CHAPTER 24

Goldie sent her mother to the bakery a month after she gave birth to tell me they were having the christening on the date of the fiesta of their baranggay. Medyo na-guilty ako na hindi ko man lang siya nadalaw nang nanganak siya pero naging abala rin kasi ako. Still, that's not a good excuse so before the day of the fiesta, I had gone to Iloilo with Henry to look for a really nice gift for Goldie's daughter.

Renz placed the crib at the back of his blue Nissan Sunny pickup carefully. We were going together to Goldie's house. Henry had offered to pick me up para sabay na kami pumunta pero nagpumilit si Renz na kami na lang ang magsabay dahil dadalo rin naman daw siya sa binyag ng baby ni Goldie. Hindi na ako nagtangka na magsabing ako na lang kaya ang magmaneho para sa sarili ko.

I didn't see the point in arguing with him. I'll leave that to Tita Cosette who still isn't happy about my presence even though my year in Aguadulce is almost up.

We brought the crib to Goldie's mother's house before going to the church. Nandoon na rin si Henry at ang ibang kaibigan ng mag-asawang Lino at Goldie pati ang kaniya-kaniyang mga pamilya nila.

"Dito ka na sumakay sa kotse papunta sa simbahan, Goldie."

"Bes, ayos lang! Sa traysikel na lang kami ni Lino." I was not surprised that Renz thoughtfully offered Goldie and the baby a ride in his car. Mas nagulat ako sa tawag ni Goldie sa kaniya. Bes?

"Ga, sige na! Mas komportable kayo ni baby kasama ni Renz. Magkita na lang tayo sa simbahan."

"Sa akin na lang sasabay si Lena, Goldie."

I knew Renz was going to say something in protest but Henry had already led me to his car. Nasa backseat ang Mama at Papa ni Henry at nagmano agad ako kahit hindi naman talaga kami magkakilala.

"Aba, dalaga na pala talaga itong si Lena, Henry," sabi ng tatay niya na pinagtaka ko dahil kapapakilala lang naman sa amin.

"At talagang maganda nga, hindi ba, Ambo? Tulad ng sabi ng anak mo," dagdag pa ni Nang Etang.

"Ma naman." Medyo nahihiya pang tumingin sa'kin si Henry bago nagpatuloy sa pag da-drive.

Pagdating namin at nina Goldie ay naghintay lang kami ng ilang minuto bago nagsimula ang binyagan. Dahil fiesta ay marami ring nagpapabinyag ng mga anak nila.

Lumapit sa'kin si Renz at laking gulat ko nang napagtanto na ninong din siya ng baby ni Goldie.

"Hindi ko alam, naging malapit pala kayo ni Goldie sa isa't isa?" bulong ko sa kaniya habang nagsasalita ang pari. I had resolved to stay away from him as much as I can but I clearly cannot.

"Nang umalis ka, lagi ko siyang kinakausap tungkol sa'yo," he whispered back, the heat from his breath tickling my ear.

"Huh?"

"Lagi kong sinusubukan na makibalita kay Goldie tungkol sa'yo, Lena. Pero ang sabi niya wala siyang alam at kung ano man ang alam niya, hindi niya binahagi sa'kin," paliwanag niya at tumango na lang ako.

"Bes?" I asked with a teasing lilt to my tone.

Renz broke into laughter, causing the parishioners to look at us and for the priest to frown disapprovingly.

Pagkatapos ng binyag ay dumiretso na kami sa bahay nila Goldie. May naka-set up na mga kawayan na haligi at sa taas naman nito ay may trapal bilang panangga sa init ng araw. Dahil fiesta rin ay marami-rami ang tao kaya abala ang mag-asawa.

May mga bisita na kaklase o mga kaeskwela namin dati na nakikipagusap kena Renz at Henry kaya kalaunan ay nagpasya akong pumunta sa kusina para tumulong sa paghahanda ng pagkain.

"Naku Lena, madudumihan ang damit mo rito. Doon ka na lang sa mga bisita," saway sa'kin ni Nang Petra na nanay ni Goldie.

"Ayos lang po, Nang," sagot ko sabay tulong sa pag labas ng tray na may lamang arros con valenciana. Pagkatapos ay inabot ko naman ang isang tray na spaghetti naman ang laman. Hindi na ako nahihiya na tumulong o makihalubilo kay Nang Petra dahil labas-pasok naman ako noon pa sa bahay nila Goldie.

I was surprised when Renz suddenly came inside the kitchen and helped Lino's younger brother take out cases of softdrinks and a styrofoam box filled with ice. He joked easily with Nang Petra about the fruit salad he coveted that was still concealed carefully in the darkest corner of her freezer. Paglabas ni Renz ay kumindat pa 'to sa'kin kaya mas tuluyan akong napangiti.

"Mukhang pinag-aagawan ka ni Renz at ni Henry ah," asar ni Nang Petra sa'kin.

"Nay naman! 'Wag 'nyong lokohin si Lena," saway ni Goldie na karga-karga ang anak niya. "Lena, baka mamantsahan ang damit mo. Umupo ka na lang dito at hawakan mo muna si baby."

My first goddaughter, Marcia Marlene, is barely two months old but I can already see she got her father's nose and her mother's dimples.

"Hindi 'yan magagalit si Lena," sagot ni Nang Petra sabay tawa sa'kin. "Dalhin mo na kaya muna si Lena sa kuwarto, 'nak. At saka, pade-diin mo na muna ang apo ko."

Ibibigay ko na sana si Marcia kay Goldie pagdating namin sa dating silid niya pero ang sabi niya maya-maya na dahil tulog pa naman ang sanggol.

"Dito ka na sa umba-umba, Lena. Ikaw na muna ang magbuhat sa anak ko. Kanina pa nangangawit ang braso ko eh," Goldie explained apologetically to me. (Umba-umba means "rocking chair" in Hiligaynon.)

Dinig pa rin namin ang ingay sa labas pero kahit papaano ay naibsan ito dahil sa mga dingding ng kuwarto.

"Bagay sa'yo maging nanay, Lena," Goldie commented as she looked at me, cradling her baby daughter carefully in my arms. "Kailan mo ba plano mag-asawa?"

"Ahhh... hindi ko pa alam Goldie. Wala naman kasi akong boyfriend."

"Hmmm... marami naman yata ang nanliligaw sa'yo. Parang nang na sa highschool lang tayo. Naaalala mo ba si Brian tsaka si Rex? Si Henry halata naman na dati ka pang crush. Kaso na kay Renz kasi ang mga mata mo eh."

Ngumiwi na lang ako sa tinuran ni Goldie. Totoo nga na may mga nagparamdam na gustong manligaw dati. Pero takot lang nila na malaman ng mga magulang nila na may gusto sila sa batang babae na nakatira sa mga Peñalver.

"Naalala mo ba Lena, sabi mo dati ,gusto mo pag nagbente-uno ka na, magpapakasal na kayo ni Renz." She knew I remember because I am now blushing profusely. Trust Goldie to cast it up to me.

"Goldie, matagal na 'yon. Kalimutan mo na. At saka hindi ko alam ang mga pinagsasabi ko dati."

"Lena, alam ko kung gaano mo ka gusto si Renz dati. Siya ang tangi mong pangarap, hindi ba? Kaya nagtataka ako bakit ka pa nagda-dalawang isip na tanggapin siya ngayon."

I shot her a confused look when she said that. What does she know about Renz's proposal? She instantly looked sorry.

"Naikuwento lang ni Renz nang dumalaw siya para makita si baby sa ospital. Nang umalis ka ng Guimaras ay naging magkaibigan kami, Lena. Pero pangako, magkaibigan lang kami!"

"Goldie naman, inaasar mo naman ako eh."

"Sorry!" Humalakhak siya at naisip ko na namiss ko rin ang kakaibang tawa ng kaibigan ko.

"Pero 'yon ang totoo, Lena. Si Renz na pangarap mo lang dati ay abot-kamay mo na ngayon. Kaya... ano ang pumipigil sa'yo para mahalin mo siya ulit?"


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top