21st Chapter

Olivia Cherry Castro Flores' P.O.V.

“Weas,” Pagtawag ko kay Weasley nang makita ko siya sa library, nagbabasa siya ng libro doon sa favorite chair niya. Doon kasi naka-tutok 'yung aircon. Tinapunan niya lang ako ng tingin at ibinalik ang atensyon sa librong hawak niya.

Bumuntong hininga ako at lumapit sa kinaroroonan niya, umupo ako sa tapat na upuan, “Can we talk?” Nahihiyang tanong ko at napansin ko naman na umirap siya.

“About?” Simpleng tanong nito sa malamig na boses, lumunok ako at tinignan siya nang deretso sa mata, nakita ko ang mga mata niyang naka-tuon pa rin sa librong binabasa.

“D-do you have f-feelings for m-me?” Nauutal kong tanong dahil aaminin sobrang nahihiya ako, napaka-awkward ng moment na 'to.

Ibinaba niya ang libro at tinignan ako nang malamig, “If I answer you 'yes', are you goin' to break up with him?” Seryosong sabi nito at napa-ayos naman ako ng upo dahil sa mga sinabi niya.

Lagot na, ano na ang sasabihin ko? Kung ano na lang ba? Pero bakit naman ako makikipag-hiwalay kay Thunder? Pero ayaw ko naman na masira ang friendship namin ni Weas dahil sa relationship ko kay Thunder kaya dapat lang na ayusin ko 'to dahil ako naman ang nagpaka-manhid, obligasyon ko 'to.

“H-huh? I just wanna know, baka iyon ang dahilan kaya ganiyan ka na umasal sa akin,” Seryosong sagot ko at nag-iwas ng tingin.

“And yes, I do, I do have feelings for you, I like you, that's the hella reason why I became cold to you.” Mariin na sabi niya at napansin kong napa-higpit ang hawak niya sa libro dahil sa diin niyang pagsasalita.

“Quiet!” Narinig kong sigaw ng isang babaeng nag-aaral ng kung ano sa may likod ko.

Tumingin naman nang masama sa akin si Weas at agad na tumayo, kinuha niya ang bag niya at umalis na.

Hindi ako nakakilos agad dahil sa ginawa ni Weas, medyo naiiyak na rin ako dahil sa hindi ko alam ang gagawin.

Nang maayos ko ang sarili ay tinignan ko ang librong binabasa ni Weas, If I Stay by Gayle Forman, ilang beses niya na binabasa ito ah, may sariling book nga siya na ganito at ako pa ang nagbigay, ano naman kaya trip non at gusto niya basahin ulit ito.

Okay... */breath in, breath out

Me: [Weas, let's talk, please.]

Minessage ko si Weas at hindi ko alam kung mag-re-reply siya o hindi, ang gusto ko lang naman, e, ang makausap siya, 'yung masinsinan at seryoso.

“HAHAHAHA, simpleng pag-comfort lang sa lalaki, e, hindi mo alam,” Natatawang sagot sa akin ni Jhela nang tanungin ko siya kung paano manuyo ng lalaki, wala kasi akong idea kung paano.

“Sige, tawa pa, seryoso kasi ako,” Asar kong sagot sa kaniya at siya's tinarayan.

“HAHA— Nakakatawa kasi talag—HAHA—” Sabi niya habang tumatawa, nakahawak na nga siya sa tiyan niya, e.

“Paano nga kasi?” Seryoso ko nang tanong.

Ilang saglit ay tumahimik muna siya at huminto sa paglalakad, ganun rin ako at tinignan siya. Hinihingal niya akong tinignan, “Hindi mo kailangan suyoin 'yung tao, kailangan mo siya kausapin, gumawa ka ng paraan, ibigay mo 'yung faves niya.” Sabi niya at uminom sa hawak niyang cola.

Tumango lang ako bilang sagot para isipin kung paano ako gagawa ng move para makausap si Weas.

Weasley Zeke Mendez Luxeforbes' P.O.V.

' Hi, Weas! I cooked your favorite dish, sana makapag-usap na tayo nang maayos:) '

'Yun ang nabasa kong note sa nakadikit sa takip ng tupperware na nakalagay sa mini-ref ko dito sa kuwarto ko, pagbukas ko ay nakita ko ang mabangong chicken afritada.

Tsk, nagtatampo ako sa kaniya pero pinagluto niya ako, paborito ko 'to kaya sayang kung ibibigay ko lang at isa pa niluto niya 'to para sa akin. Pero hindi ibig sabihin no'n ay kakausapin ko na siya, nagtatampo pa rin ako.

“Uhm.. 'Nay Lina...” Pagtawag ko sa kasambahay namin na ang turi ko na ay parang aking nanay.

“Weasley, gutom ka ba?” Agad na tanong niya paglingon at ibinaba ang hawak na towel.

“Ah, hindi po, ito po oh, baka gusto niyo, busog na po kasi ako, e,” Sagot ko at inabot ang tupperware na may laman pa na afritada.

“Aba, luto ito ni Olivia, ah,” Sabi ni Nay Lina nang buksan ang tupperware.

Tumango-tango ako, “Opo, Nay Lina, pero may favor po sana ako sa inyo...” Sabi ko at napatingin naman nang deretso sa mata ko si Nay Lina.

“Oh, ano naman iyon?” Tanong nito at nagkibit-balikat, “P-puwede po ba na kapag tinanong ni Olivia iyang tungkol sa luto niya- puwede po ba pasabi na hindi ako kumain at binigay ko na lang sa inyo iyan?” Nagmamakaawa kong pakiusap.

“Ahh, iyon lang pala, e, sige ba,”

Napangiti naman ako sa sagot ni Nay Lina.

“Pero Weasley, kailan mo ba balak kausapin si Olivia? Alam mo ba na gustong gusto ka niya kausapin? Tsk.” Tanong niya at inilagay sa ref ang tupperware.

Napakamot-ulo ako, “Actually, ayoko pa po muna talaga siya kausapin, medyo pinapalamig ko muna 'yung ulo ko.” Sabi ko at tumango-tango naman si Nay Lina.

Olivia Cherry Castro Flores' P.O.V.

Kinain niya kaya iyon? Siguro naman ay oo, paborito niya iyon, e, pero paano kung tinapon niya? Hindi, hindi, hindi, kinain niya iyon. Kinain niya nga ba talaga? Hayyy—

Bago pa ako masiraan ng bait ay bumaba na ako sa kusina at saktong andun si Nay Lina na nagluluto ng kung ano.

“Nay Lina...” Pagtawag ko sa kaniya.

“Bakit?” Tanong niya nang hindi lumilingon sa akin dahil hinahalo niya 'yung niluluto niya.

“Kinain po ba ni Weas 'yung niluto ko? Binalik niya na po ba 'yung tupperware dito? Masa—”

“Hindi niya kinain, hindi man lang nga nabawasan, e. Binigay niya sa akin at ako na lang daw ang kumain.” Sagot sa akin ni Nay Lina nang hindi na ako patapusin sa aking mga tinatanong.

Napa-upo naman ako sa high-chair at parang gumuho ang mundo ko nang sabihin ni Nay Lina na hindi kinain ni Weas 'yung niluto ko.

First time na nangyari ito, kapag nagluluto ako ay laging si Weas ang unang tumitikim nito tapos ngayon.. Hindi niya kinain? Grabe naman, paano ko na siya makakausap kung siya naman ay walang planong kausapin ako.

“Sinabi niya sa akin na wala daw muna siyang balak na kausapin ka at magpapalamig pa siya ng ulo niya, kaya kung ako sa iyo ay hayaan mo muna siya.”

Naputol ang pagkatulala ko nang kausapin ako ni Nay Lina, napatingin naman ako sa kaniya na ay ngayo'y naghihiwa ng mga gulay.

“Tsk, hindi po ako susuko, susuyoin ko siya hanggang sa sumuko na siya at kakausapin niya na ako, alam niyo po kung gaano ko kamahal iyon kahit bilang kapatid ko lang.” Mahabang sagot ko.

Tsk, kung hindi gumana ang Plan A ay meron naman na nakahandang Plan B.

Magpapadala ako araw-araw ng favorite niyang kape sa classroom nila.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top