CHAPTER 33

Isang linggo rin akong kabado na baka malaman ni Renz kung nasaan ako dahil sa tawag na 'yon. Pero nang dumaan ang ilang araw at hindi naman siya nagpakita ay nakampante na rin ako. Nagpasya ako na 'wag na munang tumawag kay Nang Sol dahil kung ginawa nga ni Renz ang sinabi ko na bumalik sa Aguadulce, mas mabuti na umiwas ako at nang hindi kami aksidente pa na magkausap sa telepono.

Sinabi ko na rin kay Tita Cosette kung nasaan si Renz kaya umaasa ako na silang mag-ina na ang mag-uusap. Besides, I know I need to cut off all communications from them all. How can we all move on if I keep calling? Pinili ko ang lumayo kaya dapat panindigan ko.

"Ma'am, may naghahanap po sa inyo sa lobby."

I artfully arranged the sliced strawberries on the crepes which I had laced with cream and chocolate before turning towards the waitress. I nodded to her and told my assistant to finish up.

Sino naman kaya ang naghahanap sa'kin? Wala akong kakilala rito sa Cebu maliban sa mga katrabaho ko sa hotel. Hindi naman siguro biglaang susulpot si Valerie rito.

I removed my apron as well as my gloves and hairnet before going out of the kitchen. Dapat ay nagsu-supervise na lang ako sa staff pero mas gusto ko pa rin na hands-on ako sa trabaho.

Seeing Tita Cosette felt like a punch to the stomach. Kung hindi niya rin ako nakita agad, malamang umiwas ako at tumakas na.

"Tita, ano po ang ginagawa 'nyo rito?" I asked as I approached her. Immediately, she took both my hands and I was shocked to see her eyes are red from crying.

"Lena, kailangan mong puntahan si Renz!"

🌿

He did manage to track me down in Cebu and was on his way to me when the accident happened. Dumaan siya sa isang restaurant para sana sorpresahin ako ng pagkain pero nang nagaabang na siya ulit ng taxi ay saka naman siya nasagasaan.

His hip bone and urethra were damaged so he had to undergo two major surgeries in Cebu.

Sana hindi ko na pala siya sinubukan na tawagan sa Tarlac, eh di hindi sana niya sana ako nasundan sa Cebu.

Sana hindi na ako pumayag na magsama kami sa Roca Verano.

Sana hindi na ako bumalik sa Guimaras nang namatay si Lolo.

Sana hindi na kami nagkakilala at hindi nagkrus ang landas namin ni Renz kung ito rin pala ang mangyayari sa huli.

Napakaraming sana.

🌿

Pagkatapos ng pangalawa niyang operasyon ay magkasama kaming umuwi ng Guimaras.

Wala akong pakialam kung pag-usapan man kami ng mga tao o kung ipagtabuyan niya 'ko. Hindi man nila alam na apo ako ni Don Isong, siguradong pinagbibintangan nila ako ngayon na tinuhog ko ang mag-lolo.

"Hindi ko kailangan ang pag-aalaga mo, Lena. Kaya ko na!" Pinilit ko ang sarili na 'wag pansinin at 'wag masaktan sa pagtaboy niya sa'kin. Nagkatinginan kami ni Tita Cosette at bahagya siyang tumango at iniwan ako para itulak ang wheelchair ni Renz papasok ng library.

"You can't stay in your room all day. Isa pa ay kailangan 'yon linisin ni Myra. Do you remember your first morning here in Guimaras? I read for you." Kinuha ko ang lumang libro at akmang bubuksan 'yon nang tinawag niya 'ko.

"Lena!" Tumalikod ako dahil ayokong makita ang galit niya sa'kin. Ni minsan hindi niya o ni Tita Cosette ako sinisi kung bakit siya naaksidente. Pero hindi ko maalis sa sarili ko na isipin na ako ang dahilan sa nangyari sa kaniya dahil kung hindi siya pumunta ng Cebu dahil sa'kin, hindi mangyayari ang lahat ng ito.

"Ayaw mo? Hmmm... ibang libro na lang?" I ignored his shout and cheerfully walked towards him holding Leaves of Grass.

Nabigla ako nang inabot niya ang libro at hinagis sa pader sa likuran ko.

"Sabi ko naman sa'yo umalis ka na 'di ba? Hindi ko alam kung bakit nandito ka pa rin!" he was panting furiously as he looked at me.

Ibang-iba na si Renz. Hindi lang ang pangangatawan niya dahil malaki ang ipinayat niya. His face also showed the suffering he's now undergoing. He doesn't want to shave so he is now sporting a beard that is long enough to hide his chin. Kahit ang buhok niya ay abot na rin sa balikat. He still is handsome but it was a face clearly marked by his ordeal.

"Sabi ko rin sa'yo, aalis ako kapag okay ka na. If you want me so badly to go away, you need to cooperate with your therapist, Renz."

My voice was calm but I had to tell him I need to get something from my room because I was trembling with unshed tears.

Pagkalabas ko sa library ay nakita ko agad si Tita Cosette na nasa sala, nakaabang sa amin ni Renz. "Hija, pagpasensyahan mo na ang anak ko. The accident has taken its toll on him," paliwanag niya at bahagya niya pang hinimas ang likod ko.

"Naiintindihan ko po, Tita."

I can only imagine how distressed Renz must be because of what has happened to him. The first few months in the hospital were a nightmare because he was clearly frustrated with his legs' loss of function although the doctor assured him it was only temporary.

"I wonder if my presence is doing him more harm than good. Maybe we should give in to his wishes. Baka nga po mas maigi kung umalis na 'ko."

"Oh no, no, no, dear! Please, don't go yet. Ganiyan ang asal ni Renz pero tingnan mo, iniinom niya ang mga gamot niya, at pumayag din siya sa therapy na iminungkahi ng doktor. Kapag umalis ka, hindi ko alam kung ipagpapatuloy niya pa 'yon." She looked upset that I want to go.

"Minsan po kasi parang... parang mas gusto niya talaga na umalis na lang ako."

I wasn't able to keep my voice from cracking at the end of that sentence. Pilit ko mang tigasan ang puso ko, hindi ko mapigilan na masaktan sa tuwing nahihirapan siya, sa bawat sakit na nararanasan niya. Lalo pa at parang dagdag-gatong sa galit niya ang presensya ko sa mansyon.

So Tita Cosette and I decided that I should spend some time in the day away from Renz. Hindi ko inasahan na ipagkakatiwala sa akin ni Tita Cosette ang pamamahala sa plantasyon ngunit gano'n nga ang nangyari.

Hindi ko man masabi na komportable ang mga trabahante sa presensiya ko, nakita ko naman na sinusubukan nilang pakisamahan ako. Dala na rin siguro ng pag-aalala nila kay Renz at ayaw na nila makadagdag sa problema ng mga Peñalver. Malaking tulong din si Henry sa akin, na siyang tumayong gabay ko sa pag-gawa ng mga desisyon sa Chocolateria.

Sa umaga ay ako ang pumupunta sa Chocolateria at pagkatapos ng pananghalian ay si Tita Cosette naman ang aalis. Mayroong private nurse si Renz, si Louie, kaya lagi namang may nag-aalaga sa kaniya.

For his sake, I was glad that he gets on well with his physical therapist who is a specialist that had just come home from Manila. It doesn't mean I'm not jealous of Moira though.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top