CHAPTER 39

1955

Lorenzo Penalver II's POV

Magmula sa araw na pinalayas ni Papa si Mama mula sa mansyon ay nawalan na ako ng tiwala sa kaniya. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ginawa 'yon.

Sinubukan din na ipaliwanag sa'kin ni Lola 'yon nang nag-binata ako pero wala akong tiwala sa mga sabi niya. Ang alam ko lang na totoo, pinalayas nila ang ina ko.

Ni hindi ko man lang nalaman kung saan siya pumunta kaya lumaki ako na walang kinikilalang ina.

Abala si Papa sa hacienda. Puro na lang lupa ang inaatupag niya kaya ni minsan hindi kami naging malapit sa isa't isa.

"Lorenz, maganda ang paaralan na pupuntahan mo sa Maynila kaya dapat huwag kang magbubulakbol at ayusin mo ang pag-aaral mo."

Tumango na lang ako sa sinabi niya. Sasagot pa ba 'ko? Siguradong mag-aaway lang kami. Halos gano'n din naman ang nangyayari sa tuwing mag-uusap kami ni Papa. Gusto ko siyang sumbatan, kailan ba ako naging sakit sa ulo niya? Lagi na nga lang akong sunod-sunuran sa mga gusto niya eh.

Mabuti na rin siguro na sa Maynila ako para hindi na kami halos magkita.

🌿

Nasa pangatlong taon na ako sa kolehiyo nang nagpasya ako na tuluyang iwan ang kursong Agrikultura at subukan ang mag-aral bilang piloto.

Nalaman lang iyon ni Papa nang dumating ang araw ng sana ay pagtatapos ko sa Agrikultura.

Hindi niya ako sinuportahan pero ayos lang sa akin. Mas mabuti na 'yon kaysa naman tumutulong nga siya pero gusto niya namang diktahan ang buong buhay ko. Nagsipag ako at pinagsabay ang pag-aaral at pagta-trabaho.

Kung inaakala niya na mabuti siyang ama dahil hindi siya nagtaksil sa aking ina ay nagkakamali siya. Ibang bagay naman 'yon. Kung tutuusin, pareho lang sila. Hindi sila naging mabuting mga magulang. Hindi man totoo na nagtaksil si Mama kay Papa, hindi pa rin mababago ang katotohanan na hindi niya ako binalikan.

Sino ba namang matinong ina ang basta-basta na lamang iiwan ang kaniyang anak?

Kapag naging magulang ako, gagawin ko ang lahat para kailanman ay hindi ako mahiwalay sa aking anak. Si-siguraduhin ko na magiging mabuting ama ako at lalaki ang anak ko na alam niyang mahal na mahal ko siya. Hindi ako tutulad kay Papa.

🌿

1965

Cosette Divinagracia's POV

I was biting on my nails out of habit. Kung narito si Mama, siguradong mapapagalitan ako. Hindi raw maganda sa isang dalaga ang nginangatngat ang kuko. Kung alam niya lang kung ano pa ang pinagga-gawa ko rito sa Maynila, baka tuluyan siyang mahimatay.

"Cosette! Kanina ka pa ba?"

Lumingon ako at pinilit ang sarili na ngumiti dahil sa wakas ay nakarating na ang kanina ko pang hinahanap; ang matalik kong kaibigan na si Lorenz.

"Kanina ka pa ba? Pasensya na. Pinatawag ako sa office," paliwanag niya sabay akbay sa akin bago tuluyang umupo sa tabi ko.

"Lagi ka naman late eh," kunwari ay inis na utas ko pero ang totoo ay hindi naman ako galit sa kaniya.

"O bakit parang pang-Biernes Santo na 'yang mukha mo. Binisita ka ba ng Mama mo?"

Napangiwi ako sa tanong niya. Hindi gano'n ka sama ang problema ko, pero masama na rin kung tutuusin.

"Wala... kain na muna tayo."

Nagkakilala kami n Lorenz ilang taon na rin ang nakalilipas dahil sa inireto siya ng pinsan ko na naging kaklase niya sa pagiging piloto. We hit it off immediately as friends kahit limang taon din ang agwat ng edad namin.

Kahit hindi man kami naging steady ay patuloy kaming nagkita bilang magka-ibigan. You can say that we can relate to each other pretty well.

Anak si Lorenz ng isang mayaman na haciendero sa Guimaras. As is popularly the case, the relationship he has with his father was not good, practically non-existent actually.

Ako naman, pilit na inire-reto ng Mama ko sa mga anak ng mayayaman niyang amiga. Hindi niya matanggap na matagal ng lubog ang mga Divinagracia. Kaya naman pangarap niya na makapag-asawa ako ng mayaman dahil baka kung sakali ay makabalik ulit sa dating posisyon ang mga Divinagracia sa alta-ciudad.

"Ano, nahuli na ba kayo ni Bernard?" tanong ni Lorenz na ang tinutukoy ay ang nobyo ko na alam niya naman hindi ko puwedeng ipakilala kay Mama.

"Hindi. Kapag nalaman niya 'yon..." Hindi na ako nagpatuloy sa sasabihin dahil alam naming pareho na hindi lamang ako papauwiin sa Iloilo, baka ikapahamak pa ni Bernard.

Totoong hindi na kami mayaman pero may mga koneksyon pa rin naman ang pamilya namin. Matagal ng patay ang aking Papa ngunit may mga tiyo pa ako.

Tumawa lang si Lorenz kaya napairap ako sa kaniya.

"O ba't ka sa'kin magagalit? Natawa lang ako dahil naalala kong meron din pala akong nobya na hindi ko pa nakakausap sa loob ng ilang buwan."

"Hindi mo pa rin tinatawagan si Diana?"

"Hindi," walang kahiya-hiya na sagot niya sabay halakhak.

"Ikaw talaga!"

"Abala ang buhay ng isang piloto, Cosette. Maiintindihan ng girlfriend ko 'yon."

Minsan talaga nagdududa na 'ko kung bakla ba itong si Lorenz. Wala namang masama roon dahil mabuti naman siyang tao. Nakapagtataka lang dahil sa buong tatlong taon na magkaibigan kami, ang mga naging nobya niya ay 'yong mga mas matanda sa kaniya ng halos sampung taon.

Hindi rin talaga matatawag na nobya ang mga 'yon dahil hindi naman inaabot ng taon ang pakikipagrelasyon ni Lorenz. 'Yong Diana lang talaga ang tumagal na halos dalawang taon dahil ipinagkasundo sila ng mga magulang nila.

"'Di ba ang sabi mo noon ay malapit na magtapos sa abogasya si Diana. Paano na 'yan? Magpapakasal na kayo? Uuwi ka na ba sa Guimaras para maging Señor?"

Sumeryoso ang mukha ni Lorenz at pati sa akin yata ay naasar siya dahil sa tanong ko.

"May sarili akong isip at malaki na 'ko. Hindi na ako madidiktahan ni Papa."

"Talaga ba? Eh kung gano'n, bakit hindi mo pa diretsong sinabi kay Diana na ayaw mo sa kaniya, aber?" dagdag pangaasar ko sa kaibigan.

Umiling na lang si Lorenz dahil alam niyang wala na rin siyang maidadahilan sa akin.

Kilala ko ang matalik kong kaibigan. Galit man siya sa kaniyang ama ay hindi niya maipagkakaila na mayroon pa ring bahagi ng pagkatao niya na habang-buhay magiging anak ng papa niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top