CHAPTER 23

Henry came to see me again that afternoon and he stayed to help me close as Joel and Belen went home already. Hindi naman mainit kaya nag-brew ako ng kape at nagsalin sa dalawang tasa. Naglagay rin ako ng silvanas sa dalawang platito at pinagsaluhan namin 'yon.

"Are you still worried about Aimee? 'Wag mo nang alalahanin 'yon, Lena. Alam ni Renz ang ginagawa niya."

"Ayoko lang isipin na dahil sa akin nawalan ng trabaho 'yong tao."

Hindi na siya sumagot at sumimsim na lamang sa kape niya. He grimaced a bit as he put the cup down. "Hindi ko alam, mapait pala ang gusto mong timpla ng kape."

"Ah kasi matamis na 'yong silvanas, Henry," paliwanag ko sa kaniya.

"Dinig ko nakapanganak na raw si Goldie nang nakaraang araw ah," sabi niya na ikinabigla ko.

"Talaga? Wow! Kung ganoon, bibisitahin ko siya. I'm so happy for them!"

"Naaalala mo pa ba ang mga kaibigan namin ni Renz noon?"

I nodded because how can I forget the people Renz was constantly with then. Inggit na inggit ako sa kanila dati dahil kaklase nila si Renz kaya buong araw nila siyang nakikita.

"Si Chryselle, tatlo na ang anak. Nag-asawa siya nang nasa second year pa lang kami. Suwerte lang na seaman ang nakatuluyan kaya hindi na siya bumalik sa pag-aaral. Si Kate naman na nakababatang kapatid ni Chryssie, nasa America na. Nagta-trabaho siya roon bilang nurse. Rupert and Rex's family left Guimaras a few years after college. The last time I heard from Rupert, nasa Manila na rin sila nakatira. Pareho na rin silang may asawa."

"Ahh... eh si Moira, nandito ba?"

"Nabanggit sa'kin ni Renz na sa Manila rin daw nagta-trabaho eh. Physical therapist yata."

Ang tanging tumatak sa'kin ay ang katotohanang may uganayan pa sina Renz at Moira.

"Gano'n ba? Bakit nga pala naisipan mo na magtrabaho sa plantasyon?" I said eager to change the topic.

"Oh, you probably don't know but I'm actually a distant relative of the Peñalvers."

"Talaga? Hindi ko nga alam."

"Malayo na. Magpinsan si Don Isong at ang Lola Corazon ko. Of course, I'd like to think I was hired purely because of my skills."

Magaan ang loob ko kay Henry. Kahit dati pa ay mabait na siya sa'kin. Nang araw na pinahiya ako ni Aimee sa labas ng school ay hinabol pa nga niya ako at nilibre ng softdrinks at siopao bago hinatid pauwi.

"Henry?"

"Hmm?" I think he was a bit surprised at the sudden shift of my mood. Bigla kasi akong sumeryoso.

"Salamat sa pagiging mabait mo sa'kin, kahit dati pa, no'ng high school pa tayo. Mabuti kang kaibigan." I reached out to press his hand slightly.

"Ah, Lena wala 'yon!" Bigla yata siyang nahiya dahil kinamot niya pa ang ulo niya.

"Alin ang wala?" Pareho kaming bumaling kay Renz na ngayon ay nakasandal na sa pintuan na hindi man lang namin napansin.

"Wala," sabay na sagot namin ni Henry kaya pareho tuloy kaming natawa.

🌿

Tita Cosette was happily absent from the dinner table. I'd be happy but it left me and Renz to dine alone.

"Bakit ka nagmamadaling kumain, Lena? Dalawang beses ka nang nabibilaukan."

I sipped at my water daintily. I didn't know he noticed.

"I don't know what you're talking about, Renz."

He grinned at me and continued to eat dinner. Patapos na talaga ako nang bigla ulit siya nagsalita, "Bakit ba gustong-gusto mo si Henry?"

"Huh? Hindi kita maintindihan, Renz."

"Sabay kayong naglu-lunch, 'di ba? Umaalis siya sa opesina bago magtanghalian. Bago ka dumalaw sa Chocolateria, doon lang naman siya kumakain." His brows furrowed as he spoke.

"I didn't know you like observing Henry, Renz." Nagkunwari akong tinatawanan siya pero hindi umubra.

"Don't toy with me. I'm serious."

"Okay, let me think about your question first." I removed the napkin from my lap and wiped my lips briefly before setting it on the table.

"Mabait siya sa'kin."

"Mabait din naman ako sa'yo ah," he countered. I almost giggled because he looked like a petulant child. Baka mag-temper tantrum pa 'to bigla.

"Kapag sinusupladahan ako ni Cora o ni Aimee, pinagtatanggol niya ako." I meant that as a joke but Renz's expression darkened and his jaw clenched.

"Ano'ng sinasabi mo, Lena? Na hindi kita pinagtatanggol?"

I nervously drank from my glass again and stood up abruptly. Suddenly, I'm starting to dread where the conversation was going.

"Mauna na akong magpahinga ah. Good night!" Halos takbuhin ko paakyat ng kwarto kahit alam ko naman na nakaupo pa rin siya sa hapag-kainan. What did I just say?

I didn't mean anything by it. Isa pa ay hindi ko naman inaasahan o ninanais na ipagtanggol ako ni Renz. Napasandal ako sa pintuan ko sa kaba nang biglang bumukas ito at muntik na akong matumba pero mabilis na nahila ni Renz ang palapulsuhan ko kaya bumangga tuloy ang katawan ko sa kaniya.

I immediately disengaged myself from him. "What are you doing here?"

"Walang araw na hindi kita pinagtatanggol, Lena. Hindi dahil hindi mo nakikita o naririnig, ibig sabihin hindi kita kinakampihan." He stared at me intently, his deep brown eyes still emanated anger but I can see that he was more hurt than mad about what now seems like an accusation.

"Renz binibiro lang kita. Wala akong ibig sabihin kanina. Isa pa hindi mo naman ako kailangang ipagtanggol." Sinubukan kong tumawa at pagaanin ang pagkakasabi ko.

"Sa tuwing may naririnig akong may nagsasabi nang hindi maganda sa'yo, sinisita ko. Kapag may nagkakalat ng tsismis, kinukumpronta ko. Ano pa ba ang kulang, Lena?"

I knew he was telling the truth too. Ang sabi sa'kin ni Nang Sol ay usap-usapan sa plantasyon na 'wag na 'wag nilang ipaparinig kay Renz ang kahit anong kuwento na mapanira sa'kin. May napatalsik na nga siya dahil sa'kin 'di ba?

"Renz..." I wanted to comfort him because he is clearly upset that I doubted what concern he has for me but I didn't want to risk any physical contact. Baka kung saan na naman kami umabot.

He inhaled slowly then exhaled in a rush before looking away from my face as if he didn't want me to see his weakness. "Kahit nang mga panahon na iniisip ko na may relasyon kayo ni Lolo, Lena, hindi ako tumigil sa pagmamahal sa'yo."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top