CHAPTER 5

Wala kaming ginawa maliban na lang sa maghalikan. Una, hindi naman sa konserbatibo ako, pero unang araw pa lang na nakilala ko siya. Pangalawa, hindi namin alam kung anong oras talaga ang dating ng mga magulang niya kaya mahirap na.

Pagkatapos naming magmeryenda at maghalikan ay tinulungan niya nga ako sa homework namin. Unang araw pa lang ng klase kaya kaunti pa lang 'yon.

"Señorito, kanina ka pa hinihintay ng lolo mo," bati agad sa'kin ni Manang Sol pagpasok ko pa lang sa gate. Masyado naman siyang praning eh, mukhang inabangan niya talaga ako para babalaan.

I just shrugged at her and went straight to the dining room knowing that they're almost ready to eat now.

"Wala ka ba talagang galang?"

His voice was not loud at all, but it was full of disdain. Para namang ang laki ng kasalanan ko. Magmamano pa sana ako sa kaniya dahil alam ko na gusto niya 'yon pero nagbago ang isip ko.

"Nagpatulong lang po ako ng homework," diretso kong salita habang kumukuha ng ulam para ilagay sa pinggan ko.

"Kung sa tingin mo, puwede mong gawin dito ang ginagawa mo sa Maynila, nagkakamali ka!" Sa pagkakataong 'yon ay lumakas na ang boses niya.

"Don Isong, hindi na po uulit si Renz."

Her timid voice made me angrier still. Ano ang karapatan niya na magsalita para sa akin? Hindi ko kailangan ang pagtatanggol ng kahit na sino.

Sasagot pa sana ako pero nahuli ko ang mata ni Nang Bolet na nakatingin sa akin, tila sinasabihan ako na 'wag na magsalita. Lumapit siya upang salinan ng juice ang baso ko.

My grandfather coughed loudly but didn't say anything more either. He must really think highly of Lena. Isang sabi lang niya, hindi na siya nagsalita? Hanep.

My anger had not dissipated by morning. Pareho kaming walang imik ni Lolo kahit sa hapag-kainan. Pati tuloy si Lena hirap na magsalita tungkol sa kung ano-anong walang ka kuwenta-kuwentang bagay tulad ng mga klase niya. Ang epal din naman kasi niya. Who told her she has to mediate between us?

🌿

"Bad mood?" Moira asked me during our first period. Magkatabi kami ni Rupert pero nilingon niya ako mula sa kinauupuan niya sa harap namin. I smirked at her, not bothering to answer.

Nang break time ay medyo okay na ako. Badtrip pa rin, pero ayoko na lang isipin si Lolo.

"Kate, 'di ba classmate mo 'yon?"

Napatingin kaming lahat kung saang direksyon ngumuso si Chryselle at nakita ko agad na si Lena ang tinutukoy niya.

"Yeah, I think her name is Lenny or Lana or whatever," Kate replied and shrugged.

"Lena ang pangalan niya," automatiko kong pagtama sa kaniya.

"Yeah, Lena. She's alright. Mabait naman," sang-ayon niya.

"Classmate mo rin pala ang kapatid ko, Kate. Si Rex."

"Ah, kaya pala medyo magkahawig kayo, Rupert."

Pagka-uwian ay dumating agad si Lena sa labas ng classroom. Wala naman talaga akong plano na pumunta ulit sa bahay ni Moira kaya hindi na ako umimik at sumabay na lang ako sa kaniya.

Walang sinabi si Lolo nang nadatnan niya kami ni Lena pagkauwi niya. Siguro naman masaya na siya na diretso akong umuwi. Ano'ng akala niya sa akin, elementary?

Tahimik lang si Lena habang gumagawa kami ng homework sa library dahil alam niya na naiinis ako sa kaniya. Kung tutuosin, hindi ko rin alam kung bakit pati sa kaniya naiinis ako, eh hindi niya naman kasalanan na napagalitan ako ni Lolo.

Sa mga sumunod na araw ay palagi niya akong hinihintay kapag uwian. Naasar tuloy ako lalo sa kaniya. Minsan ay hindi siya makapaghintay sa labas ng classroom. She would meekly stand outside the school gates and wait for me to come out with my friends.

Isang araw, lumabas kami habang nakaakbay ako kay Moira. Ang napag-usapan kasi namin pupunta kami sa bilyaran.

"Lena, mauna ka na umuwi," sabi ko agad sa kaniya.

"Renz, hindi puwede. Sabi ng Lolo mo dapat sabay tayo..."

"Ito na naman tayo eh... Buntot ba kita? Bahala ka kung ayaw mo pa umuwi. Basta ako, may lakad pa 'ko."

I looked away as soon as I finished speaking and walked towards my friends again. Malisyosong nakangiti si Rupert habang inirapan naman nila Moira at Chryselle si Lena.

Mag a-alas sais na nang natapos kami. Gusto ko pa nga sana maglaro nang isang oras pa pero ang killjoy nilang lahat. Malapit na raw ang first grading exam at kailangan pa nila mag-review. Akala ko pa naman cool sila. Mga taga-probinsya nga.

"Next time ka na bumawi, Renz!"  pang-aasar ni Rupert sa'kin.

I sneered at the smugness in his voice. The only reason why I didn't win (and I'm not going to admit it) was because I was still angry about Lena. I couldn't stop thinking about the dismay in her eyes when I told her I wasn't going home with her.

"Renz, sasabay ka ba sa amin? Sina Kate at Chrissy sasabay 'yan sa sundo ni Moira," tanong ni Henry.

" 'Di na, Pare. Mauna na kayo. Maglalakad-lakad na muna ako."

Hindi naman kasi ako nagmamadaling umuwi at siguradong mapapagalitan na naman ako. Magsesermon na naman ang matanda sa bahay.

Pagdaan ko sa waiting shed sa labas ng school ay nabigla ako nang nakita si Lena na nakaupo pa rin doon.

"Ba't ka pa nandito?"

She stood up as soon as I spoke and approached me.

"Hinintay kita," simpleng sagot niya.

"Bakit? Sinabi ko ba na hintayin mo 'ko? Ano ba, Lena? Kaya ko na ang sarili ko!"

I'm not proud of having raised my voice at her. After all, she has not been anything but kind to me. Before classes began, she and I have sort of become friends already so I don't know where this is coming from.

"Hindi naman sa gano'n, Renz..." matamlay niyang sagot bago yumuko.

I began walking home and after some seconds, I heard her start too. She didn't walk beside me all the way home. Nasa likod ko lang siya nakasunod. Pero nang nakauwi na kami, ang sabi niya kay Lolo  ay natagalan kami dahil nagpasama siya sa akin para mag-aral sa library.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top