Fourteenth Chapter
Olivia Cherry Castro Flores' P.O.V.
“Unang araw na unang araw ng bagong taon, e, tulala? Hindi ka naman nagpaka-lasing kagabi.” bulalas ni Weasley pagpasok niya dito sa library.
Sa isang linggo simula nung mabaliw-baliw ako kakaisip kung may gusto ba sa akin si Thunder o ano ba, e, hindi ko man lang na-enjoy ang Holiday break namin, susme.
“Alam mo, nababaliw ka na, ano bang problema mo? Simula pasko ay madalas ka nang natutulala, broken hearted ka siguro.” dagdag pa nito at umupo sa couch na nakatapat sa TV, ako naman ay nakaupo sa one-seater couch katabi ang isang shelves.
“Hindi 'no.” sagot ko dito at inirapan siya.
“Stressed ka ba?” tanong nito at pinindot ang remote ng TV.
“Siguro” maikling sagot ko dito at isinandal ang aking likod.
“Tsk, ano pala ang new year's resolution mo?” tanong nito habang nakatingin sa TV, nanunuod ito ng Spongebob Squarepants.
“Required ba iyon?” irita kong tanong at ibinaling ang aking tingin sa TV.
“Oo naman, tsk” parang naasar na sagot nito habang nasa TV pa rin ang tingin.
“Mas magpapaka-tino na lang siguro ako.” sagot ko at saglit siyang tinignan at agad rin na ibinalik ang tingin sa TV.
“Tsk, unang araw pa nga lang, e, tulala ka na at para kang baliw, sobrang lalim ng iniisip mo, broken hearted ka nga siguro.” sabi nito at napakamot ulo.
“Sa tingin ko kasi... a-ano kasi... ah, hindi naman ako sigurado kaya 'wag na lang.” sagot ko at tinignan ang aking mga kuko.
“Tell me, I'm your bestfriend, you can tell me your problems, I'm not going to judge you.” sabi nito sa seryosong tono.
“Kyne told me that his friend Thunder likes me, that's the reason why I'm always stunned.” I seriously answered.
“Oh, talaga ba?” parang gulat na tanong nito at tinignan ako, tinignan ko rin naman siya at tumango-tango.
“Then tell Thunder you also like him.” dagdag nito at umiling-iling naman ako.
“Tinanggi niya agad nung sinabi sa akin harapan ni Kyne.” matamlay kong sagot.
“Wait, 'di ba wala ka naman nang feelings sa kaniya? Akala ko ba tanggap mong hindi ka magugustuhan non? Anyare?” sabi nito at nilapitan ako tsaka umupo sa kaharap kong one-seater couch rin.
“I-I don't know, a-akala ko rin.” utal-utal kong sagot at tinignan siya sa mga mata niya.
“Them tell him what you really feel, if you still have feelings for him them tell him, I will fully support you, as long as your happy with him well I'll be happy too.” sabi niya at halatang sincere siya sa mga sinabi niya.
“What if...” naputol ang sasabihin ko nang putulin niya ito, “Don't overthink so much, Cherry, you're making yourself stressed, why don't you chat him in his IG account or DM him in his Tweeter or whatever way just to tell him that you like him. Don't worry so much, don't think so much what ifs. OK?” seryosong sabi nito.
Ngumiti ako sa kaniya, “Thank you, Weasley. You really are my bestfriend.” nakangiting kong sabi.
“Of course you are always welcome and of course I am your bestfriend.” nakangiting sagot nito.
Nakapag-isip na ako, magse-send ako ng message sa IG ni Thunder para sabihing gusto ko siya, wala na akong paki pa kung ano ang sabihin niya. Hindi man ako sigurado kung gusto niya ako o ano, aamin pa rin ako. Ang mahalaga ay ang maamin ko nararamdaman ko para sa kaniya.
Dalawang oras rin akong paulit-ulit sa pagi-isip ng ise-send na message kay Thunder, ilang beses rin akong nalilito hanggang sa nakuha ko na ang magandang dapat sabihin sa kaniya...
IG Message: / Hello Thunder (O_*) This is Cherry who wants to confess to you my feelings. Yes, I like you, and I admit kinilig ako nung sinabi sa akin ni Kyne na gusto mo ako, wala akong paki kung totoo ba 'yun o hindi. Mas-mahalagang masabi ko ang nararamdaman ko sa 'yo, gusto kita matagal na, akala ko ay wala na akong pagtingin sa 'yo hanggang sa sabihin sa akin ni Kyne na gusto mo ako na hindi ako sigurado kung totoo ba kaya ayon kinilig ako kaya heto inaamin na gusto pa rin kita. Weird 'to pero sa ganitong paraan ko gusto aminin sa 'yo ang nararamdaman ko at dahil wala akong lakas ng loob para personal na umamin sa 'yo. Thank you rin dahil sa ilang taon na naging crush kita ay ikaw ang naging inspirasyon ko sa lahat ng bagay. 'Yun lang, salamat sa oras para basahin mo 'to. (•_•) /
At ngayon, hahayaan na lang natin si kupido para sabihin sa tadhana na dapat ay hindi ako masaktan. Takte! Dapat pala ay hindi ko na lang ginawa iyon! Para akong baliw, nakakahiya, paano na lang kapag nakasalubong ko siya at nabasa niya ang message ko, nakakahiya hindi ba? Ano ba naman 'tong nagawa ko?
Sobrang nakakahiya! Aaackkk! Ano na lang ang gagawin ko? Iiwasan ko siya? Lalayuan? Paano na? Tuluyan na talaga akong mababaliw. [ToT]
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top