CHAPTER 5: Fallen Angel

Edited...

N/A:
This Chapter is already Edited as of April 2018. Please do comment and let me know how you think my lovely readers. God bless ฅ'ω'ฅ

*******
Sydney

"Aaaaahh!!"

Napasigaw nalang ako sa nakita ko.

M-mga engkanto ba nakikita ko? O isang engkanto na likha lang ng isip ko?

Oh diyos ko po! Nabagok na ata ng sobra ulo ko ng di ko namamalayan kaya kung anu ano na nakikita ko.

(º ロ º๑) ≥﹏≤ ╥﹏╥

Lalo pa akong napasigaw sa naiimagine ko na maari nilang gawin sa akin. Pero para silang nataranta sa pagsigaw ko ng bigla nalang takpan ng isang kung anong klaseng nilalang yung bibig ko, Yung nadaganan ko. Ano ba 'to nananaginip lang ba ako? Gusto ko ng magising!

〣( ºΔº )〣

"Syd!!....Syd!! A-ano nangyayari sa'yo diyan?!" Nag-aalalang tanong ni Jill sa akin. Pero di ako makasagot. Sisigaw nalang sana ako ulit kaya lang maguumpisa palang ako eh lalong diniinan ang pagkakatakip sa bibig ko nakasandal na ako sa dibdib niya.

"Ssssshhh.." Mahinang saway niya. Lalo akong nanginig ng maramdaman ko yung mainit na hininga niya malapit sa tenga ko. Pati paghinga niya ay nararamdaman ko sa likod ko. Pati tuhod ko nanginginig na.

Teka, h-hindi engkanto itong mga andito! 😨😭 t-tao tao sila. Yung pakiramdam palang ng braso na nakapalibot sa akin, yung tikas ng  katawan na nakadikit sa akin. Obviously lalake ito. Hindi ko pa man naranasan na madikit sa lalake, alam kong lalake ito. Sa araw araw na ginawa ng diyos na puro babae kasama ko ngayon pa ba ako magkakamali?

  Nanginginig na buong katawan ko. Para bang may isang kable ng kuryente sa katawan ko na nagumpisang sumiklab.

Oh diyos ko! papatayin na ako ng mga mga ito. Killer ba sila? takas sa kulungan?jusko ko baka rapist!

Lord iligtas niyo po ako.

"Syd?!! Bakit hindi ka nagsasalita?? Hoy! Natatakot na ako." Siguradong natatakot na siya. Kasi iba na yung tonation ng boses niya. Abah kung natatakot siya, anu pa kaya yung pakiramdam ko na andito sa ibaba at yakap ng kung sino at tinakpan pa ang bibig ko. Wag mo akong iwab dito Jill. Umiiyak na ako, pero di iyon marinig ni Jill.

"Syd!! Ano ka ba?! Ano ba 'to nasaan na ba yung flashlight?" Naririnig kong satsat niya mula sa taas at talagang taranta na siya. Nabitawan niya marahil nung mahulog ako.

"Syd! Ba-babalikan kita dito hah! Hihingi lang ako ng tulong! Syd?!"
Iiwan niya ako dito? Oh no! wag Jill pakiusap. Hindi parin ako makasagot. Hula ko pakamot-kamot narin ng ulo yun. Diri-dirityo na pagtulo ng luha ko sa takot.

Jill wag mo akong iwan sa mga ito!

Kung pwede ko nga lang isigaw, kaya lang wala talaga, hindi ko magawa. Nanginginig parin ako.

Maya-maya ay tahimik na sa taas. Nakaalis na marahil si Jill.

Biglang tinanggal ng  yung palad niya sa bibig ko.

At dun napasigaw ako ulit

"Aaah!!! Aaaaaahhhh!!!"  Nagsumigaw ako, habang yung luha sa mata ko tuloy parin sa pagtakas dito.

"Ssssshhh! Ssshhh!"

Pero di parin ako tumigil. Sumigaw ako ulit habang nakaupo sa putikan na umaatras ng kunti palayo sa kanila. Paanu ako makakaalis dito??

Bigla nalang akong may nakapa sa pag-atras ko..

Yung flashlight!!!

Nahulog nga dito yung flashlight!

Dali-dali kong kinuha iyon at nanginginig-nginig pa akong pumipihit dun para umilaw. Nahulog pa ulit iyon at tarantang pinulot ko lang ulit. At agad-agad na itinapat ko yun sa kanila.

Lalo akong napasigaw ng makumpirma kong tama yung naging hinala ko. Mga tao na puro putik sa buong katawan, ulo at mukha. At mukhang nag-landing pa sa kanila yung mga basura sa sako na hawak ko kanina.

Patay na ako!

Hindi naman sila halimaw o engkanto pero paanu kung...

Gumawa sila ng masama sa akin. chop-chopin katawan ko? Diyos ko po puro karumaldumal lang naiisip ko.
At hindi lang isang tao ang nakikita ko. kundi,apat sila!

Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong napasigaw at kung ilang beses na silang nataranta at nag-sshh sa akin.

"Ssshhh! Please d-dont make any noise. We're not going to hurt you." Narinig kong sabi ng isa.

Teka...

Wala na nga ata ako sa sarili ko...

Bakit parang may accent ata yung nagsalita.

British accent?

Nababaliw na nga ata ako! ⊙﹏⊙

Sisigaw nalang ulit sana ako ng magsalita ulit ang isa.

"Please...ca-calm down Miss. We're no harm."

Nanginginig parin ako at humigpit pa hawak ko sa flashlight na itinapat ko sakanila. Parang ayaw kong maniwala na wala silang gagawing masama sa akin. Hanggang mapalingon ako sa paa nila.

Nakasapatos??

Kung takas sa kulungan tong mga ito siguro naman nakapaa..

Ay ewan! malay ko ba kung mga sindikato na napadpad dito.

"W-ho are you?! A-and what are you d-doing in here?" na-managed kong itanong sa kabila ng takot ko at panginginig. Bahagya kong pinunasan luha sa pisngi ko gamit ang braso ko. Wala na akong paki kung gumihit man ang putik sa mukha ko.

"Thank God! She speaks english." Halos masayang sabi nung isa. Napabuntong hininga pa. Parang natanggalan ng tinik. Pero bahagyang siniko ng kasama niya at biglang nanahimik.

Hindi na sila ulit nagsalita ng makita nilang medyo kumalma ako.

Parang ayaw nilang magsalita..
Anu yun sila pa yung natatakot.

Hindi narin ako umimik. Napansin ko nalang din na di sila gumagalaw sa pwesto nila. Parang pagod na pagod sila. Sino ba 'tong mga ito?

Ang weird lang kasi yung takot na nararamdaman ko kanina medjo napalitan ng pagtataka.

Wala nga siguro silang gagawin sa aking masama. Kasi kung meron nga.. Sana lang kanina pa nila ginawa. Baka nga dapat sapilitan pa nila akong hinahawakan, binubusalan, sinasaktan. Pero wala eh. Andun lang sila nakatulala at paminsan-minsan nagnanakaw ng tingin sa akin.

Bakit parang bigla akong nakaramdam ng hiya? 😧😦😟

Inilipat ko yung liwanag ng flashlight sa taas. At saka ko napansin na medyo malalim din pala ang ikinalaglagan ko. Mahihirapan akong makaakyat dito. Maputik and obviously madulas.

Wait, Di kaya nahulog din itong mga 'to dito at di lang sila makaakyat pabalik?

"W-Where are you came from?" Nasopresa ako sa sariling tanong. Di ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob para magtanong sa kanila. Pero sinagot lang nila ako ng isang buntong hininga. Ang weird nila hah. Sabi nung isa kanina 'NO HARM' sila tapos ngayon tinatanong ko sila eh hindi naman sila umiimik. Paanu naman ako makakatiyak na di nila ako sasaktan?

"Aaaw...fuck!!"

Bigla akong natigilan sa narinig ko.

Sa'n galing boses na yun?

Nanginginig na inilibot ko ang liwanag ng flashlight hanggang sa maitapat ko iyon sa nabagsakan ko kanina.

Nasapo ko nalang bibig ko ng makita ko ang isa pa sa kasama nila malapit sa tabi ko. At duguan siya, mukhang siya yung tumakip sa bibig ko kanina.

"Jesus..." Nasambit ko sa sobrang gulat. Agad siyang nilapitan ng apat na kasama niya.

"God, he's still bleeding. He will surely die if we can't stop the bleeding." Tarantang sabi nung isa.

"What are we going to do now? Were all stocked here. This is shit!"

Parang bigla akong nakaramdam ng guilt. Kasi kanina nadaganan ko siya kaya lalo siguro nadugo sugat niya.

Eh malay ko ba naman na sa kaniya ako babagsak..

"You have to stay strong mate OKaY?" Sabi nung isa sa duguan na kasama nila. Umuungot parin yun sa sakit.

Nung una napagdesisyunan ko nalang na dumistansiya sa kanila at hindi nalang makipag-usap. Tutal parang mas gusto naman nila ng ganun. Saka ayoko lang makialam. Hindi ko sila kilala at di ko alam kung anu nasa isip nila.

"I....I f-feel cold." Sabi nung may sugat na lalake medyo raspy yung boses niya. Kinapa ng isa sa kasama niya ang nuo niya.

"Y-you're burning!" Nag-aalalang sabi nung isa pa.

Naku po nilalagnat na siya. Delikido na nga lagay niya. Maya-maya pa nanginginig na siya sa lamig... Nataranta lalo yung apat.

Dun na ako nagdesisyon na lumapit sa kanila..

Dahan-dahan akong lumapit.

"I....I think I can help." Sabi ko at sabay-sabay silang napalingon sa akin. Parang nag-aalangan pa sila na humingi ng tulong. Ewan ko kung bakit? Kung anu man yun syempre sila lang ang may alam.

"Y-you said he is burning, means he has already a fever. And maybe because of his wounds."

Nagtinginan sila ulit.

"OK, I....I understand if you don't need my hel---

"You think you can treat him?" Tanong sa akin nung isa.

"I guess so..I-I'll try." Sagot ko.

Hindi man ako kumuha ng medical course gawa ng business management ang ipinakuha ng lola ko sa amin. Eh sa sobrang pangarap kong maging Nurse, hilig ko paring magbasa at aralin mga medical books sa library ng St. Mary. Kaya kahit paanu may alam ako ng kunti sa first Aid.

Nagsipag-gilid sila para makalapit ako sa kasama nila. Lumuhod ako sa tabi niya.

"Can you..uhm..please hold this for me?" Medyo nahihiyang utos ko sa kanila. Agad naman nilang kinuha yun at itinapat sa amin. Inayos ko ng kunti yung dislocated ko ng salamin sa mata ko.

"M-mind if I...." Putol kong paalam sa may sugat na lalake. Hindi ko masabi ng diritsyo na bubuksan ko iyong buttones ng checkered na polo shirt niya.

Tumango lang din siya.

Nanginginig ako nakakainis. Daig ko pang may pasma nito. Pagkabukas ng polo shirt niya, nakahinga ako ng unti na nakadoble siya ng white rolling stone na shirt  sa loob at hindi agad bumulaga sa akin ang katawang tao niya. Dun ko nalang din nakita ang mas malaking mantsya ng dugo sa damit niya, dumudugo pa nga ito. Napalunok ako at bumuntong hininga, saka ko itinaas ng dahan-dahan yung Rolling Stone shirt niya para makita ko yung sugat. Naiilang lang kasi ako. Well ganito ata talaga pag hindi ka nakikisalamuha sa mga opposite sex.

Yup kahit minsan hindi ko pa nagawang makipag closure sa mga lalake noh maliban sa lolo ko, sa tito ko sa pinsan ko(mga kuya ni Jill)

Ngayon lang..

Tumango na lang siya mukhang nagets na naiilang pa ako.

Itinaas ko yung shirt niya hanggang sa ibaba ng dibdib niya. Dun ko nalang din napansin yung butterfly tatto sa tapat ng sikmura niya. OKAY ngayon lang ako nakakita ng male human body in personal at ang masaklap mahahawakan ko pa. Tapos may Tattoo pang kasama. Hindi ko alam pero takot talaga ako sa mga taong may tattoo. Siguro nga O.A na ako nun, pero ang isang 'to nakakaagaw ng pansin, Pinilit ko na nga lang mag-focus sa sugat niya.

Buti nalang hindi yun ganun kalalim gawa ng nadaplisan lang siya ng bala. Pero kailangan parin mahinto ang pagdurugo at maagapan ng penicillin.

Nag-isip ako ng pwede kong ipantapal. Kaya lang ng mapalingon ako sa kanila lahat nga pala ng suot nila ay puro putik na. Kahit ang checkered na damit niya ganun din. Baka mainfect pa lalo.

Hanggang sa mapalingon ako sa sarili ko. May blazer nga pala ako. Kaya lang kung tatanggalin ko 'to naka white sleeveless nalang ako at maginaw pa dito.

╥﹏╥

Sacrifice?

Mukhang ganun na nga.

So ayon nahihiya akong tinanggal yung blazer ko agad na nagtaasan balahibo ko sa lamig. Pero inihinga ko nalang ng malalim. Kasunod nun ginamit ko yung cross pendant ng kwintas ko at itinisok ko yun sa saloy ng mahabang palda ko at pinunit ko yung parteng walang putik para makabuo ako ng panali.

Saka ko kinapa yung alcohol sa bulsa ko na nakalagay pa sa maliit na lalagyan. Lagi akong may dala nito gawa ng lagi kaming naglilinis sa foundation hall.

"Take a deep breathe OKAY? I'm going to pour this in here." Sabi ko na ang tinutukoy ko ay sa tagiliran niya. Tumango siya at huminga ng malalim saka siya  umiwas ng tingin at pumikit.

Huminga rin ako ng malalim saka ko dahan dahan na ibinuhos yung alcohol sa tagiliran niya.

Pigil na pigil siya sa pag-ungot pero napapaangat siya sa sakit. Napahigpit na nga siya ng hawak sa palda ko.

Hindi niya ata narerealize yun?

"Shit." Mahinang sambit niya. Hindi niya natiis na di ikawala ang sakit sa bibig niya.

Pinunas-punasan ko iyon para matanggal ang mga dumi sa gilid ng sugat niya. Saka ko ulit binuhusan iyon at umaray na siya.

"Aw! Can you please careful?" Parang galit pa siya. Aba pasalamat siya at tinutulungan ko pa siya.

"It's just an alcohol Mr. and if you can't resist the pain then how would you survive in the next step?" Sarcatic kong sagot sa kaniya. Nagtinginan yung apat sa sinabi ko. Mataray na kung mataray pero kung gusto niya maligtas din buhay niya magtiyaga siya.

Di na siya umimik.

Kasunod nun ay 20 second compression sa sugat niya. Para mapigilan ang pagdurugo ilang beses ko iyon ginawa, at ilang beses din siyang napasigaw sa sakit. Nang matiyak ko ng humina na ang pagdurugo ng tagiliran niya,tinapal ko na yung malinis na parte ng blazer ko sa tagiliran niya. At akmang itatali ko na sa baywang niya yung tali..

Bigla akong natigilan.

Hindi ko alam kung paanu ko iyon ipapalibot sa baywang niya. Pero itinuloy ko parin, naiilang lang ako na parang halos mayakap ko yung baywang niya at ang nakakailang pa kasi parang nakatitig pa siya sa akin. Pwede ba di ako sanay sa mga ganyan.

Pagkatapos kong maitali yun itinapal ko sa sugat niya. Ibinaba ko narin agad ang damit niya at dahan dahan akong napaatras ulit pabalik sa pwesto ko kanina.

**********

LIAM

We decided to not to ask someone for help, To make sure our safety. But then Harry is in danger. And thank god, the girl voluntarily help us after all the screams she did.

It almost break our eardrums.

But then she's a good hearted person

In fact in this faces we have right now? I won't blame her for being frightened and maybe she would just ignore us rather than helping us.

She maybe an Angel in disguised

And I have a feeling that maybe she can help us to contact Uncle Simon.

"Is...Is there any telephone station near here?" I asked the girl almost regretting. She looked at me for awhile maybe thinking if she's going to answer me or not but then she shook her head no.

"There's no telephone and mobilephones here. And if you wanted to call someone, you have to go to City. Problem is, City is too far from here that you have to take 2 hours of traveling." She said. I gulp of what she told me. No telephones? 2 hours of destination? What place is this? This is horrible. And it's not a good Idea to go to a public place like City. People will surely go crazy and if that's happened our killer might know where were we.

"How about computer? Internet? IPAD?" She still shook her head no.

"Satellites won't functioned here because of the storm happened here three years ago, the reason why there's no telephone and internet connection. Even television channels are not available." She answered grasping her shoulders in cold.

So Lucky...

No telephones... No internet.. No television channels..

Just Great. -_-||

How can we contact Uncle Simon or even David?

"Syd!"

We stop. After hearing the voice from above. And it's actually a familiar voice.

****

Jill

Nagmadali na akong makabalik agad sa kakahuyan. Humingi ako agad ng tulong sa unang taong nakita ko.

Si Manang Eugene at Mang Ramon

Para makuha si Syd sa hinukay na lupa nila Mang Ramon.

"Syd!" Tawag ko sa ibaba. Teka nalimutan ko pang magdala ulit ng flashlight! Ang engot naman!

Sana OK lang si Syd. Nag-aalala kasi ako paanu ba naman kanina hindi na siya nagsasalita baka hinimatay na.

"Ji-Jill ikaw na ba yan?" Boses iyon mula sa baba. Bigla akong nakahinga ng maluwag. Si Sydney na iyon.

"Ayos ka lang ba diyan?" Tanong ko. Maya't maya pa ay bigla nalang ako nasilaw ng may itapat siyang liwanag sa akin. Huli na ng malaman kong yung flashlight pala 'yon.

Asa kaniya pala yung flashlight. Nahulog ko siguro yun kanina nung magulat ako sa pagkakahulog niya.

"Ayos lang ako. K-Kaya lang kasi Jill--

Putol na sabi niya.

"May nangangailangan ng tulong natin." Dugtong na sabi niya. Nagtinginan kami nila Manang Eugene at Mang Ramon.

Naku po wala na ata sa sarili ang pinsan ko. 〒_〒

Kung ano-anu na ang sinasabi eh. Di naman kaya na-e-engkanto na?

"Anu ba sinasabi mo iha? Ayos ka lang ba talaga?" Tanong ni Manang Eugene.

Bigla nalang inalis ni Syd ang liwanag sa amin at itinapat iyon sa tapat niya.

('⊙ω⊙') Dun namin naunawaan ang sinasabi niya.

Hindi siya nag-iisa.

Bahagya pang nagulat ang mga ito ng itapat sa kanila ni Syd ang flashlight.

"S-Sila po nangangailangan ng tulong." Sabi niya.

"Oh Diyos ko." Sambit ni Manang ng mapansin na mukhang may tama ang isa.

*******

Hi lovely readers what do you think in this chapter.

I badly need your help guys

Please share, comment and vote tnx

Pwede pong magrequest ng kahit 10 comments po? Pleeeaassee.. Mmuah!!

-R.P.B
ฅ'ω'ฅ

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top