Ninth Chapter

Olivia Cherry Castro Flores' P.O.V.

Ahh, shuta, alas-dos na at hindi ko pa rin kilala kung sino itong kausap ko, ito 'yung nag-text sa akin kanina na Unknown. Ilang oras na rin kaming magka-usap. Pero, hindi, hindi ko siya titigilan hangga't hindi niya sinasabi kung sino siya.

'So, sino ka ba talaga?' tanong ko.

Mabilis naman itong nag-reply, 'Pang-ilang tanong mo na ba 'yan?'

Oh, 'di ba. Wala siyang balak sabihin kung sino siya, baka naman kailangan lang nito ng kausap pero bakit kilala niya ako. Baka stalker ko pa 'to, hala, hindi naman siguro. Siguro. [ToT]

'Luh? E, sino ka ba talaga? Kahit tatlong clue lang.' reply ko dito.

Hala, baka may gusto ito sa akin dahil ang bilis niya mag-reply, stalker ko siguro siya? Ayy, ang feeling mo naman Olivia!

'Tatlong clue? Basta titigil ka na kakatanong kung sino ako kapag sinabi ko na ang tatlong clue?' reply nito, payag ba ako? pero sabi nga nila MAY TAMANG PANAHON. At siguro ay tamang panahon at oras para malaman ko kung sino siya? 'Di ba?

'Sige pero mangako ka na magpapakilala pa rin sa akin, hindi ngayon pero soon.' reply ko naman, siyempre alangan siya lang ang may karapatang mag-request.

'Sure,

• magandang lalaki
• pogi
•  guwapo siyempre

So, lalaki siya? OMG? What if si Thunder pala 'to? Ayy, hindi hindi. Erase erase. Binubura ko na ang feelings ko sa kaniya kaya wala nang dahilan para siya ang maisip ko at isa pa malabo na siya 'to, 'no. Busy kaya 'yon sa mga issue niya sa buhay.

'Ah, lalaki pala, close ba kita?' reply ko dito.

'Ha? Sapat na 'yung mga sinabi ko 'no, siyempre malalaman mo agad kung sino ako. Tsk.' -Mr. Anonymous

Tama nga naman siya, siyempre makikilala ko siya agad kapag sinabi niyang close ko siya, e, si Weasley lang naman ang pinaka-close kong lalaki pero imposibleng siya 'to dahil busy sa acads at business iyon, wala na siyang oras para sa pakikipag-laro ng gan'to.

'Oo na, bahala ka sa trip mo.' reply ko dito..

'Inaantok ka na yata, good night<33' reply nito.

Hala, ba't may heart heart, may gusto ba talaga siya sa akin? Tama ba ang hinala ko na stalker ko siya? Ayy, hindi, masama mag-isip ng masama sa kapuwa. May takot ako sa karma kaya hindi na lang ako mag-iisip ng masama. At ayos na sigurong may ka-text akong ganito, hindi ko kilala para puwede kong pagsabihan ng problema ko sa buhay, 'di ba?

Umagang kay pangit... mo. Charot [>_<]

So, ayon, panibagong buwan, panibagong problema. Charot, wala naman akong problema ngayong umaga at unang araw ng buwan, 'no. Halos isang buwan na rin kaming nag-uusap sa text ni Mr. Anonymous.

“Hey, guys, good news, there'll be no class until ten o'clock.” sigaw ng kaklase kong si Kyne.

“For real?”
“Ey, sa café tayo”.
“Matatapos ko rin ang task ko.”
“Yoohooo.”
“Thank you Lord and to all Saints.”

Sigawan ng mga kaklase ko, lahat sila ay masaya, at sa ilang segundo lang ay mag-isa na ako sa loob ng classroom. Grabe, gusto talaga nilang ang gan'to. Tsk. Gusto rin naman ang ganito, at least, mapapahinga ko ang ang utak.

Tumayo ako at inabot ang bag ko, sinabit ko ang isang strap sa kanang-balikat ko at naglakad na sa ikalawang pinto, mas-malapit ito kaysa sa main door dahil nasa row 4 naman ako, hanggang row 6 ito.

Nagulat ako nang pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si Thunder, HAHA, may hinahanap siguro.

Ngumiti lang ako dito, at nilagpasan na siya tiyaka naglakad, napatigil ako nang magsalita ito.

“Are you free this weekend?” sabi nito sa malambing na tono. Sheeze!

Is he asking me for a date?

Napa-lingon ako at nakita ko siya, ang mga kamay niya ay nakalay sa bulsa ng hoodie niya.

He seems so serious because he's waiting for my answer.

“H-huh?” maikli kong tanong dahil medyo gulat ako.

Feeling ko ay nag-slowmo ang paligid nang ngitian niya ako at napa-kamot siya sa batok niya. Parang may mga bling sa paligid namin.

Slowmo, butterflies on my belly, his beautiful eyes and smile. Is this kilig?

“Y-yeah, I-i am.” Ba't ako nauutal? Pero wala na akong paki, pumayag na ako.

Grabe ka Olivia, ang bilis mo bumigay, akala ko ba wala ka ng feelings sa kaniya?

Akala ko lang rin. Oh, aminin niyo, gan'to rin kayo karupok, 'no. Siyempre, sayang ang pagkakataon at baka nananaginip lang ako.

“Really? Thank you, I really need your help. I'm thinking of a gift for a girl and naisip kong humingi ng tulong sa 'yo at napansin kong maganda ang taste mo pagdating sa mga bagay.”

Medyo nawala ang ngiti ko nang sabihin niya ang mga salitang 'yon. Ha! Really? Really? For real? Sana sinaksak niyo na lang ako sa likod.

“Me? My help?” medyo malungkot kong tanong, malungkot naman talaga ako.

“Yeah, I heard from the book club that you have beatiful tastes about giving a gift.” sabi nito at ngumiti.

Ah, sa book club oo. Tatlong taon ako sa journal club at lumipat ako sa book club nang mapag-desisyonan ko at dahil nga nasa book club rin si Thunder. HAHA, sabi na nga ba at mapapansin rin ako ni Thunder pero hindi dahil sa gusto niya ako.

“Ha-ha. S-sure wala naman akong gagawin sa Sabado. So, sige.” sagot ko at marahang tumawa.

“Really? Thank you!”

Nagulat ako nang mabilis siyang naglakad palapit at niyakap ako. Mabuti na lang at walang nakakita, dahil walang mga tao sa corridors. Wala kasing klase kaya nagsi-alisan ang mga estudyante.

“N-no worries, it's no-thing.” sagot ko at siguro nang mapansin niyang tumatagal na ang yakap niya ay siya na mismo ang kumalas.

Parang nagulat ito sa ginawa niya kaya nag-iwas siya ng tingin.

“Sorry, I'm just happy and excited.” sagot nito.

“Y-yeah, what time ba sa Saturday at saan?” Iniba ko na ang topic bago pa patuloy na mamuo ang awkwardness sa aming dalawa.

“Ten in the morning, let's meet at the Icon  Café, 'yung sa  ground floor ng Mall of Liberty.” sabi nito at halata pa rin na nahihiya ito.

“A-ah, OK. Sure, I gotta go.” sabi ko at agad na tumalikod, nag-stay pa ako ng mga dalawang segundo at tumakbo na palayo sa kaniya.

Sino naman kaya 'yung girl? Bago na naman, tsk. Akala ko pa naman inaya na ako ng date, ang sakit naman no'n.

Grabe, papakiligin ka tapos hindi naman pala totoo. Sakit 'no?

“Wow, dapat kinikilig ka ngayon, ah.” narinig kong sabi ni Weasley.

Umupo rin ito at ibinabad ang paa sa pool, nasa isang metro ang layo namin sa isa't isa.

Napa-tingin ako sa kaniya at nakita ko siyang nakatingin sa repleksiyon niya sa tubig.

“What do you mean?” tanong ko.

Tumingin naman ito sa akin, “I saw you hugging Thunder. I'm happy for you.” sagot nito at ngumiti.

“N-no, mali ka ng inaakala. Tinanong niya ako kung puwede ko siya samahan para bumili ng regalo sa girl niya, maganda daw kasi ang taste ko sa pagbibigay ng regalo.” Paliwanag ko sa kaniya at iginalaw ang paa sa tubig.

“Ahh, OK. As you say.” sabi nito at winagaswas ang paa sa tubig.

Nagulat ako nang basain niya ako kaya napatingin ako sa kaniya, “Weasley?!” asar kong tanong.

“You seeem so serious, smile, OK? Baka may humila ng paa mo diyan sa ilalim.” sabi nito at binasa ulit ako.

“Ganiyan ang gusto mo, ah, sige.” Hindi ako nagpatalo at nakipag-basaan sa kaniya. Umabot na sa point na naitulak ko siya sa pool at agad niya naman akong hinila. Grabe talaga makipag-laro itong si Weas.

Kaya ang daming nagkakagusto sa kaniya, e. Guwapo na, matalino pa, mayaman pa, at iba siya sa iba, hindi siya katulad ng iba na mahilig sa babae, hindi katulad ni Thunder, tsk. Pero minsan na akong tinanong ni Cey dati kung minsan na ba akong nagkagusto kay Weasley, dahil ang tagal ko nang kasama si Weasley at matagal na rin kaming bestfriends. Pasok naman daw si Weasley sa standards ko, sobra pa nga. At walang babae ang hindi magugustuhan si Weasley. Well, siguro bestfriends lang kami at ayaw kong masira ang matagal na naming friendship, ayaw ko naman na naging kami tapos maghihiwalay, oh 'di ba, kung naging bestfriends na lang kami, e 'di, mas tumagal pa ang friendship namin.

Kaysa sa maging kami, pipiliin ko na lang maging bestfriends kami para walang masayang at ilangan na mangyari.

“Really, Cherry?” gulat na tanong ni Jhe sa akin matapos kong i-kuwento na niyaya ako ng kuya niya para samahan itong mamili ng regalo.

Tumango ako sa kaniya at hinipan ang kape ko tsaka uminom ng kaunti at binaba sa mesa.

“Sino na naman kaya ang bago ng salamangkero kong kuya?” asar na tanong nito at tinitigan ang cake niya sa mesa.

Nagulat naman ako sa sinabi niyang salamangkero niyang kuya dahilan para mapaubo, “Salamangkero?” tanong ko.

“Yeah, ang dami kasi niyang nabibihag na babae, ginagamitan siguro ng salamangka.” paliwanag nito at kumuha ng cookie tsaka kumagat ng malaki.

“Grabe ka naman sa kuya mo, kuya mo ba talaga siya?” pang-aasar ko sa kaniya.

Tinignan niya ako ng masama, “Siyempre hi-” napatigil ito sa pagsasalita at parang nagulat.

Naalala ko no'ng narinig ko sila ng kuya niya, hindi niya nga pala kapatid si Thunder, pero hindi niya naman alam na alam ko, at wala pa akong pinagsasabihan at wala naman akong balak na sabihin sa iba, hindi nga kasi ako chismosa. 'Di ba?

“Siyempre oo, kapatid mo siya.” sagot ko at ngumiti.

“Oo naman, pero magkaiba naman kami no'n. Salamangkero 'yon, ako diwata.” sabi nito nang may mataas na tiwala sa sarili.

“Diwata? Diwata ng mga masusungit siguro.” sabi ko at nagtawanan naman kami.

7:30 AM, Saturday

Maaga pa lang ay gising na ako, maaga rin kasi nag-aalmusal dito sa bahay, maaga na akong kumain. At ito ako ngayon sa kuwarto ko, namimili kung anong susuotin.

Ito bang lavender off-shoulder dress o itong white sundress na may design na mga oxeye daisy. Hmm, much better kung itong sundress, para naman akong ewan kung off-shoulder ang susuotin ko, hindi naman date 'yon.

For the footwear, itong white sneakers na lang siguro kaysa naman mag-heels ako? Sanay ako magsuot ng heels, itong 3 inches heels na lang siguro. Pero baka matapilok ako at bakit naman ako matatapilok, e, sanay nga ako magsuot ng heels. Lagi kaya akong kasama ni Weasley sa mga meetings niya abroad.

For designs, itong gold necklace na lang siguro with moon pendant, for earrings, itong gold at star ang design na lang, terno sa necklace ko, and smart watch para sa kaliwa kong kamay at sa kanan naman ay itong lucky bracelet na lang na niregalo sa akin ng Chinese kong kaklase last year.

For make-up, nag-liptint lang ako, 'yung pinkish lang at hindi masyado mapula. Hindi na ako nag-lagay ng blush or keneme etc. mas ayos na itong simple pero may dating at baka mahalatang pinaghandaan ko.

Kinuha ko ang maliit kong sling-bag na ang laman lang ay cellphone, wallet, panyo, at liptint.

Lumabas na ako ng kuwarto ko, nang madaanan ko ang theater room at narinig ko naman si Weasley, “Cherry, eight-twenty pa lang!” sigaw nito.

Napasilip naman ako sa transparent glass na kita ang loob ng theater room, binuksan ko ito na nasa limang pulgada lang.

“Oh, ano kasi...”

“Masyado kang excited.” parang nang-aasar na sabi nito.

“No, of course, I've told you, OK? At, dadaan kasi ako sa book store to buy a book na kaka-publish lang.” sagot ko dito.

“Hmmkay, take care, call me if needed.” sabi nito habang nakatingin sa TV.

“Yeah, I will. Thank you and take care also.” sabi ko at naglakad na.

Andito ako sa loob ng book store ngayon, naghahanap ng magandang libro, nakuha ko na ang gusto kong libro pero nasanay ako na maraming libro ang binibili, para marami akong stocks kung bored ako. Mas gugustohin kong bumili ng lima o anim na libro kada bisita ko sa mall kaysa naman bumili ng mga make up. I'm beautiful enough para sa mga ganoong bagay, kontento na rin ako, at isa pa, member ako ng book club, dahilan rin iyon sa pangongolekta ko ng libro.

Matapos makahanap ng pitong libro ay pumunta na ako sa cashier, medyo mahaba ang pila. Iba-iba ang kinuha kong libro, teenfic, tragic, at fantasy ang mga kinuha ko, tigda-dalawa.

Nang ako na ang magbabayad ay inabot ko sa cashier ang mga librong hawak ko, inabot ng 2, 380 Pesos ang binayaran ko.

Kinuha ko ang wallet sa bag ko at kumuha ng 2, 500 Pesos, inabot ko ito sa cashier, inabot naman sa 'kin ng bagger ang mga binili ko tsaka inabot sa akin ng cashier ang sukli at resibo.

Inilagay ko sa wallet ko ang sukli at ang resibo naman ay sa paperbag naman ang resibo.

Lumabas na ako ng bookstore at pumunta na sa Icon Café, nasa ground floor lang rin naman ang bookstore kaya hindi na mahirap maglakad, ilang metro lang naman ang nilakad ko.

Pagpasok ko sa café ay wala pa naman si Thunder kaya umupo ako sa pang-dalawahan na table.

May lumapit sa akin na crew para tanungin ang order ko pero tumanggi na muna ako at nanghingi muna ng tubig dahil may inaantay pa ako na darating at agad naman na ngumiti ang crew sa akin.

Ilang segundo lang ay bumalik na ang crew na may dalang baso ng tubig, sinabi nito na tawagin na lang siya kapag o-order na, tumango na lang ako dito at ngumiti sa kaniya.

Tumingin ako sa relos ko at 9:46 AM pa lang, maya-maya pa siguro iyon. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at in-open na muna ang Instagram ko at nagdudotdot muna habang inaantay si Thunder.

Pfft, baka naman pinagti-trip-an lang ako no'n? Manloloko iyon, ah, sa susunod na mag-aya siya ay hindi ako dadating, isa't kalahating oras na siyang late, 11:12 AM na, nag-order na nga rin ako para hindi nakakahiya sa crew.

Grabe, manloloko siya! Sinayang niya lang ang oras ko, I hate him!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top