Fifteenth Chapter
Olivia Cherry Castro Flores' P.O.V.
Hindi ko siya makakasalubong, hindi ko siya makikita at hindi niya rin ako makikita, hindi ko siya makakasalubong, hindi ko siya makikita at hindi niya rin ako makakasalubong.
Iyan ang mga salitang tumatakbo sa isipan ko kanina pa sa bahay, sa loob ng kotse, at hanggang ngayong naglalakad ako papuntang classroom. Sobrang kabado ko at lalo na nung makita kong nabasa niya na 'yung message ko at katulad ng inasahan ko ay hindi siya nag-reply o react man lang, ano pa bang aasahan ko?
Pero nakakahiya at nakakakaba talaga 'yung katangahan na ginawa ko, nakakaasar, naaasar ako sa sarili ko at ang mas nakakaasar ay nag-thank you ako! Nagpasalamat ako dahil naging inspirasyon ko siya? Like, ano bang ginawa niya para magpasalamat ako sa kaniya? Napaka-tanga ko! Ayyk! Sana kasi pinag-isipan ko ng mabuti bago ko ginawa, 'di ba?! Naaasar talaga ako sa sarili ko!
Napabuntong na lang ako nang makaupo ako sa upuan ko, safe akong nakarating dito sa classroom nang hindi nakikita si Thunder. Pero siyempre, hindi pa nagatatapos dun ang kaba ko. Kinakabahan pa rin ako dahil iniisip ko na paano kung pumunta dito sa Thunder, maraming puwedeng dahilan para magpunta siya dito.
Una, Hinatid o sinundo niya si Jhela. Pangalawa, May sinamahan siyang kaibigan. Pangatlo, May kailangan siyang puntahan at kailangan niyang dumaan sa classroom ko dahil andito ang daan papunta sa pupuntahan niya. Pang-apat, may hinahanap siyang estudyante. At panglima sa posibilidad na dahil kung ba't siya pupunta dito ay dahil sa ako ang sadya niya! Oh, 'di ba? Andaming puwedeng dahilan para pumunta siya dito sa classroom at dahilan para magkita kami.
Ilang oras lang ay lunch time na, at salamat naman sa tadhana at kay Lord ay kahit anino ni Thunder ay hindi ko nakita, pero hindi pa rin ako kampante, katangangahan ko kasi!
“Cherry, sabay ka na sa amin mag-lunch sa cafeteria.” pag-aaya sa akin ni Jhela nang makalabas ng ang propesora namin at agad naman akong umiling, may posibilidad kasi na magkita kami ni Thunder kapag kasama ko ang kapatid niya, kaya iiwas muna ako kay Jhe hanggang sa matanggap ko na ang katangahan at kahihiya na nagawa ko.
“Pass muna ako, Jhe. I need to finish this research for tomorrow. Sorry.” sagot ko at ibinaling ang tingin sa screen ng laptop ko na kunwa'y nagbi-busy-busy-han.
“Oh, are you sure? Baka magutom ka.” sabi ni Britta dahilan para mapatingin ako sa direksyon niya, nakatayo na siya at inaayos ang laman ng bag niya.
Umiling ako sa kaniya, “Nah, marami akong nakain kaning breakfast kaya OK lang.” sabi ko at ngumiti.
“You sure?” tanong ni Jhela at tumango naman ako sabay ngiti.
Ilang minuto pang pag-aaya nila sa akin ay hindi talaga ako sumama, kahit pa sinabi ni Jhela na treat niya daw pero wala akong paki, iiwas muna ako sa pagsama sa kanila, mga ilang araw lang naman.
Nagti-tipa ako sa laptop ko nang marinig ko ang isang boses ng lalaki, “Cherry!” at napalingon naman ako sa pintuan, nakita ko si Kyne na nakangiting naglalakad palapit sa direksyon ko.
“Aren't you hungry?” agad na tanong nito pagkaupo sa katabi kong upuan (hindi naman talaga katabi, may ilang dangkal na pagitan ang upuan sa college). Nag-cross legs ito at ngumiti.
Nakangiting umiling ako, “Nope, busy ako kaya hindi pa naman ako dinadalaw ng kagutuman.” nakangiti kong sagot.
“What do you mean by dinadalaw? Gusto mo dalawin ka ng gutom? Huh? Multo ba ang gutom?” natawa ako sa sunod-sunod niyang tanong at halata naman na curious siya sa sinabi ko dahil napataas ang kanan niyang kilay.
“No, no, hindi multo ang gutom, what I mean is hindi pa ako nagugutom dahil busy ako.” maikling pagpapaliwanag ko at napatango-tango naman siya.
“Ah, yayayain sana kita, e.” sabi nito at parang naman na nalungkot siya dahil nawala ang malaking ngiti nito.
“Pft, ganiyan mo ba kagustong ilibre ako?” natatawa kong tanong sa kaniya.
“W-well, u-uhm... i-it's not like that. Y-you know...”
“After class, treat mo 'ko ng iced-coffee.” pagputol ko sa utal-utal niyang pagsasalita. At parang naibalik ko naman ang ngiti niya sa sinabi ko.
Nag-kuwentuhan kami tungkol sa mga klase namin kanina at isang pangyayari ang biglang naalala ko, “Kyne, uhm... can I ask about what you said to me that night at the party?” medyo nahihiyang tanong ko dahil para akong batang nanghihingi ng pera sa nanay kung magsabi.
“Oh, what did I said tho?” curious na tanong nito dahil bigla siyang napakamot ulo.
“About... uhm... about... ah, ano...”
phone ringing*
Naputol ang utal na pagsasalita ko nang may marinig kaming isang ringtone (acoustic version ng One Time ni J. Bieber) at agad naman na tinignan ni Kyne ang cellphone niyang nakapatong sa desk na parter ng upuan kung saan siya nakaupo (ang style kasi ng chairs at desk sa school namin ay international version, alam niyo 'yung katulad sa mga university drama sa South Korea, 'yung style ng classroom nila ay ganun ang sa school namin, ang pinagkaiba lang ay mas marami ang students sa isang classroom at merong desk at chair para sa professor ang nasa likuran na part ng classroom).
Nakita ko sa screen ang pangalan ng tumatawag na Kidlat Smiths, “Sagutin ko lang ah.” sabi ni Kyne at sumenyas pa ng wait gamit ang kanang kamay niya at tumango naman ako.
“Dzup.” agad na sabi ni Kyne nang masagot niya ang tawag.
“After class?” tanong ni Kyne na nagpakunot ng noo niya.
“Tsk, sige sige, bye.” sabi ni Kyne at binaba ng cellphone niya.
Hindi ko marinig ang sinasabi ni Thunder dahil hindi naman naka-speaker ang call kaya ang mga sinasabi lang ni Kyne ang naririnig ko.
“Cherry, sorry to say but I can't treat you after class, there's a thing that Thunder wants to talk about in their office.” matamlay na sabi nito.
“That's fine, may tomorrow pa naman.” agad kong sagot.
“Oh, what if isama kita sa SSG office?” nakangiting tanong nito at napalunok naman ako.
“Ha? Hindi na, bukas na lang at siguro dederetso na ako pauwi.” kabadong sagot ko.
“OK, I understand. Basta bukas, ah. Sa lunch na lang kita it-treat. OK?” nakangiting sabi nito at agad naman akong tumango sa kaniya.
Woosh. Grabe, bakit ba naman nakalimutan ko na isa si Kyne sa malapit na kaibigan ni Thunder, muntik ko pa tuloy makita si Thunder, tsk, 'di kasi ako nag-iingat sa pagde-desisyon. Katulad nung desisyon na ginawa ko nung nag-send ako ng message kay Thunder tapos sinabi ko pang thank you, nakakahiya! Like WTF? Paano na lang kapag makasalubong ko siya? Nakakahiya kaya at kahit mag-iwas ka pa ng tingin ay may posibilidad na makita kaya niya, ano na lang ang iisipin niya 'di ba? Sobrang nakaka-depressed ginawa kong desisyon na akala ko tama, maling-mali pala.
Kaya kapag magde-desisyon kayo, siguraduhin niyong iisipin niyo ang posibleng mangyari kapag ginawa niyo na ang desisyon ito. Katulad na lang sa pakikipag-usap, dapat ay pinag-iisipan mo ang mga sinasabi mo dahil baka may masabi kang mali at mapahiya ka. Kaya dapat lang na maayos na pagdesisyonan o pag-isipan lahat ng bagay kasi lahat iyon ay may consequences, it's either good or bad.
Kumbaga sa Elementary ay Cause and Effect. Ang cause ay nag-aral ka ng mabuti at ang effect naman nito ay nakapasa ka at nakakuha ng mataas na grade, ang cause ay lagi kang umiinom ng kape kaya ang effect ay lagi kang nerbiyoso, ang cause ay umamin kang crush mo ang isang tao kaya ang effect ay na-basted ka, ang cause ay binalikan mo 'yung ex mong manloloko kaya ang effect ay niloko ka na naman, ang cause ay nagsinungaling ka sa mama mo na mag group activity kayo pero gagala ka lang kasama ang tropa mo kaya ang effect ay nalaman ng mama mo na gumala ka lang at na-grounded ka sa cellphone ng isang buwan, at marami pang cause and effect ang puwedeng mangyari.
Kaya ako na ang nagsasabing dapat pinag-iisipan mo ang lahat ng bagay para hindi ka magsisi sa huli.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top