CHAPTER 7
Mabilis akong tumayo kaya natamaan ang lamesa at nahulog ang isang bote ng beer na nasa gilid nito.
"Ano'ng pinagsasabi mo, Rupert?" I asked furiously.
"Hindi mo ba alam, Renz? Kunsabagay, transferee ka kasi rito."
Nakaupo pa rin si Moira habang sinasabi 'yon pero puno ng panunuya ang mga mata niya habang nakatingin kay Lena.
"Tama na," saway ni Henry sa kanila.
"TINATANONG KO KUNG ANO ANG PINAGSASABI 'NYO DAHIL HINDI KO ALAM!"
Lumapit ako kay Rupert at kinuwelyuhan siya hanggang sa napilitan siyang tumayo.
"Querida ng lolo mo si Lena, Renz. 'Yon ang ibig sabihin ni Rupert," Moira replied calmly, still looking at Lena mockingly, daring her to deny it.
Binitiwan ko si Rupert at hinarap si Lena. Nakaupo pa rin siya at nakayuko kaya hindi ko agad nakita ang ekspresyon niya.
"Totoo ba, Lena?"
Chryssie's voice only sounded like she was curious. She just wanted to confirm an ugly rumor, not caring how insulting that would seem to Lena.
Lahat kami ay nakaabang, naghihintay lamang sa sagot niya. Dahan-dahan ay tumayo siya at hinarap ang mga kaibigan ko, isa-isa silang tinitigan sa mata.
"Hindi 'yon totoo," she said softly but clearly. Then she took her bag and walked away from us towards the direction of the shore.
A minute passed silently as we all watched her walk away, until we could not see her anymore.
"Hindi 'nyo na dapat ipinahiya si Lena." May galit sa tono ng pananalita ni Henry.
"Kasalanan ba natin kung pumatol siya sa—"
Hindi ko na pinatapos sa pagsasalita si Rupert dahil nagdilim na ang paningin ko.
"TANGINA!" sigaw ko sabay suntok sa kaniya. Agad akong nilapitan ni Henry para awatin. Nagsigawan na rin ang mga babae.
Sa sobrang lasing ni Rupert ay tuluyan na siyang natumba. Buti naman, dahil kahit hindi siya lasing hindi ko siya uurungan.
Kumawala ako sa pagkakahawak ni Henry at hinablot ang mga gamit ko.
Sa huli ay nahanap ko rin siya; nakaupo sa buhangin at nakaharap sa dalampasigan. Hindi ko siya agad nakita dahil natakpan siya ng malaking bato kung saan siya nakasandal. Hindi ko na masyadong maaninag ang mga mata niya dahil lumubog na ang araw kanina pa. What little light we had was from the moon.
"Lena... umuwi na tayo."
Sa unang pagkakataon ay ako ang nag-aya na umuwi.
Her chin rested on top of her knees; I saw that as my eyes started to adjust to the darkness.
"Renz..." Lena whispered softly.
"Hmm?"
"Hindi totoo 'yon. Mabait si Don Isong sa'kin, pero hindi totoo 'yon. Hindi totoo ang mga sinabi nila tungkol sa'kin!"
Her voice broke a little as she started to cry and all I could think of was I never want to see or hear her in pain again.
"Alam ko, Lena. Hindi mo kailangang magpaliwanag. Naniniwala ako sa'yo..."
I meant every word. Whatever my mother said to me, whatever other people thought, I know she isn't like that. Siguro siya na nga ang pinakamabait na tao na nakilala ko sa buong buhay ko.
She nodded and I stood up, holding out my hand to her. "Uwi na tayo."
Mukhang handang-handa na si Lolo na sigawan ako pagdating namin sa mansyon. Tulad ng dati ay si Lena ang nagdahilan pero sa pagkakataong ito ay hindi na ako pumayag na magsinungaling siya para sa'kin.
I did not let her finish speaking. Gently, I took her hand and pulled her so she would stand behind me as I faced my grandfather.
"Lolo, kasalanan ko po. May dinaanan pa kami ng mga kaibigan ko kaya sumunod si Lena para sunduin ako. Kasalanan ko po, 'wag po kayong magalit sa kaniya.
For a second, I thought he would slap me. But then he only exhaled heavily.
"Alam ko na ikaw ang dahilan kung bakit kayo ginagabi. Hinihintay ko lang na kayo mismo ang magsabi sa'kin ng totoo," he said in a calm voice although the fire in his eyes still betrayed his fury.
"Pasensya na, Lolo. Hindi na mauulit," sagot ko. Nagulat ako sa tinuran ko pero ang mas kinabigla ko ang pagkakaalam na nagsasabi ako ng totoo. Hindi na ako uulit. Ayoko nang umulit.
I've let the past few months pass being a disappointment to him. As a matter of fact, I was clearly aiming to be a disappointment. I can't explain what changed my mind that evening. All I know was that I finally wanted to try to be a good grandson to him. I want to be someone he could trust with his life's work someday.
"Lolo, simula po sa Sabado sana payagan 'nyo na ako ulit na sumama sa plantasyon," I said it in the most respectful tone I've ever used in my entire life. I wanted the old man to feel my sincerity.
Hindi siya sumagot ng oo pero hindi rin naman siya tumanggi.
"Maghapunan na tayo. Kanina pa naghihintay ang pagkain sa lamesa," was all he deigned to say.
🌿
The following morning, Rupert immediately approached me when I arrived at the classroom. For the first time, I was the one who took Lena to her room, wanting to make sure she was alright after what transpired the night before. She said she was okay; she was her usual cheerful self but I doubted her. Siguro ayaw niya lang mag-alala ako sa kaniya.
"Renz, Pare, hindi ko sinasadya 'yong kagabi," sabi ni Rupert na napakamot pa sa ulo niya.
Tiningan ko lang siya bago ako lumipat ng upuan sa kabilang bahagi ng classroom.
"Lasing ako kagabi. Alam ko hindi dahilan 'yon pero hindi ko talaga sinasadya 'yong mga sinabi ko."
Sumunod pala siya sa likod ko. He's not a bad guy. I'll give him that. Doesn't mean I don't hate the way he was mean and disrespectful to Lena.
"Kay Lena ka mag-sorry. Siya ang mas nabastos mo," I informed him.
Hindi ko inasahan na seseryosohin niya ang sinabi ko kaya nagulat ako nang diretso siyang lumabas ng classroom.
"Sundan natin," aya ni Henry at lumabas na rin kaming dalawa. Naabutan namin siya sa labas ng classroom ng mga third-year students at sinenyasan niya ang kapatid niyang si Rex para tawagin si Lena.
We couldn't hear what Rupert was saying but it was obvious he was apologizing to her. She immediately smiled back at him and I could read her lips telling him that it was okay and that she forgave him.
Nahihiyang ngumiti si Rupert sa kaniya at inabot ang kamay ni Lena para hawakan kaya lumapit agad ako para pigilin sila.
"Ayos na raw, Rupert. Bumalik na tayo sa classroom!" sabi ko na hindi na tumingin pa kay Lena.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top