Havoc City
Astrid's POV
"Uy Ash! Okay ka lang ba? Kanina ka pa tulaley riyan,"nabalik ako sa ulirat nang marinig ang pagtawag sa akin ni Minna.
"I'm fine,"mabilis na sagot ko sa kanya.
Buong gabi akong wala sa sarili habang iniisip kung anong puwedeng mangyari at kasalukuyang nangyayari. I even tried contacting my parents, but no one is answering my calls.
"May problema ka ba? Kinakabahan na ako sa 'yo Ash. Kanina ka pa tulala at hindi nagsasalita,"puno ng pag-aalalang tanong sa'kin ni Minna.
"It's just something is bothering me right now but, don't worry I'll settle this,"I said and plastered a little smile to assure her.
"Just tell me if you need someone to talk to. I'm always here for you,"sabi niya na nagpagaan ng loob 'ko.
"Noted, Mom,"I said with a chuckle.
"Hoy. Gaga ka talaga,"angal niya na tinawanan ko na lang.
"Tara na nga,"aya ko sa kanya para maiba ang topic.
'Di naman siya umangal at nagsimula na nga kaming maglakad pababa para sumakay nang D301 papuntang school. Gaya ng sabi niya, rito nga siya sa condo ko nag-almusal. Maaga pa lang ay nandito na siya sa condo ko kanina kaya wala na akong nagawa kung 'di ang paglutuan siya.
"Oo nga pala, didiretso ako mamaya sa ospital after class,"pagpapaalam ko sa kanya at siya na ang nagtapat ng ID niya sa scanner.
"Uy sama! Miss ko na si Tita at Tito!"she joyfully said.
"Hindi puwede,"mabilis na sagot ko.
"Ang duga naman Ash,"pag-angal niya pero hindi na magbabago ang desisyon ko.
"Next time ka na lang sumama,"sagot ko. Nakita ko pa na aangal pa sana siya nang taasan ko siya ng kilay na nagpatahimik sa kanya. Nakabusangot na tumingin na lang siya sa labas at iniripan pa ako.
Napailing na lang ako sa inasta niya. She can't come. Hindi ako sigurado kung anong maabutan ko sa pagpunta ko ro'n. Kailangan ko munang kumpirmahin kung tama ba ang hinila ko at masagot ang mga katanungan ko. Hindi sapat ang mga narinig at nakita ko kahapon. Kaya gusto kong sa iba manggaling.
It is so peaceful outside. Everything feels as near perfect in life at this moment as we could wish for. Like everything is fine while on the other hand, many people are suffering right now. Hindi pa ako gano'n kasigurado kung tama ba ang iniisip ko sa nangyayari ngayon. Pero isa sa pinagtataka ko, bakit wala man lang ginagawang aksyon ang gobyerno? I haven't heard anything from them simula pa kahapon tungkol sa nangyayari sa Maynila.
Mabilis na lumipas ang oras at natapos ang klase namin sa buong araw. Agad ko nang inayos ang gamit ko para makaalis na. It's 3:30 in the afternoon. I know na busy sila 'pag mga ganitong oras at mas lalo na ngayon dahil sa mga nangyayari, but I know and I wish they're doing fine there.
Pumara na ako ng D301 at agad-agad ko nang idinikit 'yong ID ko sa detector for him to know where I am heading to.
Ang D301 ay isang sasakyang panlupa na maihahalintulad sa taxi na may mataas na kalidad kadahilanan sa pagusbong ng teknolohiya. Mukha siyang ordinaryong kotse sa labas na may kakaibang kulay pilak na disensyo na natatangi lang sa sasakyan na ito. 'Di tulad ng taxi ang paraan ng pagbabayad dito ay sa pag-scan ng ID. Kasama rin ang ID sa naimpluwensyahan ng makabagong teknolohiya. Kung saan ang ID ay nagsisilbing transportation card na at isa pa mas napapadali ang pagtukoy ng driver sa lugar na iyong pupuntahan without further discussion.
Paano? Our ID is like an Ipad. Kailangan mo lang piliin ang eksaktong lugar na pupuntahan mo at pagkatapos ay kailangan mong i-scan ito sa detector sa kaliwa ng pintuan ng D301 na mas tinatawag na Dex dahil hindi lang siya basta basta detector. Makikita mo rin do'n ang impormasyon tungkol sa driver at maging ang plate number ng iyong sinasakyan. Sa tulong ng teknolohiya ay mas napapadali ang lahat at nakakatulong sa kaligtasan ng mga tao.
"Magulo pa sa Sta. Mesa ma'am ang alam ko. Sure kang do'n tayo?"tanong ni Raffy, the driver na nagpakunot ng noo ko.
"What do you mean na magulo po?"I asked.
Nagbuntong hininga lang naman ng malalim siya bago sumagot sa naging tanong ko.
"May kung anong sakit ang dumapo sa Sta. Mesa na nagdahilan ng pagkakagulo ro'n. Magugulat ka na lang may nahihimatay na kung saan-saan at sumusuka ng dugo. Kahit saan ka magpunta puro mga umuubo ang mga tao at kahit ang asawa ko ay nahawaan na,"sabi niya na mababakas ang lungkot.
"Wala akong perang pampagot sapat lang ang kinikita ko rito sa pamamasada kaya sa pampublikong ospital ko lang siya nakayanang idala. Pero sa dami ng taong may kapareho niya ng kalagayan ay hindi na siya maasikaso ng mga doctor doon,"malungkot na pagkwento ni kuya Raffy na nakaantig sa akin.
Bahagya akong natakot sa kung ano man ang maaabutan ko ro'n pero kailangan kong tatagan ang sarili 'ko.
Ang hirap isipin nasa panahong ganito mas nahihirapan ang mga tao lalo na 'pag may mga sakit. Dahil sa hirap sa pampublikong ospital lamang sila nadadala at dahil sa dami ng tao hindi na sila naasikaso at napagtutuunang pansin. Mas pina-prioritize ang may mga pera kasya sa mga wala at iyon ang mapait na katotohanan na kailan man ay hindi mababago kahit pa kaliwa't kanan ang pag-usbong ng teknolohiya. Hindi lahat ng nadadala sa ospital nagagamot o napapagtuunan ng pansin na nagdadahilan ng pagdaliang pagkamatay ng mga ito. In this world, priotity ng lahat ang may kaya o pera. Kaya kung wala kang pera wala ring papansin sayo. That's how public hospital works.
Alam kong nahihirapan na si Kuya Raffy but still, he managed to work kaysa alagaan ang asawa niya kasi mas iniisip niya ang kinabukasan ng kanyang pamilya. Kung saan kukuha ng pera pang-ospital and such. This is what I adore about a father. They are willing to do anything for their family.
I just looked outside to ease the heavy atmosphere pero sa pagtingin ko sa labas ay nakita ko na ang tinutukoy ni Kuya Raffy na mga nagkakagulong mga tao.
Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. The city is out of control. Makikita mo sa labas ang mga nagkakagulong tao. May mga nagsasapakan at mayroong mga taong bigla-bigla na lang nahihimatay sa daan. Hindi nakatakas sa tingin ko ang mga nagkabanggaang mga sasakyan.
Anong nangyayari rito?
Mas lalong dumami 'yong mga taong nagkakagulo nang mas lumapit kami sa pinakasentro ng Sta Mesa. Natatanaw ko na ang ospital kaya agad kong sinuot 'yong mask na dala ko and gave the other one to Kuya Raffy.
"Here, wear it. Para hindi ka po mahawa. Flu is a communicable disease at ito tanggapin niyo po. Go check your family now. They need you,"I said as I gave him a money na alam kong sapat nasa magiging kita niya sa buong araw at pambayad niya na rin sa boundary sa araw na ito.
Nagpasalamat pa siya sa akin na halos naluluha. Ginantihan ko lang siya ng ngiti. His family needs a father right now. Agad na akong lumabas ng D301 at sa paglabas ko ay mas nakita ko na ang napakaraming taong nagmamadaling pumunta sa ospital buhat-buhat ang mga nahimatay na tao.
Everything's a mess. Bakit hindi pa pinapasara ang Sta Mesa? Maraming puwede pang mahawa kapag lumaki ito. Anong ginagawa ng gobyerno sa mga oras na ito? Bakit hindi man lang kami nakakarinig ng balita?
Pinagsawalang bahala ko muna ang iniisip ko at madaliang pumasok sa ospital. Halos magitgit ako sa dami ng taong gustong magpakonsulta. Hindi na magkaundagaga ang mga nurse sa pag-assist sa dami ng taong patuloy na dumadagsa papasok.
Hindi na rin kaaya-aya ang lugar dahil sa dami ng dugo na nagkalat sa paligid galing sa mga umuubong mga tao. Napapikit na lang ako ng mariin at napalunok sa mga nakikita ko. I need to endure it. Kailan kong makita ang pamilya ko. This is the only way.
Sobrang gulo na rito may mga nag-iiyakan, mayroon ding nag-mamakaawa nasa nurse na asikasuhin sila. I can't take this anymore. Hindi ko na kaya ang mga nakikita ko. Nilampasan ko lang 'yong mga taong nakikita ko at pilit na diniresto ang tingin para iwasang makita ang nangyayari sa paligid ko.
Mas binilisan ko pa ang paglalakad ko pero agad din akong napahinto dahil sa away na nagaganap sa daraanan ko.
"Asikasuhin niyo naman ang lola ko! Tangina naman oh!" Isang lalaking naka-uniporme ang galit na galit na nakatingin sa nurse na hinaharang ito sa pag-alis.
"Pasensya na ho kayo pero marami pa pong pasyente ang mas nauna sa inyo. Hindi namin kayo kayang asikasuhin ng sabay-sabay,"pagdadahilan ng nurse na pilit pa ring umaalis upang maasikaso na 'yong iba pang mga pasyente pero patuloy siyang pinipigilan ng lalaki.
"Yon na nga eh! Kanina pa kami rito pero hanggang ngayon wala pa ring nag-aasikaso sa amin!"galit na galit na 'yong lalaki at nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang matandang pilit pinipigilan ang lalaki sa kanyang ginagawa.
"Pasensya na po talaga sir. Kailangan na po ako ro'n,"paumanhin pa ng nurse at akmang aalis na muli ng harangan siya ulit ng lalaki.
"Ang bulok naman ng sistema niyo! Hanggang dito pera pa rin ba? Mas inuuna niyo pa 'yong mga may perang pambayad kaysa sa aming mga nauna! Nakikita mo sila? Madami ng unti-unting namamatay dahil sa ginagawa niyo. Punyeta naman!"napatingin naman ako sa haba ng pila ng mga pasyente at karamihan sa kanila ay hirap na hirap dahil sa walang tigil na pag-ubo at ang iba ay nakapikit na ang mga mata at pilit na ginigising ng kanilang mga kasama.
Agad akong nag-iwas ng tingin. This is too much to watch. Why is this happening? Bakit? Hindi ko alam kung kakayanin ko pa kung magtatagal pa ako rito. Pero hindi ko rin naman magawang makaalis dahil sa nakaharang sila sa daraanan ko.
"Sorry talaga sir,"paumanhin pa ng babae at mababakas ko ang pagkalungkot sa mga mata niya. Wala silang kasalanan sa mga nangyayari. She's just doing what she's told to do.
Akmang pipigilan pa ulit siya no'ng lalaki ng tawagin ng matanda ang tingin ko'y pangalan ng lalaki. Kinuha naman ng nurse ang oras na 'yon para agad nang makaalis.
"Liam.."mahinang tawag ng matanda sa kanya.
"Lola. Huwag ka na po muna magsalita. Mas lalo kang manghihina niyan,"sabi ng lalaki at pilit na lumapit sa kanyang lola. Hindi nakalagpas sa tingin ko ang pagpipigil ng lalaki sa sarili niya na umiyak dahil sa nakikitang sitwasyon ng kanyang lola.
"Huwag kang lumapit sa akin,"uutal-utal na sabi ng matanda habang pilit na lumalayo sa kanyang apo.
Ayaw niyang mahawa sa kanya ang kanyang apo kaya't hanggang maari ay lumalayo siya. Hindi ko na nakayanan ang mga nakikita ko at agad na tumakbo papalayo sa kanila. Naramdam ko ang pagdaloy ng mainit na likido pababa sa magkabilang pisngi ko. Mabilis ko itong pinunasan.
I ran as fast as I can at mabilis na tinungo ang elevator. 'Di gaya ng lobby ay walang mababakas na dugo rito. Pinindot ko ang ika-lima at huling palapag ng ospital kung nasaan ang opisina ng magulang at kuya ko.
Malakas na napabuga ako ng hangin pagkasara ng elevator. Napasandal pa ako sa gilid ng elevator para kumuha ng suporta dahil sa biglang panghihina ng tuhod ko. Hindi ako makapaniwala sa mga nasaksihan ko. This is too much. Hindi makaya ng isipan kong tanggapin ang lahat ng mga nakita ko. Parang ang bilis ng mga pangyayari.
In just a minute ay nakarating na ako sa ika-limang palapag. Pagkabukas na pagkabukas nito ay agad na akong naglakad papalabas. Pero mas nagulat ako sa mga nakikita ko. Bakit? Bakit ibang-iba ito sa mga nangyayari sa baba?
Napakalinis dito at napakatahimik na parang walang nangyayaring kaguluhan sa baba. Hindi mo nga mapapansin ang bakas ng dumi na galing sa baba eh.
Pinagsawalang bahala ko muna 'yon kahit na napakaraming tanong ang naglalaro sa aking isipan at dumiretso sa opisina nila.
Mabilis lang naman akong nakarating sa tapat ng opisina nila at 'di na ako nagdalawang isip pa at pinihit ang doorknob ng pintuan papasok.
"Mom, kuya,"ang tawag ko sa kanila nang makapasok ako sa loob ng opisina nila at agad silang sinalubong ng mahigpit na yakap.
——————————————————
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top