ginawa pang private message itong gc namin.
Kahit kailan talaga itong dalawa na ito parang aso't pusa. Kaunting bagay ay pinag-aawayan. Nagulat ako ng may mag-pop up na notification sa Instagram.
Azikiel Laurent Craige follow you..
Napatakip ako sa aking bibig dahil sa gulat sa aking nabasa. Tiningnan ko ito upang makita na kay Laurent ba talaga. At nakita ko ang ilang pictures niya na naka-post, hindi ito gaano karami siguro hindi ito mahilig pag-post... Naipaisip tuloy ako na i-folllow back ko ba siya. Baka kasi nagkamali lang siya ng pindot sa akin. Halos isang oras lang ako nakatingin sa profile niya at nag-iisip na i-folllow back ko ba.
Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. Baka kasi ano isipin niya. Kaya ini-off ko na lang ang cellphone ko at nilagay sa ibabaw ng drawer. Saka nagpasya na matulog dahil may pasok pa ako bukas.
----
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top