Kabanata 1

Unang Kabanata
Unwanted


"The deadline of your project will be on the last week of this month, got me right?"

Agad naman kaming sumangayon kay Mrs. Martinez. Tahimik ang buong klase dahil lahat kami at takot sakanya. She is the stricest teacher here in Clynton. Whosoever broke or doesn't follow her rules will be punished. Hindi ko alam kung anong klaseng parusa pero may nakapagsabi saakin merong daw nagawa ang isang estyudanye na di nagustuhan ni Mrs. Martinez, at dahil doon, Mrs. Martinez didn't give that student a chance to take his or her exam under her subject in the day of examination. She is very tough to her students. She dislikes any mistakes and carelessness. Her rules should be obeyed.

You have to be very cautious to avoid being embarrassed inside the class.


"Now, do you have any questions before I'll dismiss you?" she asked as she fixed her eyeglasses.

Her eyebrows shot up when three of my classmates raised their hands. Wearing her black aura all the time, she signaled Andrei to stand up and give out his question.

"I just want to ask ma'am i-if we are allowed to group with other sections?" magalang na tanong niya.

Muntik na akong natawa nang nautal si Andrei. I mean, astig-astigan kase ito at pabida minsan, it's very strange to see him like a tamed wild cat.


"Yes, iho. May binanggit ba akong bawal iyon kanina? Just be guided by the rules of your project. Ang mga binanggit kong bawal, ay ang bawal lang. That means all the other things that aren't mentioned are possible." Ang dalawang kamay kanina na nakataas ay biglang naglaho nang nasagot ang tanong ni Andrei, maybe Mrs. Martinez answered as well the questions of the two other students who raised their hands.


Mrs. Martinez say her goodbye before stepping outside the room. Nagsisialisan na ang mga kaklase ko when our last period of the day is over. After I'm done fixing my things, I texted Dexter that I'll wait for him infront of the music room, which is tapat lang ng building namin. Umalis na ako sa classroom at hindi na hinintay ang kanyang reply. Habang naglalakad patungo sa music room ay naramdaman kong nagvibrate ang aking telepono. Dalawang unread messages ang nagpakita sa screen nito, isa galing kay Dexter at isa naman galing kay Tito Tino ngunit una kong binuksan ang mensahe ni Dex.

Dexter:

Okay, I'll be there within about five minutes. Wait for me, late nagdismissed si Sir Franklyn e. Muah, thanks! <3



Hindi na ako nagreply kay Dexter dahil wala din naman akong mairereply. Nang nabasa ang reply nito, sinunod ko namang buksan ang text ni Tito.


Tito Atino:

Alex medyo matatagalan siguro ako dahil naflatan ako sa daan kaya dinala ko muna sa vulcanizingan ang tricycle.



Asawa ng nakababatang kapatid ni Mama, na si Tita Christina, si Tito Atino. Tricycle driver si Tito na siyang tagahatid sundo ko palagi. Tatlumpung minuto ang byahe mula sa bayan namin papunta dito sa Clynton, ngunit minsan ay mas higit pa doon kapag traffic. Mama always insists to pay him though Tito doesn't want to accept the money, pero palagi namang nakakakahanap nang paraan si Mama para mabayaran si Tito.



Okay lang po, Tito. Hintayin na lang po kita sa may parkingan.


"Kanina ka pa ba?" I lift my head to confirm whose voice that is.





Sabi ko na nga ba, ang baklang may laboratoryo.


"Uy may katext, sino iyan?" tukso nito na sinundot sundot pa ang tagiliran ko habang pilit na tinatanaw kung sino ang katext ko. Agad kong binulsa ang telepono bago pa niya ito makita. Asaran pala ha?





"Wala." Tinaasan niya ako ng kilay at binigyan ng mapanghusgang tingin na tila nagsasabing hindi ito naniniwala. Inirapan ko na lamang siya dahil wala naman talaga akong katext, nireplayan ko lang si Tito. That's it.








"May kagrupo ka na ba sa cell model project?" tanong ko nang napunta sa isipan ang tungkol dito."Pwede bang makigrupo sa ibang section?" Aniya nang nakuha ang ibig kong sabihin. Tumango ako.

"May mga nagtatanong nga kanina saakin kung makikigrupo daw ba ako sakanila, buti na lang tumanggi ako." Hindi na ako magugulat kung maraming nagaalok sakanya. Well, his physical features and family background are one of the reasons why he can easily attract people. Attract girls or someone who's exactly like him, lalo pa't medyo marami siyang kaklase na kagaya niya.








Marami mang nakakaalam na malambot ito, may mga ibang babae pa din na nagkakandarapa sakanya. At kapatid lang naman niya ang nagiisang Ariadne Guevara o mas kilala sa pangalang Aria Guevara, one of the most famous filipina fashion model. Kilala dito sa Pilipinas at halos kilala din sa mga ibang bansa. You have no idea how rich their family is.






"Bakit ka tumanggi? Gusto mong magindividual?"


"Aanhin ko ang dalawang tao kung kaya ko namang magisa? Magiindividual na lang ako kesa naman makipagpair o makigrupo kung ganoon, tsaka pwede naman sabi ni Mrs. Martinez basta hindi mageexede sa three students," wika niya.



Edi ikaw na ang independent!



"Have you think already what kind of cell we're going to make?"

"We're? Akala ko ba magiindividual ka一?"

"Kanina iyon!" Ayan, individual pang nalalaman.


"Hindi pa , bakit?" Balewala ko sa reaksyon niya.

"Ako kase may plano na." Bahid ang pagmamalaki sa boses nito.

That's odd.

Knowing Dexter? He wants everything falls into place in any case, but he sometimes forgot to plan it out first. Iyong hindi niya tipo ang nagplaplano o gumagalaw ng maaga, saka lang siya gagalaw kapag ba pasahan na kinabukasan or an hour before the time. He's not fond of making decisions, lalo na kapag masyadong maaga pa. He prefers to go with the flow and whatever might happen will happen.

If you believe in yourself that you can do it, you can do  it even without planning at all. He once told me that, pero hindi ko alam sa sarili ko kung bakit mahirap paniwalaan.

People surely have different perspective in life. I guess?

"Sige nga, anong cell muna?" Puno ng panghahamon kong sabi.

"Sperm cell."


Tama ba ang narinig ko? Seryoso ba siya? "Sperm cell model project." ulit nito na para bang narinig kanina ang nasa isipan. "Are you joking? Sa'n mo naman nakuha iyan?"


"W-what? I'm serious! As you can see I'm pretty sure that一" Seryoso daw pero halos hindi na maibigkas ang gustong sabihin dahil sinasabayan niya ito ng pagtawa. "That what, Dexter?!" iritadong pagputol ko. Kung ano ano talaga pumapasok sa kokote nito!

"Na paniguradong tayo lang ang walang kaparehong cell model! Others might make an animal or plant cell, neuron or whatever!" He reasoned out.

"It's not about that! So what if you had pick a cell that is similar to others? Ang gragraduhan naman nila ay ang pagkamalikhain, katibayan at epekto nito sakanila."

"I know. Iaapply naman natin ang mga iyon sa gagawin nating sperm cell. Ba't ba ang init ng ulo mo? Meron ka ngayon 'no?" Hindi na lamang ako umimik dahil meron nga ako ngayon.

I'm on my period! And I'm very frustrated at him right now! Ayaw magpatalo e!



He giggled when knew he was right. That tiny dimples playing at the corner of his mouth suddenly faded. I was about to ask what might be troubling him, but his reaction preceded me. Narining ko ang ilang mga pabulong na mura nito bago niya hinubad ang bag na nakasabit lamang sa isang braso at hinagulgol ang bag na tila hindi mapakali. Nasilayan ko ang iritasyon sa kanyang mukha nang hindi natagpuan ang bagay na hinahanap.





"Mauna ka na," tipid nitong sabi at mukhang tatalikuran na sana ako.

I waited him for just nothing?! Aba! Nananadya ata 'to a!

"Sama! Pagkatapos mo akong pinaghintay, aalis ka din naman!"

"Pupunta ako sa locker room. If you wanna walk all over the soccer field with me, then sure."

Malayo ang locker room sa building namin. Kailangan mo pang lagpasan ang buong soccer field bago ka makarating doon. I can not literally describe how big this school is. It's Clynton Academy, what do you expect?


"Fine!" I barked because of annoyance.


Humalakhak siya at ginulo ang aking buhok na para bang aso niya saka ako tuluyang iniwan. Hinintay ko muna siyang mawala sa aking paningin at aalis na din sana ngunit napansin ng aking mga mata ang bahagyang nakabukas na pintuan ng music room. Sinilip ko muna kung may tao ba sa loob, at wala sa sariling tinulak ang pintuan sa tamang buka nito para makapasok ang sarili.


Medyo madilim dahil nakasara ang mga bintana. Ang tanging nagsisilbing liwanag ay galing sa pintuang nakabukas. Kusang gumalaw ang paa ko patungo sa gitarang nakasandal sa pader. Napansin kong nakakonekta ang chord wire ng speaker sa gitara. Hindi ito electric guitar, sadyang pwedeng ikabit ang gitara sa speaker.




Kinabit ko ang saksakan ng speaker at Inilapag ko muna ang hawak na gitara. Naglakad ako patungo sa switch nang may nakita. Kumunot ang noo ko dahil ilang beses ko itong pinindot pindot ay hindi pa rin bumubukas ang ilaw. Bigo akong sumuko dahil pundi nga ito. Pinulot ko muli ang gitara at umupo sa upuang may kaharap na mikropono. I turned the microphone on and adjusted its position, directly pointing my mouth.



Wala naman sigurong makakarinig dahil wala naman na akong nakikitang nagsisilakad dito. Marami nang nagsisiuwian, at kung meron mang naiwan pa ay iilan na lang. Tsaka hindi naman siguro ganoon kalakas ang mikropono para may makarinig pa.



Nang nakapwesto na ang aking mga daliri sa C chord ay dahan dahan kong pinatunog ang hawak na gitara. Every strum of it, I imagined how the sound waves traveled until it hits my eardrums, like how the wild waves of ocean traveled along the shores.




"Alex, sila Papa na iyan! Tara doon, salubungin natin!" Anyaya ni Denisse na kalaro namin ng pinsan kong si Trysha, nang may matanaw kaming papalapit na bangka sa di kalayuan.



Mabilis akong napatango sakanya dahil sa labis na kasabikan na makita si Papa. Nagsiunahan kaming tumakbo hanggang sa naramdaman ko na ang paghaplos ng tubig sa aking talampakan. Patuloy pa din ang aming paglapit sa paparating na banka at huminto na lamang nang kalahati na ng aming binti ang nakalublob sa tubig dagat, takot na tuluyang mabasa ang suot na damit.



"Denisse! 'Wag kayo diyan at baka matangay pa kayo ng alon!" Pagaalburoto ng tatay ni Denisse na si Mang Daniel.




"Kayong mga bata talaga!" Narinig ko namang sigaw ni kuya Francis na madalas na kasama ni Papa at Mang Daniel na nagpapalaot.





Mabilis na hinanap ng aking mga mata si Papa. May kung anong inaayos ito at hindi manlang nagabala na lingunin kung sino ang sinisigawan ng kanyang mga kasama.




Lumapit ang mga ibang kalalakihan na naghihintay kasama namin nang nakalapit na nang tuluyan ang bangka na sinasakyan nila Papa. Bumaba sila Papa sa banka at lahat sila ay tulong tulong na binuhat ito palayo sa katubigan. Nang ibinaba nila ang bangka ay lumapit ako kung nasaan mismo si Papa.



"Papa, marami po ba kayong nahuli ngayon?" Ani ko. Pinasadahan niya ako ng tingin bago tumango at binalik ulit ang atensyon sa kaniyang ginawa.

"Ano pong klaseng isda ang mga nahuli niyo?" Hindi ko napigilang tanong nang naglakbay ang tingin sa mga isdang nahuli nila. Hindi ito kumibo.

Baka hindi niya narinig? Masyado atang mahina ang boses ko.

Inulit ko ang tanong at medyo nilakasan ng kaunti ang boses. "Marami," aniya na may halong iritasyon sa boses pero isinawalang bahala ko na lang.

"Papa sabay na tayong umuwi, ha? Hihintayin—"

"Nakikita mo ba?! Marami pa akong ginagawa! Umuwi ka na!" Muntikan na akong napatalon sa biglaang pagsigaw ni Papa. Umamaapoy ang kaniyang mga mata at sumisigaw ito ng pagkamuhi.

"P-po? Hihintayin po kita hanggang matapos ka, tutulong po ako—" Nagiinit na ang sulok ng aking mga mata at pilit pinipigilan ang pagtulo ng aking mga luha.

"Hindi ka nakakatulong! Storbo ka lang dito! Mas pinapagod mo lang ako kaya umuwi ka na!" Dahil sa halong takot at kaba, tumakbo na ako palayo habang walang tigil na bumubuhos ang aking mga luha na patuloy kong pinupunasan gamit ang maruruming mga kamay.

Kase naman, Alexis! Masyado kang makulit! Kaya ka palaging pinapagalitan ng Papa e!

Sa bilis ng aking pagtakbo ay mabilis akong nakarating saamin. Kailangan ko munang lagpasan ang bahay nila tita Tina bago makarating sa bahay namin.

Nasulyapan ko si kuya Tris na nakaupo habang may hawak na gitara sa harap ng bahay nila. Agad akong huminto sa pagtakbo at pinunasan ng maigi ang mga luha at isininga ang sipon gamit ang laylayan ng aking damit. Nang nakuntento na ay tumuloy na ako sa paglalakad. Kapatid ni Trysha si kuya Tristian, magkasingedad lang kami ni Trysha habang si kuya Tris ay mas matanda saamin ng apat na taon.

"Alex!"

Nakita niya ako! Mabilis akong yumuko at mas binilisan ang paglalakad.

"Halika nga dito!" Napahinto ako dahil sa lakas ng pagtawag niya. Ayoko sanang pumunta pa doon dahil baka malaman ni kuya Tris na kagagaling ko lang sa pagiyak. Ngunit ayoko naman na maging bastos, baka magalit din siya saakin katulad ni Papa.

Hindi naman niya siguro mapapansin na umiyak ako.

Unti unti akong humarap kung nasaan si kuya Tris. At gamit ang maliliit na hakbang ay nakarating ako doon.

"Saan ka galing? Asan si Trysh?—Teka, umiyak ka 'no?" Agad akong umiling.

"Bakit pulang pula iyang mata at ilong mo kung gano'n?" Tinuro ko kung nasaan ang dagat, hindi malaman kung bakit ko nagawa iyon. Nagtagpo ang kaniyang dalawang kilay kaya mabilis akong napaisip na pwedeng mairason sa tanong niya.

"D-doon! Naghagisan po kami doon ng b-buhangin nila Denisse kanina, nalagyan 'yung mata ko k-kuya kaya napaluha ako," nauutal kong sagot dahil sa kaba na baka malaman niyang nagsisinungaling lamang ako.

"Mama! Si Alexis oh!" Nadagdagan ang aking nerbyos nang tinawag niya si tita Tina. Pinisil pisil ko ang kamay dahil sa sobrang nararamdaman.

Wala naman akong ginagawang masama sayo kuya Tris!

Lumabas si Tita at mabilis niya akong nahuli ng kaniyang mga mata. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa at nasulyapan ko ang biglang nagpakitang awa sa mga mata niya.

"Oh, bakit? Anong problema mo kay Alex?" Baling nito sa anak.

"Ayan. Ayaw sabihin dahilan ng pagiyak," sumbong nito kay Tita. Lumipat ang tingin nito saakin, "Alex, bakit namamaga iyang mata mo? Anak, alam mong ayoko ng nagsisinungaling," malumanay na sambit niya saakin habang hinahaplos ang braso ko. Dahil sa takot na mapagalitan na naman ay itinikom ko na lamang ang bibig at walang ginawa kundi ang umiling. Naluluha na din dahil sa nangyayari. Bago pa makapagsalita si tita Tina ay biglang dumating si Trysha.

"Trysh, bakit umiyak itong si Alex?" Tanong ng kapatid nito.

"Ha? Umiyak ka, Alex?" Kahit hindi ako sumagot ay alam kong nasagot na ang tanong ng pinsan nang tumagal ang tingin nito saakin.

"Hindi pa naman po siya umiiyak nung naglalaro kami kanina. Hindi ko din po siya napansin na umalis na pala kanina doon, nalaman ko lang kuya nung sinabi ni Denisse na narinig daw niyang pinapauwi ni Tito Manuel si Alex," nakayuko at kagat labing dinidinig ang si Trysh na walang kaalam-alam sa nangyayari.

Pinapasok kami ni tita Tina sa loob ng bahay nila at pinagpalit kami ni Trysha ng damit dahil basa ito ng pawis. Humiram ako ng damit sa pinsan dahil ito ang utos ni Tita. Lumabas ako sa kwarto pagkatapos magpalit at nasilayan kong nasa sala sila kasama si tito Tino na siguro ay kararating lang sa pagpapasada. Naglakbay ang tingin nila saakin ng napansin ako kaya agad akong yumuko dahil hindi ko pa kayang tingnan sila tita dahil sa hiya. Hindi na nagtanong pa si tita ng tungkol sa pagiyak ko, napansin niya atang nahihiya at iniiwasan ko ang tungkol doon.

"Huwag ka munang umuwi, Alex. Dito ka muna, ha?"

"Bakit? Mukhang gusto ng umuwi nitong si Alex, mahal," kunot noong tanong ni tito Tino sa kanyang asawa.

"Hay naku, Atino! Kitang kita mong halatang halata palang sa mukha ni Alex na kagagaling niya sa pagiyak! Kapag malalaman ni Camila ang dahilan ng pagiyak ni Alex, baka gyera na naman pagdating ni Manuel!" Pagpapaliwanag niya.

"Alam mo namang hindi kayang magsinungaling ni Alex pagdating kay tita Camila, Papa," sabat naman ni kuya Tris sa usapan ng magasawa.

"Napupuno na talaga ako diyan kay Manuel! Walong taon pa lang ang bata at napakagrabe na kung makapagsalita sakaniya! Sigaw-sigawan ba kamo?!"

Masyado ba akong makulit? Matigas ang ulo? Konsomisyon lang ang ibinibigay? Hindi marunong umintindi? Walang galang o respeto?

Ang mga tanong na dumadaloy sa aking isipan noon kapag galit saakin si Papa. Habang inaalala ang mga panahong ito ay mas napagtanto ko kung gaano ako kinamumuhian ng aking ama. I love my Papa so much. Kaya kahit punong puno ng pagtatampo ang aking puso ay nagmamawmaw din kaagad dahil sa labis na pagmamahal sakaniya.

I always wondered what it felt when the man who gave you life kisses your forehead and spread his arms around you, ensuring you how much he loves you. What it felt when your father had always your back. What it felt when he was there for you in the ways he should’ve been. To care for you, to encourage you, to protect you, to support you, to make you happy, to make you feel loved.

I'm the kid who tried to be a perfect daughter hoping that my beloved father would never be angry and disappointed at me anymore. That's how I'm hungry for a father's love. But I'm too young and innocent back then to realized everything.

He doesn't just disappointed. He doesn't just angry. He hated me so much. He wants me gone. He don't want me as his child.

The man, whom I'm supposed to look up to, gave me no reason to look up to him. The one supposed to love me the most, is the man who I feel unloved by.  The man whom I expected to be proud of me the most is ashamed of me. I were stabbed in the heart by the man I desperately wanted to love me— the one who was supposed to love me.


That man is my father.



I am my father's unwanted child. Right, I am unwanted.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top