Chapter 15
Nagising ako nang marinig na may tumatawag sa akin. Unti-unti ko minulat ang aking mga mata. Nakita ko si Yanna, nakaayos na ito, handang-handa na itong pumasok.
"Di ka ba papasok?" bungad nito sa akin. Bumangon ako at napahawak sa aking ulo, masakit ito at mabigat ang aking pakiramdam. Tumayo ako at kinuha ang towel para makaligo, sinabihan ko lang itong maghintay ng kaunting oras.
Pagbaba ko uminom muna ako ng tubig, medyo masama talaga ang pakiramdam ko. Siguro dahil sa na-ulanan ako kahapon. Ililigo ko lang ito at iinom ng gamot, sigurado ako na mawawala din ito. Dali-dali akong naligo saka nagbihis, hindi na ako kumain ng umagahan dahil late na kami. Mabuti na lang at naka-abot kami para sa una naming klase. Naka-inom na ako ng gamot pero hindi pa rin maganda 'yong pakiramdam ko.
Nilalamig na ako kaya nagsuot na lang ng jacket habang nagtuturo. Medyo hindi na talaga maganda 'yong pakiramdam ko, medyo lumalabo na 'yong paningin ko kaya may pinasagutan na lang ako sa mga bata at umupo upang makapagpahinga. Naisip kung mag-half-day na lang siguro ako dahil hindi na kaya ng katawan ko. Nang mag-break 'yong klase ay nagtungo ako sa canteen para kumuha ng bottle water para uminom na naman ng gamot. Pagpasok ko nakita ko si Yanna na kumakaway kaya nginitian ko lang ito.
Kumuha na ako ng tubig at magpasya na babalik nasa claasroom pero bigla akung nakaramdam nanghilo kaya naghanap agad ng pwede mahawakan upang hindi matumba pero unti-unti nanlalambot 'yong mga paa ko.
"Yanna..." Mahinang tawag ko dito upang maalayan ako dahil hindi ko na talaga kaya. Lumalabo na paningin ko at nanghihina na ang katawan ko. Pero dahil sa ingay ay hindi ako narinig ni Yanna. Tinawag ko ito ulit pero hindi man lang lumingon. Kaya nagpasya akong lumapit, buong lakas akong humakbang papalapit sa kanya pero bigla na lang ako natumba at nawala 'yong paningin ko.
Nagising ako ng dahil sa ingay, unti-unti ko dinilat ang aking mata at nagulat sa aking nakita. Nasaan ako? Huling natatandaan ko ay nasa paaralan ako tapos hindi ko na alam 'yong sumunod. Hindi ko gusto ang amoy ng paligid, amoy ko ang mga gamot at kulay puti ang kisame. Paglingon ko nakita ko sina Hanz, Yanna at Keifer na nagtatalo sa isang bagay, napatigil ito nang makita akung gising na.
"Kumusta ka na?" Nag-alalang tanong ni Keifer sa akin. Mabilis itong nakalapit sa aking kinaroroonan.
"Leign naman e, masama na pala pakiramdam mo bakit ka pa pumasok. Nagulat na lang ako ng makitang nakahandusay ka sa sahig tapos ang putla-putla mo pa." Maiiyak na sabi nito kaya napangiti na lang ako dahil napaka maalalahanin nito. "Wow! May gana ka pang ngumiti, hindi mo alam kung anong pinaramdam mo na kaba sa akin," dagdag nito.
"Sorry na, akala ko kasi kaya ng katawan ko." Hindi ko naman akalain nalumala at mangyayari ito.
"Alam mo bang taranta na ako kanina. Dali-dali ka namin dinala dito. Mabuti na lang at sanay itong si Keifer sa emergency . Agad ka binuhat at tinakbo 'yong parking area para masakay ka sa kotse at madala dito," paliwanag nito.
Hindi ko inakala na iyon pala ang nangyari. Nagpasalamat ako dahil sa kabutihan nito sa akin. Napalingon kami lahat nang marinig na bumukas ang pinto. Nagulat ako sa aking nakita, hindi ko akalain makita si Laurent. Nakasuot ito nang-white gown habang nakasabit sa may leeg ang stethoscope. Sobrang astig nito tingnan at nakadagdag pa iyong poker face niya. May kasama itong nurse, sexy at maganda din ito.
Hindi ko akalaing makikita siya. Dito ba siya nagtrabaho? "Bumaba na 'yong lagnat mo, Miss Manquez. Kailangan mo lang magpahinga upang mabawi 'yong lakas mo. May gamot ako na ireresita sa iyo upang inumin mo pagkatapos kumain." May mga sinabi pa siya sa kanyang nurse saka tuluyan nang umalis. Ganito ba siya mag-alaga sa kanyang pasyente, hindi pa rin nawawala 'yong pagiging cold niya.
"Ang gwapo naman ni Doc," sabi ni Yanna nang makalabas na ito. Natawa naman 'yong nurse sa kanilang narinig. "Single pa ba 'yon, nurse?" Tanong nito kaya agad na binatukan ni Hanz.
"Yanna, mahiya ka naman. Kahit saan lumalandi ka." Hindi naman ito naka-ilag sa sapak ni Yanna.
"Manahimik ka, inggit ka lang." Inarapan nito si Hanz. "Single pa ba 'yon?" Tanong nito ulit sa nurse.
"Yes ma'am, wala pa naman nobya si Doc. Laging busy dito, hindi namin nakita na may ka date," sagot nito habang kinunan ako nang-temperature.
"Ayy, bonga." Kinikilig na sabi nito. Kaya natawa na lang ako pati 'yong mga nurse. Ilan minuto din ay umalis na din ang nurse pagkatapos gawin 'yong trabaho nila.
"Kainin mo 'to, upang gumaling ka nang lubusan," sabay subo sa akin ng prutas.
"Naku ang sweet naman, nilalanggam ako dito. Samahan mo ako Hanz, kukuha ng gamit doon sa apartment." Hinila naman niya ito upang sumunod agad sa kanya. Ito talagang bibig ni Yanna, nakakahiya minsan. Nakaramdam tuloy ako ng ilang dahil doon.
"Ako na, kaya ko naman," sabi ko dito pero hindi ito pumayag kaya wala akong nagawa hanggang sa maubos ko ito. Tinulangan din niya ako upang maka-inom ng gamot. "Salamat Keifer, ang galing mo naman mag-alaga." Nakangiting sabi ko dito.
"Nasanay din siguro dahil sa kapatid ko," ani nito at inaayos 'yong mga gamit. Tinulangan din niya ako tumayo nang magtungo ako sa CR, lagi pa nga akong tinatawag nito. Nag-alala kasi na baka mahimatay ako ulit.
Hinintay lang niya si Yanna at Hanz na makabalik at agad na nagpaalam dahil hinahanap na ito ng kanyang kapatid. Nangako naman ito na bibisita ulit sa akin. Hindi nagtagal ay nagpaalam din itong si Hanz dahil may gagawin pa. Sumama naman si Yanna paglabas dahil bibili ng makakain.
Nang bumukas ang pinto ay napatingin ako. Akala ko si Yanna pero si Laurent pala may dala itong prutas. "Sabi ni Lauren magpagaling ka raw kaya kainin mo ito. Gusto ka sana bisitahin pero bawal naman siya dito. Inutusan na lang ako na bilhin ito," sabay lagay ng mga prutas sa mesa. "Ito inumin mo rin 'yan araw-araw para lumakas resistensya mo." May inabot ito na paper bag, na agad ko naman ito tiningnan at nagulat ako sa dami ng vitamins. "Inutos sa akin ni Lauren, nag-alala din kasi 'yon sayo." Na-touch naman ako sa ginawa ni Lauren. Ang bata n'ya pa pero napaka-sweet na niya.
"Sabihin mo sa kanya salamat." Nakangiting sabi ko. Tumango lang ito at saka tuluyan nang umalis. Dumating na din si Yanna na may dalang pagkain. Nagtanong pa ito kung bakit nakita niya si Doc galing dito
. Sinabi ko na lang na may tiningnan lang. Alam ko naman kasi pag-iisip nito. Nagtaka pa nga ito nang makita 'yong madaming prutas at paper bag na may madaming vitamins. Sinabi ko na lang na isa sa mga kaibigan ko. Marami pa sana itong tanong pero tumigil ito nang sinabi ko na masakit ang aking ulo. Mabuti na lang at effective 'yong palusot ko dito.
----
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top