Were it all started
Astrid's POV
"Guys! Si Miss andiyan na,"napaangat ako ng tingin at nakita ang ka-block kong lalaki na siyang sumigaw.
Mabilis pa sa kidlat na nagsiayusan silang lahat.
"Good Morning Class!" Bati ni Ms. Rodrigo habang nasa pintuan pa lamang at hindi pa tuluyang nakakapasok.
"Our topic for today is epidemiology..."paliwanag lang siya nang paliwanag pero kahit isa ay walang pumapasok sa utak ko. Pasok sa kabila labas naman sa kabilang tenga. Napabuntong hininga na lang ako. Hindi talaga ako makapag-concentrate paggutom.
"Ms. Astrid McNate nakikinig ka ba?"tanong ni ma'am na nagpabalik sa akin sa wisyo.
"Yes ma'am,"mabilis na sagot ko.
Tinapunan lang ako ng tingin ng mga kaklase ko bago nagpatuloy ang discussion ni Ms. Rodrigo. Buti naman walang follow up questions kung 'di ay patay ako.
It's really hard to keep up lalo na kung hindi mo gusto 'yong degree na kinuha mo. I've always had a pretty clear idea of what I want to do in life and that is to become a criminal investigator. Pero wala akong nagawa because I'm from a family of doctors. My mom and dad are both doctors. Not to mention that my big brother is a veterinarian doctor na kasalukuyang nag-iintern kayla mom and dad dahil gusto niya raw maging people's doctor din.
Everyone's expecting na susundan ko ang yapak ng mga magulang ko and even my mom and dad wants me to take medical degree and I can't say no to them. I don't want to disappoint my family kaya tinake ko ito kahit pa labag sa kalooban ko.
Binalik ko na lang ang atensyon sa pakikinig kay Ms. Rodrigo. For me to keep up ay kailangan kong makisabay at makinig.
Namalayan ko na lang na tapos na ang klase dahil sa pag-alingawngaw ng bell sa loob ng apat na sulok ng silid namin.
Kung ano-ano pa ang mga binilin ni Ms. Rodrigo sa amin na sinigurado kong inilista ko bago siya tuluyang umalis. Inayos ko muna ang gamit ko bago sinukbit sa likod ko ang aking bag para makalabas na at makapag-lunch.
"Ash!" Naagaw ng pansin ko ang boses na tumawag sa akin. Napalingon ako sa likod at medyo binagalan ang lakad para makahabol siya sa akin.
"Nakakaloka 'yong test namin sa calculus! Wala akong kaalam-alam. Pasurprise-surprise quiz pa kasing nalalaman!" Minna Guerra, my friend.
"Nagugutom na ako. Tara kain na tayo. Do'n tayo kain sa, Streets Food. Namiss ko na 'yon,"aya niya at agad na akong hinila papalabas ng school.
Nagpahila na rin ako sa kanya. Tatanggi pa ba ako eh gutom na rin naman ako. Wala namang problema sa aming lumabas ng school as long as hindi class hour siyempre.
Sakto naman na may huminto na gump sa may waiting shed at agad na kaming sumakay rito. Medyo malayo rin kasi 'yong sinasabi niyang kainan. Actually, puwede naman kaming mag-jeep na lang, ang kaso mainit at baka bago pa kami makapunta ro'n eh maligo na kami sa pawis dahil sa sobrang init. That's the least thing I want to happen 'no.
Ang gump ay isang transportasyong sasakyang panlupa na maihahalintulad sa isang jeep dahil sa haba nito. Ang pinagkaibahan lang nito ay ang gump ay may tig-sampung pintuan sa kada gilid kung saan sasakay ang mga tao. Isipin mo ang pangkaraniwang kotse, halos magkaitsura ito sa loob na may maximum na dalawang tao kada pinto. Idagdag pa na ikaw mismo ang maghuhulog ng bayad mo sa loob. If you don't pay the gump fare the driver will not let you out dahil may button na nakakonekta sa driver kung saan ay malalaman niya ro'n kung nakabayad ka na ba o hindi. Isa pa sa feature nito ay ang pagiging air condition nito. It's invented by a businessman inventor Fred Avila a full Filipino and I think it's widely used in 2092, 7 years ago.
Pumuwesto kami ni Minna sa unahan ng gump sa kanan kung saan bakante. Siya sa may bintana. 'Di pa naman kasi gano'n ka puno.Kapansin-pansin ang pag-ubo ng iilang mga nakasakay. Nagkibit balikat na lang ako at tinuon ang tingin sa labas. Ilang minuto lang ang lumipas ay mabilis na napuno ang gump. Malalaman mo kasi na puno na siya kapag biglang nag-ilaw ng asul sa loob.
"Jeez. Bakit ang dami atang may ubo ngayon? Flu month ba?"bulong na tanong sa akin ni Minna habang nakatingin sa mga pasahero na kanina pa nga umuubo.
Tinaas ko naman ng bahagya ang balikat ko at parang sinasabing hindi ko alam.
"Malamang ay common flu lang dala ng pabago-bago ng panahon. Just cover your nose and mouth para hindi ka mahawa,"balik na bulong ko sa kanya
Kinuha ko naman ang surgical face mask ko sa bag ko bago ito isinuot at inabutan si Minna. Perks of being a med student may mga ganito akong dala. Ginagamit din kasi namin siya sa mga lab namin and practical. I'm a med student, remember?
"Here, wear it,"sabi ko pagka-abot ko sa kanya ng mask. Agad naman tinaggap ito ni Minna at agad din isinuot.
Biglang bumagal ang andar ng kotse dahil sa traffic. Nagtaka naman ako kasi bibihira ang traffic dito.
"Di naman nagtatraffic dito ah?"narinig kong mahinang usal ni Minna na mukhang nakapansin din.
Sinilip ko ang bintana at mula dito ay nakikita namin 'yong nagliliyab na kotse na nagdahilan ng pagbagal nang andar ng mga sasakyan.
Kaya pala may aksidente sigurong nangyari.
Narinig ko naman ang bulungan ng mga tao sa loob ng gump na pinag-uusapan ang nangyaring aksidente sa daan.
"Hala. May banggaan ng sasakyan. Ano kayang nangyari?"pag-simpatsya ni Minna bago sinipat ang nangyayaring pag-responde ng mga bumbero sa sunog.
Kailan pa nagkaroon ng ganyan dito? Pagkalagpas namin do'n ay natanaw ko pa ang mga ambulance na paparating. Hindi mo talaga masasabi kung kailan mangyayari ang aksidente.
Nanatili ang atensyon ko sa pagtanaw sa labas nang makalagpas kami sa traffic habang si Minna naman ay nagkibit balikat lang at nagbalik sa paglalaro ng kanyang phone. Habang patagal kami nang patagal sa gump ay napapansin ko ang sunod-sunod na pag-ubo ng mga pasahero. Pati na rin 'yong driver ay umuubo na rin at ang dalawang katabi ko na kanina lang ay hindi na ubo.
Kanina lang ay iilan lang ang umuubo ah? Seryoso ba talaga 'to? Halos lahat sila inuubo na. Kami na nga lang ang hindi ata ni Minna eh. Weird.
Nilingon ko si Minna at nakitang naglalaro pa rin siya ng Cross Down habang nakasalpak 'yong magkabila niyang airpods sa tenga niya. Nalihis ang tingin ko sa kanya nang makita ko sa labas ang lalaking akay-akay ng babae na parehas na umuubo ng dugo. Nanlaki ang mga mata ko matapos malagpasan sila.
This is ridiculous. What is happening?
Agad akong kinabahan at mabilis na nilibot ko ang tingin sa loob at naningkit ang aking mata nang unti-unti kong mapansin ang pag-iiba ng tunog ng ubo ng mga nakasakay sa gump at halos matigilan ako nang makita ko ang panyo ng babae sa tabi ko na may bahid ng dugo na nanggagaling sa kanyang labis na pag-ubo gayon din ang kanyang katabi.
Shit. Looks like it's not a common flu. Hindi man ako gano'ng maalam patungkol sa flu ay masasabi kong hindi ito basta-basta seasonal flu. I mean they're coughing with a blood, a blood! Who in the earth would tell that flu with blood is a normal thing?!
I don't want to be pessimistic here but our safety is my number one priority as of now. Agad-agad kong pinindot ang button na itim para makonekta sa driver at malamang baba na kami. Nag-hesitate pa ito sa una dahil bawal magbaba rito pero binaba niya pa rin naman kami 'di kalaunan.
I may be overreacting but I don't care as long as we're safe.
Hinila ko na agad si Minna pababa ng gump.
"Bakit tayo bumaba agad? Wala pa naman tayo sa pupuntahan natin ah. Ang layo pa kaya,"nagtatakang tanong niya at akmang tatanggalin niya na 'yong mask nang pigilan ko siya.
"No! Don't you dare take off your mask,"mabilis na pigil ko sa akmang pagtanggal niya ng mask.
As far as I know, flu is a communicable disease. It may pass by one person to another. So we need to be careful. Ngayon ako nagpapasalamat na med student ako at may dala-dala akong mask palagi.
Nakita ko pa ang pagkunot ng noo niya at ang nagtatakang mga tingin niya sa akin. Pero sumunod pa rin naman siya at tinigil ang sarili sa pagtanggal ng mask niya.
Nilibot ko ang paningin ko at nakitang nasa may tapat kami ng isang grocery store malayo-layo sa sakayan.
"We need to go home for now. I'll explain it to you later,"sabi ko sa kanya at nagsimula nang maglakad papunta sa sakayan. Nakita ko naman na agad siyang sumunod sa akin papalakad.
Sa paglalakad namin ay kapansin-pansin pa rin ang pag-ubo ng ibang mga tao sa paligid namin. Hindi ko alam kung anong nangyayari at bakit madaming mayroong ubo gayong hindi naman flu season ngayon pero ipinagsawalang bahala ko na lamang 'yon.
Nang makarating kami sa sakayan ng Vinma ay agad-agad kaming pumila. Marami-rami rin kasi ang mga pasahero na nakapila. Bukod sa traffic ay mukhang may importanteng lakad 'yong mga nakapila.
Naagaw ng pansin ko sa 'di kalayuan ang babaeng walang tigil sa pag-ubo. Alerto lang akong nakamata sa kanyang hanggang sa nakita kong nagsimulang umubo ng dugo ang babae. Halos 'di magkamayaw ang mga taong malapit sa kanya na lumayo upang hindi maubuhan ng dugong inuubo ng babae at ang iilan pa ay tinutulungan ang babae at bigyan ng panyo ngunit hindi naging sapat 'yon sa rami ng dugong kanyang inuubo.
Nandigan ang aking buhok sa katawan dahil sa sobrang takot at pangamba sa nakikita ko. Sa magkakasamang tulong ng dalawang lalaking nagmagandang loob ay idinala nila ang babae sa ospital kaharap namin.
Wala akong ibang ginawa kung 'di ang panoorin silang isugod ang babae sa ospital. Nanatili akong tulala sa aking mga nakita. Ilang minuto ang lumipas nang makabalik ang dalawang lalaking tumulong sa babae.
Kita ko ang bahid ng dugo sa kanilang damit ngunit ang mas nakaagaw ng pansin ko ay ang pag-ubo ng dalawa. Napasinghap ako nang ilang minuto lang ay nagsimula ng umubo ng dugo ang dalawa na ikinasigaw ng mga tao at ikinalayo sa takot.
Tangna. Anong nangyayari?
Tuliro man ay walang pasabi kong hinila si Minna papalayo sa lugar na 'yon.
——————————————————
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top