CHAPTER 8
Nagkaayos kami ni Rupert pero pagkatapos ng nangyari ay hindi na rin ako masyadong sumama sa grupo nila. Nag-sorry man si Rupert at alam ko na taos-puso naman 'yon, hindi ko makalimutan ang panglalait nila kay Lena.
Hindi ko sinasabi na wala akong kasalanan. They probably treated her badly because they never saw me doing otherwise. I never even defended her before. If I was being honest, I'd say I triggered that horrible treatment they gave her.
Naging malapit ako sa mga kagrupo ko sa isang project; sina Joey, Kiko, Aimee at Anita. Minsan naglalaro pa rin naman ako ng basketball kasama nina Henry at Rupert pero hindi na tulad nang dati.
"Galit ka ba sa amin, Renz?"
Isang araw ay lumapit si Moira sa akin habang library time namin. Nasa likod niya si Chryselle na naghihintay din sa sagot ko. Ayoko ng drama kaya sinabi ko na lang na hindi.
"Eh bakit hindi ka na sumasama sa barkada?" tanong ni Chryssie.
"I just got busy with schoolwork," I replied laconically, wanting this conversation to end.
"Girlfriend mo na ba si Aimee? Kaya ba sumasama ka sa kanila nina Anita?"
Hindi ko alam kung ano'ng sagot na inaasahan ni Moira pero wala akong balak sabihin sa kaniya ang totoo. Ilang linggo pa lang kaming magkasama lagi ni Aimee pero ibang-iba siya sa dalawang babaeng ito.
"Students, you're in the library. Kindly refrain from having loud conversations. If you want to chit-chat, get out."
Nakaligtas ako sa pagsagot dahil sa istriktong librarian namin na si Ms. Agatha. Umiling ako kay Moira at Chrissy at bumalik na sa upuan ko katabi nina Aimee at Kiko.
Nang tumunog na ang bell hudyat ang lunchtime ay nagtungo agad ako sa canteen. Tulad ng nakagawian ko nitong mga nakalipas na linggo ay sumabay ako mananghalian kay Lena at Goldie.
Nakatatawang isipin na magkasalungat ang personalidad nina Lena at Goldie sa isa't isa. Madaldal si Lena kung komportable siya sa sa kausap niya pero malumanay pa rin ang pananalita. Si Goldie naman ay walang preno ang sa pagku-kuwento at minsan ay kailangang sawayin dahil napapalakas ang boses.
Kung gaano ka mahiyain si Lena ay gano'n naman ka pala-kaibigan si Goldie. That girl is crazy at times but I guess it's a good thing Lena has a friend who's more outgoing than her. Kung ano-ano ang pinagsasabi minsan at hindi siya kailanman nahiya sa'kin.
"Hi Renz! Ano'ng ulam mo?" bati agad ni Goldie pag-upo ko sa tabi ni Lena.
"Porkchop. Gusto mo, 'no?"
Ilang araw niya na rin pinagti-tripan ang ulam ko kahit alam naman niya kung ano dahil pareho lang kami ni Lena na pinapabaunan ni Nang Bolet. Kung hindi naman ay dito rin ako sa canteen bumibili. Style niya lang talaga ang pagtatanong.
"Salamat!" sagot niya sabay tawa. 'Yung tipong parang baboy na tawa. Pero ayos lang sa'kin dahil mabait siya kay Lena.
"Bakit dito ka kumain? Nakatingin si Aimee rito o." Hindi siya umimik pagdating ko kaya nagtaka ako at ito ang unang sinabi niya sa akin.
"Huh?"
"Ay Renz, oo nga pala, muntik ko na makalimutan na itanong sa'yo! Nanliligaw ka pala kay Aimee? Si Kate ang nagsabi sa'min," sabat ni Goldie.
I stared at Lena who was now looking at me and waiting for my answer.
"Ahhh... oo," I tried to sound like it wasn't a big thing, but Goldie was instantly electrified.
"Sabi ko na nga ba, Lena, eh! 'Di ba sabi ko sa'yo, totoo! Ikaw lang ang ayaw maniwala," she said and poked Lena's shoulder with her pointing finger.
Tatawa sana ako sa reaksyon ni Goldie nang biglang tumayo si Lena at dali-daling tinakpan ang dalawang tupperware na may lamang pagkain niya.
"Mauna na ako sa inyong dalawa," she said quickly and hurried away.
"Uy, Lena! Teka lang, hintayin mo 'ko!" tawag ni Goldie sa kaniya. "Uh, Renz, sorry ha. Sundan ko na muna si Lena."
Tumango ako at tuluyan siyang umalis.
That afternoon, Lena was quiet all the way home. Ang sabi niya kay Lolo ay masama ang pakiramdam niya kaya 'di na siya maghahapunan.
"Hindi ka ba kakain, hija?"
"Hindi na po, Don Isong. May migraine po ako kaya wala rin akong gana. Itutulog ko na lang po siguro ito."
"Papahatiran kita ng pagkain kay Sol. Hindi maganda na matulog ka na walang laman ang sikmura mo."
Alam ni Lena na si Lolo pa rin ang masusunod kaya hindi na siya umimik.
Kinamusta ni Lolo ang pag-aaral ko habang naghahapunan kami. Pagkatapos ko siyang sagutin ay siya naman ang nagkuwento tungkol sa naging araw niya sa plantasyon; sa paglalagay ng pataba sa mga puno ng cacao.
Pagkatapos noon ay umakyat ako sa kwarto ni Lena dala ang tray na may mangkok ng oatmeal at isang basong gatas. Sinabi ko kay Nang Sol na ako na lang ang maghahatid dahil hindi pa siya naghahapunan.
"Hindi ka na dapat nag-abala pa."
Lena tried to smile but she barely managed one.
"What's wrong? Do you have a fever?" I touched her forehead lightly although I don't even know how to tell if she's sick or not.
Iniwas niya ang sarili mula sa pagkakahawak ko kaya sumimangot ako sa kaniya.
"Lena? May problema ba tayo?"
"Wala..."
Pero kahit tumanggi siya, alam ko na meron.
"Galit ka ba sa'kin?" tanong ko sa kaniya na mabilis niya namang pinabulaanan.
"Eh bakit ayaw mo man lang akong tingnan? Sabihin mo sa'kin." I was surprised to hear how gentle my own voice was.
"Hindi ako galit sa'yo. Pero... hindi rin ako natutuwa. Hindi ko maipaliwanag, Renz." Puno ng pagtataka ang mukha niya.
"Pag-usapan natin, baka matulungan kita. Ano ba ang nararamdaman mo?" I moved closer and gave her a reassuring smile to show her I was ready to listen.
"Naiinis ako..."
"Sa akin?"
Tumango siya ulit na para bang nahihiya pa at tumingin sa malayo, iniwasan ulit ang titig ko.
I touched her chin and softly turned her face towards me.
"Bakit?" I asked huskily, looking at her intently and not allowing her to avoid my gaze.
"Kasi... kasi... hindi ko alam. Kasi nanliligaw ka kay Aimee."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top