Chapter 19
Late na akung nagising dahil na rin sa epekto ng alak na nainom ko kagabi. Pagbaba ko nakita ko si Yanna na kumakain. Hinanap ko kung nasaan si Kystal, sinabi naman ni Yanna na maaga itong umalis. Hindi na ito nagpaalam dahil mahimbing ang tulog ko, ayaw na niya ako gisingin. Tumabi na ako kay Yanna para kumain. Pagkatapos ay umakyat na ako sa taas upang kunin 'yong mga damit na lalabhan ko. Kailangan ko muna ito labhan ngayon dahil bukas ay may pasok na ako sa trabaho.
Nakita ko ang jacket na nakasabit, bigla ko tuloy naalala 'yong nagawa ko kagabi. Nahiya na akong harapin si Laurent dahil doon. Kinuha ko ang jacket at nilagay sa lalagyan ng marurumi na damit saka agad na bumaba.
"Maglalaba ka? Parang hindi nalasing kagabi," pagbibiro nito. Kaya binato ko ito ng labahan, pero nasalo niya ito. "Uyy, hindi sayo 'to. Ang laki nito?" Nagtatakang sabi niya habang nakatingin sa jacket. Ito pala nabato ko sa kanya.
"Akin na nga 'yan." Hinablot ko ito sa kanya.
"Zachna Leign, sino may-ari niyan?" Tiningnan niya ako sa mga mata at hinihintay ang sagot ko.
"Kay Laurent, pinagamit niya sa akin noong masukahan ko ang damit ko," sagot ko dito dahil alam ko naman na hindi niya ako titigilan kapag hindi ko ito sinagot.
"Talaga? My Gosh, level up na 'yan. Infairness ang bago pa rin."
"Manahimik ka, mabait lang 'yong tao lalagyan mo nang-meaning." Tinalikuran ko ito at saka nagtungo sa may labahan.
Madali lang ako natapos kaya agad ko ito sinampay lalo't maganda ang panahon. Sigurado ako madali lang ito matuyo.
"Hindi na tayo magluto, labas na lang tayo," yaya ni Yanna sa kanya. Dahil bored rin ako ay pumayag agad, tinamad din kasi ako na magluto lalo't katatapos ko lang maglaba.
Agad akong nagbihis, nagsuot lang ako ng plain t-shirt at fitted jeans. Tinawag ko agad si Yanna at agad naman ito lumabas, nakasuot ito ng pink dress. Pumunta na kami sa sakayan ng jeep, mabuti na lang at tamang-tama ang aming pagdating dahil paalis na ito.
Tiningnan namin ang oras at masyado pa maaga kaya namasyal muna kami, mamaya na kami kakain. Pumunta muna kami sa shoes section, abala sa pagtinginn ng mga magandang shoes hanggang sa magsawa. Wala naman kaming nabili kaya nagpasya kami na pumunta sa arcade. Para kaming mga bata na nag-enjoy sa laro. Minsan kailangan din namin ito lalo't stress din kami minsan sa work.
Sinubukan namin 'yong basketball, tawa lang kami ng tawa ni Yanna dahil wala talaga kaming ma-shot na bola. Nang magsawa kami ay doon naman napili ni Yanna sa DDR, kung saan gagayahin mo ang sayaw sa screen. Hindi na ako sumali dahil mahiyain ako at alam ko na wala talaga akong talent sa sayaw. Feel na feel ni Yanna ang pagsayaw, todo ito sa pagsunod sa mga steps hanggang sa matapos ito. Hindi man nakakuha ng 100 score, masaya naman ito
Marami pa kaming sinubukan ni Yanna sa loob nang-arcade hanggang sa mapagod at naisipan na lumabas na.
"Saan tayo kakain?" Tanong ni Yanna. Kaya nag-isip ako agad kung saan maganda na restaurant.
"Teacher Leign.." Sabay kaming napalingon ni Yanna nang marinig na tinatawag ako. Agad ko nakita si Lauren na nakangiti hanggang tenga at kumaway sa akin habang ang isang kamay ay hawak nito ang kanyang kapatid. Nagsisi tuloy ako na lumingon pa, gusto ko na umalis na lang bigla. Hindi pa ako ready na makita siya lalo't sa nangyari kagabi.
"Hello," sabi ni Lauren nang makalapit sa akin. "Magaling na po kayo?" Magiliw na tanong ni Lauren sa akin. Hindi pa kasi kami nagkita sa susunod na araw pa.
"Oo, salamat pala sa pinadala mo sa akin." Nakangiting sabi ko sa kanya. Hindi ko nalimutan 'yong inabot ng kanyang kuya noong nasa hospital ako. Nag-abala pa siyang padalhan ako noon.
"Po? Ang alin po?" Iniisip nito kung ano 'yong ibig ko sabihin. Napatingin ito sa kanyang kuya, para niya ito tinatanong kung ano 'yong sinabi ko. "Pero-" Hindi natuloy ang sasabihin niya nang hinila siya ng kanyang kuya. "Kuya naman e, kausap ko pa si Teacher Leign." Inis na sabi nito kaya napatigil ang kanyang kuya at tumingin sa amin.
"Saan kayo pupunta Teacher Leign?" Tanong ni Lauren, inalis niya ang kamay ng kanyang kuya na nakahawak sa kanya.
"Kakain na kami, nagutom kasi kami galing d'yan," sagot ni Yanna na tinuro 'yong arcade.
"Talaga? Pwede ba kami sumama? Kakain din kasi kami ni kuya. Mas marami mas masaya kasi. Boring din kasi itong si kuya napakaseryoso." Napakunot naman ang noo ni Laurent nang marinig ang sinabi ng kapatid. Gusto ko sana tumawa sa sinabi ni Lauren pero pinipigilan ko ang aking sarili. Kahit pala kapatid nito nasabing boring siya kasama, siguro dahil hindi ito pa salita.
"Sure." Gulat ako na napatingin kay Yanna ng pumayag ito. Gusto ko sana ito batukan hindi man lang inisip kung gaano ka awkward 'yong magyayari. Pero ayaw ko naman sirain 'yong mga ngiti ni Lauren nang marinig ito. Tuwang-tuwa ito nang pumayag si Yanna sa kanyang gusto. Kahit nga si Laurent ay hindi napigilan ang kapatid sa gusto.
"May alam ako na masarap 'yong pagkain. Doon ako dinadala ni mommy," masayang sabi nito sa amin.
"Sige doon tayo," pagpayag ni Yanna.
Kaya naglakad na kami papunta sa sinabi ni Lauren. Nauna kaming naglakad habang nakasunod naman si Laurent sa amin. Nakahawak si Lauren sa amin ni Yanna. Habang naglalakad ay napakadaldal ni Lauren, marami itong sinabi sa amin at ito naman si Yanna ay sinabayan ang bata. Pagpasok namin doon sa restaurant ay sinalubong kami agad. Tinanong kung ilan kami kakain, sinamahan kami nito sa bakanteng table.
Katabi ko si Yanna umupo habang nasa harapan namin sila. Sobrang awkward talaga. May lumapit sa amin na waiter, tinanong ni Laurent kung ano gusto ng kanyang kapatid. Habang si Yanna naman pinapili ko para sa amin. Pagkatapos makuha ang aming order ay umalis na ito, may 15 minutes pa bago ito ma-serve.
"Salamat pala Doc. Laurent sa pagtulong sa kaibigan ko kagabi." Muntik ko na mabuga 'yong ininom ko na tubig nang marinig ang sinabi ni Yanna. Bakit sa daming pwede pag-usapan ito pa talaga sinabi ni Yanna. Ang sarap nitong kurutin.
"Wala 'yon," maikling sagot nito.
"Araay-" Kinurot ko sa tagiliran si Yanna, tiningnan ako nito nang masama.
"Are you okay, Teacher Yanna?" Nag-alalang tanong ni Lauren.
"Okay lang, naipit lang paa ko," pagsisinungaling nito sa bata.
"Kuya, ano po 'yong sinabi ni Teacher Yanna." Akala ko tapos na pero ito na naman si Lauren, kasalanan ito ni Yanna kung bakit ito nagsalita pa. Ano ba nagawa kung kasalanan sa nakaraang buhay ko at bakit ito nangyayari sa akin.
"I helped her sick friend," sagot nito sa inosenting kapatid. Siguro kaya iyon ang sinabi niya sa kanyang kapatid upang hindi isipin na lasingera ako. Mas okay pa kasi 'yong may sakit kaysa sa lasing, bad influence kasi naman ang pag-inom.
"You are a great doctor, kuya." Puri nito sa kanyang kapatid.
Nang dumating ang pagkain ay tahimik kaming kumakain. Tanging mga tunog lang ng kutsara at tinidor ang maririnig mo. Totoo nga ang sinabi ng bata na masarap ang mga pagkain dito, medyo mahal lang pero worth it naman ang sarap nito. Pagkatapos namin kumain ay hiningi ni Laurent ang bill at agad naman nito binigay ang kanyang card.
"Magkano bayaran namin?" Tanong ko sa kanya.
"I will pay for it."
"Huwag naman nakakahiya," sabi ko dito. Nakahihiya kasi na siya ang nagbayad ng mga kinain namin.
"It's okay." Binalik nang-waiter ang card niya saka kami lumabas.
"Bye, Teacher Leign, Bye, Teacher Yanna. Thank you sa pagpayag ninyo na makasabay kami kumain." Sabi nito bago ito tuluyan na umalis. Kaya naiwan kami ni Yanna.
"Napakabait talaga ni Doc. Laurent at nilibre tayo," sabi ni Yanna kaya hinampas ko ito. "Aray kanina ka pa," inis na sabi ni Yanna.
"Ikaw ang kanina pa. Bakit mo 'yon ginawa. Alam mo naman nahihiya ako sa nangyari kagabi." Nakasimangot na sabi ko dito.
"Huwag mo na 'yon isipin para naman wala lang kay Doc. Kaya wag ka nang mahiya at kapalan mo mukha mo kasalanan mo 'yon. Naglasing ka tapos 'yon." Inirapan ako nito.
"Kasalan ko ba malasing, tapos nakahihiya pa dahil hindi tayo pinabayad kanina."
"Blessing 'yon bes," sabay tapik sa akin at nauna ng maglakad. Kaya hinabol ko ito hanggang sa magsabay na kami. Nag-grocery muna kami dahil wala na kaming stocks sa apartment bago kami umuwi.
----
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top