CHAPTER 45

1993

Don Isong's POV

Alam ko sa loob-loob ko na hindi na kami magkikita pa ulit ni Lena sa mundong ito. Matagal ko nang alam iyon at matagal ko na ring natanggap. Wala akong pagsisisi na hindi ko siya pinauwi nang inatake ako sa puso dahil sayang naman ang nasimulan niya kung pauuwiin ko rin siya kaagad sa Aguadulce. Isa pa, para saan? Para mag-alaga ng matanda niyang abuelo? May mga nars at mangga-gamot para diyan.

Matanda na ako. Hindi ako takot sa kamatayan dahil mahabang panahon na akong nabubuhay. Oras na upang bumalik ako sa aking Manlilikha. Nasasabik na rin akong makita ulit ang aking asawa at ang aming mga anak. Mahirap ngunit nagawa kong patawarin ang aking sarili sa lahat ng mga pagkakasala ko ngunit hindi na ako makapaghintay hangga't harap-harapan akong makahingi ng tawad kay Eliana.

Ang tanging hinihiling ko sa Diyos ay maging maayos ang pamilyang iiwan ko. Mahal na mahal ko ang dalawa kong apo. Hindi ako nanghimasok sa kung ano man ang mayroon sa kanila dahil nirerespeto ko silang pareho.

Siguro ang tanging pagsisisi ko ay hindi ko na maabutan ang mga magiging apo ko sa tuhod. Wala man ako sa lupa kapag dumating ang araw na mapu-puno ulit ang mansyon ng mga Peñalver ng pagmamahalan, nagagalak akong isipin na hindi imposibleng dumating ang araw na iyon.

1990

Renz's POV

Masama ang loob ko kay Lolo pero mas galit ako kay Lena. Kung ano man ang relasyon nilang dalawa, si Lena dapat ang nagsabi sa'kin. Sinungaling.

Bakit hindi niya na lang ako diniretso na mas gusto niya si Lolo? Madali bang tanggapin para sa akin ang naging pasya niya? Hindi. Pero sana galing sa kaniya. Damn it.

I should stop thinking about that girl. My own mother will probably disown me if she realizes how obsessed I am with my own grandfather's woman.

Nang nakabalik si Lolo galing sa kung saan niya man dinala si Lena ay tinanong ko siya kung ano'ng nangyari. Ang tanging sagot niya lang ay nagbago ang isip niya dahil hiniling ni Lena na sa ibang bansa mag-aral.

Tao lang ako kaya ang una kong naisip ay wala rin palang pinagkaiba si Lena sa sinasabi ng mga taga-Aguadulce. Ayoko man aminin pero mukhang tama si Mama. I should never have fallen for Lena's innocent act in the first place. I never thought I was the gullible type but I clearly am when it comes to her.

I asked my grandfather so many times where Lena was but he'd always clam up whenever I mentioned her. Ano ba ang mayroon? Takot ba siya na agawin ko si Lena sa kaniya? Siya na nga ang pinili ni Lena 'di ba?

I tried so hard to bury my hatred for my grandfather but it kept resurfacing back especially whenever I remembered her, which was pretty much everyday.

Hindi ako santo kaya hindi ako magsisinungaling na hindi ako nagkaroon ng ibang girlfriend.

Hindi ko na mabilang kung ilan ang naging nobya ko nang nasa kolehiyo ako, matapos akong iwan ni Lena.

Kung dati ay hindi ako sumasama sa mga lakad ni Albert, pagkatapos umalis ni Lena ay ako na mismo ang nag-aaya sa mga kaibigan ko na lumabas.

The problem was Lena ruined me for any other girl. There was no one I could take seriously after her and I hated that fact.

Paano kung hindi na talaga bumalik sa'kin si Lena? Paano kung hindi ko na siya mabawi mula kay Lolo? Ibig ba sabihin no'n habang-buhay rin akong mag-iisa?

Magpapagal ako sa plantasyon, sisiguruhin ko na pagbalik ni Lena rito, mas kapili-pili na ako kung ikukumpara kahit na kanino.

Nakakabaliw kapag iniisip ko na ang Lolo ko mismo ang katunggali ko kay Lena, kaya araw-araw ay kailangan ko rin na paalalahanan ang sarili ko na 'wag magalit.

I turned all my energy towards running the plantation. Every Christmas, whenever Lolo left to go abroad and presumably to go to Lena, I spent that week getting drunk.

🌿

1993

Hanggang sa huling sandali ni Lolo ay tikom pa rin ang bibig niya tungkol sa kung sino nga ba talaga si Lena sa buhay niya.

Sinabi ko sa sarili na hinding-hindi magtatanong tungkol sa babaeng pareho naming mahal pero nang magkasakit siya ay pinilit ko siyang pauwiin na si Lena.

I would sometimes find a look of quiet melancholy in my grandfather's eyes whenever Lena's name was mentioned but he refused to call her back home.

🌿

Nang bumaba si Lena mula sa sasakyan ng abogada ni Lolo ay rinig ko ang malakas na kabog ng dibdib ko. Sinabi ko sa sarili na galit ako kay Lena— na puno ako ng pagkamuhi sa kaniya. Ngunit unang kita ko pa lang sa kaniya matapos ang limang taon ay nakuha niya na agad ang puso ko.

Nag-iba na ang pananamit niya at mas komportable na siya magsalita sa Ingles ngunit pareho pa rin naman ang aura niya. She was still so unassuming, and she tried hard to appear confident but she was never the aggressive type.

My mother might have been furious that Lena has come back but I was secretly glad. It's just a shame that she only came back because Don Lorenzo Peñalver I died.

Ang hindi alam ni Mama ay alam ko ang laman ng Last Will and Testament ni Lolo. Isang taon mula nang nagsimula akong magtrabaho sa plantasyon nang kinausap ako ni Lolo tungkol dito. Pinaalam niya sa akin ang nais niya na bahagian si Lena ng kalahati ng lahat ng pag-aari niya. Ang hindi niya sinabi sa akin ay mapipilitan si Lena na manatili rito.

🌿

Author's Note:

Alam 'nyo ba, Epilogue na ang next chapter... ang bilis ng panahon. I want to take this opportunity to thank any readers I might have out there. I will always be grateful for your patronage. In a world full of bashers, you chose to support (even silently). In a platform full of works, you chose to read mine as well.

Thank you for being a part of Lena and Renz's story. <3


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top