Second Chapter

Olivia Cherry Castro Flores' P.O.V.

/tomorrow/

So, ayon haha, naiwala ko ang phone ko, tinulungan ako nina Cey at Weasley kahapon pero wala, sinabihan namin ang janitors pero wala naman daw nakitang phone. Ilang beses na namin tinawagan pero off ang phone, tsk. Siguro oras na rin pala palitan ko iyon, dalawang taon na rin naman na iyon, bahala na. Nakakahinayang lang 'yung mga pictures do'n, hindi lahat ay uploaded sa social media accounts ko lalo na 'yung MGA stolen shots ni Thunder, oo.

Simula junior high kapag nakikita ko si Thunder, e, kinukuhaan ko siya patago ng pictures haha. Papasa na nga akong paparazzi o kaya detective. Alam ko kaya kung sino buwan-buwan mga flavor nun haha pero hindi ko naman kawalan 'yun.

“What on Earth's happening?” bulong ko sa sarili nang makaabot malapit sa pinto ng classroom namin, nakita ko ang mga kumpulan ng mga babae sa pinto ng classroom at sa bintana.

Naglakad lang ako hanggang sa makaabot sa pangalawang pinto ng classroom, hindi ko makita kung sino ang pinagkukumpulan nila dahil mas matatangkad naman sila sa akin.

Nang pihitin ko ang hawakan ng pinto ay hindi naman ito naka-lock kaya mabilis akong pumasok para walang makahalatang bukas pa ang isang pinto, agad ko itong isinara at nang maka-lingon ako ay nakita ko ang isang guwapong lalaki (mas-guwapo pa rin naman si Thunder).

Sa pagkakaalam ko siya si Nicholas Sheng, bestfriend ni Thunder, speaking of Thunder... hindi ko pa naku-kuwento kung sino siya pero wait muna, si Nicholas muna nag iku-kuwento ko, OK? Nicholas Sheng or Cole, American-ChiNoy, kasama sa mga basketball players na lumalaban sa ibang academy or varsity siya. Hindi ko pa nakita 'to na may girl, secret relationship lang siguro kaya naman halos lahat ng babae at mga bakla sa school ay kinikilig kapag nakikita siya. Matangkad siya, kung ako 5'5, siya naman ay nasa 5'8 or 5'9 (basketball player nga 'di ba). VP 'to ni Thunder, automatically, si Thunder ay president ng SSG.

Now, si Thunder naman or Thunder Mikael Rodrigo Smiths, bagay sa kaniya ang pangalan niya dahil walang estudyante ang hindi under sa kaniya, hindi ko rin alam bakit sila natatakot sa kaniya, ang amo kaya ng mukha niya. Mayaman lang, kapatid 'to ni Jhela, siguro pareho sila ng ugali pero hindi sila magkahawig. Usap usapan nga sa school na ampon si Jhela dahil wala itong nakuha sa mga Smiths, kung si Thunder ay matalino, nasa junior high lang ang talino ni Jhela. Back to Thunder, 5'8 ang height niya, sure ako diyan, may lahi nga akong detective 'di ba? Every month ay iba-iba ang flavor ni Thunder, what do I mean? Every month ay iba ang girl niya puwera na lang ngayon, tatlong buwan na sila ng girl niya, ang alam ko ay Mexican iyon, isa daw sa pinaka-mayaman sa Mexico ang pamilya ng girl. Hindi ko na inalam kung sino 'yung girl niya dahil nagsasawa na ako sa paulit-ulit kong ginagawa. SS na lang sa kanila ng Mexican Girl niya (separate soon).

“You must be Cherry?” agarang tanong nito, nagulat ang mga tao sa loob ng classroom, lalo na 'yung mga babae, naka-tingin silang lahat sa'kin.

“Y-yeah, w-hy?” utal kong tanong dahil pinangunahan na ako ng kaba ko, baka mamaya ay mamatay ako dahil sa sama ng tingin ng mga kaklase kong babae, pati na 'yung nasa labas.

Dahan-dahan itong naglakad sa kung nasaan ako, sinundan ito ng tingin ng mga tao. “I know where your phone is...” tumigil siya at inilapit ang mukha sa kaliwa kong tenga at bumulong ng “It's on my friend,Thunder, nahulog mo daw kahapon sa may hallway.” ngumiti ito at mas nagbulongan naman ang mga tao lalo na ang mga babae, bulong na sinasadya nilang iparinig.

“What? Cole's looking for that trash?”
“Goodness' sake, no way!”
“That ugly girl, for sure, she used her spell so Cole would notice her. Yuck.”
“That witch blooded girl.”

Ay wow.

Akala ko basura lang ako, mangkukulam na ngayon? At kung may gagayumahin ako, si Thunder iyon, si Thunder! At kung mangkukulam ko, kukulamin ko silang lahat. Wala nga akong kilalang mangkukulam, buti na lang at wala dahil kung meron ay baka isa-isa ko na silang pinabarang. AT hindi ako naniniwala sa mga mangkukulam.

“Are you serious?” mahina kong sagot dito. Tumango ito at ngumiti.

“So, sasama ka ba?” tanong nito.

Tumingin ako sa likod niya at sa bintana, lahat sila ay masama ang tingin sa'kin maliban sa mga lalaki kong kaklase, ka-vibes ko kasi sila kaya kahit pa-paano ay may kakampi ako sa classroom.

Tinignan ko siya at ngumiti, “No, I'm not goin' with you. Look around you, they're all looking so bad at me. Baka mamatay ako pagbalik ko dito, kaya 'wag na.” sagot ko dito.

Hindi sa choosy ako pero ayokong tignan lalo ng masama ng mga tao, baka ma-bully pa ako, tama nang si Jhela at mga kaibigan niya ang nang-aasar sa akin, hindi ko kakayanin kung pati ang mga baliw na  mga babaeng may gusto kay Nicholas ay bully-hin rin ako, 'wag na.

“How about your phone?” tanong nito kasama ang question mark face.

“I know we're not that close, we don't know each other well but... can I have a favor?” kinapalan ko na ang mukha ko, 'no. “Puwede bang ikaw na lang ang magbigay sa'kin ng phone ko? Hindi ko kakayaning ma-bully ng sandamakmak na mga babaeng may gusto sa'yo. Hindi na.” paliwanag ko dito, nahihiya 'man pero kailangan ko rin kapalan ang mukha ko minsan.

Ngumiti ito at nagsalita, “Sure, I'll tell him. Sorry sa abala, mamaya na sa'yo na ang phone mo. ”

“Thank you.” bulong ko dito at ngumiti.

Ngumiti ito at binuksan ang pinto na ilang pulgada lang ang layo sa'min, lumabas ito at tinignan siya ng lahat ng tao.

Ibinalik ko ang atensiyon ko sa mga kaklase kong naka-tingin sa akin, wala nang taong nagkukumpulan sa labas dahil sinundan na nila si Nicholas.

Thunder Mikael Rodrigo Smiths' P.O.V.

“Really? Baka naman nahihiya lang siya humarap sa'kin.” sagot ko kay Cole nang sabihin niyang tinanggihan siya nung Cherry na iyon para sumama at ku'nin ang phone niya sa akin.

“Dude, maybe she's just really scared na ma-bully. Didn't you think about that? You sent me to her classroom para sunduin siya at pasamahin para ku'nin sa'yo ang phone niya.” sagot naman nito at tinaasan ako ng kilay tsaka humithit sa sigarilyo nito.

“So, ibibigay mo ba 'yung phone niya? Dahil sinabi ko sa kaniya na mamaya ay nasa kaniya na 'yun.” dagdag pa nito.

Ngumiti ako at humithit sa sigarilyo ko, “Ako na ang bahalang magbigay sa kaniya mamaya.”

“No way.” sabi nito, tinignan ko lang ito at ngumiti ng nakakaloko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top