Third Chapter
Thunder Mikael Rodrigo Smiths' P.O.V.
“You're looking for me?” tanong ni Jhela pagkapasok na pagkapasok sa office ng SSG officers, wala ang iba kong kasama dahil lunch time.
Inikot ko ang aking upuan at nakita ko ang naka-simangot na mukha ni Jhela (lagi naman).
“Will I call you if not? D'you know the girl named Cherry Flores?” tanong ko dito at nag-swipe swipe sa screen ng phone ni Cherry, ang galing niya kumuha ng stolen shots, hindi ko inakalang Accountancy ang course no'n instead of Photography.
“Y-yeah. And why are you asking me about that ugly duck?” mataray niyang tanong, halatang hindi siya interesado.
Tinignan ko ito sa mga mata niya at nagsalita sa mahinahong tono, “Nangunguna ka daw sa pambu-bully sa kaniya.”
Napatingin ito sa ng deretso sa mga mata ko na tila ba gulat, “What? Kanino mo naman nakuha iyan?”
“So, it's true?” I said and get back my attention to the phone.
“A-ano naman k-kung totoo? Isusumbong mo 'ko kay mom at dad?” mataray na sabi nito pero halatang kinakabahan ito dahil nauutal-utal ito.
“Tinanong ko lang naman, ba't mo ba siya binu-bully?” seryoso ko siyang tinanong, wala naman talaga akong pakialam kay Cherry, ibabalik ko na nga 'tong phone niya.
Concern ako about sa bullying sa school dahil president ako ng SSG, at ipinangako ko na titigil ang bullying habang ako ang president sa SSG tapos sarili kong kapatid, e, bully? Ano na lang ang sasabihin ng iba?
“She's a trash, at alam mo bang pinuntahan siya ni kuya Cole kanina? Halos lahat ng estudyante sa school, e, pinag-uusa-”
“Inutusan ko si Cole dahil ibabalik ko sana 'tong phone niya sa kaniya.” agad kong pinutol ang pagsasalita niya sa mataas na tono dahil nakakapagod nang pakinggan ang mga walang k'wenta niyang sasabihin.
“At bakit nasa iyo 'yang phone niya?” mataray nitong tanong pero halata ang pagkagulat niya.
“Kung gagawa ka na naman ng issue dahil nasa akin ang phone niya, 'wag mo na ituloy, naihulog niya 'to kahapon dahil sa nabangga niya ako.” sagot ko dito at ibinaba ang phone sa lamesa.
“OK, fine. Pero, ano ba talaga gusto mong sabihin sa'kin?” sabi nito at nagkibit-balikat.
“Itigil mo ang pambu-bully mo or else...” tinignan ko siya ng masama at inayos ang upo ko.
“Or else, isusumbong kita kay Dad.” ngumiti ako ng masama dito, takot siya kay dad kaya imposibleng hindi niya ako sundin.
“Go, tell him. Sa tingin mo ba natatakot pa-”
“Oo, kung ayaw mong bumalik sa tunay mong tatay ayaw ka na makasama.” deretso kong sagot dito.
“K-kuya...”
“Susunod ka ba o hindi? Hindi ako papayag na ikaw ang hahadlang sa pagiging SSG president ko, Jhela. SSG president ang kuya mo tapos ikaw bully? Stop playing with that kind of game, I'm so tired of talking to those students whose victim of bullying and you're the suspect with it.” galit na sabi ko dito at tinignan siya ng masama.
“Ibalik mo 'tong phone niya sa kaniya and apology to her, kapag malaman ko pa na binu-bully mo pa siya o kung sino pa sa schoolmates mo, ihanda mo na ang mga gamit mo sa bahay, OK?” dagdag ko pa rito at pinadulas ang phone sa kabilang side para makarating sa kaniya.
Tinitigan niya saglit ito at ibinalik ang tingin sa akin, namumula na siya, “Kuya, kahit minsan ba, e, tinuri mo 'kong kapatid mo?” deretsong tanong nito, bakas ang lungkot sa tanong niya.
“Sa tingin mo, Jhela? Aayusin ko ba ang mga kalat mo-”
“Hindi, inaayos mo lang ang mga kalat ko dahil sa gusto mo ipakita sa mga estudyante ng school na 'to na may ginagawa ka, pinapabango mo lang ang sarili mo.” sinamaan ako nito ng tingin.
“Tsk, wala ka nang pakialam pa, hindi naman ikaw ang nasa posisyon ko kaya hindi mo rin maiintindihan. Now, all you have to do is to get that phone, give it to Ms. Flores, and apology to her for bullying...” I stopped and looked at her, and saw her almost crying.
“Not just to Ms. Flores but to all students that you bullied.”
“K-kuya, no, a-ano na lang ang s-sasabihin ko sa mga k-kaibigan ko?” uutal-utal nitong tanong habang pinupunasan ang mga luhang tumutulo mula sa kaniyang namumulang mga mata.
“Iisipin mo pa ba 'yan?! Ha?!” galit at pasigaw kong tanong nito.
“F-fine, kuya, I-i'm sorry.” kinuha nito ang phone sa ibabaw ng mesa at agad na lumabas ng SSG office.
Tsk, kahit kailan talaga ay napaka-babaw niya. Hindi naman ako gano'ng uri ng tao, 'no. Yeah, she's adopted, patay na ang tunay niyang nanay simula nang maipanganak siya, nahirapan sa panganganak kaya ayon, six years old si Jhela nang pinaampon siya sa amin ng papa niya dahil sa galit at ayaw nang maalala kung paano namatay ang asawa niya. Inintindi siya ni mom kaya pinakiusap niya kay dad na tanggapin si Jhela kaya ang mas kinakatakutan ni Jhela ay si dad, kung ayaw niya ba naman bumalik sa tatay niyang nananakit, e.
Olivia Cherry Castro Flores' P.O.V.
Hindi naman siguro masamang makinig sa usapan ng mga tao, 'di ba? Hindi nga ba? Pero hindi ko naman sinasadya 'yun. Tsk, ba't naman kasi hindi ko na lang inantay na ibalik sa'kin 'yung phone.
Andito ako garden ng school habang naka-sandal sa puno (na wala naman siguro nakatirang kapre), habang iniisip ang mga narinig ko kanina sa labas ng SSG office, narinig ko 'yung usapan nilang dalawa ni Jhela at Thunder. Nag-aaway sila dahil sa pambu-bully ni Jhela at ang hindi ko makalimutan ay ang part na...
“Go, tell him. Sa tingin mo ba natatakot pa-” -Jhela
“Oo, kung ayaw mong bumalik sa tunay mong tatay ayaw ka na makasama.” -Thunder
Ampon ba si Jhela? Look, kung sasabihan niyo ako ng chismosa ay hindi po, hindi lahat ay narinig ko, ang narinig ko lang ay simula nang sinabi ni Jhela na...
“What? Kanino mo naman nakuha iyan?”
Hanggang sa sinabi ni Thunder na...
“Oo, kung ayaw mong bumalik sa tunay mong tatay ayaw ka na makasama.”
Hanggang do'n lang talaga ang narinig ko, hindi ko naman kasalanan kung hindi nila sinara ng maayos 'yung pinto, 'no, may tenga ako kaya maririnig ko talaga ang pinag-usapan nila.
Pero hindi ko naman talaga sinasadya, na-curious lang, tao lang naman rin kasi ako, 'no! Sila lang naman ang nagsasabing mangkukulam ako. At isa pa, kahit naman may marinig ako ay hindi ko basta-basta iku-kuwento sa iba. Kaya safe 'yung usapan nila sa akin.
“Cherry!” napalingon ako sa sumigaw at nakita ko si Weasley na tumatakbo papunta sa direksiyon ko.
Umupo ito sa may tapat ko at ngumiti, “Ang lalim yata ng iniisip ng bestfriend ko. Is there any problem?”
Ang problema ko ay...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top