Chapter 10 - The Accident

"X-Xen?"

"Sa'n ka ba naman kasi pupunta.Gabing-gabi na." Kumalas siya sa pagkakayakap at hinarap ako.

"Kina Trip.May sakit kasi e." Bigla ko namang naramdaman ang pag-bigat ng atmosphere.Naglakad agad siya palayo sa'kin.Problema no'n.

*

"Kainin mo na kasi.Ang arte mo,promise." Reklamo ko kay Trip na ayaw bumangon.

"Subuan mo 'ko." He said in his,uhhm...bed voice?

"A-ano?Ano ka,bata?"

"Yes.Treat me as your baby." May sakit siya,Ash.May sakit.

Nag-lagay na 'ko ng carbonara sa maliit na plate.Unti-unti naman siyang bumangon.He still looks good.His bed hair suits him.Mapulang labi na parang naka-lipstick.Ash,your thoughts,they're getting wilder and wilder.I shook my head.

Medyo nanginginig ang kamay ko sa unang subo ko sa kanya ng pasta.

Deep f-uckin' silence.

Biglang nag-vibrate 'yung phone ko.My savior.

From:Tita Alma

'Wag ka nang umuwi.Naka-lock na ang gate.D'yan ka na matulog.

What the-

"Sino?" Napalingat ako kay Trip.Sasabihin ko ba?

"Tita." Tipid kong sagot.

"Sabe?" Wow ha.Ang astig niyang mag-tanong.

"N-naka-lock na daw 'yung gate namin.'Wag na daw a-akong umuwi."

"Great!Dito ka na matulog." Lumiwanag 'yung mukha niya. "Bakit?Nahihiya ka pa?E..." Nag-pause siya kaya napatingin ako sa kanya.Ngumiti siya ng nakakaloko. "Nagkatabi naman na tayo.'Wag kang mag-alala,hindi kita re-rape-in." Tumawa siya,ipinalo ko naman 'yung unan sa kanya.May sakit ba talaga 'to?

Para matigil siya,sunod-sunod kong isinubo sa kanya 'yung carbonara.

"Wai-" Isinubo ko agad 'yung naka-rolyong pasta sa tinidor. "Eeukk-*cough* *cough* *cough* Tu- *cough* big- *cough*."

"Hoy,okay ka lang?" Pinat ko ng paulit-ulit ang likod niya.Tinuro naman niya ang tubig sa side ng kama niya. "O,'eto.Sorry.Hahahahahaha!"

"Anong tinatawa-tawa mo d'yan?" Bigla siyang humiga at nagtalukbong.Tumalikod din siya sa'kin.Hala,nagalit.

"Oy,nagtatampo ka?" Kinulbit ko siya sa braso. "Trip.'To naman.Galit?" Hindi nag-respond. "Trip." Wala pa rin. "Trip!" Aba't. "Tutulog na 'ko."

"'Wag." Tatayo na sana 'ko pero hinila niya ang kamay ko. "Dito ka lang."

"Arte kasi." Singhal ko at umupo.

"Annica." Hindi ko pa rin siya tinitingnan. "Nahalikan ka na ba ni Austin?" Napatunghay ako sa kanya pero hindi ko sinagot. Bigla niyang hinawakan ng mahigpit 'yung kamay ko.Nanlaki 'yung mata ko nung hinila niya 'ko sa kama niya.Nakahiga kami parehong naka-side.Binaon niya ang mukha niya sa balikat ko,I felt awkward and...hot?

"Trip,ang init mo."

"I know I'm hot." After ilang minutes,narinig ko na siyang gumagawa ng mahinang sleep noises.Maybe this is what they call body therapy.

*

Nakakangalay.

Nakatulog rin pala 'ko na gano'n ang pwesto namin.Ang sakit sa leeg.

2:36 am.

Ba't lalo ata'ng tumataas ang temperature ni Trip.Hinipo ko ang noo at leeg niya.Feeling ko tumaas nga.

Tumayo ako at kumuha ng bimpo at maligamgam na tubig sa kusina nila.

Inayos ko ang pagkakahinga niya at kinumutan siya.Naglagay ako ng bimpo sa noo niya.

Hindi ko na siya hinintay magising at nagpasundo na sa driver namin.

Pagdating sa bahay,agad na naman akong nagpalamon sa kama ko.Bed and me is really a good combination.

*

*kriiiing-*

"Ano ba 'yan.Hmmm-mm!" Hinilamos ko ang kamay ko sa mukha ko.

Tiningnan ko ang oras.P*ta!Ala Sais pa lang a.9:30 pa pasok ko.Tita talaga kahit kailan o.Psh.

Napatingin naman ako sa phone kong kasalukuyang nagri-ring.

+639********* Calling...

Sino naman 'to?Wala 'kong pake,sinagot ko na lang.

["Yeoboseyo."] Alien?

"Ne?"

["A-ash."] Eunjee?

"Problema mo?"

["P-pwede bang magkita tayo?'Yung tayo lang?"]

"Bakit ba?Ano na naman bang gagawin mo sa'kin?"

["Park.7:30."] Aba't.Bastos 'to a.Babaan daw ba 'ko.

After an hour,umalis na 'ko.Ayaw ko siyang paghintayin,at para matapos na rin.

Sa park agad ako dumiretso.Nag-vibrate 'yung phone ko.

From:Trip

Andaya mo.

Haha.Naalala ko iniwan ko pala siya.Napangiti na lang ako sa nabasa ko.

Kinalkal ko muna ang laman ng bag ko habang naghihintay.'Yung librong 'Cold Play' na sa'kin pa rin pala.Binuklat ko 'yun at nakita na naman 'yung letter.Napaisip ako bigla,para kanino kaya 'to?

Please,don't fall for me again.

Itinuloy kong basahin 'yung libro.

"3 years lang naman akong mawawala e."

Napatunghay ako sa mga nag-sasalita sa likod ko.

"Lang?Sige nga,sa tingin mo,ano namang gagawin ko sa tatlong taong wala ka?"

"Maghanap ka ng iba." Yumuko 'yung lalaki habang nanlaki naman 'yung mata ng babae.

"Anong ibig m-mong sabihin?"

"Let's end this." Umalis na 'yung lalaki at iniwang tulala at tumutulo ang luha no'ng babae.Kawawa naman siya,kung ako si-

"Mmmghff-" May nagtakip ng ilong at bibig ko na siyang ikinatulog ko.

*

"Ma'am,tulog pa rin po siya." Rinig kong sabi ng isang lalaki.Minulat ko ang mga mata ko ng konti para makita ang nangyayari.

"Tanga.Gisingin mo." Utos naman nung babae.Agad namang lumapit 'yung lalaki sa'kin kaya agad din akong pumikit.Asa'n ba 'ko?

"Hoy!Gising!Gising-"

"Ako nga." Rinig ko ang yabag ng babaeng palapit sa'kin. "Alam kong gising ka na,tumingin ka sa'kin ngayon." Bigla namang nag-vibrate ang phone ko.Kinuha 'yun ng babae kaya napalingat ako sa kanya at hindi na nagulat sa nakita ko.Eunjee.Tiningnan niya ang phone ko nang mag-ring ito. "Ooh,Austin." Saka niya tinapat sa tenga ko ang phone. "'Wag mong tangkaing mag-sumbong." Tapos ini-swipe niya ang accept-button.

["Ash.Hello?Ash."]

"A-ustin,b-bakit?"

["Asa'n ka?"] Ramdam ko sa boses niya ang panic.I saw Eunjee mouthed the word 'Mall' repeatedly.

"Sa abandoned building sa likod ng school." Ngumiti ako nang nakakaloko kay Eunjee.Buti't nasabi ko 'yun bago niya ilayo ang phone.

Pero nagtaka ako nang bigla siyang tumawa ng napalakas.Hagalpak in other word. "Hahahahahahaha!Tanga ka talaga!I have set a bomb right after you came here.Hahahaha!Anytime now,sasabog na 'yun dahil 5 minutes lang ang time set nun." A bomb?Ano 'to pelikula?

"'Wag mo nga 'kong pinaglololoko!Ano 'ko,action star?" Natatawa kong banat.

"Uhhhm...maybe,I guess." Agad siyang tumakbo palabas ng room at sinundan siya nung alalay niya.Childish.

Pero biglang nag-butil ang pawis sa noo ko nang may makita akong hindi ko inaasahan sa upuang katabi ng posteng pinagkakatalian ko. "Sh*t." Pinilit kong makawala sa pagkakatali pero sobrang higpit.What am I gonna do?I have 2 minutes.

Third Person's POV

Nagpupumilit na pumasok ang isang binata sa gusaling matatagpuan sa likod ng unibersidad na kanilang pinapasukan.Samantala mariing pinipigilan at hinihila ng isang babae ang naturang binata.

"Austin,'wag ka nang lumapit d'yan.Mapapahamak ka lang." At saka hinila ng babae ang binata.

"Hindi pwede!Ash is inside that f*ckin' building." Pagpupumilit nito at ibinalibag ang brasong nakakapit sa kanya.Napahiga sa damuhan ang dalaga at napaiyak na lamang sa ginawa ng binata. "E-eunjee,sorry." Binaling na ng binata ang atensyon sa gusali at akmang lalapitan na ng biglang sumabog ito. "N-no." Bulong ng binata.

"Oh my gosh!" Agad napatayo ang dalaga at kumapit sa braso ng binata.Nagtakip ito ng bibig,unti-unting lumuha at yumakap sa binata.

"Ash." Nanlulumong sambit ng binata.

"Annica!" Napatunghay ang dalaga sa lalaking sumigaw sa likod. "G*go ka,Abo!" Hinila nito paharap ang binata at binigyan ng isang malakas na suntok dahilan para matumba ang binata.

"Trip!Tama na!" Mangiyak-ngiyak na sigaw ng isang babae na nakasunod kay Trip,si Cass.Ngunit ayaw paawat ni Trip at patuloy ba sinusuntok si Austin. "Trip!!" Ulit na sigaw nito na siyang ikinatigil ni Trip.

"Wala ka man lang ginawa para iligtas siya." Singhal ng binata kay Austin.Hindi sumagot ang binata,sa halip ay humiga ito sa damuhan at hinayaang tumulo ang kanina pang pinipigil na luha.

"Anooong naaaangyaaareee!!" Sigaw ng isang propesor na pinaghihinalaang kabilang sa pangatlong kasarian.Napatakip naman ng tenga ang mga nadaanan niyang estudyante.Kasunod ng propesor ang dalawang dalaga,sina Yumi at Ayu.Saglit na nagkatinginan ng matalim sina Ayu at Eunjee,nakangisi si Eunjee samantalang pailing-iling na lamang si Ayu. "Magsalita kayo!May tao ba sa loob?!"

Agad nagbago ang ekspresyon ni Eunjee,mula sa pagkakangisi hanggang sa mangiyak-ngiyak na mukha at nagsalita. "Sir,s-si Ash po.P-pinigilan ko po siya,pero n-nagpumilit po s-iya e."

"Ash?H-hemington?" Tumango tango naman si Eunjee bilang tugon sa propesor. "Hayy,jusmiyo marimar." Hinilot nito ang kanyang sentido.

Agad namang nagdatingan ang mga ambulansya at bumbero saka pinuksa ang apoy.Narekober ang katawan ng isang dalaga at idineklarang may buhay pa ito.

*

Cass' POV

I immediately went to the hospital where Ash was admitted.

"M-meron po bang pasyenteng Annica Hemington?Kaa-admit lang po." Nanginginig at basag ang boses kong tanong.Ash.

"Ah ma'am,nasa ER pa po e." Emergency room.Agad akong tumakbo kung nasa'n man ang ER.

Nakita ko si Trip na naka-upo at naka-yuko sa isang upuan.Nakarinig naman ako ng yabag sa likod ko kaya napatunghay ako,maging si Trip.Si Xen pala.

"Si Ash.Okay lang ba siya?" Bakas sa kaniya ang sobrang pag-aalala.

"P're,maghintay na lang tayo." Mahinahong bilin ni Trip.Tumabi siya kay Trip habang ako ay pasilip-silip sa kwarto kung nasa'n si Ash,nananalangin na sana ay maging ligtas siya.

"Uhhm,sino pong relatives ni Annica Hemington?" Napalingat 'yung dalawa sa doctor na lumabas.Lumapit kaming tatlo sa doctor. "Sa ngayon,critical ang lagay niya.Matanong ko lang,kagagaling niya lang dito no'ng nakaraang linggo,hindi ba?"

"Ano naman pong kaso dun?" Si Trip.

"May malaking posibilidad kasing mawala nang panandalian ang ala-ala niya dahil sa ang nakaraang aksidente niya ay nadagdagan na naman.At sa ulo na naman siya napunterya.Pero,posibilidad pa lang.Sige,I'll go ahead.You can check her now." Nagpasalamat kami sa doctor at pumasok sa kwarto ni Ash.May benda ang buong ulo at mukha niya.May posibilidad ring nasunog ang mukha niya.

Umupo ako sa couch malapit sa kama niya.

"Ash,napapadalas ka na dito a." Nakangiting sabi ni Trip even though his eyes are quite looking weak.But it really gives me shivers when he calls him Ash.He used to call Ash as Annica kasi e.He caressed Ash's hair and looked at the guy next to him. "Ey,ba't ka nga pala nandito?"

"Ah,t-tiningnan ko lang kung okay s-si A-ash.Sige,una na k-ko." Pautal-utal niyang sabi at saka agad na lumabas ng room ni Ash.

"What's wrong with him?" Napalingat naman si Trip sa'kin.Nagkibit-balikat lang siya and get back to his business.

Lumapit ako sa kanila at tiningnan ang kalagayan ni Ash. "Sa tingin mo,aksidente talaga ang nangyari?" Tanong ko habang nakatingin kay Ash.Balot na balot ng benda ang buong mukha niya pati ang mga braso. "Hindi ko kasi talaga maintindihan 'yung mga nangyari e.Ano namang gagawin ni Ash sa building na 'yun,e diba abandonado na 'yun."

"So,you think it's not an accident?"

"Nagdadalawang isip pa ko,Trip.I can't conclude without even a single evidence.Pero iba talaga ang pakiramdam ko kay Eunjee kanina." Paliwanag ko.

"Eunjee?Last time I checked,okay na sila ni Ash.Nag-sorry na siya bago pa 'yung naunang aksidente." Nag-blink siya ng mabilis tapos tumingin sa'kin.Magsasalita na sana siya pero may biglang pumasok sa room.

"Hi." Bati ng isang babaeng naka-wheelchair at lumapit sa kama ni Ash,si Eunjee. "Is she okay?"

"Okay?Sa lagay na 'yan?" Bulong ko kaya siniko ako ni Trip sa tagiliran. "Labas lang ako saglit,papahangin." Nginitian ko si Trip at lumabas na ng kwarto.

Wait.Wait nga lang.Sumilip uli ako sa kwarto tapos agad ding sinarhan 'yung pinto.Naka-wheelchair si Eunjee?Inalala ko 'yung nasa likod kami ng university,hindi siya naka-wheelchair no'n pero nakatayo siya.Hindi kaya--no,imposible.Posible kayang magawa n'ya 'yun?

I need to find clues first. Yes, that's what I need to do.

*

Magi-isang linggo nang nasa ospital si Ash. Hindi ko na siya nabibisita these past few days, naging busy din kasi ako this sem. Tambak ang projects at requirements na kailangang ipasa agad.

Tuloy-tuloy pa rin naman ako sa pagi-investigate about Eunjee. Malakas ang pakiramdam kong nakaka-lakad na siya.

"Cass!" Napa-pitlag ako nang may tumawag sa'kin. Si Trip.

"Bakit? Any news?" Tumigil siya sa harap ko. Pawisan at hingal na hingal.

"Si Ash." Sounds like a bad news. "She's critical. Dadalhin siya sa ibang bansa for better cure." Nalag-lag ang hawak kong mga papel at libro. "Don't worry, she's gonna be okay."

Eunjee's POV

I hope I killed her, already. Shit, 'pag nagising siya talagang makukulong ako.

flashback

"I'll visit Ash Hemington." Sabi ko sa nurse.

"Sorry po ma'am. Hindi po kasi pinapayagan ng family niya 'pag wala sa list." What the?

"I'm her friend. Bestfriend." Pagpupumilit ko.

"Sorry po talaga ma'am." I can't give up.

"It's okay. I know you're just doing your work, right?" She nodded. "I know how poor you are." Inirapan ko siya at iniwan.

*

"Hey." I whispered at the nurse who passed by. "5,000?"

"Ano pong kailangan niyo ma'am?" I smiled at her.

"Uniform."

I changed my clothes then went to Ash' s room.

Dahan-dahan kong binuksan 'yung pinto. Sinuot ko 'yung surgical mask at pumasok. Kinuha ko 'yung isang unan sa couch at lumapit sa kanya. Itatakip ko na sana sa kanya 'yung unan nang bigla siyang gumalaw.

"Hmmm.." She moaned. Tapos bigla siyang tumingin sa direksyon ko. Kita ko ang panlalaki ng mga mata niya.

Nakikilala kaya niya 'ko?

Lumapit ako sa kanya at akmang i-tatakip sa kanya 'yung unan pero bigla niyang hinablot 'yung mask revealing my face. Pero hindi na 'ko pwedeng umurong. Itinakip ko na sa kanya 'yung unan.

Nag-pumiglas siya pero ginamitan ko ng enough force para hindi siya makawala. I smiled when I saw the straightening lines on the monitor.

Umingay 'yung monitor kaya inayos ko na agad 'yung surgical mask. Naka-pikit na uli si Ash kaya dali-dali kong inayos 'yung unan sa couch.

"Eu-Eunjee.." Tumingin ako sa direksyon niya only to see her smiling at me then pressed a button beside her.

Agad akong tumakbo palabas pero may naka-salubong akong nurse. "Tatawagin mo si doc?" Tanong niya sa'kin. I just nodded and run.

If she's not dead, I'm dead.

"What are you staring at?" Napa-pitlag ako nang biglang may nag-salita.

"A-Austin, kanina ka pa d'yan?" I dumbfoundedly asked.

"Well, you asked me to go with you." He looked at me poker-faced then sipped from his coffee.

"Ah, jinjja?" Inirapan niya lang ako at umiwas ng tingin.

*

"Hatid na kita." Cold na pagkaka-sabi ni Austin.

"'Wag na. Ayaw mo naman ata e." Palayo na sana ako pero pinigilan niya ang wheelchair ko. I smiled privately. Maybe he still have feelings for me.

"H'wag ka ngang maarte. Sakay na." Binuksan niya ang pinto sa passenger seat.

I frowned.Like, hello? Naka-wheelchair ako if you know. "You really lost your feelings for me, don't you?"

"I told you, I really don't have feelings for you in the first place." I 'tss-ed'.

"Then why'd you commited a relationship with me?" He stayed silent. I heaved a sigh.

"I just needed to." Okay, I want to cry. But I still want to look strong. "I-I'm sorry." I didn't answer him. Baka mag-crack bigla 'yung boses ko e. "If you need someone, I'll always be here. Eunjee, you don't have to be alone."

We stayed silent for the whole ride. Comfortable silence though.

"Thanks for the ride." Pa-pasok na sana ako pero tinawag uli niya ako.

"Eunjee," He left a pause and kissed my forehead. "I might not loved you, but always remember that I cared for you. Ako ang kuya mo mula ngayon." Kuya. I smiled.

"Thanks." I heaved a sigh after he left. "Kuya." I murmured.

Sorry, Austin. You don't know what I did...and what I can do to have you back.

Nang hindi ko na siya matanaw. Tumayo na 'ko sa mula sa wheelchair ko.

"Nakaka-pagod bang mag-kunwaring pilay." Napa-pitlag ako at tumingin sa nag-salita. Sht.

"Cass?"

**-**-**

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top