Nineteenth Chapter
Olivia Cherry Castro Flores' P.O.V.
phone vibrated*
Nawala ang tingin ko sa screen ng TV sa aking kuwarto nang marinig ko ang vibration mula sa aking cellphone, inabot ko ito at nakita ko ang matagal nang text na inaantay ko.
Ang text mula kay 'Mr. Anonymous', inisip ko na nga na si Thunder ito dahil simula nung aminin niya ang nararamdaman niya sa akin ay dun na nagsimula ang hindi ko pagtanggap ng message mula sa texter na ito, gusto ko man na ako na ang mag-message ay nahihiya naman ako at isa pa...
Wala sa vocabulary ko ang 'first move'.
Him: [ Hi, it's been a long time, kumusta ka na? Sorry kung ngayon lang nakapag-text.
Nagka-problema kasi ako. ]
Napangiti ako sa text nito, hindi ko pa man siya tinatanong ay sinabi niya na agad ang dahilan kung bakit matagal na siyang hindi nakakapag-text sa akin.
Me: [ Yeah, it's been two months, nagka-jowa na ko't lahat lahat, hindi ka na nagparamdam. ]
Inis na reply ko sa kaniya, at oo, kami na po ni Thunder, kaya ko rin naisip na siya si Thunder ay dahil nga sa kung paano siya mag-message ay katulad kay Thunder, walang emoticon.
Him: [ Kayo na ni Thunder? ]
Natawa naman ako dahil mabilis pala kumalat sa school na kami na ni Thunder, kung wala ba naman mga chismosa sa school, e, baka unti lang ang nakakaalam ng relasyon namin ni Thunder.
Me: [ Yes, nakakakilig nga, e, ang bilis ng araw, second monthsary na nga namin next week haha. ]
Nakangiting reply ko sa kaniya at ibinalik ang screen sa TV, nanonood ako ng 'The Misadventures of Flapjack'. Favorite namin 'to ni Weas, miss ko na nga siya, e. Ang tagal ko na rin siyang hindi nakakasama sa lunch, kahit sa dinner, o ano pang iba naming bonding kasama na ang pagsabay na pagnood ng TV, shopping, pagkakape, ay naku.
Hindi ko na alam, kahit sa office niya ay hindi niya na ako pinapansin, hindi ko rin naman siya matanong dahil baka mapahiya pa ako, ang manhid ko naman para hindi malaman ang dahilan 'di ba? Pero hindi ko naman talaga alam ang dahilan at bigla na lang siyang naging cold sa akin, nasa iisang bubong lang kami pero parang multo lang ako kapag nakakasalubong niya.
Tumagal ang ilang oras ay hindi na nag-reply si Mr. Anonymous, bastos amp.
Hinayaan ko na lang ito at lumabas ng kuwarto ko, nagpunta ako sa kusina para kumuha ng makakain, ubos na kasi snacks sa kuwarto ko.
Napatigil ako nang makita ko sa dining table si Weasley, kumakain ito ng spaghetti at may orange juice sa tabi nito.
Napatigil ito sa pagsubo nang makita niya ako, “Uhm, 'Nay Lina, sa kuwarto ko na lang po ito kakainin, may pinapanood pala ako.” sabi nito at tumayo tsaka kinuha ang plato sa kaniyang kanang kamay at sa kaliwa niya naman ang baso.
“Ha? Akala ko ba kakatapos mo lang manood kaya ka bumaba dito dahil nagugutom ka?” gulat na tanong ni 'Nay Lina, si 'Nay Lina ang mayor-doma ng bahay, siya ang parang leader ng lahat ng tao dito maliban sa amin ni Weas
“Ah hindi po, nagkamali ako, sige po Nay, Good night po.” sabi ni Weas at agad na naglakad, hindi niya na ako tinapunan ng tingin at nilagpasan na lang ako.
Lumapit ako sa may center table sa kusina at takang tinignan si Weas paakyat ng hagdan, “Nagugutom ka?,” agad na tanong ni Nay Lina habang may inaayos na kung ano sa loob ng ref.
“O-opo, Nay,” sagot ko, “Kanin po sana at yung ulam kanina na beef-kaldereta, tubig na lang po para sa inumin.” dagdag ko pa.
“Sige, antayin mo,” sabi nito at tumango naman ako. Ilang minuto pang katahimikan at nagbukas ng topic si Nay Lina.
“Ano ba kasi ang problema niyo ni Weas at hindi niyo matapos-tapos?” tanong nito habang hinahalo ang iniinit na kaldereta.
“H-hindi ko rin p-po alam,” utal-utal kong sagot.
“Jusmeyo, Olivia, 'wag ako, 'wag ako,” sabi nito nang nakatalikod sa akin. Pero hindi ko naman kasi talaga alam.
“Alam ko na iyan, dati ay madalas sa pagtatampuhan niyong dalawa ni Weasley ay tumatagal lang ng ilang oras, e, bakit ngayon umabot na ng ilang buwan?” hindi ako nakaimik sa sinabi niya.
“Olivia, alam mo naman na simula nung mawala ang mga magulang ninyo ay madalas na rin mag-kuwento sa akin si Weasley sa akin, lalo na ng mga problema ninyong dalawa pero bakit ngayon ay dinidibdib niya mag-isa ang problema niyong dalawa?” sabi pa nito at nanatili lang ako nakikinig dahil sa hindi ko alam ang isasagot.
“Sabihin mo, Olivia, ano ang problema niya sa iyo?” tanong nito, pinatay ang induction cooker, at nilingon ako.
“H-hindi ko rin po talaga alam, gusto ko man malaman ay hindi ko alam kung paano,” sagot ko nang nakatitig sa mga mata niya.
“Hindi mo ba alam?” agad akong nabuhayan ng loob sa tanong niya.
“Ano po 'yon, Nay?” agad kong tanong.
“Mahal ka ni Weasley,” agad akong napatawa sa sagot ni Nay Lina.
“E, siyempre po, para ko na kayang kapatid si Weas,” sabi ko at tumawa pa ulit.
Napatigil ako sa pagtawa nang nagkibit-balikat na siya, “Mahal ka niya, Olivia, hindi dahil sa kapatid na ang turingan niyo sa isa't isa, hindi mo ba nakikita? Akala ko ba ay hindi ka manhid pero bakit hindi mo makitang mahal ka ng alaga ko? Tuwing araw ng mga puso, kaarawan mo, pasko, at bagong taon, gagastos ba siya ng daan-daang libong pera para sa regalo para sa iyo? Ganun ka niya kamahal, Olivia, pati nga nung nakaraang buwan na araw ng mga puso, kung inaakala mong hindi ka niya binigyan ng regalo o sulat man lang ngunit nagkakamali ka. Siya 'yung nagbigay ng puting box na may nakadikit na puting sobre para sa iyo, tinanong niya pa ako ng malalalim na salita para sa sulat niya sa iyo, para daw mas nakakakilig. Hindi ba't tinawag ka pa niya na binibini dun sa sulat?”
Nagulat ako sa lahat ng sinabi ni Nay Lina sa akin.
Kung ganun, mahal ako ni Weas hindi dahil sa pagkakaibigan namin?
Mahal niya ako dahil sa mahal niya ako at higit pa sa pagkakaibigan namin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top