Chapter 10
Nandito kami ngayon sa mall, nagyaya kasi si Yanna dito dahil bibili siya ng damit para mamaya. Iwan ko ba dito at kailangan pa bumili ng damit na marami naman siyang damit sa kanyang closet. Sumama na lang ako para bumili din nang-gift para mamaya sa birthday ni Hanz. Nakakahiya din kasi pumunta doon nawalang dala na regalo.
"Alin ang maganda itong black or red?" Tanong niya sabay pakita ng damit.
"Red," maikli kung sagot kasi mas bagay sa kanya 'yong kulay na iyon. Binayaran na niya ito agad at naghanap na kami ng pwede maibigay namin sa birthday boy. Pagkatapos namin mamili ay nagpasya muna kaming kumain, nakaramdam kami ng gutom habang namimili.
Habang kumakain ay nagkwentohan muna kami ni Yanna. Hanggang sa hindi namin namalayang naubos na pala namin ang pagkain. Natawa na lang kami dahil naubos namin ito, wala man lang natira. Bumili na rin kami ng pagkain para kay Kystal dahil maya-maya ay uuwi na din 'yon. Binayaran muna namin 'yong kinain namin bago umuwi. Kailangan namin magpahinga dahil may lalakarin pa kami mamaya.
"Leign.." Nagising ako ng may malakas na boses natumawag sa akin. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako pagkatapos namin umuwi kanina galing sa mall. Siguro dahil pagod ako sa kakaikot para maghanap ng gift, wala kasi ako ma-isip. Hindi naman kasi ako magaling sa mga regalo lalo na kapag lalaki. "Bakit?" sagot ko kay Yanna at bumangon na sa aking kama.
"Maghanda ka na, aalis na tayo. Nag-txt nasa akin si Hanz," wika nito kaya tiningnan ko ang aking relo upang matingnan ang oras. May dalawang oras pa naman, masyado naman excited maki-party to.
"Yanna ang aga pa." Nakasimangot kung sabi dito, inaantok pa naman ako. Ang sarap pa naman matulog.
"Kilala kita Leign, napakabagal mo kumilos. Nakakahiya naman na-late tayo no," sabi nito. Kaya kinuha ko ang towel ko at pumasok sa banyo upang maligo. Pagkatapos ay pinatuyo ko ang aking buhok. Naghanap muna ako ng damit sa closet. Wala naman ako maiisip na maisuot kaya nagsuot nalang ako ng skirt at crop top tapos denim jacket. Inayos ko 'yong buhok ko at naglagay ng kunting make-up. Pagkatapos ay naglagay ng perfume, ako 'yong klase sa babae na hindi mahilig sa perfume, ginagamit ko lang ito kapag may mga party o okasyon para naman mabango ako. Pero kapag sa school ay ayaw ko, hindi ko kasi gusto na naka-perfume ako tapos pagpawisan, naiirita ako d'yan.
"Yanna, tapos na ako," sabi ko at bumaba na. Nakita ko si Kystal na nakabihis na rin. Malapit din itong kaibigan ni Hanz, kaya hindi pwede nawala siya doon. Tinawag naman ni Kystal si Yanna dahil siya na lang ang kulang. Kung sino pa ang nagsabi na ayaw ma-late ay 'yon pa ang huli. Nakita namin bumaba si Yanna.
"Ikaw may birthday?" Biro ko dito kaya agad naman napasimangot kaya natawa na lang kami ni Kystal. Lumabas na kami at ni-lock na ang apartment namin. Sumakay na rin kami ng taxi, mahirap na mag-jeep pagdating namin doon mukha ng pang halloween party pupuntahan namin. Sinabi namin sa driver 'yong lugar.
Pagdating namin doon ay agad kami umakyat at hinanap 'yong room nasinabi ni Hanz. Isa kasi itong class na bar, 'yong baba nito ay dami mo makikita na nag-inuman o sayawan habang sa taas nito ay may mga VIP room. Sa pagkakaalam namin ay ang mga magulang ni Hanz ang may-ari nito. Nang makita namin ang room ay bubuksan sana namin ito pero may naunang bumukas. "Kanina ko pa kayo hinintay," masiglang sabi ni Hanz, siya kasi ang bumukas ng pinto.
"Traffic." Pagdadahilan namin. Pinapasok naman kami agad ni Hanz. Medyo madami din ang tao na naroon, malaki kasi ang room. Nakita namin 'yong ibang kasama namin sa trabaho. Kaya lumapit kami doon.
"Nasaan 'yong iba?" Tanong namin sa kanila nang makalapit.
"Umalis na, alam mo naman may asawa at anak na maghahanap. Buti nandito na kayo, hindi kasi namin kilala 'yong ibang bisita," sabi ni Belle.
"Kain muna kami" nakangiting sabi ni Yanna at saka hinila kami ni Kystal. Alam mo 'yong ang ganda-ganda ng outfit n'ya pero kung makahila wagas. Kumuha lang kami ng pagkain at saka pumunta sa may bakanteng upuan. Pagkatapos namin kumain ay lumapit kami sa aming mga kasamahan. Nagkatuwaan at kwentuhan naman kami. Nakita namin si Hanz na-busy sa pag-asikaso sa kanyang bisita.
"Wala yata si Keifer?" Tanong ko nang mapansin kung wala siya.
"Nandito 'yon kanina, umalis agad dahil emergency daw. Tungkol yata 'yon sa kapatid niya. Nagmamadali kasing umalis ng sagutin ang tawag." Paliwanag ni Daisy sa amin. Habang nagkwentohan ay nagkainoman naman kami. Nakita kung si Kystal na namumula na, ganyan kasi iyan kapag nakainom.
Ilang oras lumipas ay medyo tipsy na ako, dahil mahina naman kasi ako kapag alak na. Umalis na rin 'yong ibang bisita ni Hanz. Kaunti na lang ang natira. Umupo na rin si Hanz sa table namin.
"Ito gift ko," sabay abot sa kanya. Inabot na din ni Kystal ang kanyang regalo. Nagpasalamat naman si Hanz, hindi n'ya kasi inaasahan na magdala pa kami.
"Nasaan 'yong sayo?" Tanong niya kay Yanna. Tinaasan naman siya ng kilay ni Yanna.
"Wala akung pera," sabi nito. Medyo natawa ako kasi ito pa nga ang natagalan sa paghahanap ng gift kaya napagod ako ng sobra kanina.
"Wala naman talaga ako maasahan sa iyo," sabi nito sabay inom ng alak. Kinuha naman ni Yanna ang gift n'ya na nasa likuran at inabot ito."Joke lang, kahit naiinis ako sayo." Napangiti naman si Hanz sa nakita. Iwan ko talaga sa dalawang 'to, I smell something fishy.
Bigla ako napatingin ng may makitang pumasok na apat na lalaki. Tumayo naman si Hanz at lumapit sa kanila. Nagulat naman ako ng may pumasok pa na panglima at nang makilala ko ito. Bakit siya nandito, magkakilala ba sila ni Hanz. Napaiwas naman ako ng tingin ng bigla itong lumingon sa aming kinaroroonan.
"Leign.." Napalingon ako kay Kystal ng kalabitin niya ako. "Ikaw na." Sabay abot ng baso na may alak. Agad ko itong kinuha at ininom. Nakaramdam naman ako ng init sa lalamunan pagkatapos nito.
"Okay ka lang," sabi sa akin ni Yanna, kaya nginitian ko lang siya at nag-okay sign dito.
----
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top