CHAPTER 27

Hindi na ako nagsayang ng oras. Matapos ang paguusap na 'yon ay umalis na ako sa mansyon ora mismo.

I left with Atty. Guillen and went with her to her office but it was never my intention to stay with her. I immediately contacted the only person I knew I could count on in this situation— si Valerie.

🌿

Mula sa malayo ay nakita ko ang matangkad na lalaki na naghihintay sa pantalan. Pula ang kulay ng tshirt na suot niya at naka-cargo shorts at tsinelas lang siya. Nakapamulsa at diretsong nakatingin sa maliit na motorboat kung saan ako nakasakay na kasalukuyang papalapit sa maliit na isla.

Pagtigil ng bangka ay agad siyang kumilos at akmang tutulungan akong sumampa sa pantalan pero hindi ko na siya hinintay at kusa na akong gumalaw.

I dreaded seeing him. Nang umalis ako ng Aguadulce ay inakala ko na 'yon na ang huling pagkakataon na makikita ko siya. Pero heto ngayon at narito siya sa harapan ko. Hindi pa naghihilom ang sugat sa puso ko ay nandito na naman siya at binubuksan iyon.

"Ma'am, mabuti at dumating ka na. Kanina pa nandito ang asawa mo," bati sa akin ng asawa ng bangkero na si Marjorie. Silang mag-asawa ang caretaker ng rest house sa maliit na isla na pag-aari ng asawa ng tito ni Valerie dito sa Guimaras.

Kinuha ni Marjorie ang ibang supot ng grocery na ipinunta namin ng asawa niya sa banwa at nauna na silang maglakad sa amin. ("banwa" means town center in Hiligaynon)

I had called Valerie after I quit Aguadulce. Si Atty. Guillen lamang ang sinabihan ko na mananatili ako sa kabilang bahagi ng Guimaras habang hindi pa tapos lakarin ang mga papeles ng legal na paglipat ng mamanahin ko pabalik sa mga Peñalver. Ang plano ko ay hindi ako aalis hangga't hindi natatapos lahat ng responsibilidad ko sa mga Peñalver at kapag nakaalis na ako ay hinding-hindi na 'ko babalik kahit kailan.

Ngumiwi ako sa tinuran ni Marjorie. Asawa? I did not have the energy to correct her so I just walked directly towards the Gaitan mansion.

Nakasunod lang si Renz sa likod ko at pareho kaming tahimik habang pinapanhik ang grandiyosong hagdan paakyat sa mansyon na nasa pinaka-tuktok ng mala-batong burol.

The open veranda gave a glorious view and I chose to look at the afternoon sky reflected on the sea rather than focus on the man before me. I closed my eyes for a second, willing myself strength, before I slowly looked up to face him and found his deep brown eyes staring at me intently. The two weeks in which I haven't seen him has brought a few changes in him. His eyes look tired and he was now sporting a five o'clock stubble but there was a smile on his face. It was apprehensive and nervous, and there was a hint of pain in that smile.

"Bakit ka nandito?" diretso ko na tanong sa kaniya.

"Umalis ka na walang paalam."

His jaw clenched at what he said. Dama ko ang tampo at galit niya sa ginawa ko. I sighed heavily and looked away again.

"That should have made my wishes clear then. The reason why I left was because I had no desire to see you again."

Hindi ko alam kung bakit pa siya sumunod. Dapat ay hindi na.

"Lena, makinig ka naman sa'kin."

"I left instructions with Atty. Guillen. I've started the process of giving back the house and money that your grandfather willed to me. Pati na rin ang shares ko sa plantasyon. Hintayin mo na lang."

Umupo ako sa rattan na sofa dahil parang mas lalo ako nawalan ng lakas. It took every ounce of strength to leave him and now he's here once again, right in front of me. I do not have the strength to stay away anymore.

"Sumunod ako dahil mahal kita." He stepped towards me but I stopped him with my outstretched arm.

"Please 'wag ka nang lumapit. Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Renz, magpinsan tayo."

I saw him swallow slowly and then with a resolute look in his eyes, he came forward, this time going past my weak barrier.

"Wala akong pakialam, Lena. Kahit dati pa nang inakala ko na may relasyon kayo ni Lolo, wala na akong pakialam. Mahal kita, mahal mo rin ako. Magsimula tayo ulit."

Ang hina ko na siguro talaga dahil ang tanging nagawa ko ay ang umiyak habang nakaluhod siya sa harapan ko.

"Renz, lumaki ako na walang nanay... Hindi ako naturuan, pero alam ko at alam mo na kasalanan 'to."

He really ought to go now.

"Let's go away together. I will be whoever you want me to be, wherever in the world you may want me go. Please let me be with you. No, even if you don't allow me, I will come with you. I won't let you slip away again, Lena."

He cupped my cheeks in both hands and drew it close to him. Every kiss he gave was soft and slow, as if unsure how I would respond— una sa noo, tapos sa dalawang mata at magkabilang pisngi. Patuloy lang ako sa pagluha habang nakatingin siya sa mga mata ko, nagmamakaawa na 'wag ko siyang iwan.

🌿

The Gaitan rest house, also known as Roca Verano, is no doubt one of the quaintest places I've been to. Mula sa main road ay kailangan mo pa na sumakay sa isang tricycle. Pagbaba mo sa pampang ay sasakay ka ulit sa maliit na motorboat. It would take about five minutes to navigate your way amidst mangroves towards the private island that the Gaitans own.

Nasa tuktok ng isla ang mansyon. It's a mystery why the owners barely come here anymore because for me it's a safe haven. It has a wrap-around veranda, peppered with plastic white rattan beach chairs.

Dahil mataas ang mansyon ay kitang-kita ang dalampasigan at ang mga limestone islands sa tapat ng isla sa kanluran, at kung titingin ka sa malayo habang umiihip ang simoy ng dagat ay parang hindi mo na nanaisin na umalis pa.

Kung sana ay puwedeng dito na lang kami ni Renz...

"Are you hungry already? We're almost done with these, baby," sambit niya na parang wala lang habang nag-iihaw sila ni Nong Nick ng pusit, baboy at isda.

I felt myself blush at the endearment. I'm not sure I will ever get used to it.

"Ayos lang ako, Renz," sagot ko sa mahinang boses.

"Ang sweet ng asawa mo, Ma'am. Alam mo ba, nang nakita siya ni Dodong— 'yong isang bangkero na pinsan ni Nick, isang oras na raw siya naghihintay do'n sa pampang. Kawawa naman kaya hinatid niya na rito," puna ni Marjorie na ngumiti pa sa akin habang naglalagay ng mga pinggan sa picnic table.

We had placed the table and some chairs near the seashore, under some tall talisay trees. Doon na rin dinala ni Nong Nick ang barbecue grill. Merong nakapalibot na mga sulo at maliwanag din ang buwan kaya may ilaw kami.

I only smiled shyly at Marjorie and helped out in bringing the rest of the food: rice, mangoes and bananas. May ice chest din na may lamang beer, softdrinks at bottled water.

Nang nakahain na ang pagkain sa lamesa ay naghanda na akong kumuha ng kanin pero naunahan ako ni Renz.

"Ako na," sabi niya habang nilalagyan ang pinggan ko. "Ano'ng gusto mong ulam?"

"Uhmmm... Renz, ako na," I told him because the couple were looking at us na para kaming inlove na inlove sa isa't isa. I have a feeling alam nila na hindi kami mag-asawa dahil wala naman kaming suot na singsing pero siguro akala nila mag-nobyo kami. Kung alam lang nila ang katotohanan, baka pinalayas na nila kami rito.

"Nako, Ma'am. Hayaan 'nyo na ang asawa 'nyong maglambing. Ang mga lalaki makalipas nang ilang taon ay hindi na naglalambing!" sabi ni Marjorie sabay sundot sa tagiliran ng asawa niya.

"Ano ka ba naman, Ma. Mamaya maniwala 'yan si Ma'am Lena," sagot naman ni Nong Nick, rason upang humalakhak kaming apat.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top