CHAPTER 11
I found a boarding house that was conveniently quite near the university. It was a simple and sparsely furnished place but I think it would be conducive for studying.
My first few weeks as a college freshman were busy, and it was almost the middle of June when I found time and energy to write letters to my grandfather and Lena though I posted them separately.
Abril pa lang nang bumalik kami ni Mama sa Manila kaya bago magpasukan ay nakatawag pa ako sa Guimaras nang dalawang beses. Hindi ko inasahan ang pangungulila na mararamdaman ko para sa probinsiyang 'yon. Pero baka hindi lang ang lugar na 'yon ang minahal ko kundi lalo na sina Lena at Lolo.
"Pare, ano, sama ka ba sa'min? Sabi ni Ivy isasama niya raw ang mga pinsan niya. Chicks 'yon, Pare, nakita ko ang mga litrato. Magaganda!" aya sa akin ng boardmate ko na si Albert, anak ng isang haciendero galing sa Tarlac.
Hindi niya maintindihan kung bakit lagi na lang akong tumatanggi. Nang bumalik ako ng Maynila ay hindi ko rin sinabi sa mga dating kaibigan ko dahil siguradong aayain nila akong uminom o 'di kaya ay makipagkarera. Isang taon lang akong nanirahan sa Guimaras pero pakiramdam ko ay ibang tao na 'ko. Gayun pa man, ayoko na bigyan ang sarili ko ng pagkakataon na bumalik sa mga dating gawain. Sa pagkakataong ito ay gusto ko na magseryoso sa pag-aaral lalo na at umaasa sa'kin si Lolo.
"Kayo na lang, Pare. Tatapusin ko pa 'yong report kay Prof. Marquez."
"Ha? Akala ko ba next week pa naman ang deadline no'n," tanong niya sabay kamot sa ulo.
"Oo, next week pa. 'Wag kang mag-alala. May oras ka pa para tapusin 'yon."
"Ikaw na talaga ang pinakamasipag mag-aaral sa'tin. Kung anak ka ng tatay ko, matutuwa 'yon," sabi niya at pareho kaming tumawa.
Nang nakaalis na si Albert ay nilabas ko ang sulat ni Lena na dumating kaninang hapon. Puno ng kuwento tungkol sa mga klase niya at sa mga nakatatawang pinag-gagawa at sinasabi ni Goldie.
"May nakalimutan pala akong sabihin sa'yo. Dalawang beses na kami ni Goldie isinasama ni Henry na mamasyal. Mabait naman pala si Henry, Renz. Kinakamusta ka rin niya. Dito lang daw siya sa Guimaras nag-aaral kaya lagi niya kaming dinadalaw."
I frowned as I read that part in her letter. I had a haunch but now I'm sure Henry likes her. Damn it. Hinintay niya pa talaga na makaalis ako ng isla bago nagsimulang dumiskarte kay Lena.
It was a Friday night and luckily, no one was using the phone in the receiving area in my boarding house when I went down.
Si Nang Sol ang nakasagot sa tawag ko at ang sabi niya ay nasa veranda raw si Lena dahil may bisita. Si Henry na naman. Tangina.
"Kamusta ang pag-aaral mo?" Strikto pa rin kahit boses ni Lolo pero ngayon alam ko na na gano'n lang talaga siya magsalita. Binalita ko sa kaniya ang mga pinag-aaralan namin at siya rin nagkuwento tungkol sa mga ginagawa sa plantasyon. Nahimigan ko ng pagod ang boses niya at hindi ko maiwasan ang manghinayang na sana, tapos na ako sa pag-aaral para makatulong sa kaniya.
"Lo, pasensya na po."
"Pasensya saan? Lorenzo, 'wag mong sabihin na naglo-loko ka sa pag-aaral mo ha! Baka atakihin ako sa puso!" banta niya sa'kin.
"'Di po, Lo. Ang ibig kong sabihin, pasensya na at first-year college pa lang po ako. Sana kung tumino ako noon pa, eh 'di sana nakakatulong na ako sa inyo ngayon. May katuwang na po sana kayo riyan."
"Tapos na 'yon, Renz. Ang importante, natuto ka sa pagkakamali mo. Pero sana, hindi na maulit. Umaasa ako sa'yo, apo." Unang beses 'yon na tinawag niya akong apo; nakakagalak palang pakinggan.
Natapos ang tawag na hindi kami nagkakausap ni Lena. Hindi ko na siya inabala sa pakikipagusap niya kay Henry. Nagpasya rin ako na 'wag na tumawag ulit tutal ay madami na rin naman siyang pinagkakaabalahan.
I spent all my spare time in studying instead, taking extra subjects when I could during the second semester. Kung puwede lang hatakin ko ang oras para makapagtapos na agad ay ginawa ko na. Nang pasko ay nagpadala ako ng regalo para kena Lolo at Lena pero maliban doon ay naputol na ang komunikasyon naming dalawa.
🌿
"Pare, tawag ka ni Mrs. Robite, may long-distance call ka raw," sabi ni Albert pagpasok niya sa kuwarto namin.
"Hello?" Kinabahan ako dahil ang una kong naisip ay baka may nangyari kay Lolo.
"Renz, si Lena 'to." She sounded timid, hesitant even.
"Ba't ka tumawag?" I asked coldly even though I've badly been wanting to hear her voice.
"Ayos lang ba sa'yo kung... si Henry ang maging date ko sa prom?"
I closed my eyes and swallowed my anger when I heard her question. What is she thinking? Why would she even have to ask me that? Akala ko ba may unawan na kami?
"Lena, malaki ka na. Kaya mo na magpasya para sa sarili mo. Kung gusto mong maging date siya sa prom 'nyo, nasa sa'yo na 'yon. Puwede pala ang outsider?" Pinilit ko na maging tunog normal ang boses ko kahit ang totoo, asar na asar na 'ko.
"Uhhh nagpaalam siya sa principal. Puwede naman daw kung alumni ng school.... Kamusta ka na? Kamusta ang pag-aaral mo?" she asked hurriedly as if she was afraid, I was gonna end the conversation.
🌿
Hindi ko siya naabutan sa mansyon dahil hindi ko inasahan na hindi siya roon aayusan. Ang sabi sa'kin ni Nang Bolet ay nagpaalam ang nanay ni Goldie na sabay na silang maghanda para sa prom doon sa bahay nila. Nasasabik man akong makita siya ay pinigilan ko ang sarili ko na magmadali.
Ang sabi ko kay Lolo ay may nagpaparamdam na manliligaw kay Lena kaya mas mabuti na puntahan ko para makasiguro na walang gagawing masama ang lokong 'yon. Tumawa lang si Lolo at hindi na nagkomento.
Pagkatapos kong ipaalam kay Lolo ang gusto kong mangyari ay umakyat na rin ako sa dating silid para maligo. Naplantsa na ni Nang Bolet ang tuxedo na dala ko kaya wala pang isang oras ay papunta na ako sa school kung saan gaganapin ang prom.
Some of my former teachers greeted me and they all wanted to know how I was doing in my new school. I was impatient to find her, but I didn't want to be rude to them, so I stayed to talk, my eyes constantly trying to look for her. She found me instead.
She walked hesitantly towards me and I couldn't help but catch my breath. She had always been beautiful even when she didn't take the least bit effort but tonight, she is exceptional. Her long straight hair which was usually left down was tied up in a bun this time, wrapped in a loose braid. I excused myself from my former teachers and stepped closer to Lena, eyeing the long white tulle dress she wore. The v-neckline was deeper than I prefer and later, I found out only two thin strings crossed her open back. I groaned, realizing her back would be touched by whoever danced with her.
"Bakit ito ang suot mo?" I asked.
"Pangit ba?" She had been smiling and my words wiped it away so I relented.
"Maganda. Magandang- maganda," I whispered and led her to the dance floor.
"Si Goldie ang pumili nito para sa'kin," she admitted shyly.
"Nasaan na ang ka-date mo?" I asked, mentally noting to chide Goldie about her part in this.
"Hindi naman ako pumayag sa alok niya."
"Bakit?"
"Bakit?" she challenged back. I laughed a little at her boldness.
"Bakit ka nandito, Renz? 'Di ba hindi pa nagsisimula ang bakasyon 'nyo?"
"Bukas ang flight ko pabalik. I only came for your prom. You did ask me last year, remember?" She blushed and was only saved from replying because of the music that had started playing louder.
I'm sorry, but I'm just thinking of the right words to say
I know they don't sound the way I planned them to be
But if you'll wait around awhile, I'll make you fall for me
I promise, I promise you I will.
(The Promise by When in Rome)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top