Eleventh Chapter
Olivia Cherry Castro Flores' P.O.V.
/Two Months After/
Wahhhh! Christmas party na namin sa Sabado, December 21. Ang bilis ng oras, feeling ko tumatanda na ako, joke lang HAHA. Pero ayon, ang way ng exchange gift namin ay parang Elementary lang, bunutan at saktong nabunot ko si Kyne, ang shini-ship sa akin sa classroom at sigurado naman akong may issue na naman ang mga kaklase ko sa Sabado. Tsk.
'Where are you?' nabasa ko ang text ni Mr. Anonymous.
'At mall, buying a gift.' reply ko.
'Ah ok, ingat ka' reply nito at hindi ko na pinansin ito at ibinalik sa bag ko ang cellphone ko.
“What can I do for you, Ma'am?” bati sa akin ng saleslady pagpasok ko ng isang shop, medyo mahal ang mga bilihin dito dahil luxury boutique ito (LV) pero ayos lang, gagamitin ko na lang 'yung pang-isang buwan kong sahod. Malaki naman ang sahod ko every month, VP kaya ako sa isang business ng family ni Weasley. At isa pa, ayaw kong tinitipid ang regalong ibinibigay ko para naman maganda at ma-appreciate ng mga pinagbibigyan ko. Napaka-yaman pa naman no'n ni Kyne, hindi ko nga alam at Accountancy lang ang kursong kinuha no'n, puwede naman na Civil Engineering o kahit ano pang ibang professional course, 'di ba?.
“I'm looking for a shoes, size 9.5.” sagot ko.
“Oh, OK ma'am, please, follow me and I'm going to show you the shoes, is it for guy?”
Tumango naman ako at naglakad na siya tsaka ko siya sinundan at nakarating kami sa isang puwesto na may sofa, at naka-paligid ang mga nakasabit na coats, nasa shelves ang mga bag at sapatos.
“Here ma'am, this is actually just delivered yesterday.” sabi ng saleslady at sobrang nagandahan naman ako, puwedeng pang-formal o prom ang sapatos, napaka-ganda, puwedeng isuot kahit sa school, business meetings, or whatever formal occasions.
“How much is this?” agad kong tanong.
“Seventy-nine thousand ma'am.”
Maganda rin ang presyo, “I'll buy it.”
“Really ma'am? Is it credit-”
“Cash.” maikli kong sagot at kinuha sa bag ang wallet ko at kumuha ng seventy-nine thousand, bakit hindi na lang eighty thousand, 'no?
“Ah, OK ma'am, I'm just going to wrap it. Please give me two minutes.”
Ngumiti naman ako at naglakad na papuntang cashier ang saleslady nang mawala na siya sa paningin ko ay tumayo ako at lumapit sa estante kung saan isang bag ang nakakuha ng atensyon ko, ang gandaaaa. Maliit lang ito, kakasya lang siguro ang cellphone at wallet, ang ganda talaga at color pink pa ito, sheeze, mapapagastos yata ako ng milyon, halata kasing makapal na leather ang ginamit dito.
“Ma'am, here's the shoes, thank you for buying here.” narinig kong sabi ng saleslady at hindi pa rin ako lumilingon.
“Ma'am, do you like it?” tanong ng saleslady at tumango naman ako.
“How much is this?” tanong ko.
“Eleven million, ma'am.”
Agad naman akong napa-lingon at agad na inabot ang dilaw na paperbag na may tatak na LOUIS VUITTON.
“I'm going back for this.” sabi ko at ngumiti.
“Sure ma'am, thank you again.”
Ngumiti naman ako at naglakad na paalis. Grabe, ilang balat ba ang ginamit para sa bag na iyon? Balat na yata ng buwaya na yata ang ginamit para doon. Sa sobrang mahal, kahit ilang bag ay puwede ko bilhin. Puwede na nga akong bumili ng bahay o condo unit sa halagang iyon, kahit sasakyan ay puwede. Ang mahal.
“Magkano 'yan?” tanong ni Weasley nang ipakita ko sa kaniya ang sapatos na ireregalo ko kay Kyne, gusto daw kasi niya makita at curious daw siya.
“79k.” maikli kong sagot sa kaniya at halata naman na para siyang nagulat sa presyo nito, nakakagulat naman talaga ang presyo pero mas nakakagulat 'yung bag na tinanong ko kanina. Sayang, bibilhin ko sana iyon kapag nasa 250k-500k ang presyo, gagamitan ko na lang ng credit card pero hindi, puwede na ako bumili ng kahit ilang bag sa halagang iyon!
“You spent thousands just for this pair of shoe?” kuryos na tanong ni Weasley.
“Yeah, Isn't it beautiful?” I asked.
“It is, but you know 79k is alot of money. Every month, you are earning 60k from your salary at work then you just easily spent 79k just for the exchange gift for the party?” Halatang nanghihinayang si Weasley sa perang ginastos ko, mas mayaman siya sa akin pero mas nanghihinayang siya, masasabi ko kasing hindi magastos si Weasley at kung gagastos nga ito ay hindi lalagpas sa isang milyo ang ginagastos niya. Oo, ganoon siya kakuripot.
“Weas, think of it... christmas is just once a year so if you are going to give a gift to someone, you must spend a lot of money, so they can appreciate it a lot too. Ano pang sense ng regalo kung hindi rin maa-appreciate ng pinagbigyan o pagbibigyan mo? Kaya hayaan mo na at kilala mo rin naman ako, magastos talaga ako pagdating sa mga regalong ibinibigay ko.” I explained to him and I doesn't even know if he gets my explaination.
“Well, you spent your own money naman, and so, I don't care anymore.” he answered.
Pagkatapos ng arguement namin ni Weasley ay nagpunta na ako sa kuwarto ko. Habang nakahiga ako at naga-antay na dalawin ng antok ay nag-isip isip muna ako... Tama rin naman si Weasley na masiyadong malaki ang halagang ginastos ko para sa isang regalo, ang sabi ko pa sa sarili ko ay hindi ako lalagpas sa 60k na buwanang sahod ko sa aking trabaho pero an'yare? Tsk, nakakapanghinayang rin ah, kung ibinigay ko na lang siguro sa mga naghihirap iyon, e sana ay may nabusog pang tao. Hep..hep..hep... every month ay nagbibigay ako sa Charity Club sa school ng kahit magkano na gustohin ko kaya kahit papaano ay nakakatulong pa rin ako at tsaka kung may nanghihingi sa aking batang hamog ay nagbibigay naman ako kaya dapat hindi na ako mamroblema, 'di ba? Nakakapanghinayang pero kung makikita ko ang magiging reaksiyon ni Kyne sa regalo ko ay hindi na ako manghihinayang pa, 'yun ay kung maa-appreciate niya ang regalo ko, imposible naman na hindi niya magustuhan 'to, e, bagong labas lang 'to 'no. Pero sayang talaga 'yung 79k. [ToT]
Tsk. Puro ako pero, bahala na 'no. Kaya ko pa rin naman kitain ang ganoong halaga, ayos na iyon.
“Huwaaat?” -Jhe
“79k?” -Cey
Sabay at gulat na tanong ni Jhe at Cey nang sabihin ko sa kanila kung magkano ang bili ko sa sapatos na ireregalo ko kay Kyne.
“May point naman pala si Weasley dahil ang mahal ng bili mo sa sapatos na 'yon.” dagdag ni Cey at tumango naman si Jhe.
“Pero may point ka rin naman na priceless ang magiging reaksiyon ng pagbibigyan mo kaya siguro ay tabla lang iyon at sinabi mo naman na yayamanin ang nabunot mo kaya hayaan mo na lang.” dagdag naman ni Jhe.
“Ewan ko ah, basta masiyadong mahal ang 79k para sa exchange gift.” sagot ni Cey.
“You are right naman pero hayaan na lang natin, pareho tayong may mga opinyon kaya bahala na, and I am hundred percent sure naman na magugustuhan ng nabunot ni Cherry ang regalo niya, it cost's 79k kaya.” sabi naman ni Jhe.
“Yes, bahala na lang.” maikli kong sagot.
“Change topic na nga tayo... Cherry, have knew your sponsor on your scholarship?” sabi ni Cey.
“No, since junior high ay hindi ko nakilala ang sponsor ko, ba't mo naman biglang natanong?” kuryos kong sabi.
“Scholar pala kayong dalawa? May pangbili ng LV tapos scholar, tsk.” mataray na sabat ni Jhe.
“Well, dean's lister kaya kami kaya ganoon.” pagmamayabang na sagot ni Cey.
“E, kayo na, tsk.” sagot ni Jhe sa kaniya.
“Pero bakit mo nga natanong?” kuryos kong tanong kay Cey at sumubo ng spaghetti.
“Well, baka daw ma-meet ko na ang sponsor ko, hindi pa ako sure kung kailan pero baka daw January or Feb.” sagot ni Cey.
“Wow, sana all, sa akin kasi ay kahit isang beses ay hindi ko pa na-meet ang sponsor ko, hindi tuloy ako makapag-thank you.” sagot ko.
“Well, baka naman kasi foundation ang sponsor mo.” biglang sagot ni Jhe kaya napatingin kami ni Cey sa kaniya.
“What do you mean?” I asked her.
“Gan'to kasi 'yan, baka may big company ang may foundation na nagbibigay ng pera sa mga students pang-sponsor para sa scholarship and anonymously sila tumutulong sa scholars nila. Depende iyon sa director ng company kung magpapakita sila sa students.” paliwanag ni Jhe at pareho naman kaming namangha ni Cey sa mga sinabi nito.
“Wow, ang galing naman pala. Pero sana makilala ko ang sponsor ko para makapag-thank you ako.” mangha kong sagot.
“Agree pero paano mo naman nasabi 'yan, Jhela?” tanong ni Cey at sumipsip sa juice nito.
“May kaibigan si mom na director ng isang company na anonymously tumutulong.” bulong ni Jhe sa kaniya pero sapat na para marinig ko rin.
“Ang galing naman pala.” sagot ko.
Pero sana makilala ko ang sponsor ko, hindi ko alam kung kailan pero soon, please.
Manifesting ma-meet si sponsor!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top