Thirteenth Chapter
Olivia Cherry Castro Flores' P.O.V.
“Feliz Navidad!”
“Merry Christmas!”
“Yoohooo!”
Ilan lang 'yan sa sigawan ng mga tao dito sa loob ng main hall sa isang sikat na hotel, mga kakilala namin ang mga tao dito, nakasanayan na namin ni Weasley na ganito mag-celebrate ng pasko kung hindi abroad o sa bahay. Umuwi rin kasi ang mga tauhan sa bahay, dalawang linggong bakasyon para makasama nila ang kanilang mga pamilya sa pasko at bagong taon, may pasobra pang ilang araw.
“Merry Christmas, Cherry.” bati sa akin ni Weasley at itinaas ang baso niya na may lamang alak (whisky).
“Feliz Navidad.” nakangiting bati ko sa kaniya at nakipag-tose gamit ang wine-glass kong may laman na wine (alangan beer? 'di ba? duhh).
“Oh, baka malasing ka niyan.” pang-aasar ko kay Weasley nang ubusin niya ang laman ng baso niya.
Tinignan niya ako ng masama, “Tsk, me? Being drunk is not in my dictionary.” asar na sabi nito at itinaas ang inilibot ang tingin sa paligid.
“Cherry, I'm just goin' to find Lash, enjoy!” sabi nito at inabot ang baso niya sa waiter na dumaan sa amin, tumango naman ako at tinignan ang mga taong nagsasaya. Ang iba ay sumasayaw, ang iba naman ay sumasabay sa kantang Club Can't Handle Me by Flo Rida, ang iba ay nagbubulungan, ay meron din namang nagi-isa lang na umiinom.
Nahagip ng mata ko ang lalaking nakasuot ng tuxedo na knight-blue ang kulay at pinarisan ng necktie na plain black, napalingon ito agad, nagka-titigan kami ng ilang segundo lang. Hindi ko namalayan na sa gitna ng aming pagkakatitigan ay naglalakad na pala ito palapit sa kinatatayuang direksiyon ko.
Parang nawalan ako ng pandinig nang dahan-dahan siyang naglakad palapit sa akin habang hawak ang wine glass, pakiramdam ko pa ay nag-slowmo ang lahat ng tao at lumiwanag sa paligid namin, nang ngumiti siya ay parang endorser siya sa isang commercial ng toothpaste dahil sa sobrang gandang ngiti, tila ba ay kumislap ang kaniyang mga ngipin nang siya'y ngumiti sa akin.
Nang makalapit siya sa akin ay itinaas niya ang kaliwang kamay niya na nakahawak sa kaniyang baso, “Merry Christmas!” nakangiting sabi nito, nasa apat na segundo bago ako bumati pabalik sa kaniya dahil tumitig pa ako sa mga mata niya.
“Does my tuxedo fits my beautiful shoes?” nakangiting tanong nito at tumingin paibaba at sinundan ko naman ang tingin niya at nakita kong suot niya ang niregalo kong sapatos sa kaniya nung Christmas party namin.
Bumalik ang tingin ko sa kaniya pero naka-tingin pa rin siya sa mga sapatos niya, “Y-yes, of-ofcourse. You look w-wonderful t-tonight.” utal-utal kong sagot, uminom ako ng wine dahil nahihiya ako at pautal akong sumagot sa kaniya.
Agad siyang tumingin diretso sa mga mata ko at ngumiti, “I thought you don't like it, kanina ka pa kasi parang lutang at nauutal ka pa.” sabi nito at mahinang tumawa sa pagkatapos.
Nag-iwas ako ng tingin, “Ehm, my sorry, Kyne.” sagot ko sa kaniya habang nakatingin sa braso niya dahil sa nag-iiwas ako ng tingin sa mga mata niya.
“Huh? Why do you look like not feeling well?” Nawala ang malaking ngiti nito kaya walang hiya na akong tumingin sa mga mata niya.
“Ofcourse not, baka puyat lang haha.” sagot ko sa kaniya at nagpanggap na tumatawa.
Tumango-tango naman siya at itinaas ang baso niya, “Oh, OK, let's just enjoy this beautiful night.”
Itinaas ko rin ang baso ko at nakipag-tose sa kaniya, sabay kaming uminom at inubos ang laman ng mga baso namin. Ngumiti kami pagkatapos at itinuloy ang aming kuwentuhan.
Sa tagal ng aming kuwentuhan ay nakarating na kami sa pool area ng hotel at sa gitna ng aming tawanan ay parang nabalik ako sa wisyo nang may sabihin siya.
“Y-you know what.. aiishkk.. there's a s-secret t-that's al-always runnin' i-in my mind, a secret b-by my f-friend T-thunder.” utal-utal na sabi nito dahil sa kalasingan, nakakailang bote na rin kasi kami ng alak at puro hard na klase ang iniinom namin.
“Thunder?” gulat kong tanong at inayos ang upo ko at tinignan siya, naka-tingin siya sa tubig sa pool na gumagalaw dahil sa hangin.
“What about me?”
Sabay na napalingon kami ni Kyne sa direksyon kung saan nanggaling ang boses at nakita namin si Thunder, kumaway pa ito. Naka-suot ito ng red tuxedo kapares ang green na tie.
Tumayo si Kyne at naglakad palapit kay Thunder, parang hindi lasing ito dahil sa ayos ng lakad. Ginawa nila ang kanilang hand-sign at nagbatian, sabay silang naglakad palapit.
Lumingon ako pabalik sa pool, “Merry Christmas.” narinig kong bati sa boses ni Thunder.
Tumingin ako at nakita ko si Thunder na nakatayo isang metro ang layo sa pool, umupo naman si Kyne sa kaniya inuupuan kanina lang. Ngumiti ako kay Thunder at bumati sa kaniya pabalik, inubos ko ang laman na alak ng baso ko at ipinatong ito sa parang center table sa tapat ng couch kung saan kami nakaupo ni Kyne.
“Kanina ko pa hinahanap si Kyne, kasama ka lang pala.” pagbubukas ng topic ni Thunder, ngumiti naman ako at sumandal sa sandalan ng couch.
“Yeah, napasarap kasi ang kuwentuhan namin kanina kaya naisip namin na lumabas at dito na lang magkuwentuhan, medyo madaldal pala ang kaibigan mo.” paliwanag ko at nagpekeng tawa dito.
“T-talaga?” nagtatakang tanong nito at tinignan si Kyne.
“Oh? D-don't you w-rorry, m-my friend, d-don't be s-so jealous...” utal-utal na sabi ni Kyne at uminom ng alak.
“J-jealous?” wala sa wisyong tanong ko dahil medyo inaantok na ako.
“Y-you know...” naputol ang pagsasalita ni Kyne nang sumabat si Thunder, “You're drunk, Kyne, let's go, ihahatid kita sa bahay niyo.” sabi nito at nilapitan niya si Kyne.
Nang hahawakan niya na si Kyne ay biglang itinaas ni Kyne ang kanang kamay nito na nagpapahiwatig para pigilan niya ito, “D-don't...” sabi ni Kyne.
“Cherry, he likes you, Thunder has feelings for you-” diretsong sabi nito na para bang hindi na lasing at nasa normal na katinuan.
“DON'T MIND HIM!” agad na sigaw ni Thunder at tumingin muli kay Kyne.
“He likes me?” tanong ko at tinitigan sa mata si Kyne.
Papikit-pikit na ito at naka-hawak ang mga kamay sa braso ni Thunder dahil gusto na siyang kunin nito para ihatid na ito pauwi.
“Yeah, he said that to me, I s-swear.” sabi nito at tuluyan nang nakatulog dahil sa sobrang kalasingan.
“Aiickk, he's really drunk, don't mind him.” sabi ni Thunder at agad na kinuha si Kyne, sa ilang segundo lang ay nawala na sila sa paningin ko.
Ano 'yun? Gusto daw ako ni Thunder? HAHAHAHAHAHAHA. Sa sobrang kalasingan ni Kyne, kung ano-ano na ang sinasabi niya. Pero... Pero si Thunder daw mismo ang nagsabi sa kaniya. Matagal na rin silang mag-kaibigan kaya imposibleng mag-sinungaling sila sa isa't-isa. Pero... what if? Hindi naman siguro totoo iyon, pero paano kung totoo?
“What's up? Hindi na kita nakita kagabi, umuwi ka pa daw kagabi? Sobrang lasing ka ba? HAHAHAHA.” sunod-sunod na tanong ni Weasley at umupo sa upuan na nakaharap sa akin.
“Tsk. Ayos naman ako, oo umuwi ako kagabi, sobrang lasing rin ako.” sarkastiko kong sagot sa mga tanong niya at hinilot-hilot ang gilid ng noo ko dahil medyo nahihilo ako dahil sa hangover.
“HAHAHAHA, sabi mo pa na baka ako ang mala-” tinignan ko siya ng masama at pinutol ang sasabihin niya, “Bakit hindi ba? Sa hotel ka na nga nag-stay dahil sa sobrang kalasingan. Ikaw ba naaalala mo pa ang mga ginawa mo kagabi? Kasi ako, oo. Naaalala mo pa kung paano ka nakarating sa hotel room mo? Kasi ako, oo, alam ko paano.” gigil at inis kong sabi dito.
Napa-tahimik ito ilang saglit at ibinalik ang tingin sa akin, “Paano nga ba ako nakarating sa hotel room ko?” tanong nito.
Napa-halakhak ako sa tanong niya at tinignan ko siya sa nang-aasar na ngiti, “HA... Hinatid ka ni- HAHA... hinatid ka ni Jera HAHAHAHA.” natatawa kong sagot sa kaniya, hindi na ako halos makahinga sa sobrang tawa ko.
“Jera? 'Yung gay na may gusto sa akin?” gulat na tanong nito at mas lalo akong natawa.
“Yeah, what if... HAHAHAHA, p-pinagsamantalahan ka? HAHAHAHA.” natatawa kong tanong sa kaniya at parang nawala ang hangover ko sa sobrang tuwa.
“NO! OFCOURSE NOT!” galit na sagot nito at bakas sa mukha niya ang kaba at hiya.
“Don't worry... HAHAHAHA. Masiyado kang kabado, HAHAHAHA. Agad daw lumabas si Jera pagkahatid sa 'yo sa kuwarto at kasama niya 'yung isa niyang kaibigan. HAHA.” natatawa ko pa rin na sagot sa kaniya.
“H-how did you know?” tanong nito at halatang nabawasan ang kaba niya.
“Someone texted me, kasama niya daw si Jera nung hinatid ka sa kuwarto. Baka daw kasi may maghanap sa 'yo.” sabi ko, medyo nawala na ako sa oras para tumawa pa dahil hindi na ako makahinga sa sobrang kakatawa, at baka ma-deda pa ako kapag pinilit ko pa ang sarili na tumawa para lang asarin ang kaibigan ko.
“T-thank God.” mahinang sabi nito at uminom ng tubig.
Pero 'yung sa sinabi ni Kyne, paano 'yun? Nababaliw na ako kakaisip, siyempre naging crush ko rin naman si Thunder kaya nakaramdam rin ako ng kilig nang mapagtanto ko ang lahat ng nangyari kagabi. Magpapaligaw ba agad ako kapag si Thunder mismo ang nagsabi sa akin? Madalas na kaming lalabas para mamasyal at mag-date, lagi niya na ako bibigyan ng mga bagay para ipadama niya ang pagmamahal niya sa akin... Bigay?
Wait... hold up... wait a minute.
HINDI KAYA SIYA ANG NAGBIGAY NG BAG SA AKIN? 'Di ba kasi affected siya nung sinabi kong hindi ko masyado nagustuhan 'yung bag? Remember? Siya kaya 'yun?
fLaShBaCk...
[ “And? Ayaw mo ba no'n? Ang sweet kaya.” sabi nito nang naka-taas ang kilay.
“Well no, it's so cringe! Why don't he just gave it to me personally? And if he likes me, so what? Tsk.” asar kong sagot.
“Y-you don't like it?” tanong nito at tumitig sa box.
“N-not at all, there's a part of me that I like it because the bag inside that is so pricy but there is also part of me that doesn't like it because it's so pricy and who am I to receive a bag costs millions?” I explained.
“The guy spent millions for it and you don't like it? It's every girl's dream to receive a pricy bag and also you are lucky because you received it in a unique way? Don't you feel?” Parang asar na sagot nito dahil may diin ang mga salitang binibigkas nito.
“Why are you so defensive? Are you the one who gave it?” Pabiro kong tanong sa kaniya.
“N-no, of c-course.” Utal na sagot nito at napataas naman ako ng kilay. ]
What if siya 'yun? Siya 'yung nagbigay ng bag kaya ang defensive niya nung sinabi kong hindi ko masyado nagustuhan 'yung bag?
“So deep.” Naputol ang pagi-isip ko nang magsalita si Weasley, napatingin ako sa kaniya at naka-titig naman ito sa akin.
“Tell me, Weasley...” sabi ko dito at uminom ng tubig. “Yeah?” maikling tanong nito at hinilot-hilot ang gilid ng noo niya habang nakapikit.
“Have you ever been bought a bag worth millions?” tanong ko dito.
“Yeah, it costs eleven million, I-it's my last gift to mom before she died.” sagot nito habang nakapikit.
Ang akala ko ay siya na mismo ang nagbigay nung bag sa akin, akala lang pala. Kaya may posibilidad na si Thunder talaga ang nagbigay sa akin ng bag, tama ba?
“O-OK. Pero bumili ka na ba ng bag na milyon ang halaga para sa isang babae?” tanong ko dito.
Nakapikit pa rin ito habang hinihilot ang gilid ng noo, “A bag worth millions? Yeah, 'di ba nung binilhan kita ng bag nung 18th birthday mo, sobrang nagustuhan mo 'yun.” sabi nito.
Iginalaw ko ang aking ulo dahil kung ano-ano na ang iniisip ko, kung alam ko lang na may ganun akong malalaman, sana ay hindi na ako nagpunta kagabi, tsk.
“Weas, do you think that a guy can buy a bag worth millions to give it to a girl because he likes it?” tanong ko dito.
“Maybe, I guess. Guys usually give flowers or sweets to a girl to show her his feelings.” sabi nito.
“Hmmkay” maikling sagot ko dito at tinitigan ang mga prutas sa gitna ng mesa.
Kung si Thunder ay may gusto talaga sa akin, posibleng binili niya 'yung bag para ibigay sa akin dahil gusto niya nga ako. Pero paanong 'yung bag na gusto ko pang bilhin ang binigay niya? Paano kung sinusundan niya ako nung naghahanap ako ng pangregalo para sa exchange gift at narinig niyang tinanong ko sa saleslady 'yung tungkol sa bag. Paano kung siya pala 'yung nakaka-text ko na si Mr. Anonymous? Paano kung... aahhhh! Puro na lang paano.
Nababaliw na ako kakaisip, nakakaasar naman! Mababaliw na talaga ako, nago-overthink ako habang may hangover, grabe, ang tibay ko naman. Tsk, nakakabaliw.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top