Tenth Chapter

Olivia Cherry Castro Flores' P.O.V.

At inabot ako ng ala-una sa café at kahit anino ng salamangkerong iyon ay hindi ko nakita, naka-tatlong order pa nga ako ng kape, e, hindi naman pala ako sisiputin. Tsk.

“Lungkot mo naman yata?” pag-bungad ni Weasley nang makita ko siya sa may front garden.

“Hindi siya tumupad sa usapan.” matamlay kong sagot at dere-deretsong naglakad, naramdaman ko naman na naka-sunod siya sa akin.

“What do you mean?” tanong niya nang makarating kami sa living room, umupo muna ako sa sofa at gano'n rin siya.

Tinignan ko siya at halata sa mukha niya na curious siya, “Walang Thunder Smiths ang nag-pakita kanina, inabot ako ng tatlong oras sa café pero wala.” matamlay ko pa rin na sagot habang naka-tingin sa mga kuko ko.

“Wow, siya na nga'ng nag-aya sa'yo at siya pa ang may ganang hindi pumunta?” asar na sabi nito at pumalakpak. “Grabe, ang galing niya!” dagdag pa nito.

“Baka naman may dahilan.” pagta-tanggol ko kay Thunder.

“At dine-depensahan mo pa ang walang'yang 'yon.” asar na sabi nito.

“No, it's not like that, maybe there really is a problem or an emergency, right?” depensa ko.

“Tsk. Didn't he text you?”

Umiling ako sa tanong niya, “No, he doesn't have my phone number at wala naman dahilan para ibigay ko, 'di ba?” sagot ko.

“Whatever. Kumain ka na?”

Ngumiti ako at tumango, “Yep, inaantok na ako, gusto ko na matulog. Bukas na lang siguro tayo mag-kuwentuhan.”

“Hmmkay. Good night.” sabi nito.

Tumango ako sa kaniya at tumayo, inabot ko ang paperbag at naglakad na papuntang hagdan paakyat.

“And sweet dreams, Cherry.” rinig kong sabi niya nang maka-hakbang na ako ng dalawang beses paakyat.

“Likewise and Good night also.” sagot ko nang hindi lumilingon sa kaniya at nagpatuloy na ako sa pag-akyat.

Pagpasok ko ng kuwarto ay hinagis ko sa sofa ang bag at paperbag tsaka ako humiga sa kama ko, aaackkk, sarap matulog.

Pero bago ako matulog ay iisipin ko muna kung bakit hindi ako sinipot ng kidlat na iyon, ang sama naman niya, kahit chat sa IG or FB ay wala, nakakaasar. Sa susunod talaga na yayain niya ako ay tatanggi na ako, ba't naman kasi ang dali kong bumigay.

“Hindi siya sumipot? Really?” asar na tanong ni Cey nang ikuwento kong hindi ako sinipot ni Thunder nitong Sabado.

“Kapal ng mukha, jusmeyo, pigilan mo ako, Cherry. Baka masapak ko ang lalaki iyong.” dagdag pa nito at tumawa naman ako.

“Baka kasi may prob-”

“Sige, ipagtanggol ko ang lalaking iyon, akala ko ba naka-move on ka na at tanggap mong wala talagang pag-asa? Ano na?” asar na tanong nito.

“Well, baka kasi may-”

“Wala na nga, kung ako sa'yo, hayaan mo na siya at 'wag mo na isiping magkakagusto siya sa'yo, kung magkakagusto siya sa'yo, ililibre kita ng dalawang libro, kahit magkano.” pang-aasar nito na parang siguradong hindi talaga magkaka-gusto sa akin si Thunder.

Well, baka kasi wala talagang pag-asa at spark between the two of us. Hayaan ko na lang siguro. Bahala ka na Kupido.

Na'ndito ako ngayon sa classroom, a-apat pa lang ang mga estudyante sa loob, masyado pa kasing maaga. Nakita ko si Jhe sa may pinto, nginitian ako nito at ngumiti naman ako pabalik.

Lumapit ito sa akin at umupo sa katabing upuan, “Hey, sorry kung hindi nakapunta si Kuya, ah.” agad na sabi nito.

“Oh, OK lang, hindi naman big deal.” sagot ko.

“Nag-antay ka ba ng matagal?” tanong nito at umiling naman ako.

“No, siguro thirthy minutes nang wala pa ang kuya mo ay umalis na rin ako.” pagsi-sinungaling ko.

“Ah, sorry ah, kasalanan ko, e.” malungkot na sabi nito.

“Bakit? Ano ba'ng nangyari?” kuryos kong tanong.

“Muntik na kasi akong malunod, nailabas ko naman 'yung tubig pero nanghihina pa rin ako kaya kinailangan akong samahan ni kuya sa ospital.” paliwanag nito.

“Ha? Are OK? May masakit ba sa'yo?” nag-aalala kong tanong sa kaniya.

“Don't worry, ayos na ako sabi ng doctor. Wala nang kailangan problemahin.” sabi nito.

Tumango naman ako sa kaniya, “Thank God.” sabi ko, at ngumiti naman siya sa akin.

Ilang minuto pa ang naging kuwentuhan namin nang dumami na ang mga kaklase naming nagsi-datingan, ilang minuto lang rin at dumating na ang propesora namin.

Natapos na ang lahat ng klase namin, at sa wakas ay makaka-uwi na rin ako. Tumayo na ako at binitbit ang bag ko gami ang kaliwang kamay ko, at hindi pa ako nakaka-labas ng classroom ay napansin ko ang awra ng isang lalaki na hinding hindi ako magkakamali ay si Thunder.

Normal akong naglakad palabas at nang makalabas na ako ay kunwareng hindi ko napansin, tama ako ng hinala na ako ang pakay niya.

“Cherry!” sigaw nito.

Marahan akong lumingon at nakita ko ang napaka-amo niyang mukha. [*•*]

“Hi.” pagbati ko sa kaniya.

“Sorry-”

Pinutol ko ang sasabihin niya dahil alam ko maman na ang ipapaliwanag nito. “Yeah, alam ko na, at 'wag mo na isipin iyon, ayos lang naman sa'kin.” naka-ngiti kong sabi.

“Oh, sinabi na sa 'yo ni Jhela?” tanong niya at tumango naman ako.

“OK, may gagawin ka pa ba?” tanong niyang muli.

“Wala na, pauwi na ako.” maikli kong sagot.

“So, p'wede mo 'kong samahan sa mall?” tanong niya at umiling naman ako.

Haler, hindi sa choosy ako o gusto kong pinipilit pero nangako ako sa sarili na hindi na magiging marupok pa, OK?

“You know what, hindi mo naman kailangan ng kasama para bumili ng regalo for your girl.” sabi ko dito at naka-tingin lang ito sa akin na parang hindi makapaniwala na tinanggihan ko siya.

“If you're going to give a gift for your girl, it doesn't need to be pricy or expensive. It should be meaningful and appreciatable.” dagdag ko pa.

“Ah, e, e 'di, ano, siguro...” nauutal ba siya o ano?

“Siguro?” tanong ko.

“T-thank you, I'll make sure to keep that in mind.” sagot niya.

“Owwkayy. I guess, I gotta go.” sabi ko at ngumiti naman siya at tumango. Tumalikod ako at naglakad na palayo.

“See, hindi mahirap gawin, 'di ba? 'Di ba?” pang-asar na tanong ni Cey sa akin.

“Oo na po, oo na.” sarkastika kong sagot..

“Sinabi sa iyo, e, 'wag kang umasa, anong ginawa mo? Umasa ka pa rin?” pang-aasar pa niya.

“Sorry naman, aanga-anga lang kasi 'tong kaibigan mo. Pasensiya na po.” sabi ko at yumuko-yuko pa para ipakitang humihingi talaga ako ng tawad.

“Ewan ko sa 'yo.” sabi nito na tila nagtatampo.

Haaay! Hindi ako makapaniwalang tinanggihan ko si Thunder, is this a sign of moving on? Pero happy ako, siguro ay tanggap ko na hindi niya ako gusto.

Narinig kong tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko ito sa loob ng bag ko.

Nag-text si Mr. Anonymous...

'You look so problematic, smile ka naman.'

Agad kong iginala ang tingin sa paligid, halos lahat ng estudyante dito sa garden ay nasa cellphone ang atensiyon.

'Where are you?' reply ko at inilibot muli ang tingin sa paligid.

'I'm here' reply nito.

Naasar naman ako dahil lahat ng tao sa garden ay nasa cellphone ang tingin.

'Kidding me?' reply ko.

'Oh, 'wag ka maasar, sungit masyado.' reply nito.

Hindi ako nag-alinlangang pindutin ang phone icon para tawagan siya, tumingin ako sa paligid at wala naman sa kanila ang nag-iba ang reaksiyon. Dinecline ni Mr. Anonymous ang tawag ko.

'Tss. Duwag mo naman masyado.' reply ko.

'Busy ako.' reply nito.

'Akala ko ba you're here?' reply ko.

“Cherry, I need to go, may prob daw sa art club.” sabi ni Cey, tumango naman ako.

“Ikaw ba? Aantayin mo si Weas dito?” tanong ni Cey, tumango ulit ako.

Nakita ko siyang sumilip sa screen ng cellphone ko kung saan tutok ang atensyon ko. “Mis-ter Anony-mous? Who's that?” kuryos na tanong nito.

“I also don't who is this, anonymous nga, right?” sagot ko dito habang nagta-type ng ire-reply ko.

“Ahh, baka looking for textmate lang, sige na, una na ako. Sabihan ko si Weas that you're here. OK?” sabi nito.

Tumango naman ako at ngumiti, bineso niya ako, “Ingat ka ah.” sabi ko.

“Ikaw rin, OK?”

Ngumiti naman ako at umalis na siya. Bumalik ang atensyon ko sa cellphone ko.

'Joke lang, wala ako sa garden, pero nakita kasi kitang problemado kanina kaya naisip kong problemado ka pa rin.' reply ni Mr. Anonymous.

'Ok, sige, bye na, busy ka pala.' reply ko.

'K bye, text na lang ulit kita mamaya.' reply nito.

Hindi na ako nag-reply pa at ibinalik ko ang cellphone sa loob ng aking bag at kinuha naman ang bago kong libro, novel ito about sa lalaking nagmahal ng diwata kaya gustong gusto ko basagin ito.

Ilang minuto pa ang lumipas at dumating na si Weasley, twenty minutes rin ang tinagal niya bago siya dumating.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top