UNKNOWN PENPAL LETTER
Hi ako nga pala si Reychie, Sabi nila Maganda ako Sabi lang naman nila, 16 years old na ako at 4th year highschool student, Friendly akong tao at mabait din naman ako kapag mabuti ang pakikitungo mo sakin.
Kasalukuyan akong patungo sa English Building for my Journalism Block at Doon ko rin nakilala si Ryan na crush ko at seatmate kosa klaseng ito.
I admire him so much, Matalino kasi siya at minsan may pagka-suplado, mysterious type din siya na tao at yun din ang nagustuhan kosa katangian niya.
Wala rin siyang masyadong kaibigan dahil mailap siyang tao as what I had told you all na may pagka-mysterious siyang tao at maraming Sekreto.
Hmmmm... In that Case.
Ako nalang ang lumalapit sakanya at nakikipagkaibigan kasi Crush ko siya kahit alam kong na-iinis na siya at nakukulitan sakin.
Wushooo...
Pasalamat siya gwapo siya at matalino, Plus yung Fact na Crush ko siya kahit di niya alam hehehehe.
Pagpasok ko ng Room as expected ako naman ang na-una inshort mag-isa dahil masyadong maaga pa it's 6:30 AM in the morning.
At pagpasok ko ng School Gate na unahan kopa si Manong Guard, Wala kasi siya sa Guard house niya.
Kaya ako nalang gumawa ng mga hakbang ko para makuha ang susi Doon sa Loob ng Guard house para sa Journalism Classroom kapag kukunin kona yung susi diretso lang ako pumasok sa Loob ng Guard house.
7:30 AM ang start ng Journalism class pero ako ito naka-upo mag-isa habang tinatap ang kaliwang kamay ko ang desk table at ang isa nasa baba ko naman.
***
Mga ilang Segundo, minuto at oras na ang lumipas ng magsidatingan na ang mga ka Blockmate kusa klaseng ito, syempre dumating na din si Ryan.
Ganun pa din ang mukha niya Walang emosyon na Gwapo— este magkasalubong ang kanyang mga kilay at binati ko naman siya pero di niya ako pinansin at diretso lang umupo sa tabi ko.
Napangiti pa ako ng palihim saka siya hinarap para batiin.
"Ammm...Good morning Ry... Rise and Shine...hmm..mukhang Hindi maganda ang gising mo hehehe."
As usual tinignan niya lang ako na may blankong ekspresyon sa itsura saka binalik niya ulit ang kanyang tingin sa harap.
Ano pa bang bago Reychie wag ka nang umasa na magkakagusto siya sayu tssk... Remember kaibigan lang ang tingin at turing niya sayu.
Sabi pa ng bahagi ng isip ko na nagpasimangot sa akin at alam konaman yun, inilinga ko nalang ang tingin kosa ibang direksyon at wala pang ilang minuto napatingin ulit ako kay Ryan.
Haay! Naku Ryan..magapasalamat ka kay God kasi Gusto kita hmmm....Di na siguro gusto baka nga love na kita...kasi kung hindi baka kanina pa kita nasuntok at makaBlack eye pa yang Handsome face muna Emotionless!
Awwwccch! Sayang...yun HAHAHAHA
Nagulat pa ako at bahagyang natigilan ng tumingin siya sakin.
-__-
"Why are you laughing?" Tanong pa niya na wala paring emosyon na mababakas sa mukha niya.
Paktay!
At dahan dahan namang napakunot ang mga kilay niya.
"Shhsh...Never mind." Sabi pa niya na naiinis.
"Tse! Wala noh... Manhid kasi..." Sagot ko naman sakanya at sinadya ko talagang hinaan ang boses kusa huling sinabi ko.
"What? Did you say at the last sentence what is it I can't hear your voice cause you speak it at low tone."
"Ay! Ewan...Ang sabi ko gwapo ka sana Kasu bingi ka!"
Nakita ko naman ulit ang pagkairita niya pero walang emosyon kasi iniiling iling niya lang ang ulo niya at pinukolan ako ng masamang tingin.
"A-ah...ang Sabi ko nandiyan na si Ma'am!!!"
At pumasok narin ang teacher namin na nakita ko kanina na may kinakausap pa sa labas ng pinto kanina kaya ngayon lang siya pumasok sa Classroom.
Whooooo! Save by the Bell! Este ni Ma'am yan Reychie! Muntik kana mabisto...
★°★°*°★°★
Break Time...
Lagi kong kasama si Ryan kapag Breaktime at mapalunch time man.. at kapag Hindi naman siya sasama kinukulit ko siya hanggang sa masawa siya at sasama na sakin.
Kaya ayun sa ayaw at Gusto niya magkakasama kami pumunta sa canteen.
Lagi pa nga kami tinutukso ng iba kong kaibigan pero binalewala ko lang yun para di mahalata ni Ryan na may gusto ako sakanya.
*°•*°•*
Years has been past at wala na akong balita kay Ryan mula ng grumaduate kami ng highschool at college.
Nasa kusina ako ngayon ng apartment na inoopahan ko para maghanda ng aking almusal, nang matapos ng maluto ang spam tyaka ko naman kinuha ang loaf Bread sa toaster nito at sabay na rin kuha ng kape kosa Coffee blender at marahan kong yun inilipag sa lamesa ang aalmusalin ko.
Hihigop na sana ako ng kape ng my nag doorbell ng sunod sunod na parang may importanteng talagang kailangan ito, If I know si manong Kartero nanaman ito.
Nagbibingi-bingian muna ako saka pinatuloy ang pag-aalmusal ko pero ganun pa din patuloy pa rin ang ito sa pag doorbell ng paulit-ulit, tumayo na ako inis na lumakad palabas.
At tama nga ako, si Manong Kartero nga ang makulit at paulit-ulit na nagdodoorbell.
"Manong diba sabi ko pa sa inyo wala na si Florence dito, lumipat na po siya. Wag po sana kayung makulit." Sabi kong pasimula kay Manong.
"Hay...naku! Ineng ginagawa ko lang ang trabaho ko at ako'y pagpasensyahan mona kapag na abala pa kita." Sagot naman ni Manong na napagkonsensya sakin.
Tama nga Reychie ginagawa lang ni Manong ang trabaho niya...
Tumango naman ako kay Manong saka ngumiti at kinuha ang sulat sakanya na para kay Florence.
"Sige po Manong huli na ito ha...madami na din kasi at kapag hindi pa po bumalik si Florence para kunin ang mga Love letters na ito—este sulat hindi na po ako tatanggap Manong ha..." Sabi kopa kay Manong na ngumiti naman.
"Sige ma'am salamat po, mauuna na po ako."
"Sige po Manong ingat hu...kayo."
Hinintay ko munang makaalis na si Manong at nang tuluyan na siya nawala sa paningin ko, binalingan ko naman ng pansin ang mga sulat na para kay Florence.
Ang swerte naman ni Florence...
Sininghot ko ito at gaya rin din ito ng mga na unang sulat ay mabango ang ginamit na papel nito at halatang mahal na sosyalin ang papel na ito.
Hindi ko maiwasang mainggit kay Florence, even though marami naman ng liligaw sakin pero wala akong bet me-isa sakanila, mas gusto ko pa ang mga fictional character na mga binabasa ko ang maging boyfriend ko at... ang gusto ko lang na lalaki, syempre si Ryan kahit na matagal na wala kaming communication sa isa't isa.
Haysssst...ang swerte niya may nag-eeffort gumawa ng sulat sakanya kahit High Tech na ang panahon ngayon, pero itong sulat na ito ay ganun parin ang address ng nagpapadala sakanya, napanatili parin nito ang traditional ng mga pilipino.
Even though isang open mo lang ng data o cellphone mo pwede kana makapag message at isang click mo lang ng send mababasa na agad ng sinendan mo ng message ang Sabi mo, pero itong sulat ang effort talaga at sobrang swerte naman ni Florence sa taong nagpapadala sakanya ng sulat yun kapag nagkataon.
Nang makapasok na ako sa loob ng apartment dumiretso akosa cabinet ng sala saka nilagay ang bagong sulat dun kasama ang iba pa nitong mga sulat.
Saka pumunta ng kusina at umupo ulit sa pwesto ko kanina at pinatuloy ang na udlot kong pag-aalmusal kahit malagnaw na ang kape ko, at mamaya-maya maghahanda na ako para sa duty ko.
•-•-°-•-•
One week later...nagulat akona nandito si Florence sa Apartment na pagmamay-ari naman niya na inu-opahan ko ngayon.
"Good morning,Chie. Hindi na kita na text o natawagan kasi nagmamadali na kase ako kukunin ko lang naman ang mga naiwan kong mga gamit, Hihihihi...sasama na ako sa kasintahan kona Amerikano na nakilala ko nung ilang buwan na." Nakangiting sabi pa niya.
Akmang palabas na siya ng biglang may na-alala akong tanong saking isipan.
"Teka! Florence! Paano na yung mga sulat mo?" Tanong kosa kanya.
Parang natigilan naman siya at parang may inaalala bago siya sumagot sa tanong ko.
"Ah! Yun ba wala naman yun, ka Penpal ko lang..."
Sagot pa niya tumango naman ako..Akala ko magpapaalam na siya pero nagsalita ulit siya.
"Reychie, sayo nalang yun, if Gusto mo lang at kung pwede itapon muna lang yan wala na akong Pake diyan parang may trust issue siya eh! Ayaw ikwento ang buhay niya at Hindi sinasagot ang mga tanong ko. Ah! Basta ewan...Bahala na, Basta Reychie sayo na yan. Oh! Siya sige Ciao na...alis na ako bye!"
Mahabang paliwanag pa ni Florence at mabilisan akong biniso nito at saka umalis.
Hmmmm...sayang naman kong itatapon ko lang Diba? Total sakin na lang daw ito babasahin ko nalang, tatapon ko din naman agad.
Kumuha muna ako ng cutter saka marahan na binuksan ang seal nito at binasa ang sulat dito.
Hello Flo,
Pasensya na kung hindi ako ganoong ka-open sa pag share ng mga bagay tungkol sa buhay ko, parang na offend pa yata kita. Hindi kasi talaga ako ganoong kabilis magtiwala sa isang tao.
Pakiramdam ko, ang bawat bagay na binabahagi ko ay pwedeng gamitin Laban sa akin. Ganun nalang ang pagkawala ko ng tiwala, palagi nalang maghihinala sa iba. Aaminin ko saiyo na hindi ako ganoong kadesidido na pasukin ang mundong ito.
Sa totoo lang, nagulat nga ako nang makatanggap ako ng sulat mula saiyo. Alam mo bang ikaw lang ang sumulat sa akin? Weird I know...kasi ang mga nakasulat sa description ko. At dahil sa ginawa mong pagsulat sakin, siguro the good or best I can do is share something about me.
Hmmm...I came from a broken family. Both of my parents have their own families...Alam mo bang Flo, na mahirap nung una, but I love them very much.
When I was a kid, I have this favorite favorite Ben 10 Shirt, kapag nilabhan mo yun ng maaga make sure mo talaga na tuyo na iyo sa Gabi or else, magwawala ako. I have a 7 dogs...mahilig kasi ako sa mga hayop, lalo na yung mga aso kasi Dog lover ako, para kasi sakin mas loyal pa sila compare sa mga tao at kaibigan. May trust issue talaga ako.
So I was also a fresh Graduate Of Electrical Engineering not because fascinated ako sa mga engineering stuff it is because iyon ang gusto ng Papa and I don't want to disappoint him. Ganoon na siguro talaga ang first born son, it's like you want to prove something and you want them to acknowledge you for every achievement you done. Parang you don't wanna be ignored kasi minsan na nila ginawa saiyo yun noong bata kapa.
At kapag nagpapahinga naman ako, tumtugtog ako ng Guitara or ng Piano. Marunong din akong mag flute at gumamit ng Xylophone, pero mas gusto ko talaga ang tunog ng mga strings instrument. Usually ang tinutugtog ko ay mga slow pop, fan kasi ako nang Bee Gees at ni Queen.
Ang love life ko naman? Huwag nalang siguro yun kasi baka ma bored kalang ammm...Hanggang dito nalang ang sulat ko.
Your weird Unknown Penpal friend,
Ry.
"Ry?" Mahinang usal ko at parang may pumapasok sa isip ko ang pen name na yun, agad kong tinignan ang pangalan na nakasulat sa sobre.
Halos mabitawan ko ang sobre nang makita ko ang pangalan ni Ryan Monteverde ang nakasulat dun. Dalidali kong kinuha muli ang cutter para buksan ang pangalawang sulat, Hindi ako makapaniwala na ang pagpapatuloy ng ugnayan namin ni Ryan ay magmumula pasa isang sulat na hindi naman para sakin, binuksan ko muli ang nakatiklop na sulat at binasa yun.
Good day Flo,
Mukha ngang na-offend kita at Hindi kana sumagot sa sulat ko. But believe me, I have no intention of making you felt that way. Sige, let me share a short story about me since iyon na lamang ang hindi ko nasasagot sa tanong mo. High school ako nang ewanan kami ng Mama ko nang walang rason.
Parang she popped out, nagising na lamang ako na nasa pangangalaga na ako ni Auntie. I was devastated that time, para akong isang unwanted child na bigla na lamang iniiwan ng isa buong pamilya. Akala ko nga noon nasa akin ang mali kaya yun, nagkaroon ako ng trust issue.
That went on for quite while, until 4th year highschool ako...
There's this girl na unlike anybody else na nakilala ko. She's pretty with her chinky eyes, a awkward smile at her lips and a sweet personality. It just too impossible not to notice here. Katabi ko siya tuwing Journalism Block namin pero kapag sa ibang block Hindi na kami mag kaklase.
Napahawak pa ako saking bibig dahil sa gulat sa aking nabasa sa sulat.
"Ako yata ito ah..." Gulat pana sabi kosa sarili, at ipinagpatuloy na ang pagbabasa sa sulat ni Ryan.
Medyo nakakailang ikwento kung paano nag-start ang friendship namin so let's skip na lang sa maayos na part at baka isipin mo pang masama ako.
Reychie ang name niya. Siya yung tipong pwede mong i-describe as a perfect student. Maagang pumasok na minsan na uunahan pa ang Guard sa school, kopyahan ng assignments ng buong klase at higit sa lahat apple of the eye siya ng mga professor's.
Pero hindi lang ng mga prof, apple of the eye ko Rin siya. She's my total opposite, she will make you feel na okay lang magkamali at hindi sa lahat ng pagkakamali ay kailangan may sisishin. She is so better when it comes to giving advices.
Siguro siya na ang pinakamalapit na maituturing kong naging part ng love life ko. If only I have the courage back then to tell her that I Love her. Kasi noon, natatakot ako na baka mareject ako pero mas nakakatakot pala talaga ang love na hindi naipagtapat. Palagi kanalang mumultuhin o di kaya kukulitin ng mga "What if's".
Minsan, sinubukan ko siyang titigan nang matagal, kuryente daw kasi ang tawag dun. Kapag titingnan mo raw ng matagal ang isang taong hindi nakatingin saiyo, mama-magnet daw ito at biglang titingin saiyo.
Effective iyon, ilang beses ko siyang nakita napatingin sakin yun nga lang agad akong umiiwas kapag alam kong titingin na siya. Pagkagraduate namin ng Highschool, nagkahiwalay na kami ng building nung college pero naging magkaibigan parin kami.
Kapag recess time, siya ang palagi kong kasama. Madalas nga kaming tuksuhin pero parang wala lang sakanya. Hindi ko alam kung napapansin ba niya ang effort ko napapansin sa kanya o hindi.
Ang hirap intindihin, Ano? Pero iyon lang kasi ang love life ko na maituturing, Si Reychie. After ng graduation namin, nawalan na kami ng communication. Umalis ako sa lugar namin at dinala ako ni Auntie sa ibang lugar para magtapos.
Sige na, mahaba na ito, salamat na lamang muli at pasensya na kung na offend talaga kita. Hindi ko sinasadya.
Ry.
Ilang minuto yatang tumigil ang Mundo ko habang binabasa ang sulat na iyon. Hindi ko lubos maisip na si Ryan na gusto ko noon at ngayon ay parehong kaming may pagtingin sa isa't isa.
Ikunurap-kurap ko pa muna ang mga mata ko para masigurado na hindi ako nag iilusyon lang.
Ano nga ba naman ang chance na makabasa at makakuha ka ng isang sulat na tungkol saiyo pero hindi para saiyo?
Natatarantang tumayo ako at kinuha ang isang piraso ng PAPEL na pinilas ko kanina lamang saking notebook at agad nagsulat. Desidido akong ipaalam kay Ryan ang pagkatao ko pati na rin ang pagkakabasa ko sa mga sulat niya na para kay Florence.
Hindi ko alam kung ganoon parin ng nararamdaman niya para sakin pero gusto kung malaman. Sumulat na ako ng isang maikli na liham at inihulog kona yun sa Lumang post office malapit sa Plaza.
*°•°•°•°•°*
Makalipas ang isang linggo, inaasahan kona mag dodoorbell muli si Manong kartero para ibigay sa akin ang sulat subalit wala itong may ibinigay. May pagkakataon pa nga na ako mismo ang nagtatanong sa kay Manong kartero kung may sulat na ba akong natanggap pero wala talaga.
Sinabi ko pa kay Manong kartero na baka naipangalan ang sulat na iyon kag Florence at kukunin ko ito.
Halos magdadalawang-buwan na ang lumipas, nawalan na din ako ng pag-asa na makatanggap pa ng sulat.
Siguro ay hindi na ganoon ang nararamdaman ni Ryan para sakin. Natatawa na nga ako sa tuwing makikita ang mailbox na pinalagay ko pa sa harapan ng aking pintuan para doon ilagay ng kartero ang sulat kapag nasa trabaho siya.
Hanggang dumating ang araw ng linggo. A-attend sana ako ng misa noong araw na iyon ng biglang may nagdoorbell...inisip kong mabuti kung sino ba ang nagdodoorbell gayong wala naman akong may inaasahan na bisita.
Imposible din na si Manong kartero iyon dahil may mail box na ako sa pintuan at isa pa linggo ng araw ngayon.
Dali-dali kong binuksan ang pinto at laking gulat ko ng makita kosi Ryan Monteverde.
Bukod sa taas nito at hubog ng katawan niya Wala parin siyang pinagbago.
"Reychie."
Halatang hiyang-hiya pa siya at hindi makalapit sakin. Ni hindi nga ito makatingin ng diretso habang sinasabi niya ang pangalan ko.
"Ngayon kapa mahihiya, eh...nabasa kona ang Confession mo sa sulat mo." Biro ko pa.
Ngumiti naman si Ryan sakin at lumapit saka ako niyakap na ikinagulat ko at maka recover niyakap ko din siyang pabalik.
"Reychie...you know how much I care for you and love you I'm hoping you to accept my feelings for you and be my official Girlfriend."
Sabi naman ni Ryan habang yakap ako at marahan na kaming lumayo sa isa't isa sinuri pa niya ang expression ko. Ngumiti naman ako at tumango-tango at dun ko din nakita ang paglabas ng kanyang ngipin at ngumiti sakin ng Hindi makapaniwala.
"Really?! For real? We are officially now?" Tanong pa niya ulit.
"Oo nga Ryan Iam welling to be your Girlfriend...I love you!"
"Well I love You too... Reychie!"
Saka ulit kami nagyakapan...at pumasok sa loob ng bahay ng may ngiti sa labi ng isa't isa...
Because of that UNKNOWN PENPAL LETTER of Florence I ain't maybe found my Love one's...Ryan Monteverde.
★End★
This Chapter is Dedicated to: my Tita Reychie Racho (^_^)/
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top