CHAPTER 26
At last, the one year that Don Isong stipulated finally came to an end. The last few weeks were difficult as I was torn between looking forward to leaving, and breaking my heart over having to go.
Dapat magpasalamat ako dahil pagkakataon na mismo ang gumagawa ng paraan para magkahiwalay kami ni Renz.
I began to make arrangements to transfer the ownership of the small bakery to Nang Sol. Siguro hindi na nila maipagpapatuloy ang pag-gawa ng mga silvana at pangkaraniwang tinapay na lang ang ibebenta nila pero ayos lang. Ang importante meron silang pagkakakitaan.
Dumating ang huling araw ko sa bakery at sinorpresa pa ako ng magkapatid ng isang cake na sila mismo ang gumawa.
"Ma'am sinabi po sa'min ni Tiya ang balak 'nyo na iwan sa'min ang bakery," mangiyak-ngiyak na sabi sa'kin ni Belen.
"Masipag kayong dalawa, Belen. Kaya naniniwala ako na makakatulong itong bakery para makapag-aral kayong magkapatid."
"Salamat talaga Ma'am. Napakabait 'nyo po," saad naman ni Joel.
"Walang ano man. Sana mas lalo kayong magsipag at ipagpatuloy 'nyo ang magandang nasimulan natin dito."
"Opo, kaya 'yan ang sinasabi ko lagi sa kaibigan kong si Lydia na anak po ni Mang Delfin. Sabi ko huwag siya maniwala sa sinasabi ng Ate Cora niya na hindi kayo mabait dahil wala na pong mas babait pa sa inyo!" Belen was so overcome with emotion that she even hugged me.
"Sanay na naman ako, Belen. Natutuwa ako at kahit papaano nagkaroon ako ng mga bagong kaibigan dito sa Aguadulce."
"Ma'am, hindi na po ba talaga kayo babalik dito? Sayang naman. Mami-miss po kayo ni Sir Renz." I was surprised at what Joel said but Belen immediately shushed him.
🌿
The next morning, we all convened at the library— Atty. Guillen, Tita Cosette, Renz, Nang Sol, Nong Delfin and I. Nang Sol and Nong Delfin represent the employees who will be receiving bequests.
Minabuti ko na sabihin kay Atty. Guillen na huwag na ipaalam sa kanila ang naging papel ko para matanggap nila ang mana. Taos-puso kong ginawa 'yon para sa kanila at hindi ako nagnanais o umaasa na makatanggap ng salamat. Sapat na sa'kin ang malaman na nakatulong ako.
Matapos isaad ni Atty. Guillen ang mga inihabilin ni Don Isong ay lumabas na ang dalawa ngunit bago noon ay nagpasalamat sila sa abogada.
I stood up to thank her so I can leave too but then Atty. Guillen stopped me. "Sandali lang Lena, mayroong iniwan na sulat si Don Isong para sa inyong lahat."
Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. She wore a reassuring smile but there was a hint of malice directed towards Tita Cosette. Naalala ko tuloy na nabanggit ni Nang Sol na dating nobyo ni Atty. Guillen ang papa ni Renz. Dalaga pa si Attorney noon at siya ang gusto ni Don Isong para kay Lorenz Peñalver ngunit sumuway ang anak sa kagustuhan ng ama.
"Uh, Attorney, sigurado po ako na pang-pamilya lang 'yan kaya, mauna na po ako."
"No, Lena. Don Isong left instructions for this to be read in your presence," she said and gestured towards the three of us.
Nasa sulat ang isang kuwento, isang pagkakamali na napag-lipasan na ng mahabang panahon na hindi naitama ni Don Isong. It wasn't a very long letter; I surmised the contents of it because he had told me about it shortly after my high school graduation. More than what Don Isong told me, I know some parts of the story because... because it is about me.
Doon ay ikinuwento niya ang pagpapalayas sa asawang si Eliana Calderon Peñalver nang makabalik ito sa Guimaras matapos ang pagbisita sa pinanggalingang bayan ng Carles. Ulilang lubos si Eliana at ang tinuluyan niya ay ang bahay ng kababatang si Roberto Andrada.
Kung bakit napuno ng pagdududa si Don Isong para kay Eliana ay hindi na niya idinetalye. Siguro ay bunga nga ng paninira ng ibang tao, maari ring dahil sa pamilya ni Don Isong na sa simula pa lamang ay hindi na boto kay Eliana.
Walang ibang mapuntahan si Eliana kung 'di ang bumalik kay Roberto sa Carles, at wala pang pitong buwan ang lumipas ay isinilang niya ang pangalawang anak nila ng asawa— si Lorena Olivia Calderon Andrada.
My grandmother died giving birth to my mother. Roberto had no hesitations in taking care of her as if she was his own, because even though Eliana never returned his affections, he was in love with her.
My mother was adopted by Roberto and his wife. Sa kuwento ni Nang Rosela at Tiya Sandra, laki sa layaw ang nanay ko. She was a willful girl who only ever thought about her whims. Sa Maynila pa siya pinag-aral ni Lolo Roberto pero dahil sanay na sundin ang sarili lamang ay maagang nakapag-asawa.
When my father left me for a few weeks under their care, Nang Rosela and her daughter lost no time in telling me that my father was a gambler who seduced my mother when she was in college. They were not very happy together because of his gambling habits and general shiftlessness, and she had three miscarriages before she gave birth to me.
Hiniwalayan ni Inay si Itay ilang buwan bago ako ipanganak at nang nakasunod si Itay sa Carles mula sa Maynila ay hindi niya na naabutang buhay ang kaniyang asawa. Namatay si Inay dahil rin sa eklampsiya na bumawi sa buhay ni Eliana.
As my mother was much loved and spoiled by Roberto, Rosela and her daughters, Maritess and Sandra, hated her so much and wouldn't accept me and my father in their house. Lolo Roberto had a stroke shortly before I was born and could no longer defend me and my father from his family.
In the end, thinking it might be best, he sent us to live in Isla Gigantes where my father could live peacefully as a fisherman, away from the temptations of gambling, but not before telling him the truth about my mother's real parentage. Ang sabi ni Itay, ang pinakamalaking dahilan kung bakit nagpasya si Lolo Roberto na ibigay ako sa kaniya ay dahil ayaw niya na maulit pa ang nangyari sa nakaraan. Dapat magkasama kaming mag-ama. Isa pa ay sakitin na noon si Lolo Roberto at hindi niya na ako kayang ipagtanggol sa kaniyang pamilya. Ayaw niyang mabunton sa akin ang galit nila para kay Inay.
Dahil ipinangako ni Itay kay Lolo Roberto na hindi ipapaalam sa mga Peñalver ang tungkol sa akin ay namuhay kami nang matiwasay sa Isla Gigantes kahit mahirap pa kami sa daga. But then my father got sick when I was eleven. Eventually, he contacted Don Isong to tell him about the dead daughter he didn't know he had and the little granddaughter that was soon going to be alone in the world.
The story they told everyone including me was that my father's parents used to work for the Peñalvers. No one knew him or could remember his parents but no questions were asked.
I cried as I remembered my poor, sick father who spent his last remaining month on the island. Don Isong would have done everything to save my father but by the time we had come to Guimaras, Isagani Garcia was already dying. It seemed to me that he had rallied all his strength to make sure I was safe in Aguadulce before allowing himself the privilege of dying in peace.
FLASHBACK
Don Isong's POV
Kaming dalawa na lang ang nabilin ("naiwan" in Hiligaynon) sa sementeryo. Kanina ay inihatid namin si Isagani Garcia sa kaniyang huling hantungan— sa isang isla kung saan nanggaling ang asawa niya na ni minsan ay hindi man lamang naka-apak dito.
Kasalanan ko ang lahat. Kung sana ay hindi ko tinigasan ang aking corazon ("heart" in Hiligaynon/Spanish), hindi sana umabot sa ganito. Hindi lamang si Eliana ang nawala sa akin. Nang pinalayas ko siya ng Aguadulce, lumayo rin sa akin ang puso ng anak naming si Lorenz. At sa huli, namatay ang bunso naming anak na hindi ko man lang nasisilayan dahil hindi ako naniwala na ako ang ama ng dinadala ni Ana. Ni hindi man lamang nagkakilala ang magkapatid na Lorena at Lorenzo. Lahat ng iyon ay kasalanan ko.
"Tay..." hikbi ni Lena, ang aking apo.
Hindi ako lubos makapaniwala sa balitang dala ni Isagani nang una siyang tumawag sa akin. Ngunit nang nagpasya akong makipagkita sa kaniya sa Iloilo ay namangha ako dahil kamukhang-kamukha ni Eliana ang batang babae na nasa larawan na pinakita sa akin ni Isagani.
"Tay..." ang hikbi niya ang nagbalik sa akin sa kasalukuyan. Hindi ko na maibabalik ang nakaraan namin ni Ana. Sa kabilang- buhay na kami magkikita at doon ko na rin makikilala ang aming anak na babae. Pero ang apo ko ay nandito ngayon.
"Lena, umuwi na tayo," marahan kong tawag sa kaniya.
"Don Isong, wala na po akong tatay..." Parang dinurog ang puso ko nang marinig ang hikbi niya.
"Lena, hindi ba ang sabi ng Tatay mo, ako na ang mag-aalaga sa'yo?"
Nangako ako kay Isagani na hinding-hindi kailanman mag-iisa si Lena. Dugo siya ng dugo ko, laman ng aking laman. Hangga't may mga Peñalver sa Aguadulce, may pamilyang uuwian si Lena. Ipinangako ko 'yon sa aking sarili at sa yumao kong asawa at anak.
Ngunit hindi ako makakapayag na malaman ng mga tao ang pagkakamali ko. Masyado nang mahabang panahon and lumipas mula nang mangyari ang eskandalong iyon ay wala akong balak na buhayin pang muli ang usap-usapan tungkol sa'min ni Eliana.
END OF FLASHBACK
Lena's POV
By the time Atty. Guillen had finished reading the letter, Cosette Peñalver was gasping with fury. Her son, Renz, though, was as pale as a ghost. All color had been wiped from his face and he could not even look at me anymore...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top