CHAPTER 34
"Magpinsan ba kayo ni Renz, Lena?"
Muntik na akong masamid sa iniinom na tubig sa tanong ni Moira. Pumasok pala siya sa kusina habang naghahanda ako ng meryenda ni Renz— hot chocolate and malunggay pandesal which I had baked earlier. Tumawa siya nang mariin nang umubo ako.
Maganda pa rin si Moira. Sa totoo lang, mas lalong lumitaw ang ganda niya dahil mahilig siyang maglagay ng makeup.
Tulad ngayon. Hindi naman siya umaalis dahil dito lang sila nagte-therapy ni Renz sa bahay pero kumpleto mula foundation hanggang false eyelashes. Maganda rin ang pagkatirintas niya sa mahabang buhok niya. I also noticed that the clothes she wore are rather too fitted and showed too much skin. Halatang inaakit si Renz...
"I mean, you have always seemed to be a part of the Peñalver household, right? But, are you really a member of the family? Hindi 'di ba?" Ngumiti siya na parang nang-aasar talaga. Naalala ko tuloy kung gaano siya ka nakakainis kahit noong highschool pa lang kami.
"As a matter of fact, his mother invited me to take an extended stay here, Moira."
Hindi mo na ako masu-supladahan tulad nang dati, Moira. Natuto rin akong ipagtanggol ang sarili ko.
"Sure. Pero, I've heard Renz tell you a lot of times that he does not want you here. Kaya... nagtataka ako kung bakit hanggang ngayon, nandito ka pa rin."
I can't believe it. It's like I was back in high school again.
She took the tray I had prepared and was beginning to walk out of the kitchen when I blocked her.
"Bata pa lang ako, siya na ang pangarap ko, Moira." I did not look at her as I spoke those words. Kinahihiya ko ang katotohanan na 'yon kahit hindi alam ni Moira kung bakit.
Natigilan ang babaeng kausap ko sa mga sinabi ko. Maybe she did not expect another unmaidenly confession from me after all these years?
Umirap siya at umismid sa akin, "Wala kang karapatan na-"
"Na ano, Moira? Na tingnan siya? Na alagaan siya?" I smiled bitterly as I faced her directly this time.
"High school pa lamang ay mahal ko na si Renz. Hindi ka pa niya nakikilala sa school ay sinabi ko na sa sarili ko na balang-araw ay mamahalin niya rin ako. Pareho lang naman tayong hindi niya girlfriend ngayon, 'di ba? Kaya... ano ang karapatan mo na sabihin sa'kin na umalis dito?"
I could see her seething and growing even more furious by the moment and yet her surprise hindered her from giving a cutting reply to what I just said.
"Kapag asawa ka na niya o nobya, Moira, puwede mo na akong palayasin dito. Until then, keep your opinions to yourself."
I walked away from her as soon as I finished speaking. It was a good exit I know. But the truth was that I just did not want her to see me cry.
🌿
Iniwasan ko na lang silang dalawa pagkatapos ng pangyayaring 'yon. Naiinis man ako sa kaniya, masasabi ko na magaling na therapist si Moira. Hindi lang dahil sa kaalaman niya kundi dahil na rin napapangiti niya si Renz. Isang bagay na hindi ko pa nagagawa mula nang umuwi kami ng Guimaras galing Cebu.
Mapilit rin si Moira na pumasyal sila ni Renz kaya minsan, pinagmamaneho siya ni Moira at pumupunta sila sa plaza. Kumakain rin sila minsan ng batchoy (Ilonggo noodle soup) sa banwa. Isang beses nga, pumayag pa siyang dumalaw sa bahay ng babaeng 'yon.
Nainggit ako na ni minsan hindi namin nagawa ni Renz ang mga bagay na 'yon. Puro mga masasakit lang ang mga alaala namin o di kaya ay puno ng kasalanan.
I know there are many people whose loves are not reciprocated. It hurts more to know that you are loved in return but you'll forever be barred from each other. But I, for a fact, know that it's the loneliest feeling in the world to have been loved back but only in the past.
Sa bawat araw na lumilipas na hindi maganda ang pakikitungo sa'kin ni Renz ay iniisip ko na baka nga unti-unti na ring nawawala ang pagmamahal niya sa'kin. Napag-tanto niya na siguro kung gaano ka-mali ang naramdaman niya para sa'kin.
Nang bata pa ako, wala akong ibang pinangarap kung hindi maging asawa niya. Hiniling ko na lumipas kaagad ang panahon para lumaki na kami at puwede na kaming magpakasal.
Ngayon, wala akong ibang gusto kundi bumalik sa panahon kung kailan hindi pa nangyayari ang lahat ng ito, kung kailan hindi pa namin alam ang katotohanan at puwede ko pa siyang pangarapin.
🌿
Tila mabagal man ang usad ng taon, sa wakas ay dumating din ang araw na nakapaglakad na si Renz nang mag-isa kahit na may gamit na therapy walker.
Pareho kaming nakangiti ni Tita Cosette habang nakamasid sa maingat pero tuloy-tuloy na paghakbang ni Renz. Nakaupo kaming dalawa sa veranda na para bang matalik kaming magkaibigan. Hindi man naging maayos ang simula ng pagkakakilala namin sa isa't isa, ang nangyari kay Renz ang nag-ugnay sa amin ng kaniyang ina.
I guess in the end, what really matters is that both of us love him so much.
Hindi man ako nagkaroon ng pagkakataon na makilala ang nanay ko, hindi ko man naranasan paano magkaroon ng isang ina, kahit papaano ay pamilya na rin ang naging turing sa akin ni Tita Cosette.
"Masayang-masaya ako sa progress ni Renz. You should know, hija, kung hindi dahil sa'yo ay hindi niya makakaya ang nagdaang taon." Tumayo kami at naglakad-lakad sa hardin; hawak niya pa rin ang kamay ko.
"I think it's more because of his therapist, Tita." I smiled bitterly because it was true too. "Tita, magpapaalam po sana ako sa inyo na aalis na ako ng Guimaras."
"Huh? But Lena, you don't have to leave. You can stay here with us. Please, I hope nakalimutan mo na ang hindi magandang pagtrato ko sa'yo dati. Hindi lang si Renz ang natulungan mo, hija. Kung hindi dahil sa'yo, hindi ko alam kung pa'no ko nakaya ang mga nangyari sa anak ko," sinsero niyang usal sa akin.
I smiled to reassure her. "Hindi po dahil do'n, Tita. It's just that, kailangan ko nang bumalik sa Cebu."
"Lena, hindi mo kailangan na umalis."
"Tita Cosette, sasabihin ko po ang totoo. Hindi naman kaila sa inyo ang... ang nararamdaman ko para kay Renz. Habang tumatagal ay hindi pa rin po nawawala. Alam natin na... hindi puwede. Kahit kailan ay hindi kami puwede. Kaya... mas maigi po na umalis na lang ako."
She looked at me strangely, her eyes now dimmed with tears. "Lena, I'm so sorry..."
Pagkatapos kumain ay nagmadali ako na umakyat para mag-impake. Ngayon na nasabi ko na kay Tita Cosette ang plano ko, aalis na ako agad.
"Tuloy po," I called out when I heard someone knock. It must be Nang Sol who said she will take up fresh towels for my bathroom.
Pero si Renz ang dahan-dahan na pumasok sa loob ng kuwarto ko. Tumayo ako mula sa pagka-kaupo ko sa sahig at inalalayan siya papasok. He put his arm around me and let me guide him to sit on the bed.
"Aalis ka na agad?" He motioned to my luggage which was open and half-filled with clothes already.
"Yeah," I replied simply and smiled at him.
"Is it too much to ask you to stay?" He reached for my face, caressing it tenderly.
Alam ko na mali pero nakaramdam pa rin ako ng kasiyahan sa ginawa niya. No words can express the comfort that I took from his simple touch. The softness in his voice assured me that there is still a part of him that cares for me no matter what happened. Maybe if I'm lucky, he will remember me as a good memory.
"We both know I can't stay here anymore. Masaya ako na aalis ako na nakita kang okay na."
"Lena..."
"Renz, tanggapin na natin na hanggang dito na lang talaga tayo..." I swallowed back my tears because I need to finish speaking. I silenced him with a finger pressed slowly to his lips.
"We tried, Renz. Sinubukan natin pero ganito ang nangyari. Natatakot ako na maparusahan ng Diyos. Natatakot ako na balang-araw, sobra-sobra pa ang singilin Niya. Kaya, tanggapin na natin..."
"Lena..."
He pulled me to his chest in a tight embrace and whispered softly in my ear, tempting me to stay. Lorenzo Peñalver III has always been my weakness but I know I have to be strong this time. I slowly reached towards my bag and removed something from an embroidered silk pouch there.
"Ibabalik ko na sa'yo 'to." It's a gold band with a cluster of small diamonds and at its center was a beautiful pear-diamond— the engagement ring he gave me on our island sat lonesome on my palm.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top