CHAPTER 19
"Goldie came with her husband and Henry, actually," I said and walked ahead of him out of the place.
"Si Henry? Bakit naman siya pumunta rito?" he asked.
"I dunno. I guess gusto niya lang mangamusta," paliwanag ko na hindi pa rin siya hinaharap. "By the way, Renz, I forgot to tell you na 'wag mo na ako sunduin o ihatid sa umaga."
"Why?" Pumasok na kami sa sasakyan niya at magkukunwari sana ako na hindi narinig ang tanong niya pero nagtanong siya ulit.
"Bakit, Lena?"
"Hindi na kailangan. I'm just gonna get a car in Iloilo or I can always commute."
"No." His voice was clipped and it was obvious he was annoyed at me.
Huminga ako nang malalim at hindi na nagkipagtalo. Tinigil niya ang sasakyan sa labas ng sementeryo ng Aguadulce. I was surprised he knew I wanted to come here. Is he aware of the date's significance?
"Paano mo nalaman?" takang tanong ko.
His deep brown eyes found mine and gazed at me unflinchingly. "Nang umalis ka nang walang paalam, Lena, lagi akong pumupunta rito. Nagbabakasakali na kahit saan ka man dalhin ng Lolo ko, babalik ka pa rin dito dahil nandito ang puntod ng tatay mo."
The grave looked well-maintained and I felt myself tear up because Renz had done that. I don't think he was ever genuinely in love with me because what was there to love? But he had been kind enough to look after my father's grave even when he must have hated me with all his heart, and for that I will always be grateful.
"Thank you." It was all that I could trust myself to say as I placed the bouquet of pink and orange daisies on my father's grave, which I had asked Joel to buy for me from the market this morning. My father had loved these flowers because they were inexpensive. He said he could always spare some coins to buy daisies for my mother.
Tay, nandito na po ako ulit. Patawarin 'nyo po ako at natagalan ako. Graduate na po ako ng college, Tay! Pero kahit matagal akong hindi nakadalaw rito, hindi ko po kayo nakalimutan— kayong dalawa ni Nanay.
I don't really remember my mother because she died in my infancy. It was only me and my father who lived in our hut near the sea in Isla Gigantes. We were quite poor. Even as a very young child, I realized that. Dahil laking-Maynila at sakitin ay hindi kailanman naging magaling na mangigisda si Itay. Tama lang ang kinikita niya para maka-kain kami at makabili ng kaunting gamit sa aking pag-aaral.
Isang araw ay lumuwas kami sa Carles, dumalaw kami sa bahay ni Lolo Robert.
Ang sabi sa amin ng asawa niya ay namatay na si Lolo. Kung bakit Lolo ang tawag ko kay Lolo Roberto pero Nang Rosela ang sa asawa niya at hindi "Lola" ay hindi ko na tinanong.
FLASHBACK
December 1981
Isagani Garcia's POV
"Nang, sige na po, ilang araw lang naman. Wala lang po akong mapag-iiwanan kay Lena."
Desperado na ako. Kung hindi tatanggapin ni Nang Rosela ang anak ko, hindi ako makakapunta ng Iloilo dahil hindi sapat ang pamasahe namin.
"Isagani, hindi namin responsibilidad ang anak mo," nakasimangot niyang sagot.
"Alam ko naman po 'yon, Nang. Humihingi lang po ako ng pabor ngayon. Babalikan ko naman po siya."
Hinatak ni Lena ang kamay ko na nakahawak sa kaniya. Mangiyak-ngiyak, dahil ang sabi ko matutuwa silang makita siya. Hindi na dapat ako nagsinungaling sa anak ko pero wala akong magawa.
"Marunong ba sa gawaing-bahay 'yang batang 'yan? Baka naman batugan din tulad ng ina niya." Hindi pala nakapag-asawa si Sandra at nakatira pa rin siya sa bahay nila. Gusto ko man na mainis sa kanila, hindi ko maipagkakaila na tama siya; walang alam sa gawaing bahay si Lorena nang nabubuhay pa siya.
Hinatak ko si Lena para iharap sa kanila. "Marunong po si Lena. Magaling na siyang magluto kahit bata pa."
Sa huli ay pumayag sila na sa kanila muna si Lena. Hindi naman ako magtatagal dahil hindi ko rin kaya na malayo sa nagiisa kong anak lalo na at sa kanila ko pa iiwan. Ni minsan ay hindi ko napalo ang anak ko dahil mabait at masunurin naman. Ang problema ay medyo sensitibo siya dahil hindi nasanay na mapagsalitaan nang magaspang.
🌿
Halos isang linggo rin bago ko natanggap ang kompirmasyon na matagal ko nang duda— kanser sa baga. Putangina, kapag tinamaaan ka nga naman ng lintik. Malas! Pero mas kawawa ang anak ko na maiiwang nagiisa sa mundo.
Inisip ko na tumalon na lang sa isang tulay sa lungsod ng Jaro, na tapusin na ang buhay ko. Siguradong matutuwa ang dating kasamahan sa trabaho kung hindi na ako babalik sa bahay nila dahil isang linggo na rin nila akong palamunin. Pero hindi puwede. Paano na si Lena?
Binuksan ko ang aking lumang kahita (wallet in Hiligaynon) kahit alam ko na wala itong laman.
Sa pinaka-sikretong bahagi nito ay ang isang nakatuping papel na may pangalan, adres at numero na galing kay Tatay Roberto.
END OF FLASHBACK
Lena's POV
Hindi na kami nagtagal ni Renz dahil mag ga-gabi na rin. We were both silent as we had dinner at home and later, he invited me to take a walk on the shore. You could say that he surprised me into agreeing because the invitation was really unexpected.
"Renz, I meant to tell you but I keep forgetting... After the year ends, I'm going to have the deed of the house transferred to your name. Lahat ng iniwan sa akin ni Don Isong ay ibabalik ko sa inyo," I told him frankly.
He was taken aback at what I said— he probably thinks me the gold digger that the rest of the Aguadulce believes me to be and was surprised with this plot twist.
"What? Lena, no. May dahilan si Lolo kung bakit iniwan niya ang mga 'yon sa'yo."
Ngumiti ako sa kaniya dahil naiinis ako na mukhang nagaalala siya. When I was a teenager, his smile meant the world to me.
"Ikaw ang apo niya, Renz. The house and all the Peñalver properties should be given to you," simpleng sagot ko.
Saglit siyang natahimik, iniisip ang sinasabi ko. "Paano ka, Lena? Saan ka pupunta?"
"Oh, don't worry about me. Maybe I'll stay in Manila. Babayaran ko ang ipinuhunan mo sa shop. It's doing great and sa tingin ko maibabalik 'yon matapos nitong taon."
Binalabal ko sa sarili ang shawl na dala at tumingala sa kalawakan.
"You don't have to leave. You can stay here. The house is yours," seryoso niyang sagot habang patuloy kami sa paglalakad.
Mapait akong tumawa. Gustuhin ko man na manatili rito, naisin ko man na 'wag lisanin ulit ang Guimaras, hindi ko yata kakayanin na mapalapit pa sa kaniya. I don't want to revert back into that love-stricken girl from yesteryears.
"C'mon, Renz, you know I have nothing to stay for. Wala na si Don Isong." His jaw clenched at what I said, the moonlight allowed me to see that.
"Ako, Lena."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top