20th Chapter

Olivia Cherry Castro Flores' P.O.V.

“Babi...” pagtawag ko kay Thunder nang makita ko siya sa corridors papuntang library, lumingon ito at ngumiti.

Agad akong lumapit sa kaniya, “You goin' to library?” tanong ko at pagkayakap ko sa kaniya.

“Yep, may pinapahanap na libro about sa History 'yung prof namin,” sagot niya nang makalas kami sa pagkakayakap sa isa't isa.

“How 'bout you?” tanong niya.

“Papuntang pool area, napadaan lang ako dito at saktong nakita kita,” sagot ko sa kaniya at agad na napangiti.

“Sus, baka naman sinusundan mo ako, ah,” sabi nito na ikina-kunot noo ko.

“Feeling mo naman, ano akala mo sa 'kin? Stalker?” sabi ko at tumango-tango naman siya, “Oo kaya, paparazzi nga kita, e,” sagot niya.

“For your information, kinukuhaan lang kita ng picture kapag nakikita kita, 'no, busy akp lagi tapos susundan-sundan kita? Feeling,” asar ko sabi sa kaniya at nag-kibit-balikat.

“Fine, panalo ka na, baka awayin mo na naman ako, e,” sabi niya na ikinangiti ko.

“Goods, sige na, pumunta ka na sa library,” sabi ko at niyakap niya naman ako, yumakap ako pabalik, “See you later, OK?” tanong niya pagkatapos ng yakapan namin at tumango-tango naman ako.

Pinanood ko siya maglakad hanggang sa mawala na siya sa paningin ko dahil lumiko na siya sa dulo ng corridors.

Naglakad na ako papuntang pool area, tumigil muna ako saglit at tinignan ang paligid. Wala masyadong tao sa labas ng pool area, iilan lang, pumasok na ako sa loob at nang makapasok ako ay agad kong nakita si Cey sa viewers' side.

Iilan lang rin ang mga tao sa viewers' side at sa pool ay may dalawang student ang nagp-practice.

Lumapit ako kay Cey at umupo sa tabi niya, “Cherry, How are you?” pagbati niya sa 'kin at ngumiti naman ako.

“I'm good, ikaw ba?” sagot ko sa kaniya at nakangiting tumango-tango naman siya.

“Always fine,” ngumiti ako sa sagot niya.

“Pero kayo ba ni Weas, e, good?” seryosong tanong niya at umiling-iling ako.

Ipinatong ko ang ulo ko sa balikat niya at ipinatong niya naman ang ulo niya sa ulo ko, “Alam kong mataas ang pride mo pero payag ka ba na masira na lang ang pagkakaibigan niyo? Look, Cherry, ilang taon pa lang kayo ay magkakilala na kayo, ilang taon na kayong best friends tapos ano? Masisira lang ng ganun dahil sa hindi niyo napag-usapan ng maayos?” seryosong sabi niya,

“He likes me,” walang ganang sagot ko sa kaniya.

“Sinabi niya na sa 'yo?”

Agad kong tinanggal ang ulo ko sa balikat niya at gulat na tinignan siya, “You know that he likes me?” gulat na tanong ko at tumango-tango naman siya.

“Y-yeah, kaya nga binalaan kita, 'di ba? Sinabi ko na may masasaktan kapag ano, 'yun nga,” nahihiyang sagot niya sa akin.

“Matagal mo nang alam?” wala sa sariling tanong ko sa kaniya.

“Mag-aapat na taon na rin siguro, sinabi niya sa akin 'yun dahil wala daw siyang ibang masabihan at nahihiya siya na aminin sa 'yo dahil daw baka masira ang pagkakaibigan niyong dalawa,” paliwanag niya sa akin.

Parang nalaglag ang utak ko dahil sa aking nalaman, ang tagal mag-process sa utak ko ang lahat. Mababaliw na yata ako ng tuluyan.

“G-gusto niya ako..” hindi makapaniwalang sabi ko sa aking sarili.

“Sorry, Cherry..” sabi ni Cey at hinawakan ang kamay ko.

Hindi ko alam kung bakit naramdaman kong naiiyak ako sa nalaman ko dahil sa mismong bestfriend ko na nanggaling na gusto ako ni Weasley, at ngayon hindi ko alam kung anong gagawin. Hihiwalayan ko na ba si Thunder? O kakausapin ko na lang si Weasley?

Lumayas na lang kaya ako sa bahay pero hindi nakakahiya, bahay niya iyon, at sa kaniya ako nagta-trabaho. 'di ba? Paano na?

“Why don't you just talk to Weasley?” mungkahi ni Cey,

At sa ilang saglit ay tuluyan nang tumulo ang luha ko, how stup!d am I to be not aware about Weasley's feelings to me?

“H-hey, don't cry..” pagpapa-tahan ni Cey sa akin, nanatili lang ako sa pag-iyak.

“I-I need t-to talk to h-him..” utal-utal kong sabi at pinunasan ang pisngi ko gamit ang kanang palad ko.

“You want me to help you? I will help you to talk to him.”

Umiling ako sa sinabi ni Cey, “Thank you but no need, I'll talk to him later..” sabi ko at huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili ko.

Kahit hindi ko alam kung paano siya kakausapin ay kailangan, masisira ba ang matagal namin na pagkakaibigan dahil lang sa hindi pagkakaunawaan?

Mr. Anonymous: Hi, slr, busy kasi

Sa text na ito ay nabuhayan ako dahil akala ko ay may nasabi akong masama kay Mr. A kaya hindi ito nag-reply sa akin kagabi.

“Babi, ako o iyang cellphone mo?”

Napatigil ako sa pagti-tipa sa aking cellphone at napa-tingin kay Thunder, agad na napukaw ng atensyon ko ang kaliwang kamay niya na hawak ang cellphone niya.

“Tsk, e, nagse-cellphone ka rin naman,” mataray kong sabi at ibinalik ang tingin sa cellphone ko.

Me: Hiiiii! Ok lang, ganiyan talaga sa college, always busy.

Nagulat ako dahil sa ilang segundo pagkatapos ko i-send ang message ko ay tumunog ang cellphone ni Thunder, napatingin agad siya sa cellphone niya.

“Thunder..” pagtagawag ko sa kaniya ay tumigil siya sa pagtitipa sa kaniyang cellphone at tumingin sa akin ng nakangiti.

“Babi?”

“Don't lie to me, are you Mr. Anonymous?” walang alinlangang tanong ko at agad naman siya na ngumiti.

“And what if yes?”

Nabuo ang letrang 'o' sa bibig ko sa sinagot niya at agad na pinalo siya sa dibdib niya.

“Alam mo bang ang tagal ko nang iniisip kung sino si Mr. Anonymous tapos ikaw lang pala! Pisting yawa ka!” naasar kong sabi habang hinahampas-hampas ang dibdib niya.

Napatigil ako nang hawakan niya ang mga kamay ko, “Sorry..” sabi niya at tumawa.

“Hindi mo na uulitin! Okay?” naasar kong sabi at binawi ang mga kamay ko sa kaniya.

Tumango-tango siya at niyakap ako, yumakap ako pabalik.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top